Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 3 - KABANATA II

Chapter 3 - KABANATA II

"El pesame Esperanza"

"Condolencia Esperanza"

Yan ang paulit ulit na naririnig ni Esperanza habang nakaupo sa silya sa harap, hindi mapigilang tumulo ang mga luha ni Esperanza, nakaitim na baro't saya siya at may mga burdang pilak, nakaBelo din siya na itim, nandito sila ngayon sa Casa Gonzales kung saan dinala ang labi ni Carlos. Ito na ang huling araw ng lamay ng labi ni Carlos, naroon si Doña Victoria ang ina ni Carlos, naroon din si Lago ang pangalawang anak nila Don Rafael, si Dolores ang pangatlo at si Felipe ang bunso, ang pinagtataka lang nang lahat ay wala si Don Rafael sa lamay ng kaniyang paborito at panganay na anak, ilang araw na din silang walang balita sa nangyari kay Don Rafael at Don Miguel na parehong wala sa lamay. Walang makapagsabi kung anong nangyari sakanilang dalawa, maski ang pamilya ni Don Rafael ay wala ding alam kung nasaan siya at ano na ang nangyari sakanilang dalawa, nagaalala ang lahat pero wala silang magawa kung hindi hintayin ang balita

Dumating ang hukbo ni General Ethan Matt Williams, isang amerikanong heneral, matatandaang kakatapos lang ng laban kontra amerikano noong nakaraang taon, Hulyo 2, 1902 kung saan nanalo ang hukbo ng mga amerikano kontra Filipino, kaya ngayon ay hawak na ng Amerikano ang pilipinas.

"Good evening, condolence" ang sabi ni Gen. Ethan kay Doña Teodora, ang ina ni Esperanza

Narinig ito ni Esperanza, bago sa pandinig niya ang lenguahe na kanyang narinig, alam niya ito ay ingles at alam niyang walang bihasa sakanila mag-Ingles, bukod sa Latin, español lang ang lenguaheng banyaga na alam ni Esperanza, tanging ang mga mananakop na amerikano lamang at mga lalaki o ilustrado lang na nakapunta sa bansang Amerika at Englatera ang bihasa sa ingles pero hindi siya kumibo, binalewala niya ang bisitang ingles at nagpatuloy sa pag-iyak.

Maya maya ay naramdaman niyang may tumabi sa kanyang gilid ngunit hindi niya pa din ito pinansin.

"Good evening madam, condolence, how are you?" sabi ng katabi niya, malalim ang boses nito at ramdam ni Esperanza na malaking tao ang katabi niya. Pinunasan ni Esperanza ang mga luha sakanyang mata ng narinig niya na nagsalita ang katabi niya, dahan dahan niya itong hinarap, nagulat siya ng bahagya sapagkat isang amerikano ang nasa tabi niya, amerikanong heneral dahil makikita mo sa damit niya na maraming nakadikit na medalya. Matangos ang ilong, makinis ang balat, mapungay ang mga mata, maputi, matangkad, kulay dilaw ang buhok, mapula ang labi, at matipuno ang pangangatawan, kahit na sino ang makakakita sakanyang babae ay siguradong mahuhulog ang loob.

"Hola? Te conozco? (Hello, Do I know you?)" pagtatakang tanong ni Esperanza

"Sorry madam but I don't understand what are you saying, it is Spanish right?" sagot sa kanya ng amerikano, at nginitian siya nito

"Uhm, Lo siento, patawad, isa ka nga palang Amerikano, di mo maiintindihan ang wikang español pati na din ang wikang tagalog, di bale na, hindi naman kita kilala para saan pa na maintindihan mo ako" Pagsusungit ni Esperanza binaling niya ulit ang tingin niya sa kabaong na nasa harapan niya

"Sorry if I can't understand you but I'm sorry for the loss of your husband, by the way I'm Ethan, Ethan Matt Williams from California, nice to meet you madam" sabay bigay ng kamay niya kay Esperanza, tinitigan lang siya ni Esperanza dahil hindi niya alam kung bakit iniaabot ng amerikano ang kamay niya kay Esperanza.

