~Tanghali~
"Kimberly Poblete? Wala akong kilalang may ganung pangalan, e."
Sagot ng ina ni Anna kay Yvonne habang umiiling ito nang nakatingin sa dalaga. Tumango lamang ito bilang tugon sa ina ng kaibigan. Habang nakatayo lamang ang dalawa sa loob ng opisina ng mini grocery ng mga Dionisio nang magkaharap ay bigla nang lumitaw si Jervin habang tumatakbo na ito patungo sa opisina.
"Jervin."
Tawag ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata na nakatayo na sakaniyang harapan nang hinihingal.
"Anong nangyari sayo? Ba't ka hinihingal?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy lamang nitong pinagmamasdan ang binata sakaniyang harapan, ngunit hindi nagsalita ang binata, sapagkat ay bigla niyang niyakap ang dalaga. Bahagyang nagulantang ang dalaga sa ginawa sakaniya ng binata, ngunit hindi nagtagal ay niyakap na rin nito pabalik ang binata at saka ngumiti.
"Wag mo nang uulitin un."
Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay higpit nito ng kaniyang pagkakayakap sa dalaga. Ilang saglit pa ay dumating na rin sila Anna at Hendric sa mini grocery at nasilayan ang yakapan ng binata at ng dalaga.
"Hindi ko masisiguro un."
Tugon ni Yvonne kay Jervin sabay kawala na mula sakanilang pagkakayakap. Takang tinignan ng binata ang dalaga gamit ang kaniyang namumulang mga mata habang hawak na nito ang magkabilang balikat ng dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?"
Naguguluhang tanong ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang magkabilang balikat ng dalaga. Nginitian lamang ng dalaga ang binata at saka tinignan na ang kanilang mga kaibigan na papalapit na sakanilang dalawa.
"Wag ka na kasi bigla-biglang mawawala bunso~ Hindi natin alam kung ano-ano pa ang mga gagawin nito pag nawala ka nanaman."
Nakangiting sabi ni Hendric kay Yvonne habang nakatingin ito sa dalaga at nakaturo ang daliri nito kay Jervin. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa magkabilang balikat ng dalaga at saka sinamaan ng tingin ang kaibigan. Pinalo lamang ni Anna ang braso ng kaibigan na nakatayo sakaniyang tabi habang nakatingin kay Jervin at kinakabahan.
"Aray! Para san naman un?!"
Reklamo ni Hendric kay Anna sabay tingin nito ng masama sa kaibigan sakaniyang tabi habang hinihimas na nito ang kaniyang braso na pinalo ng kaibigan. Inosenteng tinignan ni Yvonne ang dalawang kaibigan sapagkat wala itong kalam-alam sa nangyayari.
"Hindi ka ba kinakabahan sa tingin sayo ni Jervin?"
Kinakabahang tanong ni Anna kay Hendric habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin kay Jervin. Ang masamang tingin ng kaibigan ay nalipat na sa binata sakanilang harapan at agad namang iniwas nito ang kaniyang tingin sa binata nang magkasalubong ang kanilang tingin.
"Ba't hindi mo agad sinabi sakin?"
Mahinang tanong ni Hendric kay Anna habang nakatingin nang muli ito sa kaibigan sakaniyang tabi. Hindi pa rin inaalis ng kaibigan ang tingin nito sa binata habang unti-unti nang tumutulo ang kaniyang pawis dahil sa kaba.
"Anong meron?"
Walang kalam-alam na tanong ni Yvonne kila Jervin, Hendric at Anna sabay hawak nito sa braso ng binata kaya't naalis na ang masamang tingin nito sa kaibigang lalaki.
"Pasalamat ka kasama natin ngayon si Yvonne. Hindi na siya nakatingin ng masama sayo."
Bulong ni Anna kay Hendric habang pinupunasan na nito ang kaniyang pawis. Nagpakawala na ng malalim na hininga ang kaibigan nang marinig ang sinabi sakaniya.
