Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 128 - Too Kind

Chapter 128 - Too Kind

Ayradel's Side

Noong lumaon ay dumating na sina Mama. Pinakiusapan ko sina besty, Richard at Suho na huwag na lang banggitin sa kanila ang tungkol kay Jae Anne.

"Jusko, salamat sa Diyos at nagising ka na anak!" sabi ni Mama pagkatapos niya akong halikan sa ulo. "Paano ka bang nalaglag sa swimming pool na iyon? May nagtulak ba sa iyo?"

Agad akong ngumiti at umiling.

"Wala po Ma. Nagulat lang ako dahil sa pagdaan ng isang pusa kaya naman hindi ko napigilan yung balanse ko, ayun doon po ako nalaglag."

"Sa susunod ate, mag-ingat ka. Pinag-alala mo kaming lahat." sabi naman ni Papa.

"Opo. Sorry, Papa."

Tumango lang si Papa. "Ang mahalaga ligtas ka na."

Noong sumunod na araw ay naging mas maganda na ang pakiramdam ko kaya naman pinayagan na ako ng doktor na lumabas. Doon ko na rin naisipang puntahan si Jae Anne. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong mag-sorry sa kanya, at parang may something rin sa akin na gustong i-check kung okay lang ba siya.

"Alam mo besty, bawasan mo nga ng kaonti 'yang pagiging mabait mo." reklamo na naman ni Lui noong naopen ko na naman 'yong topic na gusto ko ngang makita si Jae Anne. Nakauwi na kami ngayon sa Buenavista, at nandito rin sa bahay namin si Ella para dumalaw.

"Ano 'yon Luisa? Bakit babawasan ni Ayra ang pagiging mabait niya? Huwag mo bawasan Ayra, stay as you are!" singit ni Ella na hindi pa alam kung anong nangyayari. Basta ang alam niya lang e 'yong aksidenteng nahulog ako sa swimming  pool.

"E pa'ano, yang si Ayra nalaglag lang naman sa swimming pool at hindi man lang tinulungan ng Jae Anne na 'yan." kwento ni besty. "Talagang tinakbuhan pa! Sinong hindi magagalit? Ha? Syempre si Ayra, kasi nga sobrang bait na siya pa ngayon ang nagaalala sa Jae Anne na 'yon na malamang e nagdiriwang dahil nasaktan ka!" dire-diretsong explanation niya pa na parang Nanay. Tumingin ako sa pintuan ng kwarto para i-sure na wala doon sina Mama at Papa. Hindi nga kasi nila alam ang tungkol kay Jae Anne.

"Ay gan'on ba ang nangyari?" sabi ni Ella. "Oo nga Ayra! Bawasan mo 'yang kabaitan mo! Bakit ka ba nag-aalala para sa Jae Anne na 'yon?"

Inisip ko kung bakit nga ba, siguro dahil naalala ko ang kwento sa akin dati ni Jayvee...

"Kaya lang habang tumatagal, lalo siyang lumalala. She's seems okay outside, pero kapag magkasama kami ay lagi siyang napaparanoid tungkol sa mga bagay-bagay. She's crying herself out kahit wala namang dahilan... hindi ko maintindihan e. Ang alam ko lang, may problema siya sa pamilya, but I don't know well kasi sa tagal ng relasyon namin, hindi niya pa ako napapakilala sa kanila."

Naramdaman ko ang marahang haplos ni Richard sa likuran ko habang nakaupo rin siya sa kama katabi ko. Hindi pala ako agad nakasagot sa sinabi ni Ella. Sina besty ay nasa harapan naming dalawa.

"H-Hindi ko rin alam." sagot ko na lang. "But you all promised me, right? Na kapag okay na ako pupuntahan natin siya." tumingin ako kay Richard. "Right?"

Umangat ang kamay niya para ilagay sa ilalim ng tenga ko ang buhok kong kumakawala, saka ngumiti ng kaonti.

"Whatever you want." aniya.

Ngumiti ako bago umalingawngaw ang pang-asar ni Ella.

"Ang sweet naman n'on!!!" sabi ni Ella kaya naman sumama ang tingin ni besty sa kanya. "Ay joke! 'Ba 'yan Richard, bakit ka pumayag?!"

Natawa na lang ako dahil kay besty at kay Ella. Agad kong ni-contact ni Jayvee para sumama sa pagpunta namin kay Jae Anne. Siya kasi ang nakakaalam ng bahay nito.

"Thank you, Ayra." sabi ni Jayvee noong naglalakad na kami papunta sa sasakyan ni Richard. Iyon ang gagamitin namin papunta kina Jae Anne. "Kasi kahit malaki ang kasalanan ni Jae Anne, hindi ka pa rin nagtatanim ng galit sa kanya."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"You see, minsan naisip ko na rin siyang sukuan dahil sa mga ginagawa niya, but I never did. Naaalala ko kasi mga araw na masaya pa siya... na hindi pa siya gan'on kabigat kasama." aniya. "Na baka... pwede pa siyang bumalik sa pagiging gan'on."

"Don't worry, hindi naman ako nagtatanim ng galit. And I also know you still care for her, right?"

