Thank you so much sa lahat ng nakaabot sa chapter na ito. Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang I Love You Seatmate. Saranghae, hindi thank you kundi I Love You! π
...
Buong buhay ni Richard ay inakala niyang si Vivian at ang mommy niya na si Dianne ay iisa.
Pero si Vivian at Dianne ay magkaiba.
Buong buhay niya ay napuno siya ng inggit at galit... kung bakit hindi siya kailanman itinuring na anak ni Vivian...
'yun pala ay hindi naman talaga siya anak nito.
Pamangkin lang siya ni Vivian at si Dianne talaga ang tunay niyang ina...
Pero nasaan si Dianne? Totoo kayang patay na ito? O may ibang bahagi na naman ng kwento?
Hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay kailangan itong malaman ni Richard.
Tinitigan kong mabuti ang litratong hawak ko, saka ko naalala ang mga kinwento ni Mama.
Kaya ba galit na galit si Mama ay dahil sa Mommy ni Richard na si Dianne? Pati na rin sa buong Marcaida? Dahil sa ginawa nila kay Lola Mira?
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa sobrang liit ng mundo. Sa lahat ng tao, bakit kami pa ni Richard Lee ang nagtagpo? Bakit kailangang kami pa ang mamagitan sa mga pamilya namin? Bakit kailangan pang mamili?
"Bakit?"
Agad kong itinago ang litrato sa palad ko nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Agad na nagrambulan ang buong sistema ko, lalo na nang mahagip ng mata ko ang mata niya.
Ang titig niya ay nangangahulugan ng halo-halong emosyon na hindi ko mabasa... Diretso lang itong nakatitig sa akin pero isa lang ang nadarama ko.
Lamig.
Wala akong maramdamang pagmamahal, katulad ng ipinaparamdam niya sa akin. Parang biglang umurong lahat ng lakas ng loob na inipon ko kanina. Parang gusto kong bumalik sa bahay at magkulong. Hindi ko siya kayang makitang ganito. Naduduwag na naman ako.
Bakit? Anong klaseng bakit?
Bakit ko siya gustong makausap?
Bakit ko siya iniwan?
Bakit hindi ko siya kayang ipaglaban kay Mama?
Bakit ko nagawa lahat ng nagawa ko sa kanya?
"Bakit mo ako gustong makausap? Matatagalan ba 'to? May kailangan pa kasi akong gawin."
Halos mapaatras ako sa lakas ng impact ng sinabi niya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin... parang pinupunit ang dibdib ko. Ayokong isipin ang naiisip ko ngayon.
"H-hindi..." sa wakas ay nasabi ko. "S-saglit lang ito. M-may gusto lang akong malaman mo."
Marahan siyang tumango saka tumingin sa relo niya na para bang sinasabing wala siyang panahon para makipag-usap sa akin. Hinanap ko sa mata niya yung pagmamahal na sinasabi niya sa akin dati, pero wala na akong madama.
Para sa kanya isa na lang akong babaeng naghahangad ng oras niya.
Agad kong itinago sa likod ko ang litrato. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba 'tong ipaalam sa kanya... o mas uunahin kong pagusapan namin kung anong meron sa aming dalawa.
Alam kong kasalanan ko pero... ako na lang ba ang kumakapit? Bumitaw na ba siya?
"R-Richard..."
"Mukhang matatagalan pa ang pagsabi mo ng sasabihin mo, kaya tingin ko mauuna na ako."
"A-ahh..." umawang ang bibig ko. "S-sige mauna ka na."
Ngumiti siya, isang ngiting totoo. Hindi ko alam kung bakit sa tamis n'on ay nasasaktan ako.
"Nakapagpasya na ako." aniya saka tumingin sa mga puno dito sa park. "Lahat ng pinagsamahan nating dalawa dati... kung meron ka mang natatandaan, kalimutan mo na. Isipin mo na lang na hindi mo ako nakilala. Tutal, tapos na rin naman ang obligasyon ko sa school niyo, at tapos na rin ang obligasyon mo sa akin. Huwag kang mag-alala, natuwa ang daddy ko sa TH. Alam ko namang ito ang gusto mo..."
