Ayradel's Side
Bumalik na sa upuan niya si Richard nang dumating sina Lea, Rocel, at Blesse. Tumabi yung tatlo sa akin nang may makahulugang tingin.
"Cyst! Anong ibig sabihin nito?!" sabi ni Blesse na niyuyugyog ang braso ko. "Bakit kayo magkatabi?! Huhuhuhu!"
"Oo nga Ayra! Grabe kaaaa!" Rocel.
Ngumiwi ako at bumulong lang para huwag kaming marinig ni Richard sa likod. "Kinuha natin siya as sponsor sa Enrep week, ako ang head, remember?"
Nagtanong pa sila ng kung anu-ano at hindi sila nakukuntento sa sagot ko. Hinayaan ko na lang. Hanggang sa mapagod sila at silang tatlo na lang ang nagkwentuhan tungkol sa taong nasa likuran lang namin.
"Alam niyo ba, nalaman kong may ex daw si Fafa R..."
Halos mabulunan ako sa binulong ni Blesse.
"Sino raw? Frist girlfriend?!"
"Yup! Hindi ko alam e. Pero aalamin ko hihi! Ano kayang itsura niya?"
What the hell?
Habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan! Never komg gugustuhing malaman nilang may nakaraan kami ni Richard Lee. Baka mamaya magalit pa sa akin ang tatlong 'to, o maging katulad ng mga babaeng nagiging hater kapag may nalink na babae sa crush nila.
Hayyy.
Lumipas ang maraming araw na mas lalo pang nalalapit ang Entrep Week. Ang dibdib ko ay mas lalong binalot ng kaba noong natanaw ko yung head ng Ms. Entrep event. Pumasok siya sa classroom namin at nagannounce. Tumingin ito sa hawak niyang list.
"Ms. Ayradel and Ms. Sheena, start na raw po ng practice ramp mamayang 1pm. Be prepared na lang."
Naghiyawan ang aming mga kaklase, especially itong tatlo kong kaibigan.
"Woooo! Go 1D girls! Talunin niyo yung ibang section a!"
"Of course! Kayang kaya ni Sheena 'yan!" proud na sabi ng tropa ni Sheena sabay irap sa amin.
"Tss! Kung pagandahan lang rin si Ayra na ang panalo no!" suminghap ako sa ginawang pagsagot ni Lea kay Gia.
Humalakhak lamang ang mga ito na para bang joke yung sinabi ni Lea.
"Duh! Sa talino pa lang!"
"Okay lang 'yan girls," sumingit si Sheena na ngising-ngisi at humalukipkip pa. "Let's see na lang."
Saka sila nagpatuloy sa halakhakan, Pulang pula si Lea nang umupo siya sa harapan namin. Halatang inis na inis.
"HMMMMP! Kung hindi lang sila babae pinatulan at jinombagan ko na ang mga iyan!" aniya na napahilamos sa mukha.
Tinapik ko naman ang balikat niya.
"Huy, okay lang ako! Huwag mo na lang silang intindihin!"
"E nakakairita! Sobrang sama ng ugali. Kainin niya medal niya nung HS!"
"Pero may ibubuga kasi talaga siya sa acads," singit ni Blesse. "I like stalking right? Dami niyang medals. Mga 40 siguro, kaya sobrang yabang."
"Lahat yata ng matatalino ganyan ugali e!"
Napalunok na lang ako sa mga komento nila. Sobra akong napipi. I don't like bragging about achievements, kaya hinding hindi ko kayang sabihin sa kanila ang meron sa akin noong highschool. Hindi rin ako nagpopost sa social media ko.
Actually, I got 90+ medals simula noong magaral ako hanggang highschool dahil wala naman akong ibang ginawa talaga kundi magipon ng parangal para maging proud si Mama. Pero para sa akin ay hindi iyon big deal, hindi rin tumaas ang tingin ko sa sarili ko dahil lang doon.
"Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gan'on si Sheena. Bakit may mga taong katulad niya na makakuha lang ng parangal, pakiramdam nila sobrang taas na nila?"
