Chereads / Near Yet So Far / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

It's been four years since Isabella left Aristotle without a single word. Aristotle thought that it was settled between them.

And three years na rin na naging cold at sobrang strict ni Aristotle sa lahat ng tao and there was a point na halos ireklamo siya ng kanyang estudyante dahil sa masyado nitong strikto lalo na pagdating sa babae.

Hindi na muling nagmahal ito o kahit man lang sumubok. Para kay Aristotle isang pagpapakamatay lamang ang magmahal.

Hanggang isang araw nakita na lamang niya ang sarili na nagpa-file na ng resignation letter at kausap buong administration ng school.

"You don't have to file a resignation letter Dr. Aristotle because you are the owner of this school. You can leave as a professor but not as an owner, it's a bad idea Dr. Aristotle. Besides we will not sign this unless you promise us that you won't leave this university." pagtanggi ng University Administrator na si Dr. Allen Posadas.

"Okay sign my paper and i will not leave. I have to go." walang ganang tumayo ang lalaki at dire-diretsong lumabas ng pinto.

Naka-schedule si Aristotle ngayon upang pumunta sa hospital na pagmamay-ari niya, ang De Castro Medical Hospital somewhere in Taguig. Isa itong semi- private hospital kung saan may kani-kaniyang room for specialization, in short dito pwedeng mag-clinic. May mga laboratories sa ospital na ito bagaman hindi kalakihan at may apat na palapag at kumpleto. May ICU, OR, ER at iba pa.

Binuksan ito four years ago kung kailan he was at the point of losing himself. Simula noon bihira na siya magpunta sa sarili nitong hospital. Ngayon na lamang dahil gusto na niyang mag-umpisang muli at kalimutan ang mga bagay at sa pook na makapag-papaalala sa kanya ng nakaraan.

Pagkababa niya sa kanyang sasakyan sa may parking area ng hospital, isang batang babae ang nakapukaw ng kanyang pansin kasama nito ang isang babae na marahil ay nanny ng bata.

Sa unang pagtatama ng kanilang paningin ng bata ay nagkaroon siya ng kaginhawaan ng kalooban. Hindi maikakaila na napakagandang bata nito at mukhang likas sa kanya ang pagiging masayahin bata.

Nang magkalapit sila ay masayang binati siya ng batang babae at kumaway ito sa kanya.

"Hello Doctor, bye!"

"Hi, pretty princess! What's your name? And how did you know that i'm a doctor?" ganting bati niya sa bata at lumuhod ito pagkatapos para magpantay sila.

"I'm Akina Princess Louie. You look like my Daddy that's why i called you Doctor." pagpapakilala ni Akina sa binata.

"Oh nice meeting you little princess, by the way my name is Dr. Aris---" biglang napahinto ang binata sa pagpapakilala ng biglang sumingit ang nanny nito.

"Ah excuse me Doctor pero kailangan na po namin umalis dahil nandiyan na po ang mommy ng alaga ko po. May importante pa po kasi kaming pupuntahan. Pasensiya na po." paghingi ng paumanhin ng babae sa kanya.

"Bye! Doctor see you again next time po." paalam ng bata sa binata bago tumakbo sa kinaroroonan ng mommy nito.

"Mommy!" patakbong nilapitan kaagad ang bata na ngayon ay patalikod ng pumasok sa loob ng sasakyan sa may driver's seat area.

Paglingon ng binata halos kalahati na lamang ng likod ng babae ang nakita niya.

Bakit ganoon na lamang ang lungkot ng binata nang magpaalam ang bata sa kanya?

Bakit ganoon na lang din ang kanyang kaba ng masilayan niya ang babaeng tinawag na mommy ng batang kanyang kinagiliwan kaagad?

Muli ay nakaramdam ng sobrang sakit ang binata.

Malungkot itong tumayo at pinagmasdan na lamang ang papalayong sasakyan ng batang babae.

Naglakad na siya patungo sa loob ng hospital at dumiretso sa loob ng kanyang opisina.

Gulat man ang kanyang secretary sa biglaan niyang pagdating ay sinundan na lamang niya ang binata sa loob ng opisina.

"Good morning Doctor!" bati sa kanya ng kanyang secretary.

Paglingon ng binata sa babae...

"Isabel?" tanging nasambit ng binata matapos niya itong masulyapan.

"Monica po, Doc." pagtatama sa kanyang pangalan habang nagtataka ang tingin nito sa doctor.

"Oh, i'm so sorry!" paghingi ng paumanhin ng binata sa kanya. Matapos na ito ay maupo sa kanyang swivel chair.

"Can you please get me some food, hindi pa kasi ako nakakapag-breakfast and lunch." pakisuyo niya sa babae.

"And by the way, is Dr. Anton arrived already?" dagdag tanong niya rito.

"Okay po Doc. What do you want Doc for your meal?" tanong ng babae sa binata.

"I want Crispy Kare-kare with soup for two and two extra rice. Ice tea and mineral water for drinks." sagot ng binata sa kanyang secretary.

"Ahm, Dr. Anton is now in his office doc. Would you like me to call him now Doc?" tanong nito sa binata matapos mailista ang mga ipinabibili ng Doctor sa kanya.

"Yes, please." sagot nito habang sapo-sapo ang kanyang ulo.

"Okay Doctor, anything else?" pahabol ng secretary.

"Nothing more. Just call right away Dr. Anton and tell him to go here in my office." utos niya sa babae.

Tumango na lamang ang babae bago ito lumabas ng opisina.