Ngumiti siya, pero parang malungkot.  "Actually, I'm really thankful. I don't know if I should say this, pero tinawagan ko kahapon si Jae Anne... and..."

"And?" hindi ko alam kung bakit ako naga-alala.

"She's crying. Pero hindi siya nagsasalita e. Siguro ay problemang pamilya ulit? I don't know. Pupuntahan ko talaga siya ngayon, and I'm glad na tinawagan niyo ako."

Bumagsak ang balikat ko nang marinig iyon.

"Sana okay lang siya."

pagkatapos n'on ay sumakay na kami sa sasakyan ni Richard. Halos isang oras rin ang inabot ng byahe at buong byahe yata e bumabagabag sa akin 'yong sinabi ni Jayvee na umiiiyak si Jae Anne. 

Pakiramdam ko ang swerte ko pa kumpara sa kanya. Hindi nman ako palaging malungkot at umiiyak, pero kung may panahon mang down ako ay nandyan naman sina besty, Ella at Richard para pasayahin ako.

Sa kanya kaya? Mayro'on kaya siyang kaibigan na nalalapitan? Totoo kayang si Jayvee lang ang mayroon siya pagkatapos ay nagbreak pa sila?

Malapit na kami n'ong mapansin ko sa rear view mirror na hindi mapakali si Jayvee habang may tinatawagan sa cellphone niya.

"Jayvee, anong problema?" tanong ni Richard sa kanya. 

"Oo nga parang hindi ka mapakali?" sabi naman ni besty. Pati pala sila ay napansin rin.

"Si Jae Anne kasi hindi na sumasagot." Agad akong napalingon sa kanya. "Tumawag siya sa akin pero n'ong sinagot ko, ang sabi niya... Sorry..."

"Oh my God..." sambit ni besty. Parang kumabog ng napakalakas ang puso ko dahil doon. Wala akong nasabi, hanggang sa naramdaman kong mas binilisan ni Richard ang pagda-drive niya. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay ni Jae Anne.

"Ayan, dyan. Ayon ang bahay niya." sabi ni Jayvee.

Isang luma at malungkot na apartment. Kung titignan parang walang nakatira sa bahay na 'to kasi luma na 'yong pintura tapos medyo madumi na rin 'yong mga pader.

"Si Jae Anne lang ba mag-isa ang nakatira rito?" tanong ko.

"Kasama ang tita niya, pero wala ang mga 'yon palagi dahil may trabaho hanggang 9 PM." sagot ni Jayvee. "Tara na."

Tumakbo na kami papunta sa maliit nilang gate na nakabukas lang. Maging ang pintuan nila ay nakabukas lang.

"Jae Anne?" tawag ni Jayvee habang naglalakad na kami papasok ng bahay. Walang sumasagot. "Tao po. Jae Anne?"

Maayos naman ang itsura ng bahay. Sala ang unang bumungad sa amin pagkatapos ay kusina. Mayron ring hagdanan para makapunta sa 2nd floor nitong apartment.

"Akyat tayo, nand'on sa taas ang kwarto niya." ani ni Jayvee. Umakyat kami ng dahan-dahan at patuloy na tunatawag, pero ni minsan ay walang sumagot. Tumambad sa amin ang nakasarang kwarto ni Jae Anne.

Kumatok doon si Jayvee.

"Jae Anne, nandyan ka ba? Please, sumagot ka. Si Jayvee 'to." Noong ilang segundong walang sumagot ay napagdesisyunan na ni Jayvee na buksan ang pintuan, kaya nga lang ay naka-lock ito mula sa loob. "Nasa loob siya." sabi ni Jayvee. "Siguro ayaw niya lang talagang sumagot. Hanapin ko lang ang susi nito."

Nagsimula nang maghanap si Jayvee mula sa doormatt, hanggang sa mga sulok-sulok ng mga pigurin na nakasabit. Halatang sanay na si Jayvee sa bahay na iyon. Ilang segundo ang lumipas at may nahanap nga siyang susi sa may maliit na vase na nasa sapatusan malapit sa pintuan. Agad niyang binuksan ang doorknob, at halos balutin kami ng kaba nang makita kung anong nasa likod ng pintuan.

Si Jae Anne na duguan at walang malay.

Halos tumakbo kaming lahat patungo sa kinalalagyan ni Jae Anne. Nakalumpasay siya sa sahig habang naliligo ng sarili niyang dugo.

"Oh my God, Jae Anne!" iyon lang ang nasambit ko habang yakap na ni Jayvee si Jae Anne sa kanyang bisig. Nanginginig ang kanyang kamay.

"Jae Anne... Jae Anne, please, sumagot ka... please..." aniya dito. Agad niyang hinanap ang dahilan ng pagkalat ng dugo ni Jae Anne. Doon namin napansin ang malaking sugat niya sa kanyang pulso. 

"Diyos ko, anong gagawin natin?" ani ni besty nang makita ang sugat. Nanginginig rin ang kamay niya habang hawak ang cellphone at sinusubukang tawagan ang emergency hotline.

