Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 64 - Without

Chapter 64 - Without

Ayradel's Side

Hindi ko akalaing aabot ng ilang araw ang hindi pagpaparamdam ni Richard.

Ilang araw na akong nagtetext, at tumatawag pero ni minsan ay hindi siya nagreply. Kahit sa facebook ay hindi siya nago-online.

Tinanong ko na si Suho isang araw, pero ang sinagot niya'y ''Sorry, wala akong alam.''

Pati kay Karl, pero wala pa rin.

At huling pagkakataon ko na ito. Ni-click ko ang send, at muling binasa ang mensaheng isinend ko kay Santi.

Ayradel Bicol

Santi, this is Ayra. Hindi ko ma-contact si Richard. Alam mo ba kung nasaan siya? Kailangan lang naming mag-usap.

Ilang minuto lang ay nagreply siya.

Santi Fermin

Sorry, I don't know what he's up to these days.

Nalaglag ang balikat ko, and I typed, ''Ah sige, thanks.''

Mawawalan na sana ako ng pagasa nang muling nagnotify ang messenger ko.

Santi Fermin

Okay, I lied. Alam ko talaga kung nasaan siya ngayon.

Agad na nabuhayan ang mga dugo ko nang mabasa ko iyon. Automatic akong napangiti at parang gusto ko na agad pumunta sa lugar na sasabihin ni Santi.

''Saan?''

Santi: Sa akin niya lang 'to sinabi, he's on out of town. 'Yon lang ang pwede kong sabihin.

Ayradel: Ah okay, thanks.

Ayoko nang pilitin kung iyon lang talaga. Siguro ayaw lang talaga sabihin ni Richard sa akin. Hindi naman lahat kailangan kong malaman tungkol sa kanyaㅡ dahil hindi ko naman siya pagmamay-ari.

Bumangon na ako upang maligo, at ayusin ang sarili ko.

''Oh, papasok ka?'' Bungad ni Mama nang makitang nakapantalon at tshirt ako. ''Sa friday pa ang Leisure ng Science Camp ah? Ayos nang hindi pumasok.''

''A-ahm, inaasahan p-po kasi ako na tumulong sa pagorganize n'on e.'' Dahilan ko.

Hindi naman na talaga required pumasok dahil mga teachers na ang bahala sa Leisure. Gusto ko lang pumasok dahil hindi ako mapakali dito sa bahay.

''O sige, umuwi agad ha.''

Tumango ako at humalik sa pisngi niya bilang paalam.

Tahimik nang marating ko ang Tirona High. Naninibago pa rin ako dahil habang tumatagal, parang paganda ng paganda ang istraktura nito. Magandang gate, pintura, dingding, maging ang mga CR na dating puno ng vandals ay muling piniturahan upang gumanda.

'Kasi dumating si Richard Lee'

Naging malungkot ang ngiti ko nang maalala ko siya.

Nang makapasok ako sa TH ay agad akong dumiretso sa Science Office, kung saan nandon ang adviser namin na si Mrs. Reyes.

''Oh, iha. Come in. Why are you here?''

Tumungo ako upang batiin yung iba pang teachers, tapos umupo ako sa upang kaharap ni Mam.

''May itatanong lang po.'' Sagot ko. ''G-gusto ko lang rin po kasing malaman ang p-performance at grade po ni R-Richard Lee,''

Bahagyang nalaglag ang panga ni Ma'am, pero agad rin siyang ngumiti.

''Ohㅡ here,'' aniya na kinuha ang folder ng mga final grades namin.

Maganda naman ang resulta. 85.9 or 86 ang pinaka-final grades niya.

''Oo nga pala, I would like to congratulate you for being the Rank 1 again this grading,'' napaangat ako ng tingin at ngumiti kay Maam. Isinauli ko na yung folder. ''Alam kong mahirap pakisamahan ang batang Leeㅡ ayon na mismo sa ama niyang si Mr. Leeㅡ pero hindi ko akalaing maeenjoy ni Richard ang stay niya rito... at dahil iyon sayo.''

''P-po?''

