Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 102 - Jealous

Chapter 102 - Jealous

Ayradel's Side

Walang tao pagkalabas ko ng silid na iyon. Halos hindi ko maimagine kung gaano na kainit ang pisngi ko, habang nirereplay sa utak ko ang nangyari.

What the hell, did I just feel it right on my...? Shiiiz!

Napatakip ako sa aking mukha habang patakbong naglalakad. Napakagat ako sa aking labi, masiyado akong lutang na hindi ko na tuloy alam kung saan ako papunta. Pumunta na lang ako sa West Wing, at natagpuan sina Lea na nasa Student's Area. Nilapitan ko sila, at sobrang namumula na ang mukha ko lalo na noong pasadahan nila ako ng tingin. Tagos hanggang kaluluwa. Shocks!

"Saan ka galing?" anila.

Bakit pakiramdam ko alam nila ang ginawa ko? Nangatog ang tuhod ko at napalunok.

"Uh... sa ano... SC office..."

"Yung malapit sa 1st floor CR?"

"HA?!" namula ang pisngi ko. Malapit kasi sa CR yung room na... alam niyo na... iyon.

"E dalawa ang office ng SC e. Yung malapit sa cashier at yung isa malapit sa CR."

"Ah? Oo yun nga."

Gusto kong masapo ang noo sa sobrang obvious ko. Hay!

Umupo na lang ako sa tabi ni Rocel. Kumakain pala sila ng snacks kaya inalok nila ako na tinanggap ko naman.

"Uy ah! Basketball mamaya! Support natin sina Charles, Sheyvii and of course Richard hihihi!" sabi ni Lea.

"Support rin natin si Patrick Perez hihihi!" singit naman ni Rocel. Mukhang panibagong crush niya.

"Gaga! Ibang section yun!"

"Kala mo naman sina Jayvee ay ka-section natin!"

Hindi ako makasabay sa pinaguusapan nila dahil hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang nangyari. Pinigilan ko ang sariling mapahawak sa labi. Pinigilan ko ring mapangisi. Para akong ewan!

Hindi naman iyon ang first kiss ko kasama siya pero hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil sa nararamdaman ko sa kanya kaya ganito na lang talaga yung epekto sa tiyan ko.

Nakatulala ako nang mapatalon ako sa gulat dahil biglang tumunog ang phone sa bulsa ng skirt ko. I am wearing a simple white shirt and a black skirt na above the knee.

Agad kong binasa ang mensaheng nakadisplay sa screen. Mabuti na lang at hindi ako pinapansin nila Lea at busy sila sa pagkukwentuhan.

AUTOLOADMAX?!?!

You have been successfully loaded P100.00.

Kasunod n'on ay isang text mula sa unknown number.

Unknown Number: "Huwag mo na ulit akong papahirapan ng gan'on."

Halos hindi na mapawi ang mapaglarong ngiti ko. Sinulyapan ko sina Lea na busy sa pagkukwentuhan, saka niregister 'yong load na pinadala niya. Hindi ko alam kung ba't parang kinikiliti ang tiyan ko na ewan.

Me: "Who's this?"

Napangisi ako kahit alam ko naman talaga kung sino 'yon, makapang-asar lang.

Unknown number: "The one who claimed your lips earlier."

Me: "Huh?"

Napa-hagikgik ako ng mahina. Shiz! Gusto kong makita kung anong mukha niya ngayon. Lumipas ng mga ilang minuto bago siya nagreply. Ni-rename ko na rin ang pangalan niya sa contacts.

Richard: "I'm looking at you right now. You want me to go straight to you at ipaalala sayo?"

Kinilabutan ang buo kong katawan. Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko naman siya makita kung saan.

Richard: "Hahahaha! Shiz! I really really love you!"

Napanguso ako't napangiti. Grabeee pakiramdam ko tumatawa na siya ngayon habang pinapanood akong parang ewan na nagpapalinga-linga.

Me: "Saan ka?"

Richard: "Somewhere. Tinititigan ang magandang girlfriend ko."

Napangisi ako.

Me: "Sino?"

Richard: "Hay, bakit mo ba ako sinasaktan? Ikaw... :("

Hahahahahaha natatawa ako, gawd! Lalo na sa page-emoji niya!

Me: "Huh? Kailan mo ako naging girlfriend?"

