Chereads / Ms. Fantasy meets Mr. Sungit (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 2 - First Encounter

Chapter 2 - Chapter 2 - First Encounter

"Haaaayyyy!"

"Hoy Jaylah kanina ka pa hikab ng hikab dyan ah, ano bang ginawa mo kagabi at mukhang puyat na puyat ka ha?"

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo huwag mo muna ako kausapin at baka makita tayo ni Mr. Flores, mapa face the wall pa tayong dalawa, haaaayyy! (hikab ulit)" grabe antok na antok talaga ako ngayon pano ba naman hindi ako nakatulog kagabi kakaisip ko sa mga pangyayari kahapon sa library. Huhuhu kamusta naman kaya ang eye bags ko nito nakakahiya kapag nakasalubong ko si crush mamaya, waaahhh! Antok na antok talaga ako sabayan mo pa ng nakakabored na subject at teacher na parang yung black board ang studyante dahil dun lang sya nakaharap habang naglelecture. Konti na lang talaga at hihilik na ako dito sa upuan ko eh, buti na lang talaga at sa black board sya nakaharapkundi kanina pa ako nasita dito. Ang tagal naman kasi mag bell para makapag lunch na.

After how may years 'di joke lang natapos na rin ang nakakabored na klase at dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat ng studyante. Ang pinaka paborito kong subject sa lahat ang 'BREAK TIME' wooohhh!

"RRRRIIIINNNGGGG!!!" (bell ringing)

"Let's go Jaylah bilisan mo dyan at gutom na gutom na ako, huwag kang babagal bagal dyan!"

"Oo na sandali nga lang" pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko lumabas na agad kami ni Steph para makapag lunch.

Nandito kami ngayon sa may paborito naming tambayan ni Steph tuwing luch time, dito na rin kami kumakain hindi naman kasi kami bumilbili ng pagkain sa canteen eh mas bet kasi namin yung luch box. Malapit ito sa may garden ng school pero walang mga napunta na studyante dito. eewan nga kung bakit siguro kasi mastrip ng ibang studyante tumambay sa may garden. Kaya din pinili namin ni Steph dito na tumambay tuwing luch time ay dahil tahimik at malayo sa mga maiingay na studyante. Weird ba? Oo kami na ang mga alien pero ewan ko ba pero nagkakasundo kami ni Steph pag dating sa ganitong bagay. Wala naman kasi kaming ibang kaibigan dito sa school na super close namin eh kundi kaming dalawa lang talaga.

"Jaylah, bago tayo magkalimutan may dapat ka pang ikuwento sakin. Bakit ka napuyat kagabi at anong nangyari sa'yo kahapon dun sa library at hindi mawala-wala yung ngiti mo hanggang uwian?"

"Oh, oo nga pala, kahapon kasi sa library ano...."

"Ano?"

"Ano kasi.... kasi.... nakita ko si crush"

".....Yun lang? Nakita mo lang si Sky hindi na mawa-wala yung ngiti mo haggang uwian? Huwag mong sabihin sakin na dahil lang din dun kaya hindi ka nakatulog kagabi?" nanlalaking mata na tanong sakin ni Steph.

"Syempre hindi noh, ang babaw ko naman kung yun lang yung dahilan eh araw-araw ko naman yun nakikita bago magsimula ang klase."

"Eh ano pang nangyari?"

"Nagkausap kami, nagkabungguan kasi kami habang naghahanap ako ng libro na mababasa..." eehhh kenekeleg nenemen ako kapag naalala ko yung nangyari kahapon! (with matching blush pa yan ah) si Steph naman eto at nanlalaki ang mata na nakatitig sakin habang unti-unting nilalapit ang mukha sakin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Nagpakilala lang kami sa isa't-isa at ang pinakakinikiligan ko sa lahat ay yung pinahiram nya sakin yung libro nya, Naalala mo pa ba yung libro na gustong-gusto ko bilhin pero laging sold out? Yun yung librong pinahiram nya sakin kaya naman hindi ko na pinalampas yung pagkakataon. Feeling ko nakajackpot ako sa lotto eh, nakausap ko na si crush mababasa ko pa yung libro na matagal ko nang inaasam."

