Sabado.
Araw ng pamamalengke ni Charisse. Hinintay muna niyang bumaba si BJ bago umalis. Ipinaghanda na niya ito ng agahan ngunit hindi niya inakyat sa kwarto nito. Nababahala siya at maulit na naman ang nangyari nung isang araw. Baka isipin nito na nagpapapansin siya dito.
Nang bumaba ito ay tapos na itong maligo at nakabihis. Nagtataka siya.
"Sir? Aalis po kayo?" Agad na tanong niya nang makapasok ito ng kusina.
"Di ba obvious? Nakabihis ako di ba?" Sagot nito na umupo sa harap ng mesa. "Ayoko ng sandwich na 'to. Gusto ko ng toasted." Sabi nito na itinabi ang egg sandwich na gawa niya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso ba 'to? Talagang paglulutuin pa ako ulit?" Saisip-isip niya.
"Anong tinatayo tayo mo dyan? Magluluto ka ba o hindi?"
"Sir pwede po bang bukas na kayo mag toasted? Yung egg sandwich na lang po muna. Aalis po kasi ako sir tanghali na." Pagmamakaawa niya rito.
"Ang sabi ko, ayoko nito. Tsaka pakialam ko sa lakad mo. Bilisan mo na at nang makaalis ka pagkatapos. Ganun ka simple."
"Sir hindi ko na po aabutan ang mga preskong gulay at isda sa palengke kung tanghali na." Protests pa niya.
"Eh di huwag kang bumili." Mabilis na sagot nito. "May I remind you of the golden rule? Ano nga yun ulit?"
Tiningnan nya lang ito. Mabigat sa loob na kinuha nya ang tinapay at nagluto. Samantalang nakangiti naman si BJ habang pinapanood siyang nagluluto.
Hindi na siya nagsalita hanggang sa matapos at agad agad na umalis. Nasa labas na siya ng bahay nang maalala na sinabi nga pala ni BJ na aalis siya. Ngunit hindi pwede. Bumalik siya kaagad sa kusina.
"Sir saan nga pala ang punta niyo?"
"Mamamasyal."
"Ho!?"
"Gulat na gulat? Bakit? hindi ba pwedeng mamasyal?"
"Ay di ba po bawal kayong lumabas ng bahay?"
"Sinong may sabi?" Pakli nito.
"Mommy at daddy nyo po."
"Nakakausap mo sila?" Nagulat ito sa narinig. Tumayo si BJ at humakbang palapit sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha nito.
"Dati po. Nagbilin sila."
Bigla namang nanlumo si BJ. "Hindi sila tumatawag sa'yo?" Malungkot nitong tanong.
"Hindi po eh."
Bumalik ito sa pagkakaupo. Malungkot na tinitigan ang kape na nasa harapan niya. Nakaramdam ng awa si Charisse. Siguro ay namimiss na niya ang mga magulang.
"Akala ko ba nagmamadali ka at tanghali na?" Baling nito sa kanya.
"Oo nga po. Naalala ko po kasi na aalis kayo kaya ako bumalik. Sir parang awa nyo na po huwag na huwag kayong umalis ng bahay at delikado."
Tiningnan lang siya nito. Kapagdaka'y sinabi. "Sige na, umalis ka na."
"Sige po. Dito lang po kayo sir ha. Babalik naman po ako kaagad."
"O sige umalis ka na." Sagot nito na hindi man lang lumilingon.
"Sige po alis na po ako. Huwag po kayong lumabas sir ha at baka ano pa ang mangyari sa inyo." Nag-aalala niyang wika. Hindi pa rin siya mapalagay.
"Oo na sabi. Bakit ba ang kulit mo?" Mukha na itong naiirita.
"Naniniguro lang po, baka tumakas kayo eh."
"What!?"
"Alis na po ako. " paalam niya ulit.
"Go! Bilisan mo at bukas ka na bumalik!"
"Grabe naman sir Sungit. Ito na po aalis na." Pahayag niya na diniinan pa ang salitang "sungit."
Nakakunot ang noo nito. "What did you say?"
"Wala po. Sabi ko po ang pogi nyo." Ngumiti siya at akmang lalabas na ng pinto.
"Matagal ko ng alam yun. Di mo na kailangang sabihin." Sagot nito na nakaismid.
"Ay ganun po?" Ngumiti si Charisse. Naisip niya, ano kaya ang matagal na nitong alam..... ang pagiging masungit o yung pagiging pogi?
Tiningnan lang siya nito. "Aalis ka ba o hindi? Kanina ay atat na atat kang umalis tapos ngayon, daldal ka ng daldal."
"Ay sorry na po. Basta sir ha yung bilin ko."
"Ay ang kulit! Alam mo konti na lang talaga!" Pinandilatan siya nito. Ngumiti lang siya na mas lalong nagpairita dito. "Will you please leave? Now!"
"Hala! Ang aga aga HB!" Bulong niya sa sarili habang papalabas ng bahay. Di na siya ulit nagpaalam at baka lumipad yung baso ng kape sa mukha niya. Natatakot siyang magalit ito pero kailangan niyang pakisamahan ang masungit na amo. Sa kanya ipinagkatiwala si BJ ng kanyang mga magulang at ayaw niyang biguin sila. Sinisikap niyang hindi magpaapekto sa kasungitan nito kaya nginingitian na lang niya. Minsan mas mabuting ngumiti na lang.
Maliit lang ang palengke sa lugar na iyon. Ngunit maraming tao na dumadayo mula sa kabilang baryo. Sabado ang tinatawag nilang palengke day dito kung kelan magkikita -kita ang mga nagtitinda mula sa mga kalapit na baryo.
Maraming nagtitinda ng mga kakanin. Natatakam tuloy siya. Ngunit sapat lang ang dala niyang pera para sa mga bibilhin. Iniwas niya ang tingin sa mga pagkain at magugutom lang siya. Tumuloy na siya sa mga nagtitinda ng gulay na makikita ng presko ang mga ito at kakapitas lang. Iba talaga sa probinsiya halos lahat ng mabibili ay sariwa pa.
Bumili na rin siya ng iba pa nilang kailangan. Mas maganda palang mamili na lang siya tuwing Sabado para hindi na niya kailangan pumunta pa ng siyudad sapagkat ito ay napakalayo. Pupunta na lang siya dun para mag withdraw at mamili ng mga pangangailangan nila na hindi mabibili sa palengke. Tipid oras at lakas pa.