Ayradel's Side
I really hate you and your damn effect on me, Richard Lee.
"Oh, anong meron be? Ba't parang busangot ka diyan?" napatalon ako sa gulat nang dumating na si Lea sa table namin dito sa cafeteria. Pinansin nilang tatlo 'yong pagkain kong hindi ko pa nagagalaw.
"Huwag kang ganyan, malapit na ang Ms. Entrep!" sabi naman ni Rocel.
"W-wala..." sagot ko.
Nakakainis! Bakit ba ako ganito? Hindi ko rin alam. Pagkatapos ng pagpunta ko sa office ni Richard ay hindi ko na siya ulit nakita. Hindi na nagparamdam! Hindi sa namimiss ko siya no, wala akong pakialam pero kasi bumabalik-balik sa utak ko lahat ng sinabi niya n'ong nasa opisina niya kami.
Naalala ko yung nangyari last week.
Mainit ang pisnging bumaba ako noon ng sasakyan niya pagkahatid niya sa akin sa El Pueblo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko... kaba, gulat, takot... Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa lahat ng sinabi niya kanina.
"Please, maraming empleyado yung nasa labas, huwag mo akong hawakan." inis na sabi ko sa kanya habang nasa elevator kami kanina at nagpasya siyang ihahatid ako pauwi.
Ayoko sana, kaya lang masyado siyang mapilit at halos humiwalay yung kaluluwa ko n'ong ngumiti na siya.
"Sus, sungit." aniya na ngiting-ngiti.
Bumalik lahat ng pakiramdam ko noong highschool. Ayokong aminin pero yung mga paru-paro sa tiyan ko na mismo yung nagpaparamdam ugh! Kaya naman sobra yung effort ko na hindi niya mahalata ang epekto niya sa akin. Buong byahe ay talagang hindi ko siya kinausap... gan'on rin naman siya kaso nga lang ang walanghiya ay ngiting-ngiti buong byahe!
Argh!
Parang sinasadya at pinagplanuhan niya ang lahat ng 'to!
"O ano, naghahabulan na naman kayo?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Kuya Guard. Nagla-log in na ako n'on samantalang kakababa lamang ni Richard sa kotse at mabagal na naglalakad papunta ngayon sa pwesto ko...
"'D-di po ah..." sagot ko.
"'Di daw pero pa-takbo ka na." humalakhak pa si kuya.
"H-Hindi po. Nagmamadali lang talaga ako." saka ako lumayas na't nag-abang ng elevator.
Laking pasasalamat ko nang bumukas ito agad. Sumakay naman ako at tinanaw si Richard Lee na ngiting-ngiti habang nagla-log in at kinaakausap si Kuya. Natabunan ako ng mga taong sumakay rin ng elevator, pero tanaw na tanaw ko ang ngiti niya hanggang sa magsara ang pinto. Halos atakehin ako ng heart attack!
pero hindi lang pala ako...
"Did you see that? Nginitian ako ng guy doon sa log desk!" naninisay na bulong ng babaeng nasa unahan ko sa kaibigan niya.
"Oh my God, I thought that's for me!"
Hindi ko mapigilang hindi umirap. Bakit kasi may pangiti-ngiti pa 'yung Lee-ntik na 'yun.
Mabilis akong nakarating sa 5th floor at mabilis rin akong nakapasok sa kwarto namin. Pagkarating ko ay agad na napadpad sa akin ang tingin nina Ella, Lui, at Niña.
"Oh, para kang hinabol ng multo?" ani ni besty.
"May sakit ka ba Ayra?" Ella.
"Oo nga namumutla ka." Niña.
Umiling iling lang ako. "H-hindi... wala... uh, naghagdan kasi ako kaya medyo pagod."
Wala sa sariling tiniridor ko yung karne na nasa plato ko, imagining this is Richard Lee, gusto ko na lang gutay-gutayin! Lakas ng loob niya! Matapos niya sabihin sa akin lahat ng 'yon ay maglalaho na naman siyang parang bula!
Hindi ko alam kung bakit pero may namumuong inis sa akin at pakiramdam ko iiyak na ako sa sobrang inis!
"Huy, girl! Okay lang 'yan! Baka naman kasi busy sa basketball kaya halos isang linggong wala."
Napatalon na naman ako nang magsalita si Lea.
"Uh h-huh?" kumalabog ang dibdib ko. Paano nila nalaman ang iniisip ko? "S-Sino?"
Umikot ang eyeballs niya.
"Sino pa ba? Edi si Fafa Charles! Sure ako busy na 'yon! Next week na ang Entrep Week!"
Napabuntong hininga ako.
"A-ah..." I laugh. "Hindi, baliw."
"E kung hindi si Charles, sino? Don't tell me may jowa ka na secret?!"
"What? Wala! I mean... iba 'tong problema ko!"
Tumango tango si Lea pero muhang hindi kumbinsido. Pinabayaan ko na lang, saka ako umiling-iling para alisin sa utak ko ang iniisip ko.
Bakit ko ba iniisip yon? Kilala ko si Richard Lee. Dakilang mantitrip yon kaya malamang ay pinagtitripan na naman ako.
Lumipas ang oras at History class na. Ngayon na iaannounce yung naging resulta ng long exam namin noong nakaraan na umabot hanggang 100 items dahil sa mga essay at explanations. I think, this is an important day for Charles kaya naman hindi na ako nagtaka na natatanaw ko na siya ngayon papasok ng classroom. Malaki ang ngisi niya noong tumabi siya sa akin.
