Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ms. Fantasy meets Mr. Sungit (Tagalog)

Shienminki
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17k
Views
Synopsis
My Username: Shienminki :) #Romance #Comedy #Drama #Fiction Prologue "Gusto ko sya matagal na, kahit nga anong gawin nya napapansin at pinapansin ko eh. He's like a price that every girls in our school wants to be his princess, and, I'm one of those girls who also dreamed to be his princess.... Sana kagaya ni Cinderella na sa dinami-rami ng naggagandahang babae sa paligid, sa isang commoner pa rin na in love ang prinsipe..... .......Just like in fairytale, will he loves me too just like how much I love him? I really hope he do." "This is not a fairytale, he's not a prince and you'll never be his princess so stop dreaming and go back to your senses..... .....'Cause he doesn't love you and he will never do....."
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 - Library

We were both young when I first saw you

I close my eyes and the flashback starts

I'm standing there on a balcony in summer air

See the lights, see the party, the ball gowns

See you make your way through the crowd

And say hello

Little did I know

That you were Romeo, you were throwing pebbles

And my daddy said, Stay away from Juliet

And I was crying on the staircase

Begging you, please, don't go

And I said,

Romeo, take me somewhere we can be alone

I'll be waiting, all that's left to do is run

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story, baby just say yes

So I sneak out to the garden to see you

We keep quiet 'cause we're dead if they knew

So close your eyes, escape this town for a little while

'Cause you were Romeo, I was a scarlet letter

And my daddy said Stay away from Juliet

But you were everything to me, I was begging you, please, don't go

And I said Romeo take me somewhere we can be alone

I'll be waiting, all there's left to do is run

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story baby just say yes

Romeo save me, they're trying to tell me how to feel

This love is difficult, but it's real

Don't be afraid, we'll make it out of this mess

It's a love story, baby just say Yes Oh ooh

Haaayyy, ang galing talaga ni Taylor Swift kumanta pati na rin yung maga songs nya, ang galing lang nya mag compose. Sana someday makapag sulat din ako ng kanta kagaya nya tapos kakantahin ko yun sa harapan ng taong mahal ko.

"Jaylah! Nandito na yung service mo bumaba ka na dyan baka malate ka!" dali dali ko namang kinuha yung mga gamt ko para sa school at tsaka lumabas ng kwarto ko. Buti na lang maaga akong magising ngayon kaya naman maaga din akong nakapag ayos papuntang school. At tama po ang narinig ninyo weird man dahil high school na ako pero may SERVICE pa rin po ako parang grade school lang at ang dahilan kung bakit? Malayo kasi yung school ko sa bahay at dahil over protected ang mga magulang ko ayaw nila ako magcommute. Okay na rin naman kesa sila yung maghatid sakin papuntang school.

"Oh anak baon mo, magiingat ka ha mag-aral ng mabuti"

"Yes ma, thank you po, muah! (kiss on the cheeks)" sya naman ang mama Janeth ko, o mas kilala bilang "MOMMY J" hahaha yaan yung tawag sakanya ng mga suki namin sa karinderya. Mabait, maalaga, at masipag ang mama kong yan at higit sa lahat magaling magluto. Kapag natikman nyo ang luto ng mama ko mapapa 'hmmmm' kayo sa sarap.

"Oy oy oy! Teka lang syempre ako din noh, huwag nyo kong kalimutan, isama nyo naman ako dyan. Come and kiss your popsy my priness!" hahaha ito naman ang popsy ko, yeah, you heard me right, popsy ang tawag namin sakanyang magkakapatid at kung bakit? Ewan ko nga din eh, siguro nakakain lang kaming magkakapatid ng tagpipisong pagkain na 'POPSY' ang pangalan kaya ayun, pero dahil pabagets ang popsy ko game naman sya sa tawag namin sakanya. Sya ang joker ng pamilya, mahilig din yang kumanta at magsulat ng mga kanta, sakatunayan nga ay ilan sa mga nagawa nyang kanta ay kinanta na ng ilang mga sikat na singers. Princess din ang tawag nya sakin dahil nag-iisa akong babae at bunso pa.

