Chereads / Near Yet So Far / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Isabel, what happened?" tanong ni Anton sa kanya matapos siya nitong itayo at iupo sa sofa.

Nasa loob pa rin sila ng opisina ni Aristotle. Nanginginig ang buong katawan ni Isabella at hindi makapagsalita ng maayos.

"H-he c-can't f-forgive me, Anton!" humihikbing sagot nito sa binata habang yakap-yakap niya ang sariling katawan.

"Doctora uminom muna po kayo ng tea para ma-relax po kayo." alok ng secretary ni Aristotle sa kanya.

"Thank you, you may go to your desk now. And close the door as you leave. Call me right away kapag may papasok. Hindi puwedeng lumabas si Isabella na ganito." utos ni Anton sa secretary at agad namang tumalima ito.

"Calm yourself Isabella and sa bahay ka na muna ni Cassy umuwi, tumawag ka na lang sa inyo para sabihin na doon ka na muna magpapalipas ng ilang oras. Mahahalata ng bata na galing ka sa iyak kapag umuwi ka kaagad." sabi nito sa babae.

"Iwan muna kita rito saglit at pupunta na muna ako sa office ko para magbilin lang sa secretary ko. Ako na ang magda-drive ng kotse papunta kina Cassy baka mapano ka pa." saad nito bago tumayo at lumabas ito.Kita pa niya na kinausap pa nito ang secretary sa labas at tumango ito sa lalaki.

Kahit anong gawin ni Isabella na pagpapakalma sa sarili hindi niya magawa.

Para sa kanya napakasakit ang marinig mismo sa lalaking pinakamamahal na mas gusto pa nitong mamatay kaysa ang magkaayos silang dalawa.

Pakiramdam ni Isabella ay wala na siyang pag-asa pa ang magkaayos sila ng lalaki.

"Papaano na ang anak ko? Kung ako ay hindi matanggap lalo pa kaya na malaman niya na nagbunga ang pagniniig namin. Baka hindi niya rin matanggap si Akina, oh my sweetie!" sa isiping iyon mas lalo lamang napaiyak si Isabella.

Masakit na makita kung sakali na itanggi ni Aristotle ang bata. Ang kanilang anak.

"No, hindi puwedeng makilala niya si Akina hangga't hindi niya magagawang magpatawad. Masasaktan niya lamang ang anak ko at lalong hindi ko iyon kakayanin." ani nito sa kanyang sarili.

Bumalik na ulit si Anton sa loob ng opisina ni Aristotle dala na ang personal nitong gamit at nakapagpalit na rin ito ng damit.

"Are you ready?" tanong ni Anton sa doktora.

Tumango lamang ito at tumayo na. Hinang-hina man ay pinilit pa rin ni Isabellang makatayo ng maayos. At sinabayan ang kapwa doktor sa paglalakad.

Dala pa rin siguro ng panginginig ng katawan halos nawawalan ng balance si Isabella kaya inagapan na lamang ni Anton ang babae hanggang sa paglabas ng building patungo sa parking area.

Lingid sa kanilang kaalaman ay nakatunghay mula sa sasakyan nito si Aristotle. Kitang-kita niya kung paano ito alalayan ni Anton si Isabella.

Nag-iigting ang kanyang panga at nakakuyom ang duguan at namamaga nitong mga kamay sa galit.

Nakaramdam siya ng selos ng hawakan ni Aristotle sa baywang ang babae upang alalayan ito sa pagpasok sa kotse.

"Bullshit!" napamura siya ng makita niyang magkasama nang umalis ang dalawa. Kaya naman dali-dali niyang sinundan ang kotseng sinasakyan ng dalawa.

Halos kalahating oras din ang biniyahe nila bago pumasok ang kotse ni Isabella sa isang exclusive subdivision. Lumiko ito pakanan sa pangalawang kanto at mula roon sa ikatlong bahay ay huminto ang sasakyan nila.

"Bahay ito ni Anton. Anong ibig sabihin nito?" nagmamadali siyang bumaba ng kanyang kotse at mabilis na nilapitan ang dalawa.

"Anton!! You jerk!" sabay hila nito sa balikat at binigyan ang lalaki ng isang malakas na suntok at sapul ito sa mukha.

Duguan kaagad ang mukha ng lalaki na na-out balance sa pagkakatayo.

"Aris?!!!" sigaw ni Isabella sa lalaki. Bigla itong lumapit ng makita niyang lalapitan pang muli nito si Anton upang suntukin pero naawat kaagad sila ng mga rumorondang guard sa subdivision.

"Hayop ka Anton, pinagkatiwalaan kita tapos ito ang makikita ko? Alam mo ang pinagdaanan ko at saiyo pa ako nagsasabi pero iyon pala traidor kang hayop ka!" galit na galit na dinuduro ang kaibigan.

"Anong kaguluhan ito?! Oh my God sweetie what happen to your face? Anong ibig sabihin nito Aris?" naguguluhan tanong nito sa lalaki.

Samantalang si Isabella ay napaupo na lamang sa isang sulok at tahimik na nag-iiyak.

