Ayradel's Side
Nag-stay kaming lahat sa isang room malapit sa backstage. Pinagsuot rin kami ng headphone, ani ng organizer ay para hindi namin marinig ang tanong sa Q&A at 'yong sagot ng co-contestant namin.
"Miss Sheena Morales?"
Tinawag na si Sheena, ibig sabihin ay ako na ang sunod. Humugot ako ng malalim na hininga at napatingin sa bintana. Sa spot kung saan umamin sa akin si Richard ng lahat-lahat.
Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat. Hindi ko akalain na all this time ay mag-isa niyang hinarap ang revelation tungkol kay Tita Vivian at sa mommy niya na si Dianne. It must be hard for him... sana noon ay naisip kong posibleng hindi niya mean ang mga nasabi niya noon. Sana naintindihan ko siya, sana naisip kong baka mayroon siyang pinagdadaanan.
Napapikit ako sa kantang inilalabas ng suot kong headphone. Tila ba nakikisabay ito sa damdamin ko.
Some things we don't talk about
Rather do without
Just hold a smile
Pinigilan kong maiyak. Masisira ang make up ko niyan. Kainis!
Fallin' in and out of love
Same damn problem
Together all the while
I never fall out of love of him. I also loved him since then. Kahit pa may iba akong naging katabi sa upuan o sa buhay, hindi siya kailanman napalitan.
You can never say never
While we don't know when
But time and time again
Younger now than we were before
Napapikit ako at dinama ang kanta. Dahil doon ay medyo nabawasan ang kaba ko.
Don't let me go
Don't let me go
Pumasok na naman sa utak ko ang lahat ng sinabi kanina ni Richard. Damang dama ko ang lahat.
Napatalon ako sa gulat nang may kumalabit sa akin. Tinanggal ko ang headphones ko.
"Your turn..." ani ni Owa.
"Shocks!" nataranta ako.
"Kaya mo yan!"
Naging smooth naman ang rampa ko sa stage. Napangiti ako nang sumigaw sina besty upang icheer ako, gan'on na rin ang ibang mga taong hindi ko kilala pero grabe kung makahiyaw. May ilang mga kalalakihan ang sumigaw sa pangalan ko. Halos mamangha ako sa dami ng sumusuporta, syempre hindi naman ako sanay sa ganito--- sa atensyon.
Nanginginig na sumampa ako sa maliit na stage upang pakinggan ang tanong. Halos hindi ako makapagisip ng matino, sobrang kinakabahan ako. Napadpad ang tingin ko sa mga kalalakihang kumukuha ng litrato sa akin. Napangisi ako nang matanaw si Richard na inagaw sa mga kalalakihang iyon ang cellphone ng mga ito.
Natawa ako... silly.
"Talaga namang napakaganda nitong si Miss Ayradel Bicol... Ang ganda ng ngiti, sino kaya ang tinatanaw?" halos mapatalon ako sa gulat nang purihin ako n'ong host na nasa tabi ko na pala. Nakarinig ako ng sigawan at hiyaw.
"AKIN KA NA LANG AYRA!" may sumigaw mula sa crowd kaya nagsitawanan ang mga tao. Iwinawagayway naman nila besty ang banner na hawak nila.
"Thank you po." tanging sagot ko.
"So, eto na... ang tanong, na itinanong rin namin kanina sa ibang contestant." parang bigla akong nakarinig ng drum rolls. Sumikip ang tibok ng dibdib ko. "Ano... ang pinakamahirap na tanong... at bakit? Uulitin ko, Ano ang pinakamahirap na tanong at bakit?"
Sandaling huminto ang dibdib ko para magisip, saka napangisi sa aking naisip.
"Obviously, ang pinakamahirap na tanong... ay iyang tanong niyo mismo."
Nagtawanan ang buong crowd, samantalang napangisi naman ako dahil sa hitsura n'ong host. Para siyang natawa na nagulat.
"Dahil... pinakamahirap ang mga tanong na tanong rin ang sagot. Sa lahat ng tanong, iyon na ang pinakamalabo, pinakamahirap intindihin, pinaka-magke-create ng misunderstanding. Parang tanong na 'Saan tayo kakain' pero ang sagot ay 'Ikaw saan mo gusto?' Pero gaano man kahirap ang isang tanong ay palaging may nakalaang sagot na para dito, tanong man ang sagot o isang sagot na mas malabo pa sa tanong."