"What?! Really?!" halos hindi makapaniwala si Steph sa mga narinig nya dahil gulat na gulat talaga yung reaksyon nya naudlot pa nga yung pagsubo nya sana sa pagkain nya eh at muntik pa mabitiwan ang kutsara, kahit nga ako hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala na nakadaupang palad ko si crush ang nag-iisang tinaguriang prinsipe ng school na ito. Halos ng kababaihan eh gustng-guto mapalappit salanya. Para kasi syang artista na hindi mo basta-basta makakausap kung hindi ka naman nya kaclose o kaibigan o kaya naman kaklase.

"Oo totoo"

"Waaa---" tinakpan ko kaagad ang bibig ni Steph dahil grabe itong isang ito kung makatili baka may makarinig samin dito isipin pa kung napano kami, baka pagbawalan pa kami bumalik dito ulit.

"SSShhh, huwag kang maingay baka may makarinig sa iyo paalisin pa tayo dito" tinakpan naman ni Steph yung bibig nya at nagsenyas pa ng pang quite sign hahaha sira talaga 'tongg babaeng 'to kaya best friend ko 'to eh

"Kinikilig ako friend"

"Ako rin kinikilig hanggang ngayon at sa tuwing naalala ko yung mga sandali na magkasama kami kahapon sa library. Feeling ko kami lang yung tao dun at halos lahat ng nakapaligid samin ay naglaho ng parang bula (insert imagination here)"

"Ano wala kanaman pala binatbat eh!" habang nagiimagine ako tungkol sa aming dalawa ng prinsipe ko eh biglang may ingay na umalingaw ngaw na boses sa 'di kalayuan sa kinauupan namin ni Steph panira ng moment.

"Steph narinig mo ba yun?"

"Hmm, parang malapit lang dito eh"

"Ano, tayo! Ang yabang mo kasi wala kanaman pa lang binatbat!" ayan nanaman yung sigaw, dahil sa na-curious kami ni Seph nagmadali naman kaming ligpitin yung lunch box namin at hinanap kung saan yung mga sigaw. habang naglalakad kami palakas ng palakas ang ingay.

"Tama na! Pakawalan nyo na ako!" may nakita kaming mga lalaki na pinapaligiran ang isang lalaking nakahandusay sa sahig. OMG! Mukhang may pambubully na nagaganap dito. Parang yung sa mga napapanuon ko lang sa TV. Lumapit pa kami ng kaunti ni Steph at nagtago sa likod ng halaman para hindi kami makita ng mga lalaking nambubully, mahirap na baka pati kami madamay pa eh.

Sinilip namin ni Steph yung mga nambubully at yung binubully habang nasa likod ng mga halaman. Ganun na lang ang gulat namin nung makita namin na duguan na yung lalaking binubully at nakahandusay na sa sahig. At ang mas nakakagulat pa hindi ba alam ng mga teacher dito na may mga ganitong nagaganap sa loob ng school? Ngayin ko lang tuloy na pagisip-isip na bakit ba walang mga nadaan dito sa lugar na 'to ng school para man lang sana may umawat sa mga bully na ito. Shocks kawawa naman si kuya. Naramdaman kong hinihila ni Steph yung braso ko kaya naman napatingin ako sakanya.

