&& * &&
"Nay, ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa Nanay ko. Nakatayo lang kami sa labas ng isang malaking paaralan.
'Helios University'
'Yan ang nabasa ko. Pero anong ginagawa namin dito?
Nagtataka ko siyang pinagmasdan, pero ang Nanay ay nakatanaw lang at nakangiti sa unibersidad na nasa harap namin.
"Spring, alam mo ba pinangarap ng Nanay na makapasok diyan. "
"Oh eh ano pang ginagawa natin dito Nay, tara pasok na tayo." Nagtaka naman ako ng tumawa ang Nanay.
"Spring, makapag-aral ang ibig kong sabihin. Kaya lang hindi ko 'yun natupad." Nalungkot naman ako dahil pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit hindi natupad ang mga pangarap ni Nanay.
Dahil isinilang niya 'ko. Kasalanan ko.
Kahit siyam pa lang ako. Naiintindihan ko na ang lahat. Palaging sinasabi ng lolo na kung sana hindi nabuntis ang Nanay at ipinanganak ako, sana nakaahon na sila sa hirap.
"Pasensya na Nay," Yumuko ako pero naramdaman kong hinawakan ng nanay ang baba ko para ma-i-angat ako.
"Spring, bakit ka humihingi ng pasensya? Huwag mong pakinggan ang sinasabi ng lolo mo o ng kahit na sinong tao. Dahil masaya si Nanay, na nabuhay ka. Na ipinanganak kita. Kasi mahal kita Spring..." Napangiti naman ako sa sinabi ng nanay. Niyakap ko siya ng mahigpit at nangako...
"Promise Nay, ako ang tutupad ng pangarap mo. Sa paaralan na 'yan ako ga-graduate paglaki ko." Niyakap din ako ni Nanay ng mahigpit.
"Salamat Spring, promise din ng nanay sa araw na 'yun babalik ako. Babalikan kita."
Bakit ako babalikan ng Nanay? Aalis ba siya?
Magsasalita pa sana ako ng biglang humiwalay sa akin ang Nanay at humarap sa kotseng tumigil sa tabi namin.
"Siya na ba si Spring?" Nagtaka ko kung sino ang lalaki na bumaba ng kotse. Nakatitig ito sa akin at naluluha pa.
"Autumn, alagaan mo si Spring. Mangako ka na pagagalingin mo ang anak ko at makakaasa ka na hindi ko na kayo guguluhin pa."
Nagsimulang sumikip ang dibdib ko, masakit na naman ang puso ko. Siguro dahil madali para sa akin maintindihan ang sinasabi ng nanay dahil sabi niya nga matalino ako. Iiwan niya na ako, 'yun ang pagkakaintindi ko.
Dahil siguro pagod na siya kaka-alaga sa katulad kong may sakit. Sa batang mahina na si Spring.
"N-nay a-anong sinasabi niyo? Ibibigay niyo ba 'ko sa kanya?" Itinuro ko pa ang lalaking ilang hakbang lang ang layo sa amin.
"Spring, kailangan mong maoperahan at ang tatay mo lang ang may kakayahan para--"
"Ayoko! Gagaling din ako Nay, s-sandali na lang. Huwag mo kong ibigay sa kanya. Sa iyo lang ako." Umiiyak kong saad.
Pero sa huli walang nagawa ang pag-iyak ko. Iniwan ako ng Nanay. Pero umaasa 'ko na tuparin niya ang pangako niya. Na babalikan niya 'ko.
At iyon ang huling araw na nakita at nakasama ko ang Nanay.
~*~
"Nurse Joy, bakit hindi pa siya gumigising? Do we need to bring her to the hospital?"
"Hindi na kailangan Mr. Dela Carta, mild concussion lang naman. At maliit lang ang sugat niya sa ulo. Pero kung gusto mo talagang makasigurado. Ipa-CT scan niyo na lang siya."
Nagising ako na kumikirot ang tuktok ng ulo ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid.
At naisip ko nasa langit na ba ako?
Bakit may anghel sa tabi ko?
"Gising ka na pala."
"Ay, anghel na gwapo!" Napasigaw ako ng biglang magsalita ang anghel. I heard him chuckled pati na rin si Nurse Joy. Siyempre kilala ko na 'yan. Ako lang 'ata ang nakikinabang ng clinic eh.
Pero teka buhay pa ako?!
"Ayos ka lang ba?" Hayy naku bakit ba may taong ganito ka-gwapo. Makalaglag panty kasama na pati palda ang kagwapuhan ng lalaking 'to.
"Earth to Spring!" I snapped out from my fantasy when he tapped his hand on my shoulder.
Paalala: Hindi ako maliligo mamaya. Chos.
"A-ayos lang naman ako, Raven. M-malayo 'to sa bituka." Napangiwi naman ako dahil kung 'di ba naman ako gaga tinapik ko pa 'yung tuktok ng ulo ko.
"Hey, careful sariwa pa 'yung sugat mo." Nag-aalala nitong saad.
Hay, sabihin niyo nga sa akin sinong hindi magkakagusto sa lalaking 'to? Kapag nasa paligid ko siya mapapakanta na lang ako ng 'nasa 'yo na ang lahat'.
Kung itatanong niyo kung crush ko si Raven Dela Carta-- ang student body president ng Helios University.
Uunahan ko na kayo. Hindi ko siya crush.
Hindi ko siya crush Kasi....
Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya.
"Uy gaga, huwag ka namang pa-obvious na kinikilig ka diyan." Pasimpleng bulong sa akin ni Nurse Joy habang nasa pinto si Raven at may kausap sa cellphone niya.
