Naalimpungatan si Charisse sa kalabog at lakas ng katok sa pinto ng kuwarto niya. Nakatulog pala sa siya kaiiyak kanina. Bumangon siya at hihimas-himas pa nang buksan ang pinto.
"Binayaran ka ba para matulog?" Kalmado ngunit sarkastikong boses ni BJ ang sumalubong sa kanya.
"Po!?"
"Magmumog ka nga muna, bad breath mo!" Sigaw nito saka tumalikod. Hindi siya nakakibo, napahiya siya.
"O ano?"
"Ang sama nito." Saloob-loob niya. "Excuse me po 'no natural lang yan dahil bagong gising ako."
"Kaya nga. Sino ba nag-utos sayo na matulog ka buong araw?"
"Di sorry na!" Halos pasinghal niyang sagot. Bigla siyang nagsisi sa naging sagot niya. Pero wala na siyang magagawa. Ang sama ng tingin sa kanya ni BJ.
"Matuto kang sumagot ng maayos." Kalmado ngunit may diin ang bawat bigkas nito at parang nakakapaso yung tingin.
"Ay ibig ko pong sabihin ay sorry na po." Tumalikod siya.
"Seriously!?" Sigaw nito. Nagulat siya. Ano na namang ginawa niya? Humarap siya sa amo at nagtatakang tiningnan niya ito. Namumula ito. "Sir?" Usisa niya na nagtataka.
"No one walks out on me!"
"Ay hala! Hindi naman po ako nag-walk out sir. Sabi nyo po magmumog ako di ba?"
"Right. Pero nagso-sorry ka while nakatalikod sa akin. Are you even sincere in asking for apology?"
Hindi mawari ni Charisse kung ano ang gagawin. Talaga bang nagawa niyang galitin ang ano sa first day niya? Ay first half day pala?
"Ay ganun ba sir? Walk out pala yun." Ang tanging lumabas sa bibig niya.
"What!? Hindi mo man lang alam yun? Or you're just pretending na hindi mo alam?" Mas lalo pa yata niya itong nainis. "Sir hindi po talaga. Kung ayaw nyong maniwala sa akin eh di mag-walk out na lang ako ngayon. At least nagpaalam na ako."
"Haaay!" Buntong-hininga nito. "Will you please just leave? Ayoko ng madaldal at mas lalong ayoko ng shunga!"
"Ouch naman." Naibulong niya. Masakit yun ha. Pero hindi niya ito pinansin. "Bakit nyo nga pala ginising sir?"
Kumunot ang noo nito. Nagpang-abot ang kilay sa inis. "Goodness! Dahil hindi mo trabaho ang matulog ng matulog!" Sigaw nito. Pagkasabi nun ay umalis na ito at umakyat sa kanyang kwarto.
Naiwang nakatulala si Charisse. "Anong problema nun?" Sabi niya sa sarili.
Bigla niyang naramdaman na kumakalam na ang kanyang sikmura. Nag-toothbrush muna siya at naghalungkat ng makakain. Bigla siyang nalungkot. Walang laman ang reef maliban sa take out food na dala ni Ruby. Naisip niya si BJ. Kumain na kaya siya? "Ay patay!" Bigla siyang napasigaw. "Ang tanga ko! Baka kaya siya kumakatok kasi naghahanap siya ng pagkain. Hala!"
Minamadali niyang ininit ang mga pagkain na nandun. Wala ngang bawas ang mga iyon. So ibig sabihin hindi pa nga kumakain ang masungit niyang boss!
Pagkatapos maihanda ang pagkain inakyat niya iyon sa kwarto ni BJ. Kinakabahan siya. Nagdadalawang isip siyang kumatok baka mamaya ay itapon pa sa kanya ang pagkain niyang dala. "Pero bahala na." Sabi niya sa sarili. "Kasalanan ko naman kung bakit hindi siya nakakain kaagad."
Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. "Ay pusa!" Naibulyaw nya sa pagkagulat.
"What!? You called me pusa? Mukha ba akong pusa?"
"Ay sir sorry...sorry po! Nagulat po kasi ako. Kakatok na sana ako eh." Hindi niya magawang tumingin sa mga mata nito. Sa talim ng tingin nito, sigurado sa ICU siya dederetso.
"Si Ruby tinawag akong kabayo tapos ikaw pusa naman. What's wrong with you people?"
"Ay sir sorry po talaga. Ganun kasi kami pag nagugulat kung anu-ano ang nasasabi." Nakayuko pa rin siya. Napansin ni BJ ang dala niyang pagkain.
"Buti naman at naisipan mo akong pakainin." Sabi nito habang kinukuha ang tray.
"Akala ko po kasi maaga pa sir kaya nawala sa isip ko na hindi pa pala kayo naghahapunan."
"Full of excuses." Yun lang at isinara ang pinto. Muntik pa siyang maipit.
"Ay bastos din. Wala man lang salamat?" Naibulong na lang niya. Bumaba na siya at bumalik sa kwarto.
Hindi siya sanay sa mga ganoong ugali. Iba sa kanila, kahit sa maliit na bagay ay dapat magpasalamat. Bigla siyang na homesick. Gaano kaya katagal niyang pakisamahan ang masungit na lalaking ito? Kung pwede lang umuwi at iwan na lang siya mag-isa ay gagawin niya. Ngunit paano?