Bago pa ako makareceive ng reply ay napatingin na ako sa dulo ng North Wing dahil sa tilian ng mga babae. Kumalabog ang dibdib ko dahil natatanaw ko si Richard Lee na naglalakad kasama ang mga tropa niyang naka-jersey rin. Diretso lang ang tingin niya sa akin, kaya naman halos maghuramento ang puso ko. Gan'on rin siyempre ang mga kasama ko sa table.

"Omaygaaaad! May papalapit na grasya!" ani ni Lea.

Agad akong napa-tipa sa aking phone.

Me: No! Hindi mo pwedeng sabihin sa kanilang boyfriend kita!

Dahil patay ako nito! Ni wala nga silang alam sa nakaraan namin ni Richard. Kailangan ko pang magpaliwanag. Huhu!

Nakita kong sumilay siya sa kanyang phone.

Richard: "So... inaamin mo nang boyfriend mo ako?"

Ngiting-ngiti siya nang tapunan niya ako ng tingin, kaya naman agad akong nagsign na huwag niya akong tignan! Baka makahalata sina Lea. Umiwas siya ng tingin at nginitian ang mga babae sa gilid niya. Halos mahimatay naman ang mga ito.

"OMG! I can'ttttt!" tili ni Blesse.

"Ang gwapo niya lalo kapag ngumingitiiii! Bakit ngayon lang siya ngumiti ng ganyan? Shemay!"

"Oo no?! Ang seryoso niya nung first day! Shocks!!!"

Nang makalapit sila sa pwesto namin ay agad akong napangisi at napatungo. Nilampasan lang naman nila kami, pero yung mga kasama ko sa table ay halos manisay na.

Dumiretso kami ng gymnasium upang manood ng first game nila. As expected maraming tao. Maraming kanya-kanyang banner ng bawat section, marami ring banner ng specific na player. Pinakamabenta ang pangalan nina Richard, Jayvee, Charles, at 'yong Patrick. Naupo kami sa pangatlong column ng bleachers.

"Gawd! Gusto ko silang lapitan at punasan ng pawis isa-isa ihhhh!" tili ni Blesse habang tinatanaw ang grupo nina Charles.

Bawat section ang kampihan ngayon, pero hindi by section ang pilian ng mga magrerepresentative sa Foundation Day. Kung sinong pinakamagagaling kada section ay siyang pipiliin.

"Teka, gurl! Si Sheena ba 'yon?"

Napadpad ang tingin ko grupo ni Sheena na lumapit kay Richard! Oo. Kay Richard Lee lang. Si Richard lang kasi yung nakahiwalay sa grupo ng section namin, kaya siguro siya yung nilapitan ng mga iyon.

"Ay malupet rin huh? Nitong nakaraan si Charles ang type, ngayon mukhang si Richard na?"

Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko habang tinitignan ko kung paano mamula si Sheena at kung paano siya nginingitian ng Lee-ntik na 'yon! Tss!

Inabutan pa siya nito ng Gatorade, at tinanggap niya naman. Nag-ngitian pa sila doon na hindi naman namin naintindihan. Dinaluhan na rin sila ng iba pang teammates nila, at mas dumami na rin ang mga babae. Pero matibay si Sheena, talagang konsentrado kay Lee-ntik!

Lee-ntik talaga.

"Tagal naman magsimula! Kating-kati na akong palayasin doon si Sheena walanjo!" reklamo ni Blesse.

Mas lalo pa akong nainis nang magsimula na ang ibang mga babaeng hawakan ang braso ng Lee-ntik na lalaking todo pa kung makangisi. Nakikita kong umiiwas siya ng bahagya, pagkatapos ay lumilinga-linga sa crowd na para bang may hinahanap.

Umirap ako sa ere at tinapunan na lang ng tingin 'yong unahan ng court, nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

Richard:

Sorry. They're touching me. You jealous?

Napadpad ulit sa kanya ang tingin ko. Nakatingin na siya sa direksyon ko kaya naman napansin yon agad nila Blesse.

"Wadafudge sinong tinitignan ni Fafa Richard?!?!"

I text him immediately. Mabuti na lang at sina Blesse ang nasa aisle, ako naman ay nasa pang-apat na upuan mula sa aisle kaya naman kapag busy sila sa pag-uusap ay natatalikuran nila ako at hindi napapansin.

Me:

Huwag kang tumingin, napapansin nila. At bakit ako magseselos? Childish jealousy was not my style.