"Totoo yan Ayra!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang sumangayon sila sa naisip ko. Gawd, hindi ko namalayan na nasabi ko pala yung dapat ay nasa utak ko lang.
Tumikhim ako.
"Tingin niyo, bakit gan'on si Sheena?" tanong ko.
"Of course, Ayra! Hindi mo ba alam ang kalakaran dito sa UP?"
Kumunot ang noo ko. "Heads will judge you ayon sa ranks mo noong Senior Highschool ka. Hindi ito tulad ng ibang universities na kapag pumasok ka ay back to zero!"
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"This is one of the best university in the Philippines! And they are eye-ing on the smartest students. Pero sa dami ng estudyante dito, paano sila magfifilter ng pagfofocusan? Of course, sa nakaraan nating performance. Ibig kong sabihin, hindi ka nila papansinin kung bokya ka noon sa SHS years mo." ani Blesse. Ang dami niya talagang nalalaman.
"True, day! You will not get a chance to join contests kung bokya ka."
"Org heads probably know our performances back then."
"Kaya... Ikaw, Ayra..." kinutuban ako sa tingin ni Blesse. "Wala akong masiyadong nakikita sa mga socmed mo, pero hindi ka papayagang sumali ng Ms. Entrep kung pangit ang performance mo noong highschool."
"U-uh...." ngumiwi ako. "Hindi naman pangit ang performance ko n'ong highschool..."
Natahimik na lang kaming bigla noong dumating na ang prof namin sa History. Ngayon ang long quiz namin. Natanaw ko na rin si Charles na mukhang galing sa practice ng basketball dahil basa ang tip ng buhok niya dahil sa pawis. Pero kahit gan'on ay ang gwapo pa rin niyang tignan.
Kuminang ang hikaw niya sa kaliwang tainga, gayundin ang ngipin niya nang ngumiti siya't tumabi sa akin.
"This is it!" bulong niya habang kumukuha ng yellow paper. "I'll make you proud, Mi."
Tumindig na naman ang balahibo ko. Never na siya tumigil sa kakatawag sa akin ng Mi o Mommy kapag kaming dalawa lang.
"Charles... tigilan mo na yan." bulong ko. Humalakhak lang siya.
Everything went well sa long quiz. Ayon kay Charles ay marami naman siyang naalala sa mga nireview namin. Pinagpasalamatan niya ako at pinangakuang ililibre ulit ng family size icecream.
Humalakhak ako.
"Hindi pwede. May rehearsal ng Ms. Entrep ngayon..."
He pouted. "Maybe next time?"
Tumango ako't nagpaalam na didiretso na sa AVR. Pagkarating ko doon ay halos manliit ako sa sari-saring mukha na sumalubong sa akin. Lahat ay puro magaganda, matatangkad, makikinis, at mukhang mga anak-mayaman.
Ako na yata ang may pinakasimpleng suot. Jeans, and white off-shoulders, habang nakaladlad ang hanggang balikat at wavy kong buhok. Habang sila ay puro mga branded pa yata ang damit.
Inassist na kami ng isang binabae na may I.D na suot. Pinatayo kaming lahat sa harap ng apat na hurado (na mukhang estudyante rin). Katabi ko si Sheena at talaga namang abot langit ang ngiti niyang plastik sa akin.
"Hello, girls! I'm Owa. Calm down muna kayo, dahil hindi ito ang mismong patimpalak at syempre walang eviction na magaganap!" humalakhak kaming lahat. Maging ako, ngunit hindi iyon naging sapat para mabawasan ang kaba ko. "Sasabihin lang namin sa inyo ang mga galaw na gagawin niyo sa stage at ite-train ang inyong pagrampa, wala munang Q and A dahil reserved iyon sa mismong competition."
Tumango kaming lahat.
"Sino ditong ilang beses nang nakasali sa pagaent?"
Lahat sila ay nagtaas ng kamay maliban sa akin. Naginit ang pisngi ko noong lumipad ang mga mata nila sa mukh ko.
