Chereads / Near Yet So Far / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Okay class get ready for your final examination tomorrow. Class dismiss!" sabay kuha ng kanyang mga gamit atsaka lumabas ng room si Prof. Aristotle

Last subject na niya iyon kaya dire-diretso na siya sa parking area para sumakay na sa kanyang sasakyan.

"Hi, bro! Uwi ka na?" tanong sa kanya ng bestfriend niyang doktor at guro rin na si Anton.

Hindi siya kumibo at tiningnan lang ang kaibigan bago pumasok ng kanyang saksakyan atsaka niya ito pinaandar papalabas ng gate.

Napailing lamang si Dr. Anton habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Prof. Aristotle.

Pagdating sa bahay niya, pabagsak siyang naupo sa kanyang sofa habang hinihilot ang kanyang sintido.

"Ahh fuck!!!" sigaw niya at naitukod niya ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Galit na galit siya sa tuwing maaalala niya ang huling pag-uusap nila ni Isabella, one year ago.

"Bakit bigla ka na lang umalis ng Baguio nang hindi man lang tinatapos ang camaraderie natin? Pagkagising ko wala ka na sa tabi ko?" habang ang lalim ng tingin niya kay Isabella.

Sinadya kasi niya ito sa bahay upang kausapin. Mabuti na lang mag-isa lamang ang dalaga roon kaya malaya niyang nakakausap ang dalaga.

Sa kabila ng mga nasabi nito sa dalaga nanatili lang itong tahimik at umiiyak.

"Ano ba para saiyo ang nangyari sa atin? Laro?!" naguguluhang tanong niya sa dalaga.

"Shit! answer me Isabel, huwag mo naman akong pagmukhaing tanga sa kasasalita rito!" halos pasigaw na niyang pakiusap sa dalaga na ayaw pa rin magsalita.

Nilapitan niya ito at humarap sa dalaga habang hawak niya ang magkabilang balikat nito.

"I love you, so much!!! Pinagsisihan mo ba ang nangyari sa atin sa Bagiuo?" malumanay na niyang tanong sa dalaga.

"Masyado lang akong nabigla sa mga nangyari pero hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa atin. Ginusto ko iyon." sagot ng dalaga sa binata habang nakatungo ito.

"Ginusto mo lang? Ginusto nating dalawa Isabel!" habang itinataas niya ang baba nito upang magtama ang kanilang mga tingin.

"Mahal na mahal kita baby kaya ko ibinigay ang pagkababae ko saiyo!" sabi niya sa binata habang humihikbi.

"Natatakot ako sa maaaring maging bunga ng ginawa natin dahil panigurado makakaapekto ito saiyo ng malaki, what if..." he cut her off

"To hell with that profession! Of course ikaw ang uunahin ko kahit matanggal ako sa pagiging professor ng university i don't care anymore! It's you! You're the most important for me now! Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo. Mababaliw ako sa kakaisip kung bakit!" hanggang sa mahigpit siyang niyakap ng doktor.

Muli ay pinagsaluhan nila ang mainit na sandali na animo'y ito na ang kahuli-hulihan.

Ngunit iyon na pala ang kahuli-hulihang pag-uusap nila at pagniniig after na grumaduate ni Isabella ng college.

Pinuntahan niya ito sa bahay ng dalaga ngunit katiwala na lamang ang nadatnan niya. Lumipad na raw ito patungong America at hindi alam kung ano ang exact address niya doon.

Masamang-masama ang kanyang loob. Ilang linggo, mga buwan ang lumipas na ininda niya ang sakit ng kalooban. Wala man lang siya balita sa dalaga.

Maging ang mga social media accounts nito ay deactivated nang lahat.

"Ang sakit naman ng ginawa mo sa akin Isabella." umiiyak siya habang nakasandal sa sofa.

"Hanggang ngayon fresh pa sa akin ang lahat! Please magparamdam ka naman. Isang tawag lang princess kakalimutan ko na itong sakit. Where are you?" humahagulgol na niyang bulong sa sarili.

Samantala...

"Isabella, anak higupin mo itong sabaw para lalong madagdagan iyang gatas mo. Mainam ang sabaw ng tinola para saiyo. Ako na muna ang bahala kay Baby Akina." Atsaka niya kinuha ang sanggol mula sa kanyang pagkakakarga dito.

Isang buwan makalipas niyang tumulak papuntang America ay nalaman niyang 4 weeks pregnant na si Isabella.