"Ano pong ginagawa niyo Señor?" Pagtatakang sabi ni Esperanza kay Ethan

"O-Oh, sorry, I thought you know what to do, it is easy, you just need to give me your right hand" nginitian niya si Esperanza habang nakabukas ang palad niya

"Ano bang ibig sabihin ng Amerikanong ito, nababaliw na ata siya, kung ano ano nalang ang pinagsasabi" Pabulong na sabi ni Esperanza, nakangiti pa din si Ethan habang nakabukas pa din ang palad niya, medyo naintindihan na ni esperanza ang gusto niyang sabihin, dahan dahang binigay ni Esperanza ang kanang kamay niya kay Ethan, hinawakan ni Ethan ang kamay ni Esperanza at iginalaw ang kaniyang kamay habang nakangiti kay Esperanza, nagulat si Esperanza sa ginawa ni Ethan kaya bigla niyang inialis ang kamay niya sa kamay ni Ethan

"Dios mio!, Que estas hacienda?" Tanong ni Esperanza kay Ethan, hinawakan niya ang kanyang kanang kamay gamit ang kaliwang kamay, halatang gulat ang mukha ni Esperanza sa ginawa ng ginoo.

"S-sorry madam, I don't mean to harass or molest you it is just a kind of thing when you greet someone, sorry, I'm really sorry"

"Nahihirapan na ako sayo, hindi kita maintindihan, Lo siento general pero mas bien seguro kung lumayo ka na muna saakin, patawad"

Malungkot ang naging mukha ni ethan, dahan dahang tumayo si Ethan sakanyang kinauupuan pero biglang sumingit si Samuel

"Sir, wait" napatigil si Ethan ng maranig niyang may tumawag sakanya

"O, why? Do you speak English? I heard that you said wait" Pagtatakang tanong ni Ethan kay Samuel

"Yes sir, I stay in America for the military training for four years so basically I also study your language, sorry if my sister cannot understand what are you saying because only latin and Spanish are the language that she knows" nginitian ni Samuel si Ethan

"It's okay, I know, but I think your sister doesn't want me to sit beside her and to talk with her, so I think I need to go now" dismayang pagkakasabi ni ethan bakas pa din ang lungkot niya sa mukha

"O, wait, I will help you to talk with her, I will translate to her what will you going to say so that she will understand you"

"O really? Thank you very much by the way I'm Ethan, Ethan Matt Williams, I'm now the new governor here in your town, San Francisco, and I heard a news about the son of the Former General here and its sadden me, so I decided to go here to visit the wake of Carlos"

"I'm Samuel Gonzales, son of Don Miguel Gonzales, one of the Haciendero here in the San Francisco, let's have a seat"

"Before I talk to her again, what's her name?"

"My sister's name is Esperanza"

"Esperanza, a beautiful name, indeed"

"Uhm, hello esperanza"

"Pinaalis na kita Ginoo, pasensya na, walang patutunguhan ang paguusap natin dahil hindi naman tayo nagkakaintidihan, pasensya na ulit" sagot ni Esperanza

"Ate, ako na bahala, marunong ako magsalita ng Ingles, isasalin ko sa wikang tagalog kahit español pa ang mga sasabihin niya sayo"

"Buti naman Samuel para kahit papaano ay mainitindihan ko siya, pakisabi umpisahan niya na mga gusto niyang sabihin"

"Sir Ethan, Let's start" Ngumiti si Samuel habang hinihintay ang mga sasabihin ni Ethan

"Ehem, I'm Ethan Matt Williams from California, I'm the new governor of your town, nice to meet you Esperanza" ngiting nakakatunaw ang binigay ni Ethan kay Esperanza

"Ang sabi ni siya si Ethan Matt Williams desde California, siya daw ang Nuevo gobernador heneral dito, ikinagagalak ka daw niyang makilala"

