Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 93 - Huwag Pigilan

Chapter 93 - Huwag Pigilan

Ayradel's Side

Nagsisi ako noong sinabi kong marunong akong magsulat ng sponsorship letters, dahil ako na ang itinuro nilang Sponsorship head. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon dahil na rin sa hiya.

Bukod pa doon ay talagang tinatarget nila ang kompanya ni Richard Lee. It's not that big, pero it is not small na angkop lang para sa aming mga 1st year pa lang. Bukod pa roon ay ka-school mate pa namin ang may-ari o CEO.

Muling lumandas ang kaba sa dibdib ko.

Habang tumatagal, parang lalong lumalayo ang agwat namin ni Richard Lee. I can't still believe na sa mura niyang edad ay nararanasan niya nang humawak ng sarili niyang business.

Actually, I didn't really know what course should I take up noong grumaduate kami. Pero ayon sa kapasidad ko, I see myself as an office girl. I am the ordinary office girl, in a quiet, boring office. Funny, but unlike the others ay kuntento na ako sa gan'on. Hindi ako naghahanap ng mala-roller coaster na ganap sa buhay.

Napapabuntong-hininga ako habang tinitipa sa aking laptop ang balangkas ng letter na isusulat ko. Hindi ko alam kung bakit sobra akong makapagisip ng mga salita, e formal words lang naman ang kailangan at hindi naman creative.

Dear Richard Lee,

Napailing ako sa una kong tinipa, saka ito binura. Mali, mali!

Dear Mr. Lee,

Kailangan ba kaya talagang may dear? Para kasin iba ang dating sa akin e. Nakakainis. Iba pa naman magisip ang isang yon! Binura ko ulit.

Mr. Lee,

Parang walang galang!

Bakit ko siya kailangang galangin?!

Dahil CEO siya at kailangan niyo ng sponsor engot!

Naiinis na tinipa ko pabalik yung dear. Siya na ang may kasalanan kung pagiisipan niya iyan.

Buong magdamag kong ginawa ang Sponsorship Letter na dapat ay saglitan lang. Nag-alangan pa ako kung ako pa ba ang magpapasa nito. Ngunit noong nagchat ako sa group chat namin ay nasagot ang tanong ko...

"Ikaw na magpasa, Ayra! Sure ako maraming next questions yan na ikaw lang makakasagot!"

"Waaaaa! Gusto ko siya makausap kahit email lang kaso nahihiya ako!"

Napabuntong hininga na naman ako.

"Okay. I'll send it to him."

"Salamat Ayra! Here is the email rj_ayde@eplanner.com"

Kumabog ang dibdib ko nang mabasa ko ang email address niya. Lalo na noong nabasa ko yung letter ayde

"Anong ibig sabihin nung AYDE?"

"Second name niya kasi Jaydee e?"

Napairap ako. Okay. Tss. Sinara ko na ang facebook at pumunta na sa gmail. Inattached ko na yung pdf file ng letter, at nagtagal ang daliri ko sa ere, bago ko pinindot ang send.

Halos mapatalon ako sa gulat noong pagkalipas ng ilang minuto ay nagreply siya agad.

Halos mabilaukan ako dito.

My dearest Ayradel,

Print that thing and bring it to my office. I'll tell you the directions tomorrow, time ng Biology. See you :)

What the freak?!

Bakit kailangan ko pang iprint at ipasa sa kanya ng personal?!?!

Frustrated akong humiga sa kama ko at pakiramdam ko nagpalpitate ang buo kong katawan.

Inis na pumasok ako sa school kinabukasan. Pinaglalaruan talaga ako ng isang yon! Mabuti na lang at nakapagtimpi ako't di ko na lang siya nireplyan. Mabuti na lang rin hindi namin first subject ang biology. Isang break pa bago yon.

"Milktea..." naramdaman ko ang pagupo ng isang lalaki sa tabi ko, habang nakaupo ako sa batong upuan at lamesa ng garden.

Lumayo muna ako kina Lea, Blesse, at Rocel dahil nga ang ingay nilang tatlo. May long quiz pa kami sa History. Sabi naman nila ay nakapagreview na sila't pwede na yun.

"... and pizza."

Lumaki ang mata ko sa inilapag niyang family size pizza sa table. Kaming dalawa lang naman ang nandito bakit ganyan kalaki ang inorder niya?!

"Huy, magrereview tayo, hindi magfu-foodtrip! Pangfamily size pa 'yang binili mo!"

Humalakhak siya at inabot sa akin ang Milktea. Binasa ko ang pangalan na nakasulat sa cup.

Ayraaaa na may puso sa gilid.

"Eating while reviewing is healthy," aniya.

"The pizza itself is not that healthy."

"Hahaha. Higpit naman ni Mommy."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Mommy?"

"Eh family size yung pizza e. Tayo lang namang dalawa, edi family tayo. Mommy—"

Mukhang di ko gusto ang isusunod niya kaya pinigilan ko na agad.

"Hep! Sige na. Magsimula na tayo." sinimulan ko nang buklatin ang libro. Humalakhak naman siya.

"Ano bang sasabihin ko? Ikaw ang Mommy, pwede namang anak mo ako." tatawa-tawa niyang binuksan ang pizza at kumuha ng slice doon.

I just rolled my eyes. "Kaso nga lang di ako papayag doon. I should be the daddy."

Umiinit ang pisngi ko sa pinagsasabi niya.

"Charles---"

Umawang ang bibig ko, samantalang inilapag niya naman ako hawak niya upang titigan ako ng seryoso.

"What, Ayra?" aniya habang magkaharap kami. "Hindi ka pa rin ba sanay? Hindi ba't sinabi kong masanay ka na? Kasi gusto kita..."

Mas lalong naghabulan ang tibok ng puso ko sa kaba at hindi na nakapagsalita pa.

"Pinigilan na ako noon ni Richard Lee para makilala ka, pero ngayong pwede na, hindi na ako mapipigilan, kahit ikaw pa. Huwag mo na akong pigilang iparamdam 'tong nararamdaman ko para sa 'yo. Dahil pinapangako ko sa 'yo... sisiguraduhin kong makakalimutan mo rin si Richard Lee, pati yung sakit na binigay niya noon sa 'yo."

Related Books

Popular novel hashtag