Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 114 - Win You Over

Chapter 114 - Win You Over

Ayradel's Side

'Yong mga pictures at impormasyon na nakakarating kay mama noong highschool kami... ngayon lang sumagi ang tanong kung sino nga ba talaga ang nagpapadala n'on? Sino ang mata ni mama sa school na sinasabi niya?

Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat...

Nalilitong tumingin ako kay Mama pagkatapos ay kay Jae Anne na nakangisi na para bang siya ay nagtagumpay.

"Surprised? Yes, I may not be your friend Ayra, but I told you I'm invited because of your mom, huh!"

"Tita! Anong ibig sabihin nito? Bakit ka nagtitiwala sa babaeng iyan?---"

"Tumahimik ka Luisa!" sabi ni Mama, na ikinatawa ni Jae Anne. "Kaya ang lakas ng kutob ko na nagkikita pa rin kayo ng lalaking iyan e! Mabuti na lang nandyan pa rin si Jae Anne para manmanan kayo! Mabuti na lang talaga dahil kung hindi ay habangbuhay niyo na pala akong hindi nirerespeto!"

Si Jae Anne... na mabait, maalalahanin, maganda at mahinhin ay may lihim na galit pala sa akin at ngayon ay kasabwat pala ni Mama sa pagsira sa amin ni Richard. Mas lalo pang sumakit ang ulo ko.

"Ayra, siguro kailangan muna naming umalis," tinanguan ko ang nagsalitang sina Lea.

Nagpigil lang muna ng galit si Mama, at nang makaalis ang mga tao bukod sa amin ni Richard, Jayvee, Jae Anne, besty, Ella, at Suho ay nagsalita na siya. Kalmado ngunit puno ng galit.

"Bitawan mo ang lalaking 'yan, anak. Ngayon din." aniya pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak ni Richard sa braso ko. Sumikip ang tibok ng dibdib ko at ang tanging magagawa ko na lang ay ang magtago sa likuran niya.

Hindi ko kaya... hindi ko pa rin kaya...

Hanggang ngayon ay kahinaan ko si Mama. Hindi ko siya kayang makitang nagagalit sa akin. Lumaki akong sinusunod ang lahat ng gusto niya, pero hindi ko na siya kayang sundin pa ngayon.

"Tita. Don't do this please--"

"Jayvee huwag kang makialam dito! Isa ka pa! Ang sabi ko ay bantayan mo ang anak ko pero ano?" sigaw ni Mama. "AYRA! ISA!"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw na iyon ni Mama. Agad akong napadilat parang tignan siyang nagaapoy sa galit sa hindi kalayuan.

"Bitawan mo 'yang lalaking yan kung hindi ay mamimili ka! O gusto mo talagang mawalan ka ng ina?!"

Mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit sa akin si Richard, at nang magkatinginan kami ay nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mata. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at parang sinaksak ng isang libong beses ang puso ko nang napagdesisyunan kong tanggalin iyon.

"A-ayra..." paos ang boses niya at nagsusumamo, kasabay ng luhang kumawala sa mata ko. "No, no! Don't... please... don't..." aniya, habang hindi hinahayaang makawala ang kamay ko.

"Richard, please..." sambit ko at napapikit na.

"Please... please... hindi kita bibitawan. Hayaan mong ipaglaban kita, ipaglalaban kita..."

"No. Let me..." parang nanghina ang kamay niya dahil agad kong natanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "...let me fight... for you." pagkatanggal ko sa kamay niya ay ako naman ang humawak dito... madiin, mahigpit... siguradong hindi na makakawala pa.

Ramdam ko ang labis na pagkagulat sa kanyang mata.

"I'll fight for you this time..." saka ako humakbang paharap. Suminghap si Mama habang nakatingin sa kamay kong hawak pa rin ang kamay ni Richard, na ngayon ay nasa likuran ko.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko siya matapang na tinignan.

"Hindi, ma. Hindi ko siya bibitawan. Napaghiwalay mo na kami noon, at hindi na po mauulit iyon."

"Oh my God!" hysterical na sigaw ni Mama. "Anong nangyayari sa 'yo?! Hindi mo siya totoong mahal Ayra! Si Jayvee ang mahal mo! Diba? Nagustuhan mo na siya dati! Bakit hindi mo ulit gawin! Utang na loob! Huwag dyan sa anak ng mamamatay tao!"

"MAMA! PLEASE!" muli siyang napasinghao dahil sinigawan ko siya. "Utang na loob rin huwag mo namang turuan ang puso ko! Kaya mong diktahan ang bawat kilos ko pero hindi ang nararamdaman ko Ma! Mahal ko si Richard! Kaya please tanggapin niyo na!"