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Aangal sana ako pero mas nauna siyang magsalita...
"... at ito rin ang gusto ko. Ang putulin ang kung anumang meron tayo."
"G-gusto mo 'to?" halos hininga na lang nang sabihin ko yon. Nakangiting tumango siya sa akin.
"Oo. Akala ko mahal kita pero, naisip ko, baka masiyado lang akong dumipende sayo... baka nasanay lang ako sayo? N'ong hindi tayo nagkita ng ilang araw, doon ko nalaman na hindi na pala kita kailangan."
Unti-unting napupunit ang puso ko pero habang kaya ko ay pinigilan ko ang luha ko sa pagtulo.
"Nalaman ko na lang na hindi na pala kita namimiss. Nalaman ko na kaya ko naman pala kahit wala ka. Nalaman ko na hindi naman pala ako masasaktan kahit sundin mo yung Mama mo na layuan ako."
Tama na.
Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Gusto kong tumakbo palayo. Gusto kong takasan ulit yung sakit pero sobra akong nabato sa kinatatayuan ko.
Tumungo ako nang tignan niya ulit ako.
"Ikaw? Anong sasabihin mo?" aniya na parang normal lang para sa kanya yung nga sinabi niya sa akin.
Dahan-dahan kong iniling ang ulo ko.
Gusto kong sabihin na... yung mga ipinakita mo sa akin noon ay hindi totoo? Yung yakap? Yung halik? Lahat 'yon narealize mo na hindi totoo dahil lang sa ilang araw na wala ako?
Walanghiya. Napakapeke mo pala.
"W-wala..." sagot ko, kahit sobrang dami kong nasabi sa isip. "P-pareho lang ng iyo."
Inilunok ko yung bikig sa lalamunan ko pero hindi ko mapigilan ang boses ko na manginig. Pero ayaw kong ipakita sa kanyang nasasaktan ako. Ego na lang ang meron ako, ayokong wasakin niya rin yon kagaya ng pagwasak niya sa puso ko.
"Naisip ko... masiyado na kaming nagkakagulo ng mama ko simula noong m-makilala kita. Kaya siguro kailangan na nga nating i-hinto ito." sambit ko pa. "Hindi k-kita kayang piliin."
Mataman lang ang titig niya sa akin at hindi ko alam kung bakit nakita ko ang pagkuyom ng panga niya. Kumunot ang noo niya saka umiwas ng tingin.
Ano? Nasasaktan ang pride mo? Akala mo hahabulin kita? Takte, mahal na mahal kita pero ano 'tong sinasabi mo sa akin ngayon?
"Siguro nga, nagkamali ako. Tama si mama. Mali na minahal kita. Minahal ko yung taong... dapat ay seatmate ko lang. Kaklase ko lang. Anak ng DepEd Secretary na pansamantala lang namang dadaan sa tabi ko."
Muli akong tumungo. Kita ko ang galit sa mata niya na hindi ko kinakaya. Pagkatapos ay narinig ko ang paghinga niya.
"So, I guess it will end here?"
Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang sinasabi niya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko! Gusto kong humingi ng tawad at gusto kong sabihing nabigla lang ako! Na gumanti lang ako sa masasakit niyang sinabi.
Gusto kong sabihin na ayos lang kahit di niya na ako gusto dahil baka dumating ulit yung oras na gustuhin niya ulit ako!
Gusto ko magmakaawa na huwag naming itigil 'to!
Pero lahat ng gusto ko ay tuluyang napako....
"See you... somewhere in the future, Ayradel."
Sa pagtalikod niya ay doon lamang labis na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ni hindi na siya lumingon. Ni hindi man lang siya nagdalawang isip. Talagang pursigido na siyang iwan ako. Tinapos niya na ang lahat sa aming dalawa.
Ang happy endings ay nasa libro lang talaga. Ito ang katotohanan, ito ang reality. He may be came to me like a prince charming, but a day will come that he will leave you like you were just an extra.
I looked back at him once again.
Without turning his back to me... he walked away, kasama ang puso at alaala naming dalawa.
- END -
of Volume 1
Thank you so much! Be updated for the Volume 2.