Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 6 - KABANATA V

Chapter 6 - KABANATA V

Alas tres y media

Nagulat ako ng biglang nasa sofa na si Ethan, di ko alam bakit alas tres y media nasa bahay na namin siya kaagad, di ako sanay, masyado pang maaga, akala ko darating pa siya ng mga bandang alas cuatro pero nandito na kaagad siya, kaya ito ako ngayon sa cuarto nagmamadaling magbihis. Kulay pulang saya ako ngayon nakatali ng pulang laso ang aking buhok, at nakaputing camisa ako na may mga burda, sinuot ko din ang panuelo at may dala dalang rosaryo at abaniko. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at sinilayan si Ethan, nakangiti siya saakin, iyong ngiting abot hanggang tainga, ngayon lang ulit ako nakakita ng isang lalaking ganoon kung makangiti saakin, kung nabubuhay lang sana si Carlos hindi ako mangungulila ng ganito sakanya. Nagpaalam na ako kay ina at naglakad kami papalabas ng casa, walang mga guardian a kasama tanging ako at siya at si mamang kutsero lang na maghahatid saamin papunta sa Plaza Francisco, nagumpisa magpatakbo ng kabayo ang kutsero. Binasag naman ni Ethan ang nakakabinging katahimikan sa loob ng Kalesa.

"Uhm, I just want to ask you one question"

"Lo siento Señor pero no te entiendo (Sorry sir but I don't understand you)"

"Oh, I don't understand what are you saying" tinitigan ko nalang siya ng parang blanco dahil pareho kaming hindi nagkakaintindihan, natawa nalang si Ethan nang parehas kami hindi magkaintindihan, ngayon ko lang napansin ang ganda pala nang ngiti niya

"Oo nga pala, hindi ka nga pala nagsasalita ng wikang Ingles"

"Ayan, maiinitindihan kita pag sariling wika namin ang gagamitin mo"

"Pasensya na Esperanza, may gusto sana akong itanong saiyo kung puede?"

"Ano po iyon señor Ethan"

"Uhm hindi ka ba naiinitan sa suot mong damit? I mean the weather here in your country is not that cool kumpara sa bansa namin"

"Hindi naman po señor, sanay na ako sa ganitong kasuotan, simula noong maliit pa lamang ako ito na ang isinusuot naming, tawag dito ay Baro't saya"

"Ah Baro't saya pala ang tawag sa kasuotan na yan, bagay sayo, napakaganda mo sa damit na iyan" ngumiti siya saakin na pagkalakilaki, natahimik nalang ako at hindi kumibo

"Do you want to- I mean gusto mo bang matuto ng lenguahe namin,kung gusto mo lang naman?"

"Uhm, puede naman po señor para maintindihan ko kung ano ang mga sinasabi mo saakin, mamaya po kasi mga Mal na salita na po sinasabi niyo saakin hindi ko pa alam"

"Mal? Ano iyon?

"Mal po ay masama"

"Ah, español?"

"Opo señor, español po"

"Malaki talaga ang impluwensiya ng español sainyo, di lamang sa wika pati na din sa kultura, pananamit at relihiyon"

"Tama po kayo señor, niyakap na din po naming ang kultura nila, simula noong bata pa lamang po ako, español na ang kinagisnan ko"

"Ah, ngayon naman ang kakagisnan ng iyong magiging anak ay kaming mga Amerikano" Nginitian ko nalang siya at ganoon din siya, nararamdaman kong mabuting tao si Ethan, at alam kong malinis ang intension niya pero kaibigan lang ang tingin ko sakanya

Pagdating naming sa Plaza Francisco namangha si Ethan, naglalakihang puno ng Mangga at Acacia ang nakapalibot sa Plaza, mayroong fuente (fountain) sa gitna sa likod noon ay May malaking estatwa ni San Francisco de Assisi at sa likod ng estatwa ay isang malaking Catedral, and San Francisco de Assisi Catedral, may mga bulaklak ng rosas pula at puti sa paligid at makikita mo ang mga paru paro at ibon na lumilipad ng Malaya, pumuesto kami sa gilid ng maliit burol na may damo sa ilalim ng puno ng matandang Acacia, naglatag si Ethan ng isang malapad na tela na kulay Asul at puti, at pinaupo ako doon may dala dala din siyang mga pagkain, tulad ng tinapay at prutas. Umupo na din siya sa tabi ko

"Your country is a beautiful country, it is really diverse in culture, a mix of Asian and European culture in one country" hindi ko na naman siya maintindihan kaya nginitian ko nalang siya

"Gusto kong malibot pa ang bansa niyo pero bago iyon lilibutin ko muna ang buong Saint Francis"

"Saint Francis?"