Katulad ng dati ay grabe rin ang hatak ng isang 'to sa mga kaklase naming babae.
"Oh ayan na girl, huwag ka nang malungkot." bulong ni Lea.
Sinimangutan ko siya.
"Baliw." pero halakhak lang ang sinagot niya.
"Ayra..." sabi ni Charles kaya naman ngumiti na rin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa hallway. Wala siyang kasamang mga ka-team niya sa basketball, kaya naman tingin ko ay siya mismo ang nagexcuse sa practice nila just for the announcement nitong scores.
"Oh ba't pumasok ka kaagad Charles? Excuse kayo hanggang next week!" sabi ni Blesse.
"Namiss ko kayo e." aniya sabay tingin sa akin.
"Sus! Dinamay mo pa kami!" sabi ni Lea at lahat sila ay humalakhak.
Uminit lang ang pisngi ko. Hanggang sa dumating na nga ang prof namin habang dala-dala ang bungkos ng papel which is yung test papers nga namin. Nagsabi pa siya ng kung ano-ano.
"Very good kayong lahat sa quiz. Wala namang bumagsak." pumalakpak ang lahat habang sinosort ni Sir yung mga test papers. Bawat isa sa amin ay may komento, yung iba naman ay nagpapataasan ng score kasama na 'tong sina Lea, Rocel, at Blesse.
"Gurl, manlilibre kung sino pinakamababa o?"
"Luh. Ang daya! Mahina ako sa History!"
"Wala! Wala! Review lang yan no!"
"Ano, Ayra? Sali ka ha? Pataasan ng score. Mwahahaha!" tumawa ni Rocel.
"Sige." sabi ko lang.
Si Charles naman ay lihim na bumulong sa akin.
"Mi. Kapag naka-80 plus ako, kain tayo sa labas this Saturday?"
Nagulantang ako sa binulong niya.
"Ahm..."
"Sige na? Kapag naka 80 lang naman ako e! Wala namang masama diba?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Wala naman talagang masama kung kumain kami sa labas, hindi ko alam kung bakit naga-alangan ako.
Charles is a great guy. Pero...
Ipinilig ko ang aking ulo.
"Sige."
"Yes!"
Napatingin na lang ulit ako sa inannounce ni Sir.
"Hmm. Out of 100 items, lahat naman kayo ay halos mga nasa 80 ang score... maliban kay..." parang nakarinig kaming lahat ng drum rolls. Pakiramdam ko ay bagsak ang score yung pangalan na sasabihin ni Sir. "Bicol..."
Parang bumagsak ang mundo ko.
What? Ako? Bakit?
Umingay ang bulung-bulungan sa loob ng classroom. Napadpad pa ang mata ko kay Sheena na grabe kung makangisi. Sina Lea, Rocel, at Blesse naman ay hindi nagsasalita. Agad akong napatungo... hindi ko matandaang wala akong naisagot sa exam. Alam ko ang mga sinasagot ko. Paano nangyaring hindi man lang umabot sa 80 ang score ko?
"Hmm. Ayun, overall si Bicol lang naman," ani ni Sir habang iniiscan pa ng mabuti yung papers. "Siya lang 'yung naka-perfect score, the rest got 60 to 80. Great job Miss Bicol!"
Halos malaglag ang dibdib ko dahil nakahinga ako ng maluwag! Mas lalong umingay sa loob ng classroom habang ang mata nilang lahat ay nasa akin, pagkatapos ay unti-unti akong nakarinig ng mga palakpak.
Mas lalong nalaglag ang panga ko.
"T-Thank you... thank you po Sir!" nahihiyang sabi ko.
Pinutakte ako ng mga kaklase ko pagkaalis ni Sir. Dinistribute na rin ang mga test papers sa may-ari para makita naming lahat ang scores namin. Halos mapunit ang test paper ko dahil pinagpasa-pasahan ito ng mga kaklase kong lumapit sa akin.
"OMG gurl! Ang galing mo!" sabi ni Lea, at hindi ko maiwasang mamula sa hiya.
"Akala ko ikaw lang yung lowest! Yun pala ikaw lang perfect!"
"Paano mo yun nagawa?!" sambit ng isang kaklase ko.
"Ano pa ba? Edi nangodigo?" napalingon ako sa nagsalitang si Sheena. Taas ang kilay niya nang tumingin kaming lahat sa kanya. "What? Hindi ba? Imposibleng maperfect mo yung quiz. Halos essay lahat ng items."
Inis na sinagot ko siya.
"That's the point. Kailan pa pwedeng i-kodigo ang essay?" sabi ko.
"So what are you tryn'a say? Matalino ka?!" sabat naman ng kaibigan ni Sheena.
"Alam niyo, bitter lang kayo e! Dahil ano bang score mo Sheena? 87?" sabi ni Rocel.
"Shut up bitch! I'm higher than you!" Sheena.
"But Ayra's higher than you. Asan na ang pinagmamayabang mong talino?!"
Natikom ang bibig niya at umusok ang tenga sa galit.
Para matigil na 'to ay ngumiti ako kina Lea, Rocel at Blesse.
"Okay lang 'yan, hindi naman sa score, grade o talino nababase ang pagkatao ng isang tao," sabi ko. "Kundi sa ugali. Mahalaga ang grades, oo. But grades will never define you as a person. If I am to choose, mas pipiliin ko pang maging lowest palagi kaysa naman maging ganyan kasama ang ugali."
Saka kami umalis ng room.