"Jaylah, halika na umalis na tayo dito baka pati tayo madamay pa eh"

"Pero pano si kuya? Kawawa naman sya"

"Wala tayong ibang magagawa kundi humingi ng tulong sa mga teacher. Baka mahuli pa tayo dito at pati tayo madamay pa" napa-isip naman ako sa sinabi ni Steph kung sabagay, gutihin ko man tumulong pero ano naman ang laban namin dalawa sa mga nsa lima o anim na lalaking bully na 'to. Bukod pa dun pareho kaming babae. Muli aok napatingin dun sa lalaking nakahandusay sa sahig na ngayon ay kinukwelyuhan na ng isang lalaking may bandana sa ulo. Humarap ulit ako kay Steph at saka hinila ang kamay nya, handa na sana kami umalis para humingi ng tulong kaso biglang....

"Klaack!(sounds ng nabaling kahoy)" kung sa mamalasin ka nga naman oh, may natapakan akong piraso ng kahoy na nakakalat. Mapuno kasi sa lugar na ito eh kaya may iilan ilang mga halaman at maliliit na kahoy ang nakakalat sa paligid. At sa dinami-rami pa ng pwedeng pwestuhan ng nakakalat na kahoy na'to eh dito pa talaga sa may dadaanan ko. Anak ng tokwa!

"Sino yan?!" oh no, patay mukhang narinig nila baka makita kami ni Steph dito waaahh! Hindi pwede! Hinila ko kaagad si Steph at tska tumakbo kami ng mabilis.

"Hoy! Magsitigil kayo!" waaahh! Paglingon ko sa likod eh hinahabol na nila kami at ang bibilis nilang tumakbo! Sanay ata sa marathon itong mga ito eh. Nakita kong konting-konti na lang at malapit na nila kaming maabutan. Kailangan kong makaisip ng paraan, hinila ko ng napakalakas yung kamay ni Steph hanggang sa makapantay ko na sya sa pagtakbo at saka tinulak para mauna sa akin.

"Jaylah!"

"Steph bilis mauna kana humingi ka ng tulong sa mga teachers!"

"Hindi pwede, hindi kita pwede iwan!"

"Okay lang ako bilis! Hindi nila tayo pwede mahuli pareho!" wala namang nagawa si Steph kundi mauna na sa akin sa pagtakbo, maya-maya pa may bilang humawak sa kamay ko at hinila ako ng napakalakas dahilan para matumba ako. Sa lakas ng pagkakatumba ko nasugatan pa ata ako sa tuhod ang hapdi!

"Tignan mo nga naman at may isang napaka cute na babaeng napadpad dito para makialam at guluhin kami sa ginagawa namin" sabi ng isang pinaka lider ata ng grupo.

"Alam mo bang ng dahil sa'yo natakasan kami ng isa sa mga lalaking matagal na naming gustong gantihan ha?!" napaigtad naman ako sa pagkagulat dahil sa biglang pagsigaw ng lalaking ito sa harap ko. Oo nga pala, kanina habang tumakabo kami papalayo ni Steph, nahagip ng paningin ko na dahil nabigla sila sa amin at pansamantalang nawala ang atensyon nila sa lalaking binubugbog nila ay nakatayo ito at saka mabilis na tumakbo papalayo at nakatakas. Mukhang tagumay naman ang pagsagip namin sakanya mula sa bingit ng kamatayan pero... huhuhu ako naman ngayon ang kawawa at ang naging kapalit. Dinala nila ako dito pabalik kung saan nila binugbog yung lalaki kanina at heto't pinapaligiran nila ako ngayon na para bang akala mo eh inienterrogate ako. Nakaupo lang ako sa sahig dahil sa sakit ng tuhod ko dahil sa pagkakatumba ko kanina.

"Ahm...ano pasensyan kayo hindi naman talaga namin gusto na istorbohin kayo eh nagkataon lang na dito rin kami kumain ng lunch. Promise! Paalis naman na talaga kami eh kaso bigla nyo kaming hinabol kaya natakot kami at tumakbo papalayo" kailangan ko magpakabait para pakawalan na ako ng mga ito baka ako pa ang mabugbog ng wala sa oras pan na lang ako? Paano na lang mga magulang ko? Ang mga panagarap ko? At paano ko haharapin si crush kung puro pasa ang mukha ko?! Huhuhu

"Akala mo ba mauuto mo kami?"