Maging ako ay hindi alam ang gagawin. Kinapa ko ang maliit na panyo sa bulsa ko upang ibigay kay Jayvee.

"I-itali mo sa sugat niya..." agad na kinuha iyon ni Jayvee upang pigilan ang pagdanak ng dugo. Ngunit hinid iyon naging sapat kaya naman hinubad na niya ang Tshirt niya upang iyon ang itali mismo sa sugat. Napansin namin ang pagkislot ng noo ni Jae Anne na indication na nasaktan siya, doon kami nabuhayan ng loob.

"Baka matagalan kung tatawag pa tayo sa emergency. Ihahanda ko na ang sasakyan, mayroong malapit na ospital rito." sabi ni Richard habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Sige, ihanda mo na ang sasakyan. Ano na ang magbubuhat kay Jae Anne."

Tumakbo na palabas si Richard habang kami naman ay tumutulong kay Jayvee upang mabuhat niya si Jae Anne. Maayos kaming nakasakay ng sasakyan, habang nasa loob ay tahimik kaming lahat at taimtim lang na nagdarasal na sana ay ayos lang siya. Na sana ay makaabot pa.

Diyos ko, bakit 'to nagawa ni Jae Anne? Bakit niya sinubukang patayin ang sarili niya?

Sa bilis ng pagdadrive ni Richard ay agad kaming nakarating sa pinakamalapit na ospital. Mabilis na rumispunde ang mga nurse at doctor sa amin. Nanatili kami sa labas ng ER habang si Jae Anne ay ipinasok na doon.

Narinig ko ang napakalalim na hininga ni Jayvee habang tinatanaw si Jae Anne sa glass part ng pintuan. Napahilamos pa ito sa kanyang mukha at halatang pinipigilan niya na lamang ang kanyang emosyon.

Napaupo na lang rin ako sa pinakamalapit na upuan. Naramdaman ko ang pagsalo sa akin ni Richard sa aking bewang.

"Kasalanan ko 'to." sabi ni Jayvee. "Kasalanan ko 'to. Dapat kagabi pa lang ay pinuntahan ko na siya kahit nand'on ang tita niya. Dapat nalaman ko nang kaya niyang gawin ang bagay na 'to sa sarili niya. Sana napigilan ko pa."

"Hindi mo kasalanan Jayvee." sabi ni Richard. "Walang sinuman sa atin ang may gusto nito. Ang mahalaga, nadala natin siya agad sa ospital."

"Kaya siguro gustong-gustong puntahan ni besty si Jae Anne..." sabi ni besty. "Sorry dahil sinubukan ko pang pigilan kayo. Totoo ngang lahat ng bagay ay may dahilan."

"Wala bang pwedeng contact-in tungkol sa nangyari kay Jae Anne? Mommy at Daddy niya? Kapatid?" sabi ni Richard.

"Walang kapatid, nanay at tatay si Jae Anne. Mayroon siyang tita kaya lang ay wala akong contact. Kung meron man, sigurado akong wala ring pakialam 'yon sa kanya."

Kumirot ang puso ko para kay Jae Anne. Kung alam ko lang ito noon pa ay sana hindi ako naging masama pabalik sa kanya, sana naunawaan ko siya, sana inalok ko siyang maging kaibigan.

Ilang oras ang nakalipas at walang umuwi sa amin ni isa. Sinisimulan na rin akong contact-in ng magulang ko at tinatanong kung saan daw kami pumunta. Gan'on rin si besty.

"Ihahatid na kita Ayra, hinahanap ka na sa akin ni Tita Myra." sabi ni Richard.

"Sige na Ayra, kung gusto niyo ay bumalik na lang kayo bukas. Ako na ang bahalang magbantay kay Jae Anne." sabi naman ni Jayvee.

Tumingin ako kay Jayvee pagkatapos ay tumango kay Richard.

"Sige, Jayvee. Babalik kami bukas." sabi ko naman.

"About the hopital bills, ako na lang ang bahala." sabi naman ni Richard.

Tumayo si Jayvee upang harapin si Richard.

"Sige, maraming-maraming salamat sa tulong mo..." ngumiti si Jayvee kay Richard. "Dboy."

Parang tumayo ang balahibo ko dahil sa sinambit ni Jayvee.

"Walang anuman, Vboy." lumapit sila sa isa't isa para yumakap saglit at tapikin ang kanilang mga balikat. Hindi ko na napigilan ang mapaluha ng kaonti. Hindi ko mapigilang maging masaya noong makita silang nakangiti sa isa't isa. Naalala ko pa noong unang beses ko silang marinig na tinawag ang mga sarili nila na Vboy at Dboy. Magkaaway pa sila noon. Hindi ko akalaing darating ang araw na magkakaayos din silang dalawa.

Unang humalakhak si Jayvee.

"O bakit parang naiiyak ka?" natatawang asar ni Jayvee kay Richard.

"Hell no!" sagot naman agad ni Richard. "Sige na. Huwag tayong maging malungkot, magiging okay rin si Jae Anne. Babalik kami dito bukas, Jayvee."

"Sige, pre. Sige Ayra at Luisa." sabi ni Jayvee.

(to be continued)