"God, I will never drink like that again. Ang sakit ng ulo ko! Bakit ba hindi mo ako pinigilan, Georgie?"
"Pinigilan kita, ayaw mo lang magpapigil. May naalala ka?" inabot ni Georgie ang isang baso sa akin at biogesic para gumaan ang pakiramdam ng katawan ko.
"Why? Did I do something stupid?"
"Not just stupid, super stupid! Hinatid tayo ni Miguel dito sa Condo, well, sa lobby lang naman at umamin ka in front of his face that you still love him! God, Aza! Kung nakita mo lang reaksyon nung taxi driver. Iisipin mo na baka may pag asa pa."
Sinabi ko yun kay Miguel? Baka isipin niya na ginugulo ko siya. His girlfriend is nice, ayokong masaktan siya just because of my feelings for Miguel. Pero hearing Georgie said na baka may pag asa pa, I can't help but wonder...pwede pa kaya?
"I'm sorry for being a hassle. Shopping tayo? I need to destress. And I need a new camera."
"Yeah, we both need it Aza, especially you."
Pagdating namin sa Mall, sa dinami dami ng mall, nakita ko ulit si Miguel and he's with Klarisse. Nasa loob sila ng Camera shop kung saan balak kong bumili. Nakaakbay si Miguel kay Klarisse habang nakikinig sa saleman. They look so happy, especially si Miguel habang sinusubukan ni Klarisse ang isang DSLR at kinukuhaan siya ng litrato. Ilang taon na kaya sila? Naging sila ba agad pagkatapos mawala ni Miguel sa buhay ko? Ikakasal na ba sila? Mukhang wala pang singsing ang mga kamay ni Klarisse so wala pang kasal na magaganap. Nagulat ako sa biglang pagtapik ni Georgie sa balikat ko.
"Alam mo, sinasaktan mo ang sarili mo sa kakatingin diyan kay Miguel at sa girlfriend niya. Halika na, sa ibang shop tayo bibili."
Bago pa kami makaalis, biglang may tumawag sa pangalan ko. It's Klarisse. Lord, talaga naman po. Umiiwas na nga ako, nilalapit niyo ako lalo. Dahil bastos naman kung hindi ko siya papansinin, I don't have any choice but to enter the shop, nagkibit balikat lang si Georgie.
"Miss Aza! Bibili din po kayo ng camera?"
"Yeah, or baka lens lang. Ikaw?"
"Ay, birthday ko po kasi. Reregaluhan ako ng camera nitong mabait kong boyfriend." nakangiti niyang sabi sabay kapit sa braso ni Miguel.
"Really? Happy birthday. Ang sweet naman ng boyfriend mo." sabat naman ni Georgie. Si Georgina talaga kahit kailan. "By the way, I'm Georgie, best friend ni Aza." pagpapakilala niya.
"Hello po, Miss Georgie." sagot naman ni Klarisse. "Babayaran lang po namin yung camera." pagpapaalam niya.
"Sure. Sure. Nice seeing you again, Klarisse."
Nagpaalam sila at lumabas na ng camera shop pagkatapos magbayad. Hindi ako pinansin ni Miguel, binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.
"Tama nga sila, basta driver, sweet lover." pang aasar ni Georgie sa akin. "Bilhan mo ba naman ang girlfriend mo ng camera sa birthday niya, aba swerte ni girl. Gwapo pa, infairness."
"Yeah, she's lucky to have Miguel."
"Na sinayang mo para kay Franco na cheater"
Pinandilatan ko siya ng mata at ngumisi lang siya sa akin. Kung hindi ko lang best friend itong si Georgie kanina ko pa siya nasampal.
"Halika na nga, pumili ka na ng camera mo at makakain na tayo pagkatapos."
---
"Salamat mahal, masyadong mahal itong regalo mo sa akin, sabi sayo kahit digicam, okay na ako eh." tuwang tuwa si Klarisse sa regalo kong camera.
"Naku, maliit na bagay. Basta para sayo, kahit ano pa yan, basta kaya kong ibigay, ibibigay ko."
"Don't worry Mahal, iingatan ko itong regalo mo. Hayaan mo, treat ko itong lunch natin. Saan mo gusto?"
"Kahit saan, ikaw bahala birthday mo eh."
"Hmmm, sige. Sagot kita." kumain kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto daw niya ng ramen at sushi, mukhang masarap naman kaya ayun na din ang inorder ko. Habang kumakain kami, sa dinami dami nga naman ng restaurant, dito rin kakain si Aza at ang kaibigan niya. Tinawag siya ni Klarisse at inayang umupo sa table namin. Diyos naman, pinaglalaruan niyo ba kami?
"No, it's okay. Dito na lang kami Klarisse, atsaka nagbago isip ni Georgie, baka sa bahay na lang kami kumain."
"Sure ka Miss Aza? Ayos lang naman po."
"Oo, sure ako. Sige, Klarisse, umm, Miguel. Mauna na kami." tumango lang ako at sinundan sila ng tingin habang papalabas ng restaurant. Mukhang nabadtrip ang kasama ni Aza pero sumunod pa din.
"Sayang naman, nakasabay ko na sana yung idol ko kumain. Hayaan mo na, may next time pa naman. Kain ka lang mahal."
Kung malalaman kaya ni Klarisse ang naging relasyon namin ni Aza noon, gugustuhin pa din kaya niya na makita ulit si Aza? Kung malalaman niya kaya na halos gumuho ang mundo ko dahil kay Aza, dahil sa sakit na dinulot niya sa akin, titingalain pa kaya siya ni Klarisse?
"Anong iniisip mo?" biglang tanong ni Klarisse sa akin. Nakakunot ang noo niya, hindi ko mapigilang ngumiti at kurutin siya sa pisngi. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang tungkol kay Aza pero parang hindi pa tama ang panahon. Gusto ko masaya lang si Klarisse ngayon, lalo na't kaarawan pa niya.
"Iniisip ko kung bakit ba ako binigyan ng Diyos ng tulad mo? Ang swerte ko naman."
"Ano ba yan, kinikilig naman ako sayo. Hayaan mo, madami kang kiss at yakap mamaya."
Pinagpatuloy namin ang pagkain. Gusto yung ganito lang, yung masaya lang kaming dalawa. Sana tuloy tuloy na itong saya namin ni Klarisse.
"Mahal, gusto pala ni Papa na pumunta ka sa bahay mamayang gabi, may kaunting handaan. Pagkatapos mo pumasada, punta ka sa bahay ah."
"Sige ba, didiretso na ako sa inyo mamaya. Happy birthday, Klarisse."
"Thank you."
---
"Alam mo, ayoko na. Suko na ako! Bakit ba kasi pinaglalapit kayo eh mukhang iwas na iwas kayo sa isat-isa?" kanina pa naghihimutok si Georgie habang pauwi kami mula sa mall. Nag take out na lang kami para makaiwas kanila Miguel.
"Hindi ko rin alam, tinatanong ko din yan."
"Hindi kaya dahil meant to be kayo kaya kahit na anong iwas niyo pinaglalapit kayo ng mundo? Feeling ko lang naman."
Ayun ba talaga ang gusto niyo iparating Lord? That after all these years, kami pa din sa huli? Hindi na ako sumagot kay Georgie, habang tumatagal, dumadami ang tanong sa isip ko. I need to sleep, I badly need it.
"Matutulog lang ako. Kung gusto mo lumabas, feel free to do so."
Ipinikit ko ang mga mata ko, baka sakaling pagkagising ko, all Miguel's thought will be gone.