"Ah ganun ba" Yumuko si Esperanza, "pakisabi pasensya kanina, hindi ko kasi siya maintindihan at di ko nagustuhan ang paghawak niya sa aking kamay"

"My sister said that pardon her for what she have done a while ago because she doesn't understand what are you saying and also she doesn't like what you have done, she doesn't like that you hold her hand, sir because here in our country you cannot hold a woman because we are a very conservative country not like in America so please do understand her sir"

"O, I'm sorry if that so, please tell her that it is just a form of greeting in our country and nothing else"

"Pasensya na daw, binabati ka lamang daw niya, sakanilang bansa kasi ang paghawak ng kamay o Shake hands ay normal lang, at ito ay klase ng pagbati sakanila pag di mo pa kilala ang taong kinakausap mo"

"Por que (Why) ang haba ng sinasabi mo sakanya parang ang iksi lang?" pagtataka ni Esperanza

"Ah, kasi pinapalawig ko ang mga sinasabi niya upang mas maintindihan mo ng maigi, kasi bago o Nuevo ang kultura ng kaharap mo ngayon, wala na ang mga español sila na ang bago nating makakaharap sa pang araw araw"

"Ah ganun ba, pakisabi ikinagagalak ko siyang makilala"

"My sister said that, she is glad to meet you sir"

"O really? I thought she was angry to me by the way I'm also happy to meet her and please tell to her that she is beautiful"

"O anong sabi niya?"

"Beautiful ka daw"

"Be-bea-beautiful? Ano iyon? Bakti hindi mo isalin sa lenguahe natin?"

"hahaha alamin mo nalang, sige na adios, pupunta muna akong simbahan at papapuntahin ko pa si padre aqui (here)

"Espere Samuel, Samuel! Paano ba ito, iniwan kami ni Samuel dito, paano ko na siya maiintidihan, ni pagsalit nga lang ng kumusta sa lenguahe nila di ko magawa kausapin pa kaya siya, ewan ko nalang, tatahimik nalang siguro ako o kaya kunwari inaantok na ako dahil sa pagod, tama!, uhm señor, perdon pero pagod na po ako aakyat nap o ako saaking cuarto, adios"

"O, wait esperanza, even though I don't understand what are you saying, I just want to say that you're really beautiful and I want to see you again esperanza, can we meet again?"

"Tinatanong niya ata ako, pero hindi ko naman siya maintindihan ano nalang sasabihin ko? Tulungan niyo ako"

"After the wake can we meet again?

"Dios mio, ayudame, wala talaga akong maintindihan, sa tono niya ay nararamdaman kong tinatanong niya ako pero hindi ko naman alam ano isasagot ko sakanya"

"Can we?"

"Alam ko na sasagutin ko nalang siya ng español baka sakali maintindihan niya kahit kaunti, Uhm, lo siento señor pero no, porque tengo sueño, hasta mañana (Sorry sir but no, because I'm sleepy, see you tomorrow"

"O, okay then next time let's meet next time, I hope next time I can see you smiling, goodbye esperanza" nginitian siya ni ethan, dahan dahang naglakad si esperanza patungo sa hagdan habang dahan dahan siya umaakyat ay nilingon niyang muli si Ethan, di nga siya nagakakamali nakatingin pa din si Ethan, nakangiti at kinawayan siya nito, kaya ibinaling niya ang tingin niya sa harap at nagkunwaring hindi niya nilingon muli si ethan"

Awa sa Pag-ibig

ni Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw)

Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba

Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,

Nguni't magpangayon ang wakas ay di pa

Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.

Ano't ang ganti mong pagbayad sa akin,

Ang ako'y umasa't panasa-nasain,

At inilagak mong sabing nahabilin,

Sa langit ang awa saka ko na hintin!

Ang awa ng langit at awa mo naman

Nagkakaisa na kaya kung sa bagay?

Banta ko'y hindi rin; sa awa mong tunay,

Iba ang sa langit na maibibigay.

Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,

Sa langit na hintin ang magiging habag?

Napalungi namang patad yaring palad,

Sa ibang suminta't gumiliw ng tapat.