Ayradel's Side
December 1.
Halos isang buwan lang ang lumipas pero kada araw ay parang isang taon. I feel pity for myself, dahil pakiramdam ko, isa pa rin akong anak na walang magawa sa gusto ng magulang niya.
Hindi ko namalayang may luha na palang tumulo sa mata ko habang nakatitig sa salamin. Itinagilid ko ang mukha ko, at hinawakan ang sugat sa labi ko.
Sobrang nag-iba na si Mama. Mas lumala ang pangongontrol niya na kadalasan ay nagiging dahilan pa ng pananakit. Kapag galit siya ay madalas sa akin niya ibinubunton, hanggang sa mauungkat na naman ang issue niya sa amin ni Richard.
Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit galit na galit siya kay Richard.
"Papa, papasok na po ako." sambit ko kay Papa sabay halik sa pisngi nito. Tinignan ko lang si mama at hindi na nagsalita.
Hanggang sa papasok na ako sa school na parang dati lang, ang kaibahan lang ay hindi na kami naguusap ni Jayvee. Madalas din akong pasayahin nina besty at Ella sa school pero hindi sila pinapayagan ni Mama sa bahay.
"Besty, okay ka lang? Bakit may sugat 'yung labi mo?" tanong ni besty nang magcanteen kami.
"Okay lang ako."
Okay lang naman talaga ako, pero alam ko na hindi ako masaya.
Sumapit ang uwian. Hindi na ako pwedeng magtagal pa sa school dahil totoo ang sinabi ni Mama na may mata siya sa school.
Hindi ko sure kung sino, pero tingin ko ay si Jayvee. Wala namang iba kung hindi siya lang.
Naglalakad na ako papunta sa bahay namin, nang may mapansin akong tao na nakatayo sa tindahan sa tapat ng bahay namin. Nakasandal siya sa puno malapit dito, at hinding hindi ako pwedeng magkamali.
Muling nag-unahan ang tibok ng puso ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya pero natatakot ako na baka makita kami ni Mama... at ayaw kong makita niya ang sugat ko sa labi. Ayokong makita niya na nasasaktan ako.
Malapit na ako sa pinto nang maramdaman kong palingon siya sa direksyon ko, kaya naman agad akong umiwas ng tingin para magpanggap na hindi ko siya nakita.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtakbo niya, at ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko, pero sadyang binilisan ko ang pagkilos para hindi niya ako maabutan.
Kasabay ng pagsara ko ng pinto ng kwarto ko ay ang pagtulo ng luha ko. Agad akong tumakbo sa bintana upang silipin siya. Bumalik ulit siya doon sa pwesto niya sa likod ng puno.
Agad akong napatakip sa bibig ko para pigilan ang pagiyak.
Dumating ang Linggo, nagising ako dahil sa ingay ng dalawang tao na nasa kwarto ko.
"Ano ba yan, pati sa panaginip ko ang ingay ng dalawang 'to!" sabi ko sabay takip ng unan...
Sandali silang tumahimik, hanggang sa idinilat ko ng malaki ang mata ko para tignan ulit sila.
"Sa wakas naman gising ka na? Kanina pa kami nandito no!"
"Oo nga patapos na oras ng pagdalaw namin sayo!"
"Waaa besty! Ellaaaa!" agad akong tumayo para yakapin silang dalawa.
"Hala, parang kakakita lang natin mula monday to friday ah?" ani ni besty habang sinasakal ko sila sa yakap.
"Ah-awww" si Ella.
Pinunasan ko yung iyakin kong mata. "Eh kasi feeling ko nasa kulungan ako tapos ngayon lang may dumalaw sa akin na kamag-anak ko."
"Anong ngayon lang?" mataray na sabi ni besty. "Ilang beses na kami dapat dadalaw, alam mo naman, bawal dahil sa Mama mo. Wala lang si tita ngayon, kaya pinapasok kami ni tito."
"Oo kaya saglit lang kami." sabi naman ni Ella.
"May gusto lang kaming sabihin sa 'yo." besty.
"Ano ba yon? Parang nakakakaba naman."
Umupo kaming tatlo sa kama.
"Nasa park malapit dito si Richard."
Agad akong tumahimik para makinig lang.
"Pero... hindi niya kami nakita." dugtong niya pa. "Nakapagusap na ba kayo?"
Malungkot akong umiling. "H-Hindi pa."
"Bakit?" aniya. "I mean... maybe he really needs you. Naiintindihan kita besty, pero tingin ko ang unfair para kay Richard na tinatakasan at tinatakasan mo lang siya. Why don't you clear up things on him? Kung anong nangyayari sayo? Sa inyo?"
"Natatakot ako." tanging sambit ko habang damang dama ko na ang bigat sa dibdib. "Natatakot ako na baka kapag nahuli kami ni Mama, tuluyan na kaming mawala. Natatakot akong i-risk 'tong konting pag-asa na baka pwede pa. Na baka pwedeng sundin ko muna si Mama para pagkatapos ng lahat ng 'to... pwede na."
Huminga ako ng malalim.
"Isa lang naman ang kailangan kong gawin... sumunod sa gusto nila."
"Gaano pa katagal? Ga'no mo pa katagal papaisipin si Richard?"
Natahimik na lang ako at napatungo.
"Ikaw ang bahala..." sambit ni besty at ramdam ko ang disappointment doon. "Ikaw ang bahala kung hanggang ngayon mas pipiliin mong magpaka-mabuting anak lang. You were always a good daughter, Ayra. Why can't you have both? Being a daughter and a lover?"
Tumayo na sila para sana umalis na. Pero bago pa nila masara ang pinto ay agad akong nagsalita.
"P-pwede bang dito muna kayo hanggang sa makabalik ako mamaya?"
Sumilay ang makulay na ngiti sa labi nilang dalawa.
"Anything for you, Ayra." ani nila, saka ako tinulungang makalabas, para makita ang taong mahal ko.