Chereads / Two Bad Boys beside me / Chapter 1 - Chapter One: Devils Incarnated

Two Bad Boys beside me

Jen_Melendrez
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 15.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One: Devils Incarnated

SPRING's POV

Mahigpit ang yakap ko sa raincoat na suot-suot ko. Dama ko ang bulung-bulungan at ang iba pa nga ay nagtatawanan sa ayos ko.

Sino ba namang hindi?

Una: Naka-raincoat ako.

Pangalawa: Walang ulan.

Panghuli: Naka-raincoat nga kasi ako.

Sige sino ba namang 'di matatawa. Tawa na din kayo.

Mga sampung tawa para sa ayos ko.

Summer na summer, lakas makabagyo ng get-up ko. Pero mas pipiliin ko naman pagpawisan kaysa naman---

°Splash°

Save.

°Tugsh°  

Anak ng hindi pala--

Akala ko ligtas na ako dahil hindi ako nabasa sa walang sawa na laging nagtatapon ng tubig sa akin. Feeling 'ata nila hindi ako naliligo. Pero mukhang hindi ako sisipunin o uubuhin. Mukhang bukol ang aabutin ko sa walang habas na nagtapon ng timba sa ulo ko.

Susunod mag-Hehelmet naman ako. Pero siyempre patay-malisya lang ang lola mo hanggang sa may dalawang may sungay na humarang sa akin. May buntot sila, namumula ang kanilang mga mata at may hawak-hawak silang malaking tinidor.

Nakuha niyo ba ang sinasabi ko? Sige para madali, may dalawang 'demonyo' na humarang sa akin.

Pero siyempre hindi totoo na hitsurang demonyo sila, lakas makapanlinlang ng mga 'demonyong' 'to eh. Halos lahat nagtitilian pag dumadaan sila. Bakit hindi eh---

"Ang gwapo talaga nilaaaaa... Kyaaaaah!"

Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin kung bakit nagtitilian ang mahaharot na babae sa paligid ko. Hindi kaya ng sikmura ko, masyadong unfair para sa akin na tawagin silang $#%$#%# (Gwapo).

Dahil para sa akin isa silang demonyo na nagkatawang tao. Idol 'ata nila si Robin Padilla, dahil feel na feel nila ang pagiging 'bad boy' pweh.

Bad boy my ass.

Sino nga ba ang dalawang bad boy na 'to?

Meet Tornado & Hurricane Helios. Also known as Torn and Cane. 'Di naman siguro obvious sa apelyido nila na pagmamay-ari nila ang unibersidad na Helios. Identical Twins sila. Kambal sa kasamaan, 'yan sila para sa akin. Madali para sa kanilang linlangin ang mga tao kung sino sila pero hindi para sa akin. Isa lang 'ata ako sa unibersidad na ito ang kayang i-distinguish kung sino Hurricane at kung sino si Tornado. Kaya nga bwisit din 'tong dalawa sa akin eh dahil di nila ko malinlang.

Pero bakit nga ba sila naging bad boy para sa akin?

Matapobre?

Check.

Mayabang?

Check.

Arogante?

Check.

Bully?

Check na check.

Babaero?

Past time nila ang babae.

Mahilig manuntok?

Idol nila si Pacquiao.

Maninigarilyo?

Ewan ko kung 'di pa sunog baga nila.

Alak?

Tubig lang sa kanila 'yun.

Droga?

Okay exagge na, wala pa naman akong nabalitaan na adik sila.

May hikaw sa tenga?

Bakla 'ata sila.

Black lagi suot nila?

May sa kulto sila.

Gangster?

Reader 'ata sila ng She's Dating The Gangster. Feeling nila si Kenji sila, (pweh)

Na-foresee 'ata ng magulang nila na magiging disaster 'tong dalawang to. Lakas

maka-destroyer ng mga pangalan nila 'di ba?

Bagay na bagay. Dahil sila ang destroyer ng buhay ko.

"Hoy! Babaeng apat ang mata. Sinong nagsabi sa'yo na magsuot ng raincoat?!" Angil ni B1 sa akin. Kunot na kunot ang noo nito dahil siyempre nga naman expected niyang basang sisiw ako katulad na lang 'nung nakaraang linggo.

Pero sorry na lang siya, pinag-isipan ko kung anong kabalbalan na naman ang gagawin nila sa akin ngayon.

Naka-schedule na nga kung ano-anong kalokohan nila sa akin, aba sabado't-linggo lang ang pahinga ko sa dalawang 'to noh. Kaya naman napag-isipan ko na pag-aralan ang pattern nila sa pam-bu-bully sa akin.

Monday: May alipores nila na papatid sa akin para madapa ako. 'Di pa matatapos doon dahil pagkatayo ko bigla na lang may babangga sa akin at maliligo ako sa juice.

Martes: May magdidikit ng kung ano sa likod ko na kesyo mangkukulam, baliw, crush si Fausto (Ang lolo kuno ng Helios University dahil sa get-up nito). 'Di ulit matatapos doon dahil kung hindi sa c.r ako mala-lock ng ilang oras (naawa pa sila at pinauwi pa ako) sa kilalang haunted room ng university naman ako mala-lock.