Pagkatapos n'on ay nakarinig ako ng malakas na palakpakan at hiyawan. Palaging nangunguna doon sina besty, natanaw ko rin sina Lea, Blesse, Rocel na nasa kanang bahagi pala ng crowd.
Halos nabunutan ako ng tinik pagkatapos n'on, ngunit agad akong muling kinabahan nang announcement of winners na. I am always ready to lose, alam ko namang si Denise o di kaya'y si Sheena ang mananalo dahil parang sila ang mga sanay sa ganito.
"Candidate number 7! Miss Ayradel Bicol!"
Nagloading sa utak ko ang pangalan ko. Kinalabit pa ako ng candidate number 3 na nasa likuran ko.
"Hey, you are the winner!" aniya.
"W-Weh?" nanlalaki ang mata ko habang tinitignan ang nakangising host na naghihintay sa pagrampa ko sa unahan.
"You go girl!" pagtulak pa sa akin ng iba kong kasamahan. "Congratsss!"
Kumalabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko at kusang gumalaw ang mga paa ko. Bumungad ang crowd na grabe ang ingay, they are chanting my name all over. Parang pinapataba ang puso ko na ewan. Halos maluha luha ako dahil hindi ko ito inasahan... ganito pala ang pakiramdam?
"You will represent the College of Business Administration in the upcoming Miss University 2018!"
Hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi ng host. I received the flowers, the small crown, at iba pang isinasabit sa leeg at balikat ko.
Pagkababa ay sinalubong agad ako ng pamilyar na mga mukha. Sina besty, Ella, Niña, Lea, Blesse, Rocel, Charles, Jayvee pati na rin ng mga kaklase namin. Madami ring nagpapapicture. Halos kaonting lakad lang ay may susunod na naman.
Hindi ko na mahanap ng ayos 'yong taong hinahanap ko... o talagang wala siya? Hindi siya ulit nanood?
Natapos ang araw na iyon na masaya. Ibinalita ko ang naganap kina Mama at naintindihan ko naman kung ba't hindi sila nakapunta. Bilang pabawi ay nagpadala sila ng pera para i-treat ko raw ang mga kaibigan ko.
"Thank you Ma!" sabi ko sa tawag.
"You're welcome! Galingan mo pa ha? Naku hindi lang pala pang-library ang anak ko, pang-Miss University pa!"
"Baka Miss Universe sunod niyan ah?" narinig ko si Papa sa background.
Humalakhak ako. "Ehhh Ma, Pa! Wala akong balak!"
Lubos ang saya ko dahil ito at okay na ulit kami ni Mama.
Hindi ko inakalang magiging malaki ang epekto nito sa kalagayan ko sa school. Dumami ang nakakakilala sa akin. Sa hallway ay marami nang bumabati.
"Taray gurl! Sikat ka na!" comment ni Lea na hindi ko talaga matanggap, kaya patuloy ang pag-init ng aking pisngi.
"Tssss." narinig namin ang pagaalburuto ni Sheena kasama ang mga alagad niya.
"Oops! May ahas na insecure!" ani Blesse saka namin binirahan ng alis.
Naging busy ang lahat sa pagpunta sa mga booth, sina Charles naman ay nabusy sa basketball. Si Richard ay hindi ko alam kung saan nabusy, sa basketball rin? I don't know... naiinis na naman ako dahil pagkatapos na naman niya sabihing mahal niya ako ay hindi na naman siya nagparamdam.
Siguro ito na naman ang larong gusto niya. Ganito na naman siya mang-asar. Sasabihan ka ng mga salitang magpapalambot sa tuhod mo saka bibirahan ng alis.
Galing kami sa mga booths nang mapagpasyahan namin nila Lea na bumalik sa room. Dumating kaming parang may pinagkakaguluhan ang mga kaklase ko...
Nakita kong doon sa usual spot ko ay may nakalapag na boquet of flowers.
Napalinga ang lahat ng kaklase ko sa akin, ni wala akong clue kung para kanino ba iyon.
Kinikilig na lumapit sina Lea doon at halos maghuramento sila nang basahin nila ang nakaattached na letter.
"I'm sorry I'm a little bit busy. Will get back to you soon. I love you so much. --- L"
"Kyaaaaaaaaaaaaa! Ang sweet ni fafa Charles Lizaaaarde!!!!!" sigaw ni Lea.