"Syempre naman po hindi ko kayo makakalimutan, kayo pa po ba? Hahaha muah! Bye po!"

"Bye anak! Umuwi ka ng maaga ha! May bago akong kanta ipaparinig ko sayo mamaya! Ok?!" sigaw ni popsy sakin habang nasa may pintuan na ako ng bus.

"Ok po! Gusto ko rin po yang marinig!" nakakahiya na talaga kami dito medyo malayo kasi yung pwesto ng bus namin at idagdag mo pa ang maingay na makina ng bus kaya ito at nagsisigawan na lang kami ni popsy para magkarinigan. Nakakahiya sa mga kapit bahay. Well sanay naman na sila eh, sadyang mataas lang talaga ang energy ng pamilya namin.

Pagkapasok ko ng tuluyan sa loob ng bus eh nakita ko kaagad ang bestfriend ko na si Stephanie na kumakaway sa akin, meaning may nireserve syang seat para sakin sa tabi nya.

"Good morning! Mukhang ang taas nanaman ng energy ng family mo ah?"

"Sus may bago pa ba dun? Ganun naman kami everyday eh kaya masanay kana"

"Nakakaingit talaga kayo, magpaampon na lang kaya ako sainyo? Para naman maranasan ko yung ganyang ambiance sa loob ng bahay" napangiti na lang ako sa sinabi nya naiintindihan ko rin naman kasi sya kahit papaano. Sya nga pala si Stephanie Marie Reyes ayan ang kaisa isahang bestfriend ko, lagi kaming magkasama nito actually since elementary pa lang magkaklase na kami eh at hanggang ngayon ay magkaklase pa rin kami. Ayaw namin maghiwalay eh noh? Well obvious naman eh. May itatanong sana ako kay Steph kaso pagtingin ko sakanya eh....

"zZZ" tulog na, huwag na nga lang. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nagmuni-muni hanggang sa makarating na kami sa school. Pagkahintong-pagkahinto pa lang ng bus dali-dali na agad ako tumayo at hinila si Steph pababa, hahaha gulat na gulat naman itong isa dahil sa paghila ko sakanya kung hindi lang ako nagmamadali pagtatawanan ko sana yung itsura nya eh.

"Jaylah ano ba?! Huwag ka nga tumakbo pwede? Mapapagalitan tayo ng guard at mga teacher nyan eh!"

"Ang bagal mo kasi eh!"

"Jaylah!" tumigil muna ako sa pagtakbo at paghila kay Steph para harapin sya at ang bruha hingal na hingal para namang nanggaling sa marathon. Mas masisita kami hindi dahil sa pagtakbo kundi dahil sa ingay ng babaeng ito eh.

"Okay sige, hindi na tayo tatakbo, maglalakad na lang tayo ng mabilis"

"Good, maglakad na lang tayo ng ma---waaahhh! Jessie!!!" at naglakad na nga po kami ng mabilis, hahaha

"Huwag kang maingay Steph mapapagalitan tayo!" haaay sakit talaga nitong isang 'to sa tenga. Mas masisita talaga kami nito dahil sa kaingayan ni Steph eh.

"Ang sabi ko maglakad ng mabilis hindi tumakbo ng mabilis!"

After ng maingay at mabilis na paglakad este pagtakbo namin ni Steph, nakarating na rin kami sa building namin pero bago ako pumunta sa room ko ay may dadaanan muna ako. Nakita ko kaagad ang kumpulan ng maraming studyante lalo na ng mga kababaihan sa harap ng isang room. Maya maya pa ay nagtilian na ang mga ito. Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa mga nagkukumpulang mga studyante ang after ng pakikipagsagupaan ko ko para lang makapunta sa harap ay nakita ko na ang prince charming ko. Ang gwapo! Ipapakilala ko sainyo ang lalaking dahilan kung bakit ako gumigising at pumapasok ng maaga, parang tanong lang sa Nescafe hahaha (para kanino ka gumigising). Ang tinaguriang prince charming ng halos lahat ng kababaihan dito sa school at isa na ako dun. Ang namumukod tanging crush ko ever since I entered this school. Si Sky Monteverde isang taon ang agwat nya sakin kaya kailangan ko pang baybayin ang room nya kung saan palagi na lang maraming nakapalibot na mga studyanteng babae para lang makita sya bago pa tumunog ang bell at magsimula ang klase. Everyday ganito ang gawain ko, masilayan ko lang sya kahit sa malayo okay na ako, feeling ko magiging maganda na ang araw ko kapag nakita ko sya pero mas maganda if someday mapansin nya rin ako. I'm always dreaming for that moment na mapapansin nya ako at magiging malapit kami sa isa't-isa. Heaven!