"Nakakatuwa naman kayong panuorin na apat. Naaalala ko tuloy ung kabataan ko sainyo."
Nakangiting sabi ng ina ni Anna habang tinitignan nito ang kaniyang anak pati na rin ang mga kaibigan nito.
"Bea, ilibre mo nga 'tong mga kaibigan mo ng tanghalian."
Nakangiting sabi ng ina ni Anna sakaniyang anak sabay lakad na nito patungo sakaniyang lamesa. Biglang nanlaki ang mga mata ng kaibigan dahil sa narinig mula sakaniyang ina.
"Pera ko?!"
Gulat na tanong ni Anna sakaniyang ina habang tinuturo nito ang kaniyang sarili. Natawa na lamang si Hendric dahil sa naging reaksyon ng kaibigan sabay layo na nito roon habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagtawa.
"Pera ko. Yan ba gusto mong marinig?"
Sabi ng ina ni Anna habang may hawak na itong dalawang sobre at pera at naglalakad na ito papalapit kila Yvonne at Jervin.
"Ito na pala ung mga sweldo niyo."
Nakangiting sabi ng ina ni Anna kila Jervin at Yvonne habang iniaabot na nito ang dalawang sobre sa binata at dalaga.
"Salamat po, Tita~!"
Masayang pasasalamat ni Yvonne sa ina ni Anna sabay kuha na ng sobre mula rito. Nakangiting kinuha na rin ni Jervin ang sobre mula sa ina ng kaibigan.
"San niyo gustong kumain?"
Nakangiting tanong ni Anna kila Yvonne at Jervin habang naglalakad na papalapit sakaniyang ina upang kunin ang pera nito.
"Sa Hamburger Queen~!"
Sabik na sagot ni Hendric sa tanong ni Anna kila Jervin at Yvonne. Mabilis itong nilingon ng kaibigan pagka kuha ng pera mula sakaniyang ina at saka sinamaan ito ng tingin.
"Sino may sabing kasama ka?"
Mataray na tanong ni Anna kay Hendric habang patuloy pa rin nitong tinitignan ng masama ang kaibigan. Agad na pinanlakihan ng mga mata ng kaibigan si Anna, samantalang sina Yvonne at Jervin naman ay tahimik na tumatawa sa gilid.
"Si Tita."
Sagot ni Hendric sa tanong sakaniya ni Anna sabay tingin na nito sa ina ng kaibigan. Tinignan na rin ng kaibigan ang kaniyang ina at nasilayan itong tumango habang nakangiti.
"Seryoso ba?"
Pareklamong tanong ni Anna sakaniyang ina sabay lupaypay sa harapan nito. Nakangiting tumangong muli ang ina nito bilang tugon rito. Napabuntong hininga na lamang ito, samantalang si Hendric naman ay abot langit na ang ngiti nito.
"Gusto niyo rin ba sa Hamburger Queen?"
Tanong ni Anna kila Jervin at Yvonne habang nakasimangot at naka lupaypay pa rin ito. Nagtinginan sa isa't isa ang binata at ang dalaga at saka ngumiti na sa kaibigan na nakatayo sakanilang harapan.
"Tara na sa Hamburger Queen."
Matamlay na sabi ni Anna sabay lakad na papalabas ng opisina ng kaniyang ina. Masayang tinignan nila Yvonne at Jervin ang ina ng kaibigan at saka tumango rito upang magpa salamat muli. Tumango rin pabalik ang babae sa dalawa habang nakangiti.
"Pagpalitin niyo muna ng damit sila Yvonne at Jervin."
Sabi ng ina ni Anna sakaniyang anak at kay Hendric na tuloy-tuloy na sakanilang paglalakad papalabas ng mini grocery. Mabilis na nilingon ng dalawang kaibigan sina Yvonne at Jervin at doon lamang napansin na hindi pa pala Nakakapagpalit ng mga damit ang dalawa.
"Bilisan niyo na! Lalu ka na Bunso! Ambagal mo pa naman kumilos!"