"Obvious ba?" Pabulong kong tanong.
"Hindi Spring! Hindi obvious, hindi obvious na kinikilig ka kahit na namumula ka. Hindi talaga, kahit na nauutal kapag kausap mo siya. Hindi talaga." Napanguso naman ako sa sinabi ni Nurse Joy. Kasalanan ko bang irresistible si Raven?
Maputi, matangkad, matangos ang ilong, nakakabighani ang medyo singkit niyang mata, mas mahaba pa ang pilik-mata niya kaysa sa akin tapos ang labi, parang pink na rosas-- mamula-mula. Sige sabihin niyo sa akin hindi ka ba kikiligin?
Kahit na nga ba alam ko na nga ba na pinaninindigan lang talaga ni Raven ang pagiging President niya ng H.U. Hindi pa rin maalis sa akin na matuwa tuwing nililigtas niya ako (na minsan lang mangyari dahil busy nga siya) sa tuwing napapahamak ako dahil sa mga damuho na 'yun.
"Huwag kang ngumuso, 'di mo bagay." Napasimangot naman ako sa pambubwisit sa akin ni Nurse Joy.
Pansin niyo close kami?
Aba sa inaraw-araw ba naman na pasok ko, lagi atang kong napupunta sa clinic ng school. Kung 'di ako nagtatago, may sugat naman ako sa tuhod kakatakbo.
Kaya ayan na-friendship ko na si Nurse Joy. Siya lang naman ang kaibigan ko dito sa H.U. Well, kino-consider ko na din pala si Raven. Walang nagtatangkang kumausap sa akin maliban sa mga guro dahil sa mga badboy na 'yun.
Speaking of that Two Badboy.
May araw rin ang dalawang 'yun sa akin.
'As if kaya mo silang gantihan.'
Napabuntong-hininga naman ako. Tama, wala naman akong magagawa eh. Bakit ba kasi sa daming estudyante ng H.U. Ako pa ang naging laruan ng dalawang 'yun.
"Hey, Nurse Joy sinong nagdala sa akin dito? Si Raven ba?" Umirap naman ito sa tanong ko. Kakaimbyerna din 'to si Nurse Joy eh. Feeling maganda, samantalang malapit na siyang mawala sa kalendaryo, single pa rin ang lola mo.
"Huwag kang ambisyosa Spring. Hindi siya ang nagdala sa'yo, nagkataon lang na pumunta siya ng clinic para manghingi ng gamot dahil masakit ang ulo ng girlfriend niya." Napasimangot naman ako ng ipagdiinan pa nito na may girlfriend na si Raven. Kailangan ipamukha sa akin. Panira talaga 'to si Nurse Joy eh.
Malay mo naman 'di ba maghiwalay sila ni Sophia-- ang Vice-President ng H.U at ang longtime girlfriend ni Raven. Highschool sweetheart sila, ang tinaguriang perfect couple ng Helios University. Pero katulad nga ng sabi ng mga bitter diyan, walang FOREVER at magbe-break din sila sa 23. Pero nakailang 23 na, going strong pa rin sila.
Pero teka kung hindi si Raven ang nagdala sa akin dito, don't tell me?
"Tama ang iniisip mo, ang Helios Twin ang nagdala sa'yo dito. " Aniya.
Aba't di yata't may puso din naman 'ata ang mga badboy na 'yon.
'Yun ang akala ko, dahil the moment na ipakita sa akin ni Nurse Joy ang isang video kung saan ako ang bida. Gusto kong kumuha ng itak at mag-amok sa school na ito at ang target ko ay walang iba kung hindi ang kambal sa kasamaan na Helios Twin.
"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" Napatakip sa tenga si Nurse Joy at nagmamadali namang lumapit sa akin si Raven.
Wala na akong pakialam kung wa'poise na ako sa harap ng taong gusto ko. Pero hindi ko na kayang magtimpi pa, kailangan kong sumigaw kung hindi magiging murderer ako ng dalawang demonyong 'yon.
"Hey, calm down Spring. " Pang-aalo sa akin ni Raven. Kaya naman nag-inhale exhale ako para kumalma pero sa tuwing naiisip ko ang video na 'yon gusto ko na namang sumigaw.
Kalma? Sinong taong kakalma kapag nakita mo ang sarili mo na hila-hila na parang isa kang hayop.
Matutuwa na sana ako na dinala ako ng kambal na 'yon sa clinic pero ang mga talipandas na 'yon. Hinila ako papunta dito.
Tama kayo ng basa, hindi piggyback ride o parang sa bagong-kasal ang buhat sa akin ng mga talipandas na iyon.
Kung hindi hinila nila ako, imaginin niyo na hawak nilang dalawa ng tig-isa ang kamay ko habang brutal akong hinihila.
Kaya naman pala masakit din ang katawan ko. At hindi pa sila nakuntento ini-upload pa malamang ng alipores nila ang video sa Website ng H.U, isa na naman akong laughingstock ng paaralan na 'to.
Curse them, hahanap ako ng magaling na mambabarang at ipapabarang ko sila!
"What's the fuss all about Babaeng Tagsibol? You shouted as if kinakatay ka diyan." Masama kong tinitigan ang damuho na nasa pinto.
Cane.
Sigurado akong siya si Cane. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, tumayo ako at tinadyakan ang precious jewel niya.
I hit him hard.
Tignan ko lang kung magkaanak ka pa!
Itutuloy