Chereads / Angel of my Journey / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Kinaumagahan ay maagang gumising si Charisse. Nauna pa nga siyang magising sa kanyang alarm clock. Nais niyang matapos nang maaga sa mga gagawin at tambak ang kanyang trabaho. Mamaya ay kakausapin niya ang masungit na amo tungkol sa kanyang day off.

Sa labas siya unang nagwalis at pagkatapos ay nagdilig ng mga halaman. Kumakanta pa siya habang nagdidilig at kinakausap ang mga bulaklak. Nakakatulong daw kasi ito sa mga bulaklak na lalo pang gumanda at dumami. "Buti pa kayo laging masaya. Ang gaganda pa!" Sabi niya sa mga ito. "Sana naging bulaklak na lang din ako. Para naman magkasing ganda tayo. Tapos magkasabay tayong sasayaw sasabay sa ihip ng hangin at sa huni ng mga ibon. Naku ang saya siguro nun." Sabi niyang tuwang-tuwa sa imahinasyon.

"Sinong kausap mo?"

"Ay pusa!" Bigla niyang nabitawan ang hose ng tubig. Tumilapon naman ito sa may paanan ni BJ. Nabasa ang binti nito.

"Ano ba?" Sigaw nito na umiwas sa tubig.

"Naku po, sorry po talaga sir. Ginulat nyo po kasi ako." Sabi niya na kinukuha ang hose.

"So kasalanan ko pa ngayon?" Sarkastikong tanong nito.

"Hindi naman po. Wala naman po akong sinasabing ganun. Nagulat lang po talaga ako, paano ba naman bigla kayong nagsalita. Hindi ko naman po alam na gising na pala kayo."

"Ahhh so kailangan kong i-announce na gising na ako para hindi ka magulat ganun?"

"Hindi naman. Hindi ko lang po talaga kayo napansin."

"Busy ka kasi sa kausap mong hindi ko nakikita. Matakot na ba ako? O nalipasan ka lang ng gutom?" Tukoy nito sa kanyang pagsasalita mag-isa.

Ngumiti siya kahit hindi niya alam kung nag-jojoke ito o nang-aasar sa kanya.

"Sir hindi nyo po ba nakikita ang mga kausap ko? Ang dami nga nila o." Turo niya sa mga bulaklak.

Kumunot ang noo nito. "Sir mas magiging masaya at maganda ang mga bulaklak kapag kinakantahan at kinakausap. Yun ang sabi ng nanay ko." Todo paliwanag naman niya. Tumaas lang ang kilay nito at sinabi "oh really? Explained by science?"

"Wow sir science agad?" Angal niya.

"Of course. Wala namang basis yang sinasabi mo."

"Ok lang po. Masaya naman sila eh. Sumasayaw pa nga sila sa saya."

Napailing na lang si BJ. "Crazy." Bulong nito at humakbang pabalik sa loob ng bahaypupunta ngna dinig na dinig niya. Gusto niyang tumawa pero pinigilan niya. Baka mas lalo nitong isipin na nababaliw siya. Nakakatuwa talaga asarin ang masungit niyang boss. "Sayang sir ang pogi mo sana, lage ka nga lang nakasimangot. Ang sungit mo pa!" Sabi niya habang minamasdan ang among papasok ng bahay.

"Bilisan mo na dyan at nagugutom na ako!" Biglang sigaw nito.

Nagulat siya at biglang binawi ang tingin. "Ay opo. Patapos na po ako." Sabi niyang tumingin ulit sa mga bulaklak. "Muntik na ako dun ah. Pero ok lang, mukhang nakalimutan niya na yata ang ipinuputok ng butse nya kagabi. Naninigarilyo pala siya? Tsk tsk. Hindi maganda."

Pagkatapos ng tanghalian ay naglinis naman siya sa loob ng bahay. Si BJ naman ay nasa study room at abala sa pagbabasa. Sumilip siya sa nakaawang na pinto ng study room. Saka namang pag-angat ng tingin ni BJ. Huli siya!

"Yes?" Pormal na tanong nito.

"Ay sir.....i-itatanong ko lang po sana kung gusto nyo po ng snacks." Palusot niya.

"Later. Tatawagin kita kung kailangan ko. Now, can you close the door please?" Sagot nito na nakatingin na ulit sa librong binabasa.

"Ok po." Sagot niya at isinara ang pinto. "Haay Charisse ano ba? Bakit ka ba kasi sumilip?" Pinapagalitan niya ang sarili. "Na curious lang kasi ako malay ko ba na lilingon siya." Sagot na rin niya. "Bahala siya."

Ipinagpatuloy niya ang paglilinis hanggang sa sala. Abalang abala siya sa pagma-mop nang tumawag si BJ. Nakababa na ito ng hagdan at naglalakad papunta sa kinaroroonan niya.

"Pakibilisan lang at nagugutom na ako." Pagkasabi nun ay bigla itong napasigaw sabay ng kalabog. "Aray!"

Nagulat si Charisse sa nakita. Hindi niya alam ang gagawin.

"Naku talaga! Ano!? Tutulungan mo ba ako o hindi?" Galit na tawag nito sa kanya.

"Hala!" Saka naman siya nakabawi. Agad agad niya nitong nilapitan at inakay patayo. Ngunit masakit ang kanang kamay nito na naitukod sa sahig.

"Sorry po talaga sir."

