"Ate magkwento ka naman sa nangyari sa lakad niyong dalawa ni Heneral Ethan kagabi" Pangungulit ni Leonor habang nagluluto ako dito ngayon sa cocina o kusina
"Ano namang iki-kwento ko saiyo Leonor, wala naman nangyari kahapon"
"Hindi ako naniniwala saiyo ate, mukhang tinamaan ng kupido si heneral Ethan at kahit alam niyang nagdadalang tao ka ay sinusuyo ka pa din niya"
"Naku Leonor mahal ko pa din si Carlos at nikailanman ay walang makakapantay sa pagmamahal ko sakanya"
'Ate, alam ko naman na mahal mo pa din si kuya Carlos pero ate hindi naman ibig sabihin na mamahalin mo si Heneral Ethan ay kinakalimutan at hindi mo na mahal si Kuya Carlos, kung si kuya Carlos tatanungin ngayon mas gusto ni kuya Carlos ate na maging masaya ka at makahanap ng magmamahal, poprotekta at aalaga saiyo at sa magiging anak mo"
"Basta kahit ano pang sabihin mo Leonor kaibigan ko lang si Ethan tapos"
"Leonor!"
"Bakit kuya Samuel?"
"Tinatawag ka ni mama ngayon may papakiusap daw siya saiyo"
"Sige, pupunta na ako, maiwan muna kita diyan ate ha, si Kuya Samuel nalang muna bahala sa pagtulong saiyo" nakakatuwang isipin na magalang talagang kapatid si Leonor kahit na nasa edad bente uno na siya ay sobrang galang pa din nito saamin ni Samuel, si Samuel naman ay nasa bente tres na at ako ay bente singko, halos magkakalapit lang kami ng edad pero ang paggalang ng bawat isa sa isa't isa ay nariyan pa din
"Ate nabalitaan ko pala yung nangyari sa tindahan ng mga joya sa binondo"
"Ah iyon ba? Hayaan mo nalang iyon, huwag mo nga pala sasabihin kay ina tiyak na magagalit yun kapag nalaman niya ang nangyari"
"Huwag ka mag alala ate hindi ko sasabihin kay mama pero ate bakit naman ganoon ang naging trato saiyo ni Dolores?"
"Hindi ko din alam Samuel, maayos ko naman siyang tinrato, di ko alam kung bakit ganoon nalang kainit ang dugo niya saakin, wala naman akong ginawang masama sakanya"
"Bakit ganoon ang pag uugali ni Dolores mabuting tao naman si kuya carlos pati na din si Lago, bakit ganoon nalamang siya"
"Hindi ko din alam pero Samuel naniniwala akong mabuting tao pa din naman si Dolores kaya niya lang siguro nagawa iyon dahil sa gusto niya din ang alahas na iyon"
"Hindi rason iyon ate, kung gusto mo ang isang bagay pero alam mong meron nang ibang nagmamay ari, hindi mo na ito puedeng agawin pa at awayin ang nagmamay ari nito"
"Hayaan na natin Samuel, wala namang nangyaring masama, napigilan naman ni Leonor kaya ayos lang, pabayaan na natin si Dolores"
"Pero ate"
"Shhh tapos na Samuel, nangyari na, palipasin na natin, napatawad ko na siya kahit hindi siya nanghihingi ng paumanhin saakin, bueno sabihan mo na ang mga ayudante na tapos na ang aking niluluto pakisabihan silang ayusin na ang mesa at sabay sabay tayong lahat kakain, sige na, Vamos a comer" nginitian ko nalang si Samuel, alam kong may galit sakanyang puso dahil sa ginawa ni Dolores pero wala namang magagawang maganda ang galit sa puso, napatawad ko na si Dolores