"Hahaha mukhang minamaliit tayo ng babaeng ito eh"

"Ha? Hindi ah nagsasabi ako ng totoo! Bakit ba ayaw nyo maniwala?"

"At bakit naman kami maniniwala sa iyo?" kanina pa ako nagtitimpi, sa mga ito pinipilit ko na mag pakabait para pakawalan nila ako pero pinagtatawanan lang nila ako, Nakakainis!

"Pakawalan nyo ako please? Hindi ako mag susumbong sa mga teacher at hindi din ako magsasalita tungkol sa nangyari ngayon kakalimutan ko na nangyari ito basta pakawalan nyo lang ako" kailangan kong makaalis dito dahil malapit nang matapos ang lunch break lagot ako kapag hindi ako nakabalik after lunch.

"Oh sige pakakawalan kita ngayon sa isang kondisyon" lumapit sakin ang pinaka lider ng grupo at hinawakan ako sa mukha

"Ano?" bigla syang ngumisi ng nakakaloko at pakiramdam ko eh hindi ko magugustuhan ang lalabas sa bibig ng bakulaw na 'to

"Be my girlfriend" HUH?! Ano daw? Totoo ba ang narinig ko? Ako, gusto nyang maging girl friend?! Sa dinami-rami ng pwede nyang gawing kondisyon eh yun pa talaga? Para akong binagsaksan ng malaking bato sa ulo. Kinikilabutan ako, that's it, ubos na ang pasensya ko bahala na kung anong gawin nila sakin wala na akong pakialam sumosobra na 'tong si bakulaw!

"Ayoko! Hindi ako pumapatol sa bakulaw!" biglang humigpit ang hawak nya sa mukha ko at ramdam ko agad ang sakit.

"Anong sabi mo?! Sinong tinatawag mong bakulaw ha?!" hindi lang bakulaw bingi din.

"Humanda ka ngayon akala mo hindi kita papatulan dahil babae ka ha!" napapikit ako bigla ng makita ko na tinaas nya ang isa nyang kamay para sampalin ako. Oh my gosh! Sasampalin nya talaga ako?!

"Haaaayyy!"

"Sino yan?!" unti-unti akong napamulat ng hindi ako nakaramdam ng pagsampal sa mukha ko at kasabay pa nun eh may biglang nagsalita.

"Ang ingay hindi ako makatulog ng maayos"

"Oh! K-k-kyle..." sinubukan kong silipin yung taong nagsalita para hindi matuloy ang pagsampal sakin ni bakulaw. Nakita kong nag hihilamos sya ng mata habang tumatayo sa may halamanan na pinaghihigaan nya. Teka! Kanina pa ba sya dyan? Bakit walang nakapansin sakanya?! At higit sa lahat kanina pa nagkakagulo dito at maingay bakit ngayon lang sya gumising at naingayan?! Hindi ko masyadong makita ang mukha nya kasi medyo nahaharangan ni bakulaw.

"Hmm, ganun na lang ba talaga kayo kaduwag na lumaban ng lalaki sa lalaki kaya babae na lang ang pinapatulan nyo?" sabi ulit ni Mr. Sleepy guy habang naglalakad papalapit sa amin hanggang sa huminto sya sa harapan ko habang nakapamulsa at nakatayo na parang akala mo eh isang boss ng mafia, cool. Dun ko lang din nakita ng malinaw ang mukha nya at OMG! Ang gwapo! Para syang anime character na hinugot sa TV o kaya naman eh yung mga leading actor sa mga korean novela na napapanood ko.

