Chereads / Aza&Miguel / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

"Ayan na, ayan na. Nagloload na yung page mahal." kanina pa hindi makapakali si Klarisse. Paano, ngayon kasi malalaman kung nakapasa ba ako sa licensure exam for architecture. Apat na taon na din ang lumipas pagkatapos kong bitawan ng tuluyan si Aza at muntikang mawala sa buhay ko si Klarisse. Hindi pa kami nagpapakasal dahil gusto ni Klarisse na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko at siya naman, nag resign na siya sa trabaho para maging isang full time wedding photographer. 7 years, ang tagal na din namin ni Klarisse, ang dami ng pinagdaanan. Kapag hindi man ako makakapasa sa exam o kung sakaling makakapasa ako, ang sunod ko namang gagawin ay ang bumuo na ng pamilya kasama siya.

"Okay lang naman kung hindi ako makakapasa. May susunod pa naman. Magtatrabaho naman ako, ibibili ko ulit si Tatay ng taxi kasi naibenta ko para sa pag-aaral" ang sabi ko kay Klarisse habang nakaharap sa laptop niya at naghahanap ng trabaho.

"Makakapasa ka niyan! Ikaw pa ba?" hinayaan ko lang si Klarisse na tignan kung nakapasa ba ako o hindi, hindi rin naman ako masyadong umaasa. Napansin ko na biglang tumahimik si Klarisse at tumingin sa akin, blangko ang mukha niya.

"Ano? Wala no? Ayos lang yan. Gagalingan ko na lang next time." sabi na eh, hindi ako nakapasa. Nakakadismaya pero ganun talaga ang buhay. Nagulat ako kasi biglang sumigaw si Klarisse at yumakap sa akin.

"Architect na ang boyfriend ko!" agad kong kinuha ang cellphone niya at hindi ako makapaniwala, ang pangalan ko, nasa listahan ng mga nakapasa. Saglit kaming nagkatitigan ni Klarisse at hindi ko na napigilang halikan siya sa sobrang saya.

"From my driver, to my architect! Ang galing galing talaga ng Miguel ko. Naku, sobrang proud kami sayo. Kami ni baby."

Baby? Sinong baby?

"Ha?" nagtataka kong tanong. Sinong baby ang tinutukoy niya? Yung pusa ba namin yun?

"Eh, may sasabihin sana ako sayo." biglang naging seryoso si Klarisse. Kinabahan ako. "Ah, ano kasi...galing ako sa clinic nung nakaraan kasi medyo masama ang pakiramdam ko. Tapos naisip ko, saglit lang, delay na ako eh. At ayun na nga, congrats sayo at sa akin..may baby na tayo."

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung kasiyahang nararamdaman ko ngayon, nag uumapaw. Una, nakapasa ako sa exam, ngayon naman magiging tatay na ako. Sobrang daming blessing naman nito Lord, maraming salamat po. Niyakap ko ng mahigpit si Klarisse at hinalikan sa noo.

"Salamat, Klarisse."

"You're welcome. Thank you din."

Maya maya lang dumating na sa bahay sila Nanay, kasama niya si Tatay at Michelle. Agad din naming sinabi ang tungkol sa exam pati na din sa magiging sentro ng pamilya namin simula ngayon. Hindi man naging masaya ang unang pag-ibig ko, bawing bawi naman ako kay Klarisse.

---

"Mr. Miguel Soriano, good job dahil sineryoso mo ang project na pinapagawa ko sayo. Akala ko, hindi mo pagtutuunan ng pansin pero, nagkamali ako, kasi ang ganda ng kwento. Simple lang, pero nagustuhan ko. Thank you."

Nakipag kamay sa akin ang professor ko sa creative writing pagkatapos niyang basahin yung short story na ginawa ko para sa finals namin.

"Naniniwala talaga ako na may talento ka sa pagsusulat, hindi mo lang sineseryoso yung ibang projects natin, lalo na sa poetry." nakangiti niyang sagot. "Sa tingin ko, with the right inspiration at kung magsisipag ka talaga magsulat, pagka graduate mo dito, makikilala ka sa writing industry." dagdag naman niya. Medyo nakakalula naman yung mga sinasabi ni Mrs. Quezon pero ngumiti na lang ako para hindi halatang nahihiya ako sa mga papuri niya. Pagkatapos niyang lagyan ng grade ang gawa ko, agad din akong umalis ng faculty room at pinuntahan si Klarisse sa cafeteria.

"Uy, bes. Ano na? Pumasa ka na ba? Ikaw naman kasi, kahit na minor subject lang natin ang literature, sineseryoso mo pa din dapat." Itong best friend ko talaga, hindi man lang nag hello, sermon agad ang bungad sa akin. "Puro ka kasi computer games." hay, ang daldal talaga. Ginulo gulo ko ang buhok ni Klarisse sabay agaw sa sandwich na kinakain niya.