Miyerkules (Today): May magbubuhos ng tubig sa akin. Pero ngayon sinama na nila pati timba. De bakal pa 'ata kaya ang sakit ng ulo ko, curse them. Siyempre 'di pa doon matatapos, bago mag-uwian gagawin nila akong cake. Paano?

Step 1: Bubuhusan akong harina.

Step 2: Babatuhin ako ng itlog.

Step 3: May magbubuhos sa akin ng chocolate.

Pero ngayon nakaraincoat ako at sisiguraduhin kong hindi ako magiging cake today. Duh, sa laundry lang napupunta baon ko.

At kapag naman huwebes o biyernes, kung hindi nila lalagyan ng ahas o anumang nakakadiring hayop ang locker ko. Bigla-bigla na lang mawawala ang upuan ko, siyempre kasama ang gamit ko.

Sa loob ba naman ng tatlong taon na impyerno ko sa Helios University dahil sa 'mababait' at 'matulungin' kong mga kamag-aral na alipores ng dalawang damuho, siraulo, mga walang magawa sa buhay at Bad boy (pweh) ng paaralan na 'to. Aba hindi naman siguro imposible na makabisado ko ang mga pranks nila sa akin.

Dahil una, Matalino ako.

Pangalawa, Matalino ako.

Pangatlo, Basta matalino ako!

Fine, 'yun lang talaga ang kaya kong i-describe sa sarili ko.

Matalino.

Bata pa lang ako, 'eto na ang lagi kong naririnig.

'Ang talino mo talaga Spring.'

Samantalang sa mga kapatid ko.

'Naku Autumn, tiyak magiging beauty queen 'tong si Summer at Rain, kegagandang bata..'

"Hoy! Kinakausap ka namin? San lupalop na naman ba ng mundo nakarating 'yang utak mo?!" Saad ni B2.

Ay kinakausap pala nila 'ko. Anyway, care ko sa kanila. Maubusan man sila ng laway, 'di ako magsasalita. Never. Pero siyempre, joke lang 'yun. 'Di man ako makalaban sa walang kasawaan nilang pam-bu-bully sa akin physically. 'Di 'ata ako uurong verbally.

Dahil ako si Spring Cruz.

At...

At...

Mahina man ako sa kanilang paningin.

Mas matalino pa din ako sa Matsing.

Ano daw? San nanggaling ang Matsing?

"Ay, sorry kinakausap niyo pala ako. Pasensya na, tanging may mga taong kwenta lang talaga pinapakinggan ko. Unfortunately, hindi kayo kabilang doon."

1...

2...

3...

"You freaking bitch!" / "You freaking witch!"

Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang bulagta na ako dito at paglalamayan na ng tatay ko kinabukasan.

Bitch.

Witch.

Rhyme. Palakpakan para sa kanilang dalawa. Boom pak ganern. Sabog confetti.

"Hindi ka talaga madadala noh?! Talagang ang lakas talaga ng loob mong sabihan kami ng ganyan--"

"---Baka nakakalimutan mo kami ang may-ari ng university na 'to at kahit anumang oras pwede ka naming palayasin dito." Ako na ang tumapos sa sinasabi ni B1, hiyang-hiya naman ako sa kanya. Aba for the last three years, walang araw na hindi niya sinasabi 'yan. Record niya na lang kaya para 'di siya magsayang ng laway.

Pero sa tinagal-tagal ko dito, so far hindi pa naman ako napapalayas.

Bad boys in Pajamas. 'Yan ang description ko sa kanila. Kaya nga B1 at B2 tawag ko sa dalawang 'to. Bakit pajamas? Wala trip ko lang. Kanya-kanyang trip lang 'yan.

"At nagawa mo pa talagang unahan si Torn sa sinasabi niya--"

"---Hoy babaeng apat ang mata, kung akala mo makakaligtas ka sa amin, well think twice, dahil hangga't nasa university ka na 'to hindi ka namin tatantanan." Pagtatapos ko, 'di pa ako nakuntento ginaya ko pa ang boses ni Mike Enriquez sa 'hindi ka namin tatantanan!'.

So ano sila ngayon?

E'di nganga.

Nakita ko ang panggagalaiti ng dalawa sa walang habas kong pambabara sa kanila. Pero nagtaka ko ng manlaki ang kanilang mga mata.

Anong problema ng dalawang 'to?!

"Fuck! Cane she's bleeding."

"Damn it Torn! Is she gonna die?!"

Ano bang sinasabi nila?

Ako ba ang tinutukoy nila?

Pero teka bakit parang may umaagos sa noo ko?

Nabasa ba ako ng tubig kanina?

Hinawakan ko ito at nanlaki ang mata ko ng makitang may dugo ang palad ko.

Hindi pa 'ko handang mamatay! Gusto ko munang mauna ang dalawang ungas na nasa harap ko! Sila muna, pero asa pa 'ko, dahil ang katulad nilang masamang damo. Matagal bago kunin ni Lord, more like ni Lucifer'

And before I knew it, I lost my consciousness.

'Mumultuhin ko kayo Hurricane at Tornado, tandaan niyo 'to!'