Kinabukasan sinamahan ko si Samuel pumunta sa munisipyo ng San Francisco upang kausapin ang heneral Ethan, hindi siya nasamahan ni ina dahil abala ito sa pagaayos ng mga papeles ng mga kalakal na iluluwas paManila, pupunta kami ng munisipyo at kakausapin si Heneral Ethan dahil itutuloy ni Samuel ang pagiging sundalo at gusto niyang maging isang heneral ng hukbo ng mga sundalo, nakasakay kami ngayon sa kalesa papuntang munisipyo, pagdating namin doon ay parang may pamilyar na kalesa akong nakita sa may tapat ng munisipyo, kung di ako nagkakamali kalesa iyon ng mga Del Olmo, ano kaya ang ginagawa ng mga Del Olmo dito sa munisipyo at napadaan sila dito?, pumasok na kami sa loob ng munisipyo ng San Francisco, Malaki din ang munisipyo, maganda ang pagkakaukit ng mga disenyo sa pader at kisame ng munisipyo, magaganda din ang muebles na galing pang Europa, naglakad kami ni Samuel papuntang opisina ng Heneral pero bago kami makarating ng opisina ng heneral ay hinarang kami ni Dolores
"Saan naman kaya pupunta ang pobre, sigurado akong maggagala na naman siya dito sa loob ng munisipyo dahil wala namang alam gawin ang isang pobre kung hindi magpagala gala"
Nagulat ako sa sinabi ni Dolores hindi ko mataim na tinawag niya akong pobre kahit alam niya na parehas kami ng katayuan o antas sa lipunan
"Anong problema mo sa ate ko Dolores?" ikinagulat ko na si Samuel ang sumagot kay Dolores, hindi nakasagot si Dolores ng si Samuel ang sumagot sakanya, napatingin si Dolores kay Samuel na parang hindi maipinta ang mukha
"Ngayon pinatunayan mo na tama lang palang naghiwalay tayo noon Dolores, ngayon ko lang nalaman na matindi pala ang ugali mo, hindi ako nagsisisi na nawala ang pagmamahalan natin" bakas sa mukha ni Samuel ang pagkadismaya kay Dolores, kung ating babalikan halos isang taong niligawan ni Samuel si Dolores, magkababata silang dalawa, nagkakilala sila Samuel at Dolores sa simbahan noong sacristan pa siya sa simbahan ng San Francisco, maguumpisa palang ang misa, nakaupo sa unahang bahagi si Dolores sa may bandang gilid, tinuturuan siya Doña Victoria magdasal ng rosary, maguumpisa na ang misa, nasa gitna ang pari pati ang mga sacristan ng simbahan, nagpatugtog na ng piano at kumanta na ang mga mang aawit, nagumpisa na maglakad ang mga sacristan at pari, dahan dahan silang naglakad papunta sa altar. Habang papalapit na sila sa unang bahagi nagtama ang mga mata nila Samuel at Dolores, nagkatitigan silang dalawa, hindi napansin ni Samuel ang isang baitang paakyat sa may altar, nadapa si Samuel. Agad namang natawa si Dolores at ang ilan pang mga bata, tumayo naman kaagad si Samuel at nagpagpag siya ng damit at tumingin ng diretso, halata sa mukha ni Samuel na nahiya siya pangyayari, pagkatapos ng misa ay napagalitan si Samuel ng kuraparoko. Pagkatapos niyang mapagalitan ay lumabas na siya ng simbahan para umuwi pero laking gulat niya ng pagdating niya sa pintuan ng Simbahan ay naroon si Dolores, tinawag siya ni Dolores
"Bata"
"May pangalan ako"
"Ang sungit mo naman, ako nga pala si Dolores, tu? Cual es tu nombre?"
"Yo soy Samuel"
"Hola Samuel, como estas? Natawa ako saiyo kanina hahaha hanggang ngayon ay di ko malimutan ang na nadapa ka"
"Huwag mo na ipaalala binibini at ayoko na maalala iyon, kahihiyan ang nangyari kanina at dapat nang limutin, bakit ikaw lang mag isa dito binibini?"
"Ah, kasi sila mama naroon sa may gilid ng simbahan may binibili, kaya nagpaiwan ako saglit dito"
"Mukhang di ka pangkaraniwan binibini"
"Paano mo naman nasabi? Pare parehas lang naman tayong tao dito, hindi naman ako lumilipad ginoo para sabihin mong hindi ako pangkaraniwan haha"
"Bahala ka na nga diyan, aalis na ako"
"Sandali lang ginoo"
"Porque? Kailangan ko na umuwi ng bahay at baka hinahanap na ako kanina pa tapos ang misa"
"Hindi mo man lang ba ako yayayain lumabas?"