"Puro sermon, puro sermon. Pumasa ako. Ako pa ba? Wala kang tiwala sa best friend mo." kinain ko na ang sandwich ni Klarisse kaya bumili na lang siya ng bago. Nakakabilib din itong best friend ko, natitiis niya yung pagiging makulit at pasaway ko.

"Aba talaga naman, pumasa ang loko! Ano grade mo?" agad niyang tanong sabay abot sa akin ng juice.

"Of course, uno ang grade ko. Wala kang tiwala sa akin Klarisse? Sabi pa nga niya, may talento daw ako sa pagsusulat. Ang galing ko talaga."

"Ay sus, ang yabang. Tungkol san ba yung sinulat mo? Yung sa akin pinabasa ko sayo bago ko ipasa, ikaw ayaw mo ipabasa."

"Malalaman mo din, papabasa ko sayo mamaya." pinagapatuloy namin ang pagkain ng lunch hanggang sa dumating yung babaeng hinahangaan ko...si Azalea kasama yung lalaking buntot ng buntot sa kanya, varsity ng university namin, ang mayabang na si Franco. Tourism student si Azalea, samantala kami ni Klarisse ay kumukuha ng architecture.

"Ang ganda niya talaga no? Parang anghel na bumaba sa lupa. Iba talaga si Azalea." bulong ko kay Klarisse, tumingin lang siya sa akin at umirap.

"Mas madami pang maganda diyan eh." mahina niyang sagot.

"Wala na no? Siya lang pinaka maganda dito sa university. Kapag ako talaga nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit kay Aza, taob yang si Franco sa akin. Hindi naman marunong humawak ng bola, puro pa pogi lang sa court." nagkasalubong ang tingin namin ni Aza at ngumiti siya at kumaway. Magkaklase kasi kami sa Rizal, kaya kahit papaano ay pinapansin niya ako.

"Nakita mo yun? Kumaway at ngumiti siya sa akin? Buo na agad araw ko." nakangiti kong sabi kay Klarisse, blangko lang ang mukha niya.

"Tutal buo na araw mo, aalis na ako. Tatapusin ko lang yung draft na ipapasa ko bukas kay Sir De Leon. Mauna na ako sayo." bago pa makaalis si Klarisse, hinawakan ko ang kamay niya at inabot ang short story na ginawa ko.

"Ayan, pag may oras ka, basahin mo." tumango naman siya sabay alis. "Hoy, itext mo ako pagkatapos ah!" sigaw ko kay Klarisse, sumenyas naman siya ng Oo.

Natutuwa talaga ako kay Klarisse. Pagdating kay Aza, naiirita siya. Lagi niyang dahilan sa akin, kaya lang daw ako nilalapitan ni Aza kasi nakokopyahan niya ako ng sagot sa mga test. Alam ko naman yun, hindi ko naman ikinakaila na kaya lang lumalapit si Aza sa akin dahil may nakukuha siya, pero ayos lang, at least kahit papaano ay kinakausap niya ako. Habang nag la lunch ako, dumating yung isa naming kaibigan, si Patrick.

"Nakasalubong ko si Klarrise ah. Mukhang badtrip. Ano na naman ginawa mo?" bungad na tanong niya sa akin.

"Ano pa nga ba? Nakita na naman niya si Azalea."

"Nagselos na naman? Ikaw naman kasi. Bakit hindi ka pa umamin? Nagiging dracula na naman tuloy, mukhang mangangagat."

"Malalaman din naman niya kapag natapos na niyang basahin yung gawa ko. Ano? Halika na, sundan na natin yung dracula. Nasaan ba?"

"Nasa library. Halika na, master."

Pagdating namin sa library, nakaupo na si Klarisse at sinisimulan yung draft na kailangan namin ipasa sa architectural design. Umupo ako sa tabi ng dracula, si Patrick naman sa kaliwa niya. Buti na lang at kasama ko silang dalawa mula pa nung High School, kahit mahirap ang college, nagiging masaya pa din.

"Klarisse" bulong ko sa kanya.

"Oh?" tanong naman niya, tutok sa ginagawa niyang draft.

"Basahin mo ah, tapos text mo ako."

"Oo sige, mamaya sa bahay babasahin ko. Gawin mo na kaya yung sayo? Mamaya lang tapos na yung 3 hours break natin, Rizal na susunod, makakatabi mo na naman yung maria clara mo." walang preno niyang sabi. Tama nga si Patrick, nagiging dracula na naman siya.

"Ay oo nga no? Ready na si Crisostomo Ibarra" pabiro kong sagot sabay kurot sa pisngi niya. Napa aray naman si Klarisse at sinita kami ng librarian, hindi ko mapigilang tumawa. Sabi ng librarian, huwag daw kaming maglandian sa loob ng library.

"Baliw ka, Miguel."

"Eh kahit baliw ako, mahal mo naman." mahina kong sabi. Napatingin naman sa akin si Klarisse, ngumiti lang ako at sinimulan ang paggawa ng draft. Ang cute ni Klarisse kapag nagseselos.