"Anong sorry? Sorry lang? Sa sakit ng kamay at balakang ko anong magagawa ng sorry mo?" Nanggagalaiti ito sa galit.

"Sir kaka-mop ko lang po kasi doon kaya basang-basa pa po."

"So kasalanan ko at lumapit ako dun, ganun?"

Inalalayan niya itong makaupo. "Hindi naman po yun ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko lang po na madulas talaga yung sahig kasi po basa pa." Paliwanag niya na parang hindi rin naman ito nakikinig. "Dalhin mo ako sa hospital." Bigla nitong sabi. "Ho!?" Mas nagulat siya. Nagbibiro ba ito o ano? Paano sila pupuntang hospital eh nagtatago nga sila. "Naku po, hindi pwede sir." Nag-aalala niyang tugon. "Nung isang araw lang gusto mo akong mamalengke tapos ngayon ayaw mo akong dalhin sa hospital."

"Sir binibiro lang kita nun."

"Ahhh so close tayo ganun? Na pwede kang mag-joke sa akin?" Sabi nito sabay tayo. "Pupunta tayo sa hospital."

"Sir hindi nga po pwede. Di ba nga nagtatago tayo. Wag na po makulit." Sabi niya na pinaupo ulit si BJ.

"So ganito na lang ako. Nabali na't lahat ang kamay ko dahil sa'yo tapos pipigilan mo pa akong magpagamot." Kalmado ngunit sa talim ng tingin nito parang ang dami na niyang sugat.

"Sir...."

"You know what, lumayas ka kaya dito. Just leave!"

Leave? Pinapalayas siya ng bahay? O pinapaalis siya sa harapan nito? Kinakabahan siya. Alam naman niyang kasalanan niya kung bakit siya na slide pero pinapalayas na siya agad?

"Ano pang hinihintay mo? Pack your bags and leave!" Sigaw nito. "Lage mong hinaharang ang mga gusto ko, now leave! Hindi kita kailangan dito."

"Sorry po, pero hindi po pwede. At hindi po ako aalis."

Napatitig sa kanya si BJ. Nagtataka. "And why not? Ako ang boss and I'm telling you na hindi kita kailangan."

"Opo, kayo po ang boss pero hindi naman po kayo nagpapasweldo sa akin eh."

"What!?" Nagulat ito sa sagot niya.

"And you're telling me..."

"Wala po akong ibig sabihin dun sir." Putol niya sa sinasabi nito. Mas lalo naman nitong nainis.

"Just leave! Leave me alone!"

Umalis naman siya ngunit lihim niyang tinitingnan si BJ baka mamaya ay aalis ito at pupunta nga hospital. Kinuha siya ng mga halamang gamot sa likod ng bahay. Bumalik siyang may dalang tela at mga dahon.

"And what do you think you're doing?" Sabi ni BJ na umusog ng upo. "Gagamutin mo ako ng mga ganyan? At di ba pinapaalis kita sa harapan ko?"

"Sir mas mabisa po ito keysa sa anumang tableta, wala pang side effects. Tsaka hindi ko po kayo pwedeng pabayaan, isa pa kasalanan ko naman kung bakit nangyari sa inyo yan."

"Ah so guilty ka."

Hindi siya umimik. Sinimulan niya na ang paghilot. Napapasigaw si BJ sa sakit. Buti na lang at marunong siya sa mga ganitong first aid kahit papano. "Kailangan po itong malapatan ng first aid kaagad sir bago lumala at mas mahihirapan tayo."

Hindi na nagsalita pa si BJ. Hinayaan na lang siya sa ginagawa. Wala rin naman itong choice. Nang matapos niya ang paggamot ay iniwan niya ang amo sa sala at naghanda na siya ng hapunan.

"Sir dinala ko na po dito ang pagkain para makapaghapunan na po kayo." Gising niya dito. Nakatulugan yata nito ang sakit. Napatingin sa kanya si BJ. Pagkatapos ay tumingin sa pagkain at sa kamay niya. Hindi niya maiangat ang kanang kamay. Kaya sinubukan niya ang kaliwa, ngunit hindi niya kaya. Kitang-kita ang frustration sa mukha niya. Bigla niyang tinapon ang kutsara. Madilim ang mukhang nakatingin sa pagkain. Tahimik na kinuha ni Charisse ang kutsara at umalis.

Pagkabalik niya ay nandun pa rin si BJ. Nakasandal sa sofa at nakatingin sa may bintana. Parang ang lalim ng iniisip.

"Sir, susubuan ko na lang po kayo."

"What!?" Gulat nitong sagot.

"Kasi po may sprain po yung kamay nyo di ba? Kaya po susubuan ko na lang kayo para po kayo makakain." Suhestiyon niya.

Tiningnan siya ni BJ. Hindi niya alam kung anong iniisip nito.

"Hindi ako disabled." Sabi nito.

"Sir alam ko namang hindi kayo disabled. Naaksidente lang po at dahil yun sa akin. Kaya tulungan ko na po kayong makakain." Paliwanag niya. "Para makabawas naman po sa kasalanan ko. Sige na sir."

Parang lumiwanag naman ang mukha nito. Nakumbinse nya yata. Pero parang nakakatakot baka mamaya kung ano pang ipagawa nito sa kanya para makabawas ng kasalanan niya. Bigla tuloy siyang nagsisi sa sinabi.