Nagbunga ang huling pagniniig nila ng doktor na si Aristotle de Castro.

Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa kasintahan dahil nag-uumpisa pa lamang sila sa kanilang relasyon, complicated na ito sa part ng doktor. Kaya minabuti na lamang niya na maging ganito ang kahinatnan.

Ayaw niyang isakripisyo ang pagiging professor nito sa University para lamang sa kanya. Alam niya ang pinagdaanan ng doktor upang ma-achieved iyon.

"Atsaka na lamang ako magpapaliwanag kapag handa na akong harapin siya. Kapag matatag na ako at malaki na ang aming anak na si Akina." sabi niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang kanyang anak na payapang natutulog sa ibabaw ng kaniyang kama.

"Kamukhang-kamukha mo anak ang daddy mo. Mula sa mata na deep set at hazel brown ang kulay. May mahahaba at malantik na pilikmata. Matangos na ilong at heart shape na lips. Bukod tanging kaliitan lang ng mukha ang nakuha mo sa akin baby." habang marahan niya lamang hinahaplos ang pisngi nitong mamula-mula.

"Matutuwa kaya ang daddy mo kapag nalamang may baby na siya?" tanong nito sa sarili.

Kahit naman lumayo siya at pumunta rito continues pa rin naman ang balita niya sa binata. Nakakausap niya ng madalas si Cassy at minsang nakakausap ang dating guro nito na bestfriend ni Aristotle na si Anton.

Pinakiusapan niya lang ito na huwag sabihin sa doktor kung nasaan siya matapos nito ikuwento ang lahat. Naintindihan naman ito ni Anton at nangako na hindi niya sasabihin sa kaibigan dahil ayaw niyang manghimasok pa sa pribadong buhay nilang dalawang magkasintahan.

After three years of completing a general pediatric residency, isang ganap na Pediatrician na si Isabella Arenas.

Balak niyang bumalik ng Pilipinas at magtayo ng sariling clinic mismo sa bahay nila in Las Pinas.

Kaya naman inayos na niya ang papeles nilang mag-ina bago tumulak pauwi ng Pilipinas.

Akina Princess Arenas is 4 years old now. Habang tumatagal at lumalaki, lalo itong gumaganda at lumaking napakabait. Smart din siyang bata at masayahin. Madali niyang matutunan ang lahat ng bagay na kanyang gustong matutunan.

Kahit sinong tao ay kagigiliwan ang bata kaya naisip ni Isabella na madali sigurong matatanggap ng ama nito ang bata. Hindi ipinagkait ni Isabella kay Akina na makilala ang ama kahit sa social media accounts lamang ito.

Gumawa ng dummy account si Isabella upang ma-follow niya ang binata at iyon ang ginawang paraan ng babae para mapakita niya sa anak kung ano ang hitsura nito.

Maging sa tablet na pagmamay-ari ng bata ay naroon ang picture ng ama na ginawa ni Isabella na wallpaper.

Lagi niyang ipinauunawa sa anak kung bakit hindi siya nakilala ng binata. Naintindihan naman ito ni Baby Akina kahit sa murang edad lamang nito.

Dumating na ang nakatakdang araw ng pag-alis nilang mag-iina kasama ang mommy ni Isabella pabalik ng Pilipinas. Walang ibang nakakaalam ng pag-uwi nila maliban kay Cassy na kanyang matalik na kaibigan since highschool.

Pagdating ng NAIA...

Masayang sinalubong sila ng kaibigan at isang mahigpit na yakapan ang binigay nila sa isa't isa.

Nagulat si Isabella nang pagpasok nila sa Van ay si Dr. Anton ang nasa drivers seat. Ngumiti ito ng matamis sa kanya at pinasakay na silang mag-iina matapos ilagay sa likuran ng sasakyan lahat ng baggage nila.

Isang nagtatanong na tingin ang ipinukol niya sa kaibigan.

"Anton and i are engaged right now Isabella, it's a long story atsaka ko na lang ikukuwento saiyo pagdating sa bahay niyo okay?" sagot naman ni Cassy kay Isabella.

"Don't worry Isabella kung ang ikinawo-worry mo ay baka malaman ng isa ang tungkol sa pag-uwi ninyo, wala siyang alam." sabad naman ni Anton sa pag-uusap nila ni Cassy.

"Salamat Anton." sabay ngiti niya sa dating guro.