Chereads / Runaway With Me / Chapter 71 - Tamayo's Residence 6

Chapter 71 - Tamayo's Residence 6

~Umaga~

"Ilang araw na lang birthday na namin ni kuya Pao."

Malungkot na sabi ni Yvonne sakaniyang sarili habang nakahiga sakaniyang kama sabay buntong hininga habang nakatingin sa kisame ng kaniyang kwarto. Ilang saglit pa ay lumitaw na si Josh sa kwarto ng dalaga kasama sina Justin, Vester, Paolo at Felip.

"Anong gusto mo sa 18th birthday mo, Bon?"

Malumanay na tanong ni Josh kay Yvonne habang umaakyat na ito sa kama ng dalaga. Umakyat na rin ang apat sa kama ng dalaga at saka sinundan ang nakatatandang dwende na nakahiga na sa tabi ng ulo ng dalaga.

"Gusto ko nang makaalis dito at mamuhay ng tahimik kasama kayong lima at pati na rin si Jervin."

Malungkot na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Josh sabay lingon na sakaniyang kanan upang makita ang limang dwende na nakahiga sakaniyang tabi at saka nginitian ang mga ito.

"Ba't kasama si Jervin?"

Takang tanong ni Justin kay Yvonne sabay upo nito mula sakaniyang pagkakahiga sa kama at saka tinignan na ang dalaga. Napaiwas ng tingin ang dalaga habang nakangiti pa rin ito at saka ibinalik na ang kaniyang tingin sa kisame ng kaniyang kwarto.

"Hindi ko rin alam, kuya Jah… pero kasi… sa tuwing kasama ko siya… nawawala lahat ng pag-aalala ko, pati na rin ang takot na lagi kong nararamdaman."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang nakatingin pa rin sa kisame at nakangiti pa rin. Malungkot na tinignan ng nakababatang dwende ang dalaga at saka napabuntong hininga. Nilingon naman ni Josh ang nakababatang dwende at saka nag-aalala itong tinignan.

"Balak mo bang umalis sa mismong birthday natin?"

Malungkot na tanong ni Paolo kay Yvonne sabay upo na nito sa kama at saka malungkot na tinignan ang dalaga. Napaupo na rin ang dalaga at saka nakangiting tinignan ang mga dwende sakaniyang kanan.

"Kinagabihan."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong ni Paolo sakaniya sabay tayo mula sakaniyang kama, naglakad patungo sakaniyang aparador upang kumuha na ng kaniyang susuotin para sa araw na ito.

"Friday na ngayon~ Payday~ bawal tayo ma-late, kuya Felip."

Sabi ni Yvonne kay Felip habang namimili ng kaniyang susuotin. Tinignan ng pangalawa sa nakababatang dwende si Josh habang nanlalaki ang mga mata nito at saka tinuturo ang kaniyang sarili. Tumango lamang ang nakatatandang dwende bilang tugon sa pangalawa sa nakababatang dwende kahit pa na wala pa itong tinatanong rito. Sina Paolo at Vester nama'y tahimik na tinatawanan ang reaksyon ng pangalawa sa nakababatang dwende, samantalang si Justin nama'y malungkot na pinagmasdan ang dalaga mula sa kama nito.

"Kuya Josh, pwede bang lumaki tayong mga dwende?"

Tanong bigla ni Justin kay Josh habang patuloy pa rin nitong pinagmamasdan si Yvonne. Mabilis na nilingon nila Vester, Paolo, Felip at ng nakatatandang dwende ang nakababatang dwende habang nanlalaki ang mata ng mga ito.

"A-anong ibig mong sabihin ng 'lumaki', Jah?"

Gulat na tanong ni Josh kay Justin habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa nakababatang dwende. Napabuntong hininga ang nakababatang dwende at hindi pa rin nito inaalis ang tingin kay Yvonne na inaayos na ang kaniyang mga dadalhin.

"Ung katulad kila Yvonne… posible bang lumaki ang mga dwende na kasing laki ng mga tao?"

Tanong muli ni Justin kay Josh sabay tingin na sa nakatatandang dwende ng malungkot at malapit nang maluha. Mabilis na nilapitan ng nakatatandang dwende ang nakababatang dwende at saka niyakap ito.

"Hindi ko alam, Jah… hindi ko alam…"

Malungkot na sagot ni Josh sa tanong sakaniya ni Justin habang yakap pa rin ang nakababatang dwende. Dahan-dahan nang nilapitan nila Vester, Felip at Paolo ang dalawang dwende at saka niyakap na rin ito.

"Ano naman kaya mangyayari ngayong araw?"

Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili sabay sara na ng pintuan ng kaniyang aparador habang mayroon na siyang hawak na damit. Nilingon na ng dalaga ang kaniyang kama at nasilayan ang kaniyang pinakamamahal na mga dwende ay yakap ang isa't isa, kaya't nakaramdam ito ng lungkot.

"Pwede ba akong sumali?"

Tanong ni Yvonne kila Justin sabay lapag na ng kaniyang damit sa kama at saka Naluhod na sa tabi nito. Mabilis namang kumawala ang nakababatang dwende mula sa yakap ni Josh at mabilis na tumakbo papalapit sa dalaga upang yakapin ito.

"Gusto kong sumama sa pag-alis mo, Yvonne."

Sabi ni Justin kay Yvonne habang yakap pa rin ang dalaga at saka umiyak na. Tumulo na rin ang luha ng dalaga at saka napabuntong hininga.

"Sorry kuya Jah… hindi pwede."

Malungkot na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Kaagad na kumawala ang nakababatang dwende mula sa yakap nito sa dalaga at saka tinignan ito ng taimtim sa mga mata.

"Bakit hindi? Ayaw mo ba akong isama?"

Malungkot na tanong ni Justin kay Yvonne habang dahan-dahan na itong naglalakad paatras mula sa dalaga. Umiling ang dalaga habang pinupunasan ang kaniyang mga luha at nakatingin sa nakababatang dwende sakaniyang harapan.

"Hindi sa ganon, kuya Jah. Baka kasi pag sinama kita, hanapin ka ng mga magulang mo. Ayoko lang na mag-alala sila dahil wala ka na sa piling nila."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang nakatingin pa rin sa nakababatang dwende. Dahan-dahang nilapitan ni Josh ang nakababatang dwende at saka hinawakan ang balikat nito habang umiiyak na rin.

"Kailangan nating maiwan dito para mabalitaan si Yvonne sa mga nangyayari sa pamamahay at sa pamilyang 'to."

Sabi ni Josh kay Justin habang hawak pa rin ang balikat ng nakababatang dwende habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nginitian ni Yvonne ang nakatatandang dwende at saka tumango bilang tugon rito.

"Kung aalis ka… bakit gusto mo pang malaman kung ano nangyayari dito?"

Takang tanong ni Vester kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa dalaga at umiiyak din. Agad namang sinundan ni Paolo ang pangalawa sa nakatatandang dwende at saka binatukan ito habang umiiyak na rin.

"Aray!"

"Hindi porket iiwanan ni Yvonne ung pamilya niya ay hindi na niya gustong kamustahin ang mga un."

Pagtatanggol ni Paolo kay Yvonne habang tinitignan ng masama si Vester na nakatayo sa tabi niya habang hinihimas na ang parte ng kaniyang ulo na binatukan ng gitnang dwende.

"Tama si kuya Pao. Hindi porket sinasaktan nila ako ay hindi ko na sila iisipin matapos ko silang iiwanan."

"Ako pa rin ba ung isasama mo ngayon, Yvonne?"

"Felip…"

"Masama na ba magtanong?"