"Naku binibini abala ako sa maraming gawain kaya kahit ang paglabas o maggala ay hindi ko na magawa pa"
"Ganoon ba, sige, gracias, aalis na ako" Bakas ang kalungkutan sa mukha ni Dolores, nakita iyon ni Samuel, hindi siya mapakali kaya tinawag niyang muli si Dolores para kausapin
"uhm, binibini espere"
"Bakit ginoo?"
"Sige na binibini, yayayain na kitang lumabas bukas sa ganap na alas tres ng hapon, saan ba kita masusundo?"
"Huwag mo na ako sunduin ginoo magaabala ka pa, dito nalang tayo magkita, dito mismo sa tapat ng simbahan sa ganap na alas tres en punto" napalitan ng tuwa at ngiti ang malungkot at dismayadong mukha ni Dolores, ikinatuwa naman ito ni Samuel kahit papaano ay hindi niya makikitang malungkot pauwi ang binibini. Nagpatuloy sa pagkikita sila Samuel at Dolores hanggang sa nahulog na ang loob nila sa isa't isa, isang taong niligawan ni Samuel si Dolores, naging masaya ang takbo ng istorya ng pag iibigan nila
"Nakikita mo ba ang tala na iyon mahal kong Dolores?"
"Oo aking mahal, maaari ko bang malaman mahal kung bakit mo naitanong?"
"Kagaya ng tala na iyon ika'y minamahal ko ng lubos, tinitingala at walang katulad, nagniningning sa puso ko at gumagabay sa isip ko"
"Salamat mahal ko, Te amo"
"Te amo mahal kong Dolores, hinding hindi kita iiwan, pangako saiyo habang buhay kitang mamahalin"
Nagbago lang ang takbo ng pagmamahalan nila ng pupunta na si Samuel sa America upang magensayo sa pagkaSundalo
"Cuatro años lang mahal ko, hindi naman ganoong mahaba ang panahon na iyon"
"Paano mo nasabing hindi mahaba Samuel, apat na taon mo akong iiwan dito, apat na taon akong mangungulila at cuatro años ko ding hindi malalaman kung niloloko mo ako o hindi"
"Hinding hindi kita lolokohin mahal ko dahil nangako saiyo na ikaw lang ang aking iibigin, na habang buhay kitang iibigin, totoo lahat ng ipinangako ko saiyo Dolores, maniwala ka naman saakin"
"Mas magandang maghiwalay nalang tayo Samuel kaysa magkaroon tayo ng pag iibigang malayo sa isa't isa, pag iibigang walang kasiguraduhan"
"Pero Dolores, huwag ka namang magpadalos dalos, mahal na mahal kita Dolores, paano na ang pangako natin sa isa't isa? Paano na ang pangarap natin? Ang pangarap na makabuo ng sariling pamilya, pangarap na makapagtayo ng sariling casa at ang pangarap na sabay tayong tatanda? Paano na lahat ng iyon Dolores?" tuluyan nang tumulo ang luha ni Samuel, hindi niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang damdamin
"Umalis ka na Samuel, lahat ng pinangako natin sa isa't isa ay itapon mo nalang sa kawalan dahil lahat ng iyon ay wala, maghiwalay na tayo Samuel, umalis ka na dito sa aming casa, wala nang patutunguhan ang lahat ng ito"
"Sandali lang Dolores, pagusapan muna natin ito ng maigi dolores" pagsusumamo ni Samuel kay Dolores, walang humpay sa pagiyak si Samuel habang hawak niya ang kamay ni Dolores
"UMALIS KA NA SAMUEL! Guardia! Hilain niyo na palabas ang lalaking ito"
"Hindi, sandali, sandali lang Dolores pagisipan mo munang maigi, magusap muna tayo ng masinsinan, Dolores" Hinawakan nang Guardia si Samuel at pinipilit hilain palabas, tinalikuran na ni Dolores si Samuel, patuloy sa pagiyak si Samuel at pilit kumakalas sa pagkakahawak sakanya ng mga guardia, hindi naman siya nabigo nakaalis siya sa pagkakahawak ng mga guardia, lumuhod si Samuel, hinawakan niya ang mga kamay ni Dolores at nagsusumamo siya dito pero hindi siya pinansin ni Dolores, patuloy sa pagsusumamo si Samuel at patuloy din sa pagbuhos ang kanyang mga luha