"A-a-ano kasi... ahm..." biglang natahimik itong mga ulupong na ito at halos hindi naman makapag salita si bakulaw kung anong sasabihin nya, ganun ba sya katakt dito kay Mr. Sleepy guy? Nakatingin lang sya kay bakulaw at naghihintay ng susunod nitong sasabihin, pero yung mga tingin nya parang akala mo kakainin ka ng buhay. If looks can kill, kanina pa siguro humandusay dito itong mga hampas lupa na 'to. He has this vibe na nakakatakot at parang konting mali mo lang eh tumba ka. Basta ewan ko ba, hindi ko rin maexplain eh, basta may something sakanya na matatakot ka talaga lalo na kapag tinitigan ka nya ng masama. I can say that he has so much authority.

Kilala kaya sya sa school na ito kagaya ni prince Sky? Bakit parang ngayin ko ang ata sya nakita at hindi rin familiar ang pangalan nya sakin. There's this thing kasi sa school na ito na basta gwapo o maganda eh talaga namang kilalang kilala sa buong school kagaya na lang ni prince Sky. Pero bakit itong isang ito eh parang ngayon ko lang narinig ang pangalan?

"Hmm?" ang tipid magsalita nitong si Mr. Sleepy guy eh

"Ano...ahm.. a-a--"

"Aalis na kami pasensya ka na sa istorbo, sige pwede ka na matulog ulit" at ganun na lang nagsipaglaho ng parang bula ang hampas lupa. Ang bilis kumaripas ng takbo at niwan ako dito ng sugatan! Nakakainis! Aaahhh! Habang pinapakalma ko ang sarili ko naalala ko bigla si Mr. Sleepy guy at pag lingon ko sa kinatatayuan nya kanina eh wala na sya dun sahalip ay naglalakad na sya papalayo. Teka, hindi pa ako nakakapag pasalamat sakanya!

"Sandali!" napatigil naman sya sa paglalakad at lumingon sa akin. Ba't ang sama mo makatingin kuya magpapasalamat lang naman ako eh may galit? May galit?

"Bakit?" harsh T__T dahandahan akong tumayo at naglakad papalapit sakanya

"Ano... salamat sa tulong"

"Huwag kang magpasalamat, hindi ko yun ginawa para tulungan ka, nagkataon lang na masyadong maingay at hindi ako makatulog ng maayos."

"Hmm, okay sabi mo eh, but still salamat pa rin kung hindi ka nangialam eh baka unrecognisable na ngayon yung mukha ko o baka naman eh inaanod na ako sa ilog."

"Huwag kang OA" sabay talikod at maglalakad na sana sya ulit papaalis pero pinigilan ko sya ulit, mukhang nabad trip na ata sa akin dahil ang sama na ng tingin nya sa akin. Huhuhu T__T gusto ko lang naman mag patulong eh

"Pwede mo ba ako tulungan papuntang clinic?" tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago sya nagsalita

"Sugat lang sa tuhod ang meron ka at hindi ka pa naman lumpo, at base sa nakikita ko ngayon eh nakakapaglakad ka pa naman bakit kailangan pa kitang tulungan?(with matching taas pa ng isang kilay)"

"Mr. alam kong utang na loob ko sayo ang buhay ko at hindi dapat kita awayin pero hindi ka ba marunong magpaka gentleman man lang? Nakita mo naman na hirap ako maglakad, parang magpapatulong lang naman papunta ng clinic eh! Gaano ba yun kahirap para sa'yo?"

"Miss, as much as I empathize your condition, pero hindi ko tungkulin na dalhin ka pa sa clinic. Isa pa tinulungn na kita masyado ka ng abusado. Hindi mo ba naiisip na naabala mo na ako masyado?"

"Ha! Wala naman akong sinabi na tungkulin mo yun eh, ang akin lang humingi lang ng tulong sayo yung tao eh! Kung ayaw mo edi huwag! Sungit!" tapos tumalikod na sya at naglakad na papaalis hanggang sa hindi ko na sya makita, talaga namang iniwan nya lang ako dito nakakainis! Aaahh! Akala mo kung sino gwapo may araw ka rin sakin simula ngayon ikaw na si Mr. Sungit!