Hindi ko alam kung ba't inis na inis ako. Humalukipkip ako at lalong sumimangot. Nang tignan ko siya ay todo ang ngisi niya habang nagtatype sa phone.

Richard:

Kita ko nga. Hahahaha!

Aba't tumawa pa?!

Laking pasalamat ko at simula na ang game. Lumayas na rin doon sina Sheena. Akala ko okay na kaso natanaw ko sila na papalapit rin sa pwesto namin.

"Ayan na ang bruhilda." sabi ni Lea.

Taas pa ang kilay niya habang naglalakad siya. Mukhang sa likuran pa namin talaga pupwesto. Puno na rin kasi yung 1, 2, 3rd column. May space pa naman sa tabi ko pero never silang tatabi sa akin no. Pwede rin naman sa ibang row sila umupo pero dito pa talaga sa likuran namin.

Siguro ay nasa anim sila o walo? Pinuno ng mga tropa niya yung buong 4th column. Puro taas ang kilay nila, with matching bulung-bulungan pa habang umuupo.

"Baks, pigilan mo ako, masasapak ko 'tong nasa likuran ko!" bulong niya sa katabing si Rocel.

"Hay nako gurl, hindi kita pipigilan."

Naipit ko na lang ang hininga ko para magpigil ng inis. Naramdaman ko pang sa likuran ko pa mismo puwesto si Sheena. Nakumpirma ko iyon nang marinig ko ang boses niya.

"Of course, kaonting lambing lang bibigay na ang Lee na 'yon." aniya. Humalakhak naman ang mga kaibigan niya.

"Ganda mo talaga Sheena! Sure talaga akong gusto ka rin n'on ni Richard e! Hihihi~"

"Actually, we are somehow connected pala. Schoolmate sila ng pinsan ko dati."

Naging interesado ako sa huli niyang binanggit.

"Really? Kailan? N'ong highschool?"

"Hindi ko alam e. I'll ask na lang."

"Yiiie, omaygad! Look Sheena, he's looking at you just right now!"

Kunot noong napalingon ako kay Richard, at totoo nga. Nakatingin siya sa akin at nakangiti, nagassume lang itong likuran kong sila yung tinitignan. Umirap na naman ako sa ere.

Lately ay nagiging mainisin ako. Ibang-iba noong highschool. Tsk.

"Omg! Sheena! So lucky!"

Kita ko, kahit nakatalikod ako yung ngiting tagumpay ni Sheena. Naiimagine ko pa lang pero parang gusto ko na lang burahin.

"Yeah right. He's a better trophy than being Miss Entrep." aniya na alam kong ako ang pinaparinggan.

Nakakainis talaga ang taong katulad niya. Iyong tipong ginagawa lang na display ang mga nakakarelasyon. Mapuri lang na maganda siya, na swerte, na magaling. Para lang makaakyat sa rurok ng social life.

Hindi ko na sila pinakinggan pa, nagfocus ako sa game dahil ang magkalaban ngayon ay ang section namin (1D) at ang sectiong 1N. Mabuti na lang ay hindi namin kalaban ang section nila Jayvee, ayokong malito kung sino ang ichi-cheer.

"WOOOO! GO CHARLES! KAIBIGAN NAMIN YAAAAAAN! WOOOOOO!" sigaw nila Lea.

"GOOOOO RICHARD! WOOOO BOYFRIEND KO YAAAAAN! KYAAAAA!" sigaw ni Blesse. Nagtawanan naman kaming apat. Kay Blesse ay alam ko namang joke lang ang lahat.

"Ilusyunada." bulong ng isang nasa likuran namin. Agad na hinawakan ni Rocel ang braso ni Blesse upang hindi ito magreact.

"Akala ko ba hindi mo ako pipigilan?!" inis na sabi ni Blesse.

"E! Hayaan mo na! Ayan na o, start na yung game huwag na nating palagpasin!"

Unang naka-puntos si Charles. Halos mabingi naman kaming lahat sa mga naging sigawan.

"Kainis! Wala tayong banner!" reklamo ni Lea.

Hanggang sa sunod na pumuntos ay si Richard. Naging mas naging hysterical ang mga tao, ranting Richard Lee all over again. Halos maghysterical rin ang dibdib ko dahil sa akin na naman siya tumingin saka ngumiti ng sobrang tamis. Napangisi ako.