"Bakit hindi mo tanungin ang hayop na iyan kung bakit? Kitang-kita ko kung papaano siya ka-sweet kay Isabella! Bakit Anton? Nagkakamabutihan na ba kayo ng dating babaeng nakaniig ko?" nang-uuyam na tanong nito sa lalaki.

Sukat sa narinig biglang sinugod ni Anton ng suntok si Aristotle at hindi niya ito tinigilan hangga't `di niya napapadugo ang bibig nito.

"Hayop ka! Wala kang karapatan na pag-isapan kami ng babaeng pinakamamahal mo gago! Mas lalong wala kang karapatan na bastusin si Isabella dahil hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan niya nang iwan ka niya!" walang tigil si Anton sa pagsuntok sa mukha ni Aristotle. Duguan na ito at halos mawalan na ng malay-tao.

Sukat sa nakita inawat nila Cassy at ilang security guard si Anton sa patuloy nitong pagsuntok kay Aristotle na wala nang kalaban laban.

Samantalang si Isabella naman ay nagmamadaling nilapitan si Aristotle na wala nang malay.

"Aris, wake up baby!" iyak ito ng iyak habang `di malaman kung paanong paghawak ang gagawin niya sa lalaki.

"Can you please help me to carry him? I need to take him in the hospital. Mahina na ang pulse rate niya." pakiusap nito sa guards. Kaya ng tumango ang mga ito dali-dali niyang binuksan ang pinto ng passenger seat.

"No!" awat ni Cassy kay Isabella. "Take him at the back, samahan mo siya sa loob Isabel at ako na ang magda-drive ng car. Wait me here kunin ko lang bag ko sa loob. Sweetie maupo ka na sa passenger seat." utos ni Cassy bago ito pumasok sa loob.

Paglabas ni Cassy nakapwesto na ang tatlo.

Dali-dali itong pumasok ng kotse at pinaandar papuntang hospital.

Pagdating doon walang malay pa rin si Aristotle kaya isinakay na kaagad ito sa stretcher samantala si Antonn naman ay dinala na rin sa ER para magamot ang mukha nito.

"Ano bang nangyari at nagpang-abot si Aris at Anton?" tanong ni Cassy kay Isabella na ngayon tahimik lang na lumuluha. Magang-maga na talaga ang mata nito at pulang-pula, hindi rin niya magawang makapagsalita pa.

Bumuntong-hininga na lamang si Cassy at pinuntahan ang kanyang fiancee.

"May kasama ba si Dr. Aristotle dito?" tanong ng head nurse na lumabas mula sa ER.

"Meron kami." sagot ni Cassy sa nurse

"Puwede po ba kayong sumama sa amin sa loob?" tanong naman ng head nurse sa babae.

Tumango lamang si Cassy at sumunod na ito.

Pagdating sa loob nakita ni Cassy na nilalagyan na ng bandage ang mukha ni Aristotle at gising na ito.

Lumapit siya sa lalaki at tiningnan siya nito.

Sumenyas ito ng ballpen at papel na agad naman inabutan ng nurse na in charge sa kanya.

Sumulat ito sa papel at pinabasa kay Cassy. Hindi kasi nito magawang makapagsalita dahil putok ang bibig nito at maga.

"Dinala ka namin dito nila Isabella, unconscious ka at si Aris naman putok din ang mukha. Nasa kabilang bed lang siya." sagot nito sa lalaki na halatang naiinis dahil na rin sa tono ng pananalita ni Cassy.

"Ano ba kasi nangyari sa inyong dalawa ng fiancee ko?" naiiritang tanong ni Cassy dito.

Muling sumulat si Aristotle sa papel at pinabasa kay Cassy.

"Oo si Anton fiancee ko, bakit pinag-isipan mong may relasyon sina Anton at Isabella?" hindi makapaniwalang tanong nito sa lalaki.

"At kaya mo pinagsusuntok ang fiancee ko dahil sa nagselos ka? You jerk! I can't believe this." sa sobrang asar nito ay nilayasan niya ang lalaki at pinuntahan si Isabella.

"I think ikaw ang need na pumunta doon baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko mapatay ko lang ang lalaking iyon." sabay upo nito sa upuan katabi ni Isabella.

"What do you mean? Is he Okay?" tanong nito sa kaibigan.

"See it to yourself!" sagot lamang nito atsaka humalipkip.

Tumayo si Isabella at pumasok sa ER...

Nadatnan nito si Aristotle na nakahiga at tila tulala.

Paglapit ni Isabella sa lalaki...

Bigla nito inangat ang braso at tinuro ang labas ng pintuan. Hindi pa ito nakuntento sumulat pa ito sa papel para sabihing...

"Go home! I don't need you here!!!'

Napatutop na lamang ng bibig si Isabella at nagmamadaling lumabas ng ER.

Nagtataka man si Cassy sa nakita sa kaibigan naunawaan na nito na marahil pinagtabuyan siya ng lalaki.

Hindi na nagawang magpaalam ni Isabella sa mga kaibigan at dali-dali na itong sumakay ng kotse at pinaandar ito.

Binagtas ang daan patungo sa kanilang tahanan.