''Actually, hindi naman totoong kay Richard nakasalalay ang grades mo, sinabi lamang namin iyon para huwag mong layuan si Richard. Lahat daw kasi sumusuko talaga sa kapilyuhan at kakulitan n'on.''

nanatili lang akong nakikinig. Wala ring direksyon ang kwento ni Mam kaya ako na mismo ang nagtanong.

''E-eh Mam, bakit ho pala ako?''

Ngumiti si Mam.

''Si Richard mismo ang pumili sa iyo.'' Aniya.

''N'ong inannounce dati na si Mr. Alfred ang dadalaw dito, nagbago pala ang desisyon dahil si Richard Lee na pala ang magoobserve. Nagulat ako, kami, dahil nang kausapin namin si Richard Lee ay ipinakita niya sa amin ang isang stolen shot mo.''

''P-po?''

''Parang mula sa loob ng kotse n'on ang shot, at ikaw naman, naglalakad sa harap ng kotse niya.''

Bumalik sa alaala ko yung binusinaan niya ako ng binusinaan.

''Ayun... ang sabi niya 'I want her to be my classmate', mayamaya rin ay binawi niya at sinabing 'No, not just classmate, seatmate. Okay?''

Yumuko ako at hindi na nagsalita pa.

So, plinano niya pala talagang makatabi ako?

Naalala ko yung babaeng sinabi ni Suho na sinundan ni Richard dito sa school na 'to.

Ibig sabihin ba... ako yung babaeng iyon?

''Pero, huwag kang magalala Ayra. Hindi ka na mangungunsume, dahil third grading lang naman dito si Richard. Sa fourth grading ay ibabalik na raw siya sa Lee University ni Mr. Alfred Lee...''

Parang sinaksak ang puso ko, habang ninanamnam yung mga sinabi ni Ma'am.

''Ayra?'' Tawag ni Mam, kaya naman napakurap ako't sa isang iglap ay may isang patak ng luha na tumulo. ''Why? Is there any problem?''

Agad kong pinunasan yung mata ko.

''W-wala p-poㅡ napuwing.'' Sabi ko at ngumiti ng matamis. Nagaalala naman si Mam na tumingin sa akin.

''S-sige po Ma'am. Iyon lang po ang pinunta ko.''

Tumango si Mam pero parang gusto niya pang magtanong pero parang nahihiya lang siya.

Lumabas na ako ng office upang magpahangin at makapag-isip isip.

''Pero, huwag kang magalala Ayra. Hindi ka na mangungunsume, dahil third grading lang naman dito si Richard. Sa fourth grading ay ibabalik na raw siya sa Lee University...''

Ibig sabihin may posibilidad na hindi na nga bumalik si Richard dito?

Sa Lee University na siya. Ang hirap tanggapin, pero iyon ang lugar kung saan siya mas nararapat. Sa lugar na wala ako, at posibleng makalimutan na niya ako.

Naisipan kong pumunta ng Science Garden... ngunit pagdating ko d'on ay may isang tao na ang nakaupo sa ilalim ng puno na favorite kong upuan.

Kumalabog ang dibdib ko.

Lumapit pa upang maging malinaw kung sino.

Isang... babae.

Na umiiyak.

Ayoko siyang guluhin. Aalis na sana ako, pero siya na mismo ang lumingon sa akin.

Maga ang mata niya't basang basa ang kanyang pisngi.

''Jae Anne...'' sambit ko. ''A-anong meron? Anong ginagawa moㅡ?''

''BAKIT?'' napaatras ako nang sumigaw siya at napatayo pa. ''MASAMA HA?! PAGMAMAY-ARI MO BA ANG LUGAR NA 'TO? LAHAT NA LANG BA SAYO AYRA?!''

Nalaglag ang panga ko sa pagkabigla. Matalim lang ang titig niya hanggang sa pinulot niya na yung gamit niya at tumakbo palayo.

Sinundan ko lang siya ng tingin, hanggang sa makalayo na siya't umiiyak pa rin habang tumatakbo.

Related Books

Popular novel hashtag