"Gaaaaaaaaaaawd!"

Nawala ang ngiti ko nang marealize na nasa likuran ko nga pala si Sheena, hayun at kinikilig na naman ang mga alagad niya.

"You're so lucky talaga Sheen!!!"

Mas lalo lang akong napapasimangot. Parang ayoko na lang na tumitingin sa akin si Richard tuwing nakakapuntos siya. Naiirita ako tuwing naririnig ang komento ng alagad ni Sheena. Kung pwede ko lang siyang itext ngayon na huwag na muna siyang tumingin sa pwesto ko e, gagawin ko na. Tsk.

"Girls, nakakairita na huh? Totoo bang si Sheena ang tinitignan ni Richard? Ugh!"

"Baka si Ayra!!!" sagot ni Rocel.

Kumalabog naman ang dibdib ko.

"B-ba't ako? H-hindi..."

Natapos ang unang quarter at katulad ng ineexpect ay nanalo ang section namin. Break muna pagkatapos ay change court or second quarter... kung sinong mananalo ay siyang makakalaban ng another winning group sa susunod pang mga araw.

Nakareceive ako ng text.

Richard:

Pawis na pawis ako. Sana nandito yung girlfriend ko para punasan ako :(

Magrereply na sana ako kaso nakita ko na naman sina Sheena na palapit sa pwesto niya.

Me:

Ayan, papunta na diyan si Sheena!

TSS!

"Banyo lang ako." paalam ko kina Lea dahil ayokong makita yung pagpapapansing ginagawa ni Sheena. Padabog akong naglakad patungo sa CR. Kahit habang umiihi ako ay naiirita ako. Tsk!

Nang palabas na ako ng CR ay parang de javu na may nanghila na naman sa braso ko. Kumalabog ng husto ang puso ko at nalaman ko na lang na nandito kami sa locker room ng mga basketball players.

Halik niya kaagad ang sumalubong sa akin. Muntik na naman akong malunod pero dahil sa inis ko ay agad ko siyang hinampas sa braso.

"O ba't nandito ka?" inis kong tanong na sinuklian niya lang ng malambing na tawa. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahapit sa bewang ko. Napansin ko rin ang towel na hawak niya't mukhang siya lang ang nagpunas sa sarili niya.

"Nagseselos ka ba, mahal?"

Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Seriously? M... Mahal? Shiz! Nung 'Love' nga hindi ko kinaya, mas nakakapanindig balahibo pala kapag 'yong tagalog na. Shiiiiiiz!

"H-hindi nga! Tss." sagot ko nang makabawi. "Baka may makakita sa atin dito! Balik ka na--"

Pinipilit kong makaalis pero mas lalo niya lang akong niyayakap. Para siyang bata na nagka-cuddle.

"Childish jealousy was not my style. Sus..." panggagaya niya sa tinext ko. "Talaga?"

"O-oo nga! Tss! Ano bang ginagawa mo?!" napaos ang boses ko.

Mas idiniin niya pa ang katawan niya sa akin. Yung tibok ng puso niya e talagang damang dama ko na. Parang madudurog yung buto ko sa sobrang higpit ng yakap niya pero ang sarap sarap sa pakiramdam. Ang bango-bango niya pa kahit na pawisan na siya.

Parang ayoko nang bumalik doon sa bleachers. Dito na lang kami...

"Don't worry, I'll be careful from now on, sa mga babaeng lumalapit o kumakapit sa akin," aniya na parang musika sa pandinig ko. Lahat na yata ng inis ko sa mga babaeng umaaligid sa kanya e naglaho ng parang bula. "Kung nagseselos ka, you have to make it obvious. Let's just tell everything and anything to each other... when we are happy, when we are having a bad day... when we are sad or pissed."

Napakagat ako sa aking labi. Para akong maiiyak na ewan. Hindi ko na alam.

Bakit ba kasi ang hirap amining nagseselos ka? Ang hirap amining may problema ka sa kanya? Kadalasan sa atin ay puro 'hindi!' o di kaya e 'wala!' ang isinasagot tuwing tinatanong-- kahit meron naman talaga.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Naintindihan mo ba?" aniya.

Dahan-dahan akong tumango. Kainis! Para akong bata!

"O-okay..."

Walangya. Hulog na hulog na ako sa kanya at tingin ko'y wala nang makakasalba pa.

Related Books

Popular novel hashtag