Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 49 - Chapter 39

Chapter 49 - Chapter 39

Chapter 39: Ang Makakatapat

Luisa's Side

Mataas ang naging grade namin ni Ayra sa ipinasa naming Investigatory Project. Isa rin iyon sa naging representative ng Tirona High sa event na Science Faire, kung saan nagtatapat-tapat ang representative ng public and private school sa distrito namin.

My mommy was so happy. First time kasi na may sinalihan akong competition sa school. Simula na rin noon ay naging malapit na ako kay Ayra.

"Psh, kapit sa matalino." Narinig kong may nag-uusap habang nagla-lunch kami ni Ayra sa pwesto niya. Matalas ang pandinig ko samantalang tahimik lang na kumakain si Ayra

"Swerte, napasali sa Science Faire."

"Oo nga, sigurado ako, si Ayra lang gumawa ng Investigatory Project na 'yon."

Uminit ang dugo ko kaya nailapag ko ng di oras ang kutsara ko. Lilingunin ko sana 'yong mga kaklase naming tsismosa kaso bigla kong naramdaman ang kamay ni Ayra sa braso ko.

"Shh. Alam mo naman ang totoo diba?" sambit niya habang nakangiti. "Hayaan mo sila. Mapapatunayan mo 'yan kapag dinefend na natin yung thesis natin. Kapag na-guidance ka, mas malaking gulo at baka hindi pa tayo matuloy sa Science Faire."

Natuto akong magtimpi nang dahil kay Ayra, at dahil doon ay nabawasan ang pagpunta ko sa Detention. Medyo nawawala na rin ang init ng ulo ng ibang teachers sa akin, at umangat ang ranking ko mula nothing into top 10.

Hindi ko nga lang kayang magtimpi kapag si Ayra na ang pinapansin ng iba kong nakakaaway. Hindi nila ako kaya kaya naman madalas na si Ayra ang pinupuntirya nila dahil alam nilang napakabait nito. Simula noon e, napapadalas na naman ang pagpunta ko sa detention room.

Hanggang sa nag-5th year kami.

Unang tingin pa lang sa magpipinsang Jully, Zhien, at Jecel ay alam ko na ang kamalditahang taglay nila. Balita ko wala naman talagang laman ang utak ng mga yan, pero dahil sa tito nilang Guidance Councelor ng school na ito e, ang lalakas na ng loob.

Madalas kong kataasan ng kilay 'yong Jully, but thanks God dahil ni minsan ay hindi nila ginulo ang bestfriend ko.

Hanggang sa nag-6th year na. Ilang araw lang akong hindi nakapasok dahil sa business ni Mommy ay nabalitaan ko na lang na may kaklase kaming anak ng DepEd secretary. Gwapo yung lalaki at ayon sa mga naririnig ko ay sila ang may-ari ng Lee University malapit dito.

First day niya pa lang, alam ko na ang klase ng tingin ni Richard Lee kay Besty. Iba kung ikukumpara mo sa tingin niya kina Jully na laging nakaaligid sa kanya.

"Sis, nakita mo ba si Ayra?" Narinig kong tsinismis ni Jecel sa haliparot niyang pinsan, habang nasa room ako at nananahimik lang. "Kasama niya si Richy! And guess what?"

"What?" Maarte namang sabi n'ong Zhien. Napataas tuloy ang kilay ko. "Lumabas sila ng school! Naka-posas silang dalawa tapos... tapos... sumakay 'yong malanding babaeng 'yonn sa sasakyan ni Richy!!!"

Agad akong tumayo at taas-kilay na naglakad patungong pintuan. I crossed my arms, habang pinagmamasdan silang papalapit sa direksiyon ko.

"Excuse me?" Taas-kilay na sabi ni Jecel sa akin pero pinasadahan ko lang siya ng tingin mula ulo mukhang paa.

"At anong gagawin niyo? Iistorbohin niyo yung date ni Ayra at Richard Lee?"

"Anong..." tumawa ng sarcastic si Jully. "Ang kapal rin talaga ng mukha niyo eh no? Si Richard? Makikipagdate sa hampas-lupa mong bestfriend?"

Ngumiti ako ng matamis at mataman siyang tinignan..

"Anong gusto mo, dear? Sa lamang-lupa siya makipag-date?"

Nakita ko ang pag-usok ng tenga niya. Duwag ang mga 'to sa'kin kaya naman nagsibalikan na lang silang lahat doon sa inuupuan nila.

Pinangako ko sa sarili kong hinding-hindi mahahawakan ng mga lintang iyan ang bestfriend ko ngunit minsan hindi ko maiwasang umabsent. At ang mga haliparot? Umaatake kapag wala ako. Wala si Jayvee, o kahit si Richard Lee.