Sunod-sunod na nagsipatakan ang luha ko kasabay ng panghihina ng tuhod ko. Akala ko ay lalambot na si Mama pero mas lalo ko lang nakita ang nagbabaga niyang mata.

"HINDI PWEDE!" sigaw niya't sumugod na sa amin. Doon na ako muling itinago ni Richard sa kanyang likuran. Naramdaman ko na rin ang pag-awat nina Jayvee, Suho, besty at iba pa.

"Tita Myra tama na po!"

"Tita please!"

"Mama!" hindi na mapigil ang pagiyak ko. Sobrang nanlalabo na ang mata ko at naninikip na ang dibdib ko.

"Hindi! Sasama ka sa akin! Ilalayo kita sa lalaking yan!"

"MYRA!" natigil lamang si Mama nang marinig ang dumagundong na sigaw ni Papa. Agad siyang naglakad patungo sa amin para kaladkarin palayo sa amin si Mama.

"Robert ano ba! Bitawan mo ako!!!"

"Ano na namang ginagawa mo?! Bakit mo na naman sinasaktan ang mga bata!"

"Bakit ba nandito ka pa?!" sigaw pabalik ni Mama.

"Bumalik ako dahil naramdaman ko na naman na may pinaplano ka kaya ka nagpaiwan! At ito! Ano naman 'to! Hindi ka pa ba natuto n'ong halos di na kumain 'yang anak mo sa lungkot noong ginawa mo 'to?!"

"Sinabi ko naman sa 'yo Robert! Hindi ko kayang hayaan itong anak natin sa anak ni Dianne Marcaida! Hinding hindi!!!" nilingon ako ni Mama. "Ayra! Ina mo ako at alam ko kung anong makakabuti sa 'yo. Makakasama lang sa iyo ang lalaking yan! Sa pamilya nila si Vivian lang ang mabuti!"

"MAMA HINDI MO SILA KILALA!"

"KILALA KO SILA HIGIT PA SA PAGKAKAKILALA MO SA KANILA!"

Agad akong umiling-iling. Hindi... si 'Ma, si 'Pa... mabubuti silang tao. Si Richard...

"Myra... hayaan mo na ang mga bata..." pakiusap ni Papa. Hawak niya ang braso ni Mama upang pigilan ito. Kumuyon ang bibig ni Mama at matalas kaming tinignan.

"Gusto niyong kayo talaga? Huh?" hamon niya sa aming dalawa ni Richard. "Pwes papayag ako. Sa isang kundisyon." aniya. "Isang taon... Isang taon na hindi kayo maguusap. Isang taon ang ibibigay niyo sa akin para lubos ko kayong matanggap. Kapag nagusap kayo sa pagitan ng isang taong 'yon ay tuluyan ko nang puputulin lahat ng koneksyon na meron kayo."

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag o mas kakapusin ba. Isang taon? Napakahaba ng isang taon! Hindi ko kaya... hindi ko kaya 'yon.

Mas humigpit ang kapit ko kay Richard.

"Mahal mo ang anak ko?" sabi ni Mama kay Richard. "Pwes, kung totoong mahal mo siya, hindi ka makakahanap ng iba sa loob ng isang taon. Hindi rin ulit mahuhulog ang anak ko kay Jayvee. Ano? Hindi mo kaya? Natatakot ka ano?"

Tumaas ang balahibo ko nang ngumisi si Richard.

"Ang isang buwan ay parang isang araw lang kapag kasama ko siya," aniya... "at parang sampung taon naman kapag hindi. Pero kahit gan'on, Ma'am, maghihintay ako. Hihintayin ko yung panahong hindi niyo na ako makikita bilang anak ni Dianne Marcaida Lee, kundi isang lalaking mahal na mahal ang anak ninyo."

Suminghap lamang sa gulat si Mama. Si papa ay bahagyang ngumiti bilang suporta sa sinabi ni Richard. Natahimik ang lahat lalong-lalo na si Jae Anne na tumigil sa pag-ngisi sa isang tabi.

Hinarap ako ni Richard para titigan ako sa mata at hawakan sa dalawa kong kamay. Hindi ko alam kung mabubuo ako o mababasag sa naging desisyon niya.

"I promise you, kahit ilang beses pa tayong paglayuin, I'll win you over." aniya na halatang may sakit sa bawat salita. "I'll win you over and over, hanggang sa wala na silang magagawa dahil sa dulo ay tayo pa rin. Tayong dalawa lang."