"Saint Francis ay ingles ng San Francisco, ito na ang bagong tawag sa lugar niyo sapagkat hindi na español ang namumuno sa lugar niyo pero puede niyo pa din namang gamitin ang San Francisco malaya kayong gamitin ang lenguaheng gusto niyo gamitin pero siempre tuturuan din naming kayo ng kultura at lenguahe namin para naman magkaintidihan tayo"

"Ah ganun ba, kung sabagay, kung ako tatanungin bukas naman ang loob ko sa pag-aaral ng ibang lenguahe pati na din ang kultura nila pero bawat tao ay may kanya kanyang pananaw at opinion, kaya mahihirapan kayo sa binabalak niyo pero kung pagtatiyagan puede naman, kaya naman" ngumiti nalang siya saakin at pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin niya sa paligid

"It's really beautiful here" tumingin siya saakin, sa mga mata ko na para bang inaakit ako, tinignan ko din siya sa mga mata niya "Like you" hirit niya, hindi ko siya maintindihan pero iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya saakin, parang may saya akong nararamdaman kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga katagang binitawan niya, pumasok sa tainga ko ang malalim niyang boses at dumiretso ito sa puso ko kaya may iba akong nararamdaman ngayon na alam kong hindi tama. Dahil hindi ko matigilan ang damdamin ko ibinaling ko ang paningin ko sa tanawin

"Ang ganda dito diba? Nagustuhan mo ba?" hindi niya inalis tingin niya saakin kahit na sa iba na ako nakatingin

"Tama ka. Maganda nga" sagot niya saakin habang nakatingin pa din saakin

"Ah eh, vamos, ah i-ibig kong sabihin ay tara dumaan tayo ng simbahan at magaalas seis na, malapit na magAngelus"

"Angelus? What's that?"

"Magdadasal tayo sa simbahan, isa sa hora santa ang alas seis kaya nararapat na magdasal muna tayo, vamos, ang ibig sabihin ng vamos ay tara"

"Ah, vamos, okay, vamos in English ay Let's go"

"Le-let's go?"

"Yes, Let's go, come on, let's go" hinawakan niya ako sa kamay, ikinagulat ko iyon pero wala na akong nagawa, at inilalayan niya ako papunta sa catedral, dahan dahan kaming pumasok sa catedral, hawak hawak ko ang rosaryo na kulay puti na gawa sa ivory at ginto, dalawa ang dala kong rosaryo na magkaparehas kaya ibinigay ko kay Ethan ang isa ko pang rosaryo, hindi siya marunong gumamit ng rosaryo kaya tinuruan ko siya

"Angelus Domini nuntiavit Mariae.

Et concepit de Spiritu Sancto."

(The angel of the Lord declared unto mary. And she conceived of the holy ghost)

"Ave maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc, et in hora mortis nostrae. Amen" (Hail mary)

"Ecce ancilla Domini.

Fiat mihi secundum verbum tuum"

(Behold the handmaid of the Lord.

Be it done unto me according to Thy word.)

"Ave maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc, et in hora mortis nostrae. Amen" (Hail mary full of grace..)

Et Verbum caro factum est.

Et habitavit in nobis.

(And the Word was made flesh.

And dwelt among us.)

"Ave maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc, et in hora mortis nostrae. Amen" (Hail mary full of grace..)

"Ora pro nobis, sancta Dei Genitrix.

Ut digni efficiamur promissionibus Christi." (Oremus)

(Pray for us, O holy Mother of God.

That we may be made worthy of the promises of Christ. (Let us pray)

"Gratiam tuam, quaesumus Domine, mentibus nostris infunde: ut qui, Angelo nuntiante, Christi Filii tui incarnationem cognovimus, per passionem ejus et crucem ad resurrectionis gloriam perducamur. Per eumdem Christum Dominum nostrum. Amen."

(Pour forth, we beseech Thee, O Lord, Thy grace into our hearts, that we to whom the Incarnation of Christ, Thy Son, was made known by the message of an angel, may by His Passion and Cross be brought to the glory of His resurrection. Through the same Christ our Lord. Amen.)

"Gloria patri, et Filio, et Spiritui Sancto. Sicut erat in principio, et nunc, et semper, et in saecula saeculorum. Amen."

(Glory be to the father and to the Son and to the Holy spirit, as it was in the beginning is now and will be forever. Amen)

Nakatitig si Ethan saakin habang nagdadasal, halatang hindi siya marunong ng latin kaya hindi niya naiintindihan ang mga dinadasal namin

"Huwag kang mag alala señor, tuturuan kita kung paano magdasal at tuturuan mo ko magsalita ng wika ninyo pag natuto na ako señor isasalin ko sa wika niyo ang lahat ng dasal na alam ko para makasunod ka señor at maintidihan mo ako"

"Ganoon ba? Ikinagagalak ko at sa wakas baling araw ay maiintindihan ko na ang mga dinadasal mo at sa sariling wika pa namin"

"Ang rosaryong iyan nga pala señor ay napakahalaga saakin, dapat ay kay carlos iyan ngunit wala na si Carlos kaya itinago ko iyan, binibigay ko saiyo yan señor upang sa ganoon ay matuto ka kung paano gamitin iyan, isipin mo nalang señor sa tuwing hawak mo yan ay kasama mo ang dios at pati na din ako señor"

"Maraming salamat o Thank you sa wika namin, Thank you Esperanza, ito naman ang regalo ko saiyo isang Peineta, ginawa ko yan para lang sayo, gumagabi na, Let's go ihahatid na kita sainyo"