"lah... Jaylah! tumunog na yung bell at nagtatakbuhan na yung mga estudyante pabalik sa kani-kanilang klase kaya halika na at itigil mo na yang pagpapantasya mo dyan!" naalimpungatan ako sa sigaw ni Steph buti na lang kasama ko sya kundi naku! Tumakbo naman kami papunta ng classroom namin ngayon mahirap na terror yung first class namin baka hindi kami papasukin kapag nalate kami.

Isang oras na kaming nandidito sa loob ng room at bored na bored na ako. Wala kaming teacher dahil meron silang biglaang meeting, kaya heto kami ngayon at halos akala mo may fiesta sa loob ng room ang ingay pero wala naman pwede lumabas ng classroom. Mahigpit kasi sa school na ito eh as long as class hour kahit walang teacher hindi ka pwede magpagala-gala sa labas ng room.

"Pssst Steph!"

"Oh, bakit?"

"Nabobored ako labas tayo"

"Hindi pwede, masisita tayo ng guard"

"Library na lang tayo, sure hindi magagalit yun" tumayo na ako at wala rin namang nagawa si Steph kundi sumama sakin, syempre sure din naman ako na boredd na rin sya eh wala naman kami masyado kaclose sa kaklase namin kasi halos lahat kanya-kanyang tropa. Hindi pa kami nakakalayo sa room namin ay sinalubong na nga agad kami ng guard.

"Saan kayo pupunta? Bawal lumabas ng room at gumala. Bumalik na kayo"

"Pupunta lang po kami ng library, may kailangan po kasi kaming gawin na report para sa next subject po namin mamaya eh, sige na po manong guard hindi naman po kami maggagala-gala eh" napaisip pa si manong guard saglit at dahil nadaan ko sa pacute effect ko pumayag na rin naman na sya. Hahaha.

"Steph, maghahanap lang ako ng libro banda dun sa dulo"

"Okay, sige, dito lang ako maghahanap din muna ako nang mababasa ko. Dito na ako sa table para hindi mo na ako hanapin mamaya"

"Okay" umunta na ako sa may bandang dulong part ng library para maghanap ng magandang basahin, pag nabobored kasi ako minsan libangan ko ang pagbabasa ng libro. Habang naghahanap ako ng libro may nakita akong lalaki na natutulog sa gilidsa may tabi ng dingding habang may nakatakip na libro sa mukha nya. Medyo madilim na sa part na yun at wala masyado mga studyante kaya siguro walang nakakapansin at hindi sya sinisita. Pinilit kong maglakad ng dahan dahan para hindi ko sya maistorbo at magising hanggang sa malagpasan ko na sya at nang malayo layo na ako tsaka lang ako naglakad ng maayos ulit.

Kanina pa ako lakad ng lakad pero wala pa rin ako mahanap na babasahin. Babalik na nga lang ako sa room. Saktong pag harap ko may nabangga akong pader ay este tao pala. Napaupo talaga ako sa sahig sa lakas ng pag tama ko sakaya.

"Ouch!" ang sakit ng pwet ko.

"Miss sorry, nasaktan ka ba? Sorry talaga hindi kasi kita napansin eh"

"Okay lang kasalanan ko rin naman eh, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko" hindi ko alam kung ano itsura ng taong nakabangga sakin kasi nakayuko ako dahil sa sakit ng pwet ko.

