Maagang gumising si Charisse kinabukasan. Hindi na muna siya naghanda ng agahan at natutulog pa ang kanyang amo. Ayaw niya sanang gumising ng maaga at napagod siya sa paglalaba kahapon ngunit marami siyang gagawin ngayon.
Mag-aalas nueve na ay hindi pa rin bumababa si BJ. Nagtataka siya. Hindi naman ganito ka late kung gumising ang amo. Nagdesisyon siyang puntahan ito sa kwarto.
Nag-aalangan siyang kumatok baka magalit na naman ito sa kanya. Pinapakinggan niya ang galaw sa loob. Inilapat niya ang tenga sa may pinto. Tahimik sa loob ng kwarto. Kinabahan siya. Ayos lang kaya ang amo at natutulog lang ito? O di kaya ay may masama ng nangyari dito? At ano namang posibleng masamang mangyari dun kung nasa loob lang naman ito ng kwarto? "Hala baka naglayas." Kinabahan siya. Ano kayang gagawin niya kung naglayas nga yun?
Biglang bumukas ang pinto. "Ay!" Nawalan siya ng balanse at napasubsob ang mukha niya sa dibdib ni BJ. Naitulak pa niya ito ng bahagya. Sa takot na matumba ay napa hawak siya sa balikat nito.
"Ano ba?" Gulat na sabi nito.
Nagulat din siya sa nangyari. Bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa balikat nito. "So-sorry po." Namumulang sabi niya. Hiyang-hiya siya.
"What are you doing here?" Galit na sabi ni BJ.
"Kasi po hindi pa kayo bumababa...eh...akala ko....ah...naalala kong itanong kung anong gusto niyong breakfast?" Nauutal na sagot niya. Ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sobra lang siya mag-isip at kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya.
Pumikit si BJ at bumuntong-hininga. "Just prepare some coffee and sandwich." Malamig na sabi nito. Namumula. Pinipigil ang galit?
"Sir kahapon pa po kayo hindi kumakain ng maayos. Medyo light lang din po yung dinner nyo kahapon."
"Why do you care! Yun ang gusto kong kainin, bakit ba ang dami mong sinasabi?"
"Nagtatanong lang po."
"I'm on diet, ok na?." Sabi nito. Pero ang totoo ay ayaw lang niyang sinusubuan siya. Kinakain niya yung kaya lang ng kaliwang kamay niya.
"Diet po? Yung totoo sir?" Paninigurado niya. Tumaas lang ang kilay nito. "Sige na nga." Sabi na lang niya keysa makipagtalo na naman. "Coffee and sandwich. Sandali lang po sir Sungit ipaghahanda ko po kayo." Aniyang tumalikod na.
"Anong sabi mo?"
"Alin po dun sir?" Maang-maangan niyang tugon.
"Yung huli mong sinabi." Seryoso na naman ang mukha nito. Umagang umaga ay beast mode siya.
"Ah, sabi ko po ipaghahanda ko na po kayo ng almusal." Aniyang dahan dahan na umatras.
"Yun lang? Sigurado ka?"
"Oo naman po! Bakit po sir, may narinig po kayong iba? Baka guniguni nyo lang po yun." Aniyang ngumiti. Pero si BJ ay seryoso pa rin. "Ako ba'y pinagloloko mo?" Tanong nito na ngayon ay nasa labas na ng kwarto.
"Bakit ko naman po kayo lolokohin?" Aniyang umaatras pa rin. Paabante naman si BJ.
"Talaga lang ha? Sige, pagbibigyan kita ngayon." Aniyang tumigil at nakapameywang. "Umayos ka at sa susunod hindi na kita palalampasin." Pagbabanta nito.
"Hala, napano siya? Anong ginawa ko sa kanya? Yung sir Sungit? Totoo naman yun." Saloob-loob niya. "Nakakatuwa lang, ayaw niyang tawaging sungit pero ang sungit naman talaga niya. Nakakaasar bang marinig ang totoo?" Ngumiti siya. "Noted po sir!"
