~Hapon~
"Madalas ka bang mag-cutting dati, Tamayo?"
Tanong ni Angela kay Yvonne habang naglalakad silang lima nila Jasben, Ceejay at Jervin patungo sa kantina.
"Mmm."
Simpleng sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Angela habang tumatango itong nakatingin sa kaklase. Nanlaki ang mga mata ng tatlo nilang kaklase sabay tingin na sa dalaga at napahinto sa paglalakad. Napahinto na rin sa paglalakad ang dalaga pati si Jervin nang mapansin nila ang reaksyon ng tatlo.
"Seryoso ba?!"
Gulat na tanong ni Ceejay kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga nang nanlalaki ang mga mata. Natawa lamang ng bahagya ang dalaga at saka tumango bilang tugon sa tanong sakaniya ng kaklase.
"Weh?! Hindi halata!"
Hindi makapaniwalang kumento ni Angela kay Yvonne habang pinanlalakihan pa rin nito ng mata ang dalaga.
"Ba't nagka-cutting ka?"
Malumanay na tanong ni Jasben habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin kay Yvonne. Nagkibit balikat ang dalaga habang nakatingin sa kaklase at saka naglakad nang muli. Mabilis namang sumunod ang tatlong kaklase kila Jervin at sa dalaga.
"Ba't di ka nag-cutting ngayon, Jervin?"
Tanong ni Jasben kay Jervin habang tinitignan nito ang binata at patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad. Napatingin na rin si Yvonne pati na rin sila Angela at Ceejay sa binata habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad patungo sa kantina ng kanilang eskwelahan.
"Wala lang. Kailangan ko bang mag-cutting palagi?"
Sagot at tanong pabalik ni Jervin kay Jasben nang hindi tinitignan si Yvonne at ang kanilang mga kaklase. Napatango lamang ang dalaga bilang tugon nito sa binata samantalang ang tatlo naman ay nagkatinginan sa isa't isa habang nakangiti.
"Tamayo."
Tawag ni Ceejay kay Yvonne sabay tingin na nito sa dalaga. Mabilis namang nilingon ng dalaga ang kaklase at saka nginitian ito.
"Ano un, Ceejay?"
Nakangiting tanong ni Yvonne kay Ceejay habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad.
"Ano na ung sagot mo sa tanong ni Jasben kanina?"
Tanong pabalik ni Ceejay kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Agad na napaiwas ng tingin ang dalaga at saka napabuntong hininga.
"Feeling ko kasi nasasakal ako, e. Pareho sa school at sa bahay. Kaya kadalasan mas pinipili ko na lang na mag-cutting at magpunta sa kung saan malawak para makapagpahinga."
Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya kanina ni Jasben nang hindi tinitignan ang tatlong kaklase at si Jervin. Napabuntong hininga na lamang ang binata habang nakatingin sa dalaga at saka iniwas na ang kaniyang tingin rito. Nalungkot ang tatlo nang marinig ang sagot ng dalaga at nanatiling tahimik hanggang sa makarating na sila sa kantina.
"Bumili na kayo, hanap lang kami ng mauupuan."
Nakangiting sabi ni Angela kila Yvonne at Jervin sabay turo sa mga upuan. Tumango lamang ang dalaga at ang binata bilang tugon sa kaklase at saka nagtungo na sa tindahan ng mga biskuwit.
"Madalas ka rin ba mag-cutting dati?���
Inosenteng tanong ni Yvonne kay Jervin habang pumipili na ito ng kaniyang bibilhin. Nahihiyang ngumiti ang binata sabay himas ng kaniyang batok at saka natawa ng bahagya.
"Uhh… oo, e."
Nahihiyang sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay alis na ng kaniyang kamay mula sakaniyang batok at saka nag-umpisa na ring pumili ng kaniyang bibilhin na biskuwit.
"Dalawa pong Bomy tsaka isa pong Chuknee."
Nakangiting sabi ni Yvonne sa tindera habang inaabot na nito ang kaniyang bayad.
"Favorite mo ba ung Bomy?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na nito ang tsitsiriyang inabot ng tindera sa dalaga. Tumango ang dalaga at saka tinignan ang binata.
"Mmm. Masarap kasi, e. Lalu na ung caramel flavor~"
Masayang sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay bukas na nito ng isang balot ng tsitsiriya at saka kinain na ito.
"Dalawang Hasnel at dalawang Resibko."
Sabi ni Jervin sa tindera sabay abot ng kaniyang bayad rito. Habang iniintay ni Yvonne ang binata ay tumingin na siya sa mga upuan at saka hinanap na sila Ceejay, Angela at Jasben habang kumakain na.
"Sasama pa rin ba tayo sakanila?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne matapos niyang makuha ang kaniyang binili sa tindera. Tinignan na ng dalaga ang binata habang kumakain pa rin ito.
"Gusto mo na bang bumalik sa classroom?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang maamo na nitong tinitignan ang binata sakaniyang tabi. Agad na tinignan ng binata ang dalaga at saka mabilis ring napaiwas ng tingin dahil sa maamong itsura ng dalaga.
"Tara na, baka iniintay na nila tayo."
Tanging sabi ni Jervin kay Yvonne sabay lakad na patungo sakanilang mga kaklase na nakaupo na sa isang lamesa. Ngumiti lamang ang dalaga at saka mabilis na sinundan ang binata patungo sakanilang mga kaklase.
"Yan lang kakainin niyong dalawa?"
Takang tanong ni Ceejay kila Jervin at Yvonne nang makalapit na ang dalawa sakanilang kinaroroonan. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon sa kaklase at saka naupo na kasama sila.
"Upo ka na rin Jervin."
Pag-aaya ni Jasben kay Jervin habang kumakain na ito ng kanin. Tahimik na naupo lamang ang binata, binuksan na ang isa sakaniyang biniling biskuwit at saka kumain na ng tahimik sa tabi ni Yvonne.
"Tamayo, bakit pala lumipat ka dito kahit malapit nang mangalahati ung school year?"
Tanong ni Angela kay Yvonne sabay subo na nito ng kinakaing kanin. Nanahimik ng panandalian ang dalaga at saka nilunok na ang kaniyang nginunguya upang maka sagot sa tanong sakaniya ng kaklase.
"Uhh… ano kase… malayo ung pinanggalingan namin, e, tapos malayo pa ung dati kong school. Kaya naisipan na lang nila Mama na ilipat na lang ako ng school kasi lumipat na kami ng tirahan."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Angela sabay kain nang muli. Tumango lamang ang kaklase bilang tugon sa sagot sakaniya ng dalaga at saka sumubo nang muli ng kaniyang pagkain.
"Yvonne na lang tawag niyo sakin."
Sabi ni Yvonne kila Jasben habang nakangiti ito sa tatlo. Agad na nilingon ni Ceejay ang dalaga at saka tinignan ito nang may halong pagtataka sakaniyang mukha.
"Ba't ayaw mong Tawagin ka sa apelyido mo?"
Takang tanong ni Ceejay kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Napangiti ng bahagya ang dalaga at saka tinignan na ang kaklase sa mga mata nito.
"Walang magandang naitulong sa buhay ko ang pamilyang pinanggalingan ko at wala ring magandang naidulot sakin ang apelyido ko ngayon."