"Tulungan na kita tumayo, masakit pa rin ba yung pwetan mo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

"Okay lang a---ko....." shocks hindi ako makapagsalita nung nakita ko na kung sino ang nakabangga sakin. Totoo ba 'to? Lord, is this real? Ang nakabangga sakin ay si crush aaaahhhh! Tumtalbog si heartyyyy parang nawala bigla yung sakit ng pwet ko dahil sa ganda ng nilalang na kikita ko ngaun sa harapan ko.

"Miss, okay ka lang?" naalimpungatan ako ng bigla ako tanungin ulit ni Sky. Oo, tama kayo si Sky nga ang nakabungo sakin, ang kausap ko ngaun ang magandang nilalang na nasa harapan ko ngayon.

"O-o-oo! Okay lang ako, wala 'to hahaha"

"Sorry talaga, hindi kasi kita nakita eh nagbabasa kasi ako habang naglalakad kaya hindi kita napansin."

"Wala yun ano ka ba, kasalanan ko rin naman eh hindi rin ako natingin sa dinadaanan ko" sabay ngiti ng pagkatamis tamis kahit ang sakit ng pwet ko talaga. Napatingin ako sa librong hawak-hawak nya at nanlaki talaga ang mata ko, napansin din ata nya kasi napatingin din sya sa hawak nyang libro. Yung librong hawak nya yung matagal ko nang gustong mabili na book kaso wala ako mahanap lagi ako nauubusan ng stock sa mga bookstore. Shocks! Gusto ko mabasa yung book waaaahhh!

"Do you like this book?"

"Ha?"

"Ang sabi ko do you like this book? Mukhang interesado ka kasi eh, you look so desperate to have it" ha? Ganun na ba ako kahalata?

"Ahh, hahaha kas napansin ko lang na yan yung book na gustong-gusto ko bihin kaso lagi ako nauubusan ng stock kaya hindi ko mabasa-basa"

"I see, if you want I can let you borrow it. Para na rin sa pambawi sa nangyari sa'yo" wait what watawat?! Totoo ba talaga 'to? Shocks, nanlaki talaga yung mata ko sa mga nangyayari ngayon. Una nakabangga ko ang nagiisa kong ultimate crush tapos kinakausap nya ako ngayon, tapos, tapos, tapos papahiramin nya pa ako ng libro nya?! Aaaahhhh Lord I love you na talaga!!!

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pero diba binabasa mo yan?" relax, kalma ka lang Jaylah baka mahalata ka nyang sobra kang kinikilig. Kesenem eh.

"Tapos ko naman na talaga basahin yan eh, inulit ko na lang pagbasa wala kasi ako mahanap na ibang magandang basahin pa eh"

"Oh my gosh, thank you! Sure ka talagang ipapahiram mo sa akin 'to?"

"Oo nga, hahaha now I know how much you really like this book"

"Hahaha oo eh, wala nag bawian yan ha pinahiram mo na sa'kin 'to"

"By the way, I'm Sky, and you are?" sabay abot sakin ng kamay nya para makipag shake hands

"Jaylah, Jaylah Marlene Santiago or you can just call me Ellah for short" sabay abot din ng kamay ko sakanya para makipag shake hands sakanya. Oh my gosh! Oh my golly wow! Hindi ako makapaniwala na hawak k ngayon ang kamay ni crush and puso ko.

"Nice meeting you Ellah" sabay flash ng killer smile nyang nakakasilaw

"Nice meeting you too" grabe hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon feeling ko mukha na ata akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko eh. Sana hindi nya mahalata.

"Sige mauna na ako ha, naghihintay na yung mga kasama ko sa labas eh. Bye, see you next time!"

"Bye, thanks ulit! Promise ibabalik ko din agad itong libro mo"

"Hahaha don't hurry, just take your time, hope you enjoy reading it"

"I will" nakatitig lang ako sa likod nya habang papalayo sya ng papalayo, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Kung wala lang ako ngayon sa library nagtatatalon at nagsisisigaw na ako sa tuwa. Kyyaaahhh! I love you na talaga Sky Monterverde my prince!