"Dolores, huwag mo namang gawin saakin ito, mahal na mahal kita Dolores, huwag mo akong iiwan Dolores, pagusapan nating maigi ito Dolores huwag kang magpadalos dalos, naging tapat ako saiyo, ikaw lang ang minahal ko ng buong puso, ikaw ang laging nasa dalangin ko, Dolores"
Hindi siya pinansin ni Dolores bagkus ay tinanggal ni Dolores ang kamay ni Samuel sakanya at initusan ang Guardia na hilain siya palabas at pag nagpumilit ay suntukin si Samuel, hinila palabas si Samuel, sinisigaw ni Samuel ang pangalan ni Dolores pero hindi siya nito pinansin, nagpupumilit makaalpas si Samuel kaya napilitan ang mga Guardia na bugbugin si Samuel pero hindi nagpatinag si Samuel, pinilit niyang puntahan si Dolores pero suntok, hataw at sipa ang inabot niya sa mga Guardia, hindi na kinayanan ni Samuel ang pagbubogbog sakanya, napahiga nalang siya sa sakit at nagdudugo na ang kanyang mukha hinila siya palabas kahit umuulan ng malakas sa labas ay isinakay siya sa kalesa ng mga Guardia at itinapon sa gitna ng kalsada, walang nagawa si Samuel kung hindi damhin ang hapdi at sakit nang mga sugat na tinamo niya, wala siyang nagawa kung hindi umiyak nang umiyak habang nakahiga sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan.
"Mahal na mahal kita Dolores" iyan ang mga huling nasabi niya bago siya mawalan ng malay sa gitna ng kalsadang basang basa sa ulan, tatlong araw ang nakalipas paalis na si Samuel papuntang America, sa daungan ay inihatid siya nila Don Miguel, masaya ang pamilya Gonzales na makakaalis si Samuel ng payapa ang dagat at maayos ang klima. Paakyat na ng barko si Samuel pero binabagalan niya ang paglalakad at nagbabakasakali siyang dadating si Dolores pero huling busina ng barko para sa mga sasakay ay wala pa ding Dolores na dumadating, hindi napigilan ni Samuel na tumulo ang kaniyang luha, bakas sakanyang mukha ang kalungkutan na kahit na sino ay madadama, tuluyan na silang naghiwalay ni Dolores, hindi niya matanggap pero sinubukan niya para sa sarili niya at sa kaniyang pamilya.
"Tama lang ang naging desisyon mo noon Dolores"
"S-samuel hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sumasabat sa usapan" tugon ni Dolores habang nauutal siya sa pagsagot kay Samuel
"Bakit Dolores hindi mo ba akong kayang harapin? Hindi mo ba mataim na ako ang nasa harap mo ngayon?"
"Tumahimik ka Samuel, hindi to-totoo ang mga sinasabi mo" hindi makapagsalita ng maayos si Dolores dahil sa mga sinasabi ni Samuel
"Sabihin mo saakin Dolores bakit mo ako hiniwalayan noon?" nagulat si Dolores sa tanong ni Samuel, hindi siya makatingin ng diretso kay Samuel
"Tapos na, nangyari na Samuel, wala nang tayo, hanggang ngayon ba Samuel hindi ka pa din nakakalimot?" buwelta ni Dolores sa tanong ni Samuel
"Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra Dolores, binigay ko lahat saiyo, sa tingin mo ba ganoon lang kadaling makalimot?" walang nasabi si Dolores sa mga binitawang salita ni Samuel
"Sagutin mo nga ako Dolores, minahal mo ba talaga ako?"
"H-hindi! Ni-nikailanman ay hindi kita minahal Samuel, pinaglaruan ko lang ang nararamdaman mo"
"Ganyan ka ba katigas Dolores? Minahal kita ng sobra, ngayon alam ko na, masakit Dolores, kung alam mo lang sobra akong nasasaktan ngayon dahil sa sinabi mo" tuluyan nang tumulo ang luha ni Samuel, ganoon din si Dolores, pinunasan ni Dolores ang kaniyang luha at tuluyan nang umalis.