Chereads / Angel of my Journey / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Hindi agad nakatulog si Charisse. Ang dami niyang iniisip. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa ganito siyang sitwasyon. Kaya nga kaya niyang alagaan at pakisamahan ang masungit na boss? Base sa mga naririnig ay parang ganun na nga ang nakikita niya. Dati, naririnig lang niya sa mga kwento ng kuya niya at ni Ruby ang masungit na anak ng mga amo nila. Pero ngayon, heto at kasama na niya. "Kaya pala sabi ni kuya kailangan nila yung mahaba ang pasensiya." Nasabi niya sa sarili. "Tingnan natin kung uubra ang haba ng pasensiya ko sa kanya. Haay"."

Nakahiga lang siyang nakatitig sa kisame. Mga ilang minuto pa ay may kumatok. "Hala, ano na naman kaya ang kailangan nito?" Aniya habang bumabangon.

Pagkabukas nya ng pinto ay nakatayo si BJ dun, nasa magkabilang bulsa yung mga kamay. "Talagang ang hilig mong matulog ano?" Simula nito.

"Ay sir, hindi pa po ako natutulog." Mabilis niyang sagot.

"Ah talaga? Pero yung trabaho mo ba ay magmukmok sa kwarto?"

"Hindi naman po. Pero gabi na at oras na po ng pahinga." Pagmamakatwiran niya.

"Kahit hindi pa tapos ang trabaho mo ganun?"

Nag-isip siya. Ano naman kaya ang trip nito? Para makapagsungit lang?

"Sir...."

"How I hate stupid people and its excuses! Dinalhan mo ako ng pagkain sa kwarto at sinong magliligpit ng pinagkainan ko? Ako? Ako na rin maghuhugas ganun?" Galit na sabi nito. Saka lang niya naalala.

"Ay sir, ako po siyempre. Kumakain pa po kasi kayo kanina kaya dumito muna ako sa kwarto." Palusot niya.

"Nangatwiran ka pa. Kunin mo yun at hindi ako makatulog nang nandun yun sa loob ng kwarto ko." Pagalit na sabi nito sabay alis.

"Opo sir. Kukunin na po." Sabi niya at halos patakbong umakyat sa kwarto nito. "Grabe boss na boss talaga hindi man lang marunong mag " please". Saloob-loob niya. "Ang dami pang sinasabi eh ipapaligpit lang pala ang pinagkainan ang gusto. Kunsabagay, may kasalanan din naman ako. Bakit ko ba kasi nakalimutan na kumakain siya at kailangan ko pang magligpit. Hahay Charisse, hindi na maganda ang pagiging makakalimutin mo ha? Umayos ka! Sabi niya sa sarili habang nagliligpit.

Habang pababa ng hagdan ay nahagip ng paningin niya si BJ na nakatulala sa sala. Hawak hawak nito ang phone at tila ang lalim ng iniisip. Tumayo ito at palakad lakad. Lumingon ito sa kinaroroonan niya. Bigla niyang binawi ang tingin at tumakbo papuntang kusina. "Ano kayang iniisip nun?" Tanong niya sa sarili. "Ah baka nag-aalala lang yun." Siya na rin ang sumagot. "Ako kaya? Mapanindigan ko kayang maging katulong dito?" Napabuntong-hininga siya. May choice pa ba siya? Parang wala na rin naman. Napabuntong-hininga siya ulit at malungkot na tinapos ang paghuhugas.

Sa kabilang banda, si BJ naman ay hindi mapakali. Hindi na niya ma contact ang mga magulang. Kanina pa siya tumatawag sa kanila pero hindi siya maka-contact. Pati ang mga kapatid niya ay hindi niya makontak. Anong ibig sabihin nun? Tuluyan na nga siyang nagtatago at nawalan ng buhay sa labas? At hanggang kailan sila magtatago? Sabi ng daddy niya isipin lang daw niya na para lang siyang nagbakasyon. Yun nga ba or mas dapat niyang isipin na nakakulong siya? Nasa malayong probinsiya na ang maririnig mo lang ay mga tinig ng kulisap at huni ng ibon? Paano na ang buhay niya sa labas, ang mga kaibigan niya na hindi alam kung bakit bigla siyang nawala, ang pag-aaral niya at ang girlfriend niya? Kahit dito ay hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos.

"Susubukan ko ulit bukas." Bulong niya sa sarili na hindi nawalan ng pag-asa. "Baka wala lang signal ngayon dito." Nakarinig siya ng mga yapak. Paglingon niya ay nakita niya si Charisse.

"Sir, hindi pa po ba kayo magpapahinga? Malalim na po ang gabi."

"So?"

"Wala po. Sinasabi ko lang kasi...."

"Kasi, para makatulog ka na rin ganun?"

"Hindi naman po sa ganun."

"Ganun na rin yun. Pinapalayas mo na ako dito sa sala."

"Sir wala naman po akong sinasabi."

"Hindi mo kailangang sabihin, I can read between the lines. Hindi ako kagaya mo." Diniinan pa nito ang huling sinabi.

"Ouch naman." Saisip-isip ni Charisse. Pero hindi siya nagsalita. Nagpatuloy ito. "Marunong akong magpatay ng ilaw, nasaan ba ang switch dito?"

Tahimik na itinuro ni Charisse ang switch at tumango lang ito. "Okay, you can go back to sleep at gumising ka ng maaga. Ayoko ng kasambahay na tamad." Pagkasabi nito ay tumalikod na siya. Ngunit..."wala kang sasabihin? " tanong nito.

"Opo sir."

"Good. Huwag kang basta basta na lang tatalikod."

"Pasensiya na po." Nakayuko niyang sabi. "Masaya ka na sir? OK na?" Gusto niyang idagdag sa sagot niya pero pinigilan niya ang sarili.

"Pwede na po ba akong umalis?"

"Yes, please! Stay out of my sight." Sarkastikong sabi nito.

Hindi na siya sumagot at nagmamadaling pumasok ng kwarto niya. Nagpupuyos ang kalooban sa inis. "Naku talaga! Kung hindi lang kita amo!" Padabog siyang sumampa sa kama at pinagsusuntok ang mga unan. "Nakakainis ka!" Nakakainis ka!" Isang araw pa lang siyang nandun at parang hindi niya kakayanin ang ugali nito. Kung pwede lang umuwi ay gagawin niya kaagad.

Ang dami niyang tanong ngunit walang sagot. Hindi niya alam kung sino ang makakasagot. Sa ngayon para siyang naka-quarantine kasama ang isang tigre.