"This is your first time?" tanong ni Owa. Nahihiyang tumango ako, at saka ko narinig ang nakakainis na tawa ni Sheena sa tabi ko.
"Lakas ng loob." Aniya. Hindi ko inintindi.
"Oh, okay! Goodluck, dear!" ngumiti ako kay Owa na mukhang mabait naman.
Pagkalipas ng ilang minutong pagpapakilala namin ay nagsimula na kaming pagrampahin. Halos walang mapaglagyan ang kaba ko habang nakaupo sa isang sulok at pinagmamasdan ang galaw nila sa harapan n'ong apat na hurado.
Sobrang nakakapanliit.
Yung galaw nila talagang sanay na. Ang gaganda nilang lahat at ultimo buhok nila e sumasabay sa alon ng bewang nila...
"Okay! Okay! Good ramp, Sheena! Good job!"
Malawak ang ngisi ni Sheena, at mataas ang kilay niya sa akin noong naglalakad na siya pabalik sa pwesto namin.
Agad akong napakagat sa labi nang marealize kong ako na.
Holy Shiz!
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang killer heels na susuotin ko sa pagrampa.
I don't wear high heels, pero nakapagsanay na akong magsuot niyan noong nagsasanay ako for Mathrathon... ito yung pabilisan ng takbo papuntang blackboard at pabilisan ng pagsagot sa isang Math Problem at the same time.
Naglalakad ako sa kanya nang bahagya akong natapilok. Napahawak ako sa kanya't saka ko narinig ang mahinang tawanan ng kapwa ko contestant.
"Oops." komento pa ni Sheena.
"Relax, dear." narinig kong sambit ni Owa noong hawakan niya ako sa braso upang alalayan. Mukhang nahalata niya ang pangangatog ko.
"S-sorry..."
"It's okay you can do this."
Ngumiti naman ako sa kanya ng saglit. Huminga ako ng malalim saka lakas-loob na rumampa sa harapan. Laking pasasalamat ko't hindi ako natumba.
"Okay... Now, turn! Smile... Give your sweetest smile... okay... Look to the left! That's right!"
Ginawa ko ang lahat ng pinagagawa ni Owa. Nakahinga lamang ako ng maluwag noong naka-exit na ako...
"Good job Ayra!"
Woooooooo!
Pakiramdam ko nanalo na ako.
"Thank you so much, Owa!"
Suminghap siya ng sinabi ko iyon sa kanya.
"Sa lahat ng kandidata, ikaw lang ang nagthank you sa akin." manghang bulong niya habang inaalalayan ako. "Sobrang bitch lang ng aura nila, akala naman nila sobrang ganda nila! You sure this is your first time? Kasi kung oo, may potential ka."
"Salamat. Oo, first time ko."
Hindi magkamayaw ang kaba ko, pero ang sarap sa feeling noong nakalabas na ako ng AVR. Sa competition na lang raw kami magkikita ulit.
"Hey," isa sa mga co-contestant ay lumapit sa akin. She's so feminine, mukhang anak mayaman at mabait-- hindi tulad nina Sheena na ang dadark ng make up. Itong isang ito ay light lang, sa sobrang light ay parang wala nga.
"Hi," sabi ko sabay ngiti rin.
"Anong section mo? Parang ngayon lang kita napansin."
Nalaglag ang panga ko. Ang cute niya ngumiti. Ang cute niya rin magtagalog, mukhang hindi sanay.
"1D." halos pumula ang pisngi ko sa hiya.
"I'm Denise, nice to meet you." inabot niya ang kamay niya.
"Ayradel."
"See you next week. And goodluck sa ating dalawa!" ngumiti lamang din ako sa kanya bago siya nagbabye at sexy-ng naglakad palayo.
Siya yung tipo ng babae na kapag nakita mo, mawawala lahat ng self confidence mo sa katawan.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking orasan. It's almost 3pm. Ang dami ko pang gagawin...
Isa na roon ang pagpunta sa walangyang office ng Richard Lee na 'yon.