"Hello?" Magla-lunch sana kami ni Besty ngayon pero biglang may tumawag sa cellphone ko. Tinanaw ko si Besty na tulalang nagpatuloy sa paglalakad habang tumigil naman ako.

"Honey..." Kumalabog ang dibdib ko at nawala sa focus ang utak ko nang marinig ko ang tumawag. I knew it. "Hindi ko sinasadyang i-kiss—"

"Pwede ba!" Umusok ang pisngi ko sa inis. "Huwag mo nang ipaalala!"

Inis na binaba ko ang phone call. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang bigla akong makarinig ng ingay mula sa ibaba nitong building. Agad akong sumilip mula sa itaas at tumindig ang balahibo ko nang makita ko si besty na nakahandusay habang may basag na vase sa tabi ng ulo niya.

Suminghap ako at agad na tinakbo ang hagdanan. Naiiyak ako pero walang luhang lumalabas sa mata ko. Tanging panginginig lamang at panlalamig ang tangi kong nararamdaman.

Pagdating ko sa entrance ng building ay natanaw ko na si Richard Lee na buhat-buhat si besty...

Nabato ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan kung paanong pag-aalala ang nakikita ko sa itsura ni Richard Lee. Patuloy ko lang silang pinagmasdan hanggang sa makalayo sila sa building na ito.

Unti-unti kong ikinuyom ang aking kamao.

Sige, Richard Lee.

Ikaw muna ang bahala sa bestfriend ko. Akong bahala sa hayop na gumawa sa kanya nito.

Tumataas-baba ang aking dibdib habang tinatahak ko ulit ang daan paitaas. Una kong pinuntahan ang railings. Maraming halaman ang nasa tabi nito, at base sa arrangement ay halatang may kulang. Mukhang sinadya nga ang paglaglag ng vase sa ulo ni Ayra.

Muli ko namang tinahak ang daan tungo sa pinakamalapit na room sa hallway na iyon.

Hindi nga ako nagkamali.

Ang section 6B.

Marahas kong binuksan ang pintuan ng silid-aralan at naabutan kong nagtatawanan sila Jully kasama ang ibang mga kaklase nila.

Madilim ang paninging nagmartsa ako papunta sa kanila. Nakatalikod ang tatlong magpipinsan, samantalang napatingin naman sa paglalakad ko ang ilang mga kaklase nila. Deretso ang titig ko sa buhok ni Jully, at bago pa niya ako lingunin ay hinablot ko na ito saka ko siya hinila patayo!

"Ahhh— Ouch! Ano ba—"

"Hayop kang babae ka!" Mariin na sabi ko sa mukha niya habang ngumingiwi siya dahil sa pagkakasabunot ko sa kanya gamit lamang ang kanan kong kamay.

"Ano ba? Ano bang problema mo?!"

Nagsitayuan lang ang ilan sa mga kaklse nila pero walang nagatubiling umawat, kahit pa yung dalawang pinsan niyang duwag din naman.

"Kayo may gawa n'on noh? Kayo yung nagbagsak ng vase sa ulo ni Ayra!"

Natigilan siya bigla pero bigla niya akong tinulak dahilan para mabitawan ko yung buhok niya. Gayunpaman, ay dali-dali ulit akong lumapit para sampalin ang magkabilang pisngi niya. Doon na ako hinawakan ng ilang mga kaklase nila. Hinawakan naman nina Jecel at Zhien ang pinsan nilang hayop.

"Ano bang sinasabi mo?!" hawak nito ang pisngi niya habang humihikbi na.

"Ha! Kunwari ka pang malandi ka!" Sarcastic akong tumawa saka hinawi ang buhok kong tumatakip sa mukha. "Nasa clinic ngayon si Ayra dahil nabagsakan siya ng vase sa ulo! Duguan ang ulo niya ngayon! YUNG TOTOO, PAPATAY KA NG TAO DAHIL LANG SA LALAKI? WALA BA KAYONG KONSENSIYA?!"

"Ano bang sinasabi mo?" Sambit ni Jecel. Bitch, napakagaling umarte. Tumawa ulit ako.

"Hindi kami ang gumawa n'on!"

"SIGURADUHIN NIYO LANG." hinawi ko ang mga kamay sa braso ko. "Siguraduhin niyo lang na hindi kayo, dahil kapag may nangyaring masama kay Ayra dahil d'on..." mataman ko silang tinignan sa mga mata. "...si Richard Lee ang makakatapat niyo."

Malalaki ang yabag na umalis ako sa kwarto. Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinatahak ang daan paibaba. Aasikasuhin ko naman yung Science Camp at alam kong gusto man nila o hindi ay iuurong nila ito.

Kung ayaw nilang si Richard Lee ang mismong makatapat nila.

Related Books

Popular novel hashtag