"Dalhin mo sa library ang breakfast ko at dun ako kakain." Pahabol nito.
"Ok po sir." Sagot niya na hindi lumilingon.
"Dalhin mo sa library." Ulit nito.
Tumigil siya at lumingon. "Opo sir. Dadalhin ko po sa library." Sagot naman niya.
"Yun! Very good." Sabi ni BJ na parang nang-aasar lang. Ayaw niyang tinatalikuran siya ng kausap.
"Pwede na po bang bumaba?" Paalam ni Charisse.
"Bakit? Gusto mo pang mag-stay?" Sagot ni BJ.
"Siyempre po hindi. Ipaghahanda ko na po kayo ng almusal." Sabi niya at bumaba na ng hagdan.
"Buti naman. Maliligo lang ako."
Hindi niya ito pinansin. Halos patakbo niyang tinungo ang kusina. "Nang-aasar ba siya? Porke't napayakap ako sa kanya kanina. Di ko naman sinasadya yun ah. Siya nga itong biglang nagbukas ng pinto." Katwiran niya sa sarili. "Haay bakit ba ako nandito at kasama siya? Akala ko dati ang bait-bait niya. Tapos yun pala sobrang sungit." Naghahanda siya ng agahan na kausap ang sarili. "Nakakaasar! Grrr!"
Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan bitbit ang tray ng pagkain ni BJ. Nakaawang ang pinto ng library at maririnig mula sa labas ang music na pinapatugtog nito. "Mga lumang kanta? Akalain mong mahilig pala siya dun?" Bulong niya sa sarili. Sisilip sana siya pero baka maulit na naman ang nangyari nung isang araw kaya kumatok na siya.
"Bukas yan." Tugon nito.
"Sir breakfast nyo po." Sabi niya sabay lapag ng tray na may laman na pagkain.
Sumulyap lang si BJ sa tray. "Iwan mo na lang dyan." Sabi nito na ang mga mata ay nakatuon pa rin sa binabasa.
"Okay po. May kailangan pa po kayo sir?"
"May sinabi ba ako?" Sagot nito na nagtaas ng tingin.
"Ay wala naman po. Sige po sir, bababa na po ako." Paalam niya. Hindi ito nagsalita kaya tuloy-tuloy siyang bumaba.
Naiinip si Charisse sa bagal ng takbo ng oras. "Ano ba yan? Bakit alas singko palang? Gusto ko ng pumasok ng kwarto at maglaho." Nagwawalis siya sa likod ng bahay at balak pa sana niyang gumawa ng garden doon. Wala siyang balak pumasok ng bahay at may tigreng nakatira sa loob.
"Hindi ka pa ba tapos dyan?" Tawag sa kanya ni BJ na nakatayo sa may pinto.
"Malapit na po." Tugon niya na tuloy pa rin sa pagwawalis.
"Hindi ka pa ba tapos dyan?" Ulit nito. Tumigil sa pagwawalis si Charisse at humarap Kay BJ.
"Sir malapit na po. May iuutos po kayo?"
"Wala. Gusto ko lang ng sinigang na baboy sa hapunan."
"Sir? Akala ko po ba diet kayo?" Tanong niyang may kasamang pang-aasar.
"Bakit? Kung diet ba hindi na pwedeng kumain?" Balik tanong nito sa kanya.
"Wala naman po akong sinabing ganun." Sagot niya na napatingin sa braso nito. "Magaling na po ba braso nyo?"
"Hindi pa. Nandyan ka naman di ba?" Sagot nito na bumalik na sa loob.
Napatanga naman si Charisse. "Ha?" Nakapameywang siya habang hawak ng kabilang kamay ang walis. Nakatingin pa rin sa pinto ng bahay. "Ano daw yun? Ang gulo naman nitong si sir Sungit." Napailing siya. "Tsk tsk...Ano kayang trip nito?" Napaisip naman siya. Pero wala siyang maisip maliban sa pinagtitripan siya nito.