Nakakaramdam na naman ng pagkairita ang binata kaya halos itaboy na niya ang babae papalabas ng kanyang opisina.

"Ahh, shit!" he cursed while leaning unto his swivel chair.

Nang biglang may kumatok ng tatlong beses.

He know who's behind that door kaya naman pinapasok niya ito.

"Come in!"

Si Dr. Anton ang iniluwa ng pinto kaya naman dire-diretso na itong pumasok sa loob.

Umupo ito sa upuan katapat ng lamesa ni Doc Aristotle.

"Kamusta? I heard a news awhile ago. Totoo bang nag-resign ka na as a teacher sa university?" tanong kaagad nito matapos umupo at dumikwatro ng upo.

"Yeah, it's true!" walang ganang sagot nito kay Dr. Anton habang nakatingala ito at nakapikit.

Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan, sa totoo lang ang laki ng pinagbago ng ugali ni Aristotle buhat ng iwan siya ni Isabella.

Kahit gustuhin man ni Anton na sabihin ang totoo tungkol sa babae ay ayaw naman niyang manghimasok sa buhay ng mga ito.

Hindi rin masabi ni Anton kay Isabella ang kalagayan ng lalaki dahil tiyak masisira kung anuman ang binabalak nito sa pagbabalik ng mag-iina. Baka nga ito pa ang maging dahilan para bumalik ulit ng America at hindi na ito muling magbalik pa ng Pilipinas.

Liliit lamang ang chance ng kaibigan na makilala ang anak kay Isabella.

"So it's final? Bro, you know i'm always here to listen." pag-iinitiate niya ng usapan.

"Yeah, i know. It's been 4 or 5 years bro! Wala ako palagi sa sarili, maybe this is just an ordinary situation for the others but not in me. Isabella took my heart from the very first day i saw her." he sigh and smile bitterly.

"Tiniis ko ang sarili ko dahil ayokong maapektuhan ang profession ko pero nagkamali ako. Sana mas pinahalagahan ko na lang ang feelings ko for her, sana hindi nauwi sa ganito. Nakiusap ako sa kanya na huwag niya akong iwan dahil ready na akong i-give-up ang profession ko as a teacher but still iniwan pa rin niya ako." sabay pagkuyom ng kanyang kamao.

"I wanted to hate her dahil siya lang ang nanakit sa akin ng ganito!" sabay tayo niya at pumunta sa gawi ng kanyang bintana.

"Sirang-sira ako bro! I don't think i can forgive. Hindi biro ang ilang taon na dala-dala ko ang sakit. Siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng todo. Siya rin din ang dahilan kung bakit naging bato ang puso ko para sa ibang babae." may halong galit ang bawat salitang kanyang binitawan.

"Papaano kung isang araw ay bumalik siya at kausapin ka? Ipaliwanag kung bakit niya nagawa iyon? Are you willing to listen and give yourselves a chance to be together again?" pasimpleng tanong ni Anton kay Aristotle na ngayon ay nakatayo na rin at gumawi sa bintana.

"What for para sabihin niya na iniisip niya ang kalagayan ko? Ang profession ko? That's bullshit! Hell, no!!!" galit na galit na sagot nito kay Anton.

Napabuntong-hininga na lamang si Anton...

Iniisip niya kung papaano niya ngayon matutulungan si Isabella...

Kung alam lang ni Aristotle kung ano ang pinagdaanan ni Isabella bago siya nito iwan sa Bagiuo.

Five years ago, in Baguio...

Umaga...

Papalabas noon ng Mansion si Anton ng makita niya ang ina at kapatid ni Aristotle na kausap si Isabella. Nakita niya mula sa 'di kalayuan ang lungkot na rumehistro sa mukha ng dalaga na tila ay umiiyak ito habang sumasagot ito sa pamilya ni Aristotle.

Sa sobrang kuryosidad, nagkubli si Anton sa isang lugar na kung saan maririnig niya ang mga pinag-uusapan nila.

"Stay away from my son! Or else i will tell to the administrator na huwag kang bigyan ng clearance kahit dean's lister ka pa at candidate for Summa Cum Laude. I don't like you for my son! Sisirain mo lamang ang matagal na niyang pinaghirapan." huling salita ng mommy ni Aristotle bago nila iwan si Isabella.

Iyak ng iyak si Isabella matapos ang paghaharap nila ng Mommy at kapatid ni Aristotle kaya hindi nakatiis si Anton nilapitan niya si Isabella.

Gulat man ang rumehistro sa mukha ng babae nang mapagtanto niyang narinig ni Anton ang lahat. Nagawa pa rin ng babae na makiusap dito bago umalis.

"Please don't tell to him, ako na ang iiwas kahit mahal na mahal ko siya. I'm sorry pero hindi ko na magagawang tapusin pa ang trip natin. Mauuna na akong luluwas ng Manila." atsaka siya nagmamadaling lumayo.

Tandang-tanda pa ni Anton kung gaano kahirap para sa babae na iwan ang lalaking pinakamamahal.

Saksi rin si Anton kung gaano nagwala at nag-alala si Aristotle nang mapagtanto niya na nawawala si Isabella.

Siya na rin ang nagsabi na umalis ng biglaan ang babae dahil nagkaroon ito ng emergency sa pamilya.

Napayuko na lamang si Anton matapos niyang maalala ang nangyari. Hindi dapat si Isabella ang sisihin kundi ang kanyang ina na sumakabilang-buhay na two years ago.