Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 9 - KABANATA VIII

Chapter 9 - KABANATA VIII

Nandito kami ngayon sa kalesa magkakasama nila ina kasama din namin si Fai Lu, nagawa naman niya lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni ina, kaya malapit na din silang ikasal ni Leonor. Hindi namin kasama si Samuel dahil nasa Ilo ilo siya para sa pagsasanay, papunta kami sa San Pablo Laguna, limang buwan na akong nagdadalang tao medyo mahirap dahil wala si Carlos sa piling ko pero pilit ko namang kinakaya, napakasaya talagang bumiyahe papunta ng ibang bayan matatanaw mo kung gaano kayaman at kaganda ang isang bayan, ibang iba na ang San Pablo ngayon kumpara noong maliit pa lamang ako, nagkaroon na ng mga concretong kalsada at nadagdagan ang mga escuelahan, nag iba na din ang presidente municipal ng bayan ng San Pablo, siya ay si Don Marcos Paulino, siya ang unang Presidente municipal sa ilalim ng rehimeng Amerikano noong nakaraang taon, 1902 lamang siya naupo sa posisyon. Pupunta kami ng San Pablo para dumalo sa kaarawan ni Tia Adela, isa siya sa mga kilalang tao sa San Pablo kaya dadaluhan ito ng kilala at maimpluwensiyang tao. Nakaupo ngayon ako sa salas nila Tia Adela, lumapit siya saakin upang kumustahin ako at alamin ang nangyayari sa buong San Francisco, matagal tagal na ding hindi naka bisita sa San Francisco si Tia Adela, si Tia Adela ay panganay na kapatid ng aking Ina.

"Malaki na siguro pinagbago ng San Francisco halos singko años na siyang di nakakapunta sa San Francisco, masyadong malayo ang San Francisco sa San Pablo kaya mahirap bumiyahe kung hindi aagahan, matanda na ako at mahirap na para saakin ang pagbiyahe ng malayuan"

"Pero ang nabalitaan ko po Tia na magkakaroon na din po ng Ferrocarril (now PNR) dito sa San Pablo"

"Narinig ko din ang balitang iyan, sana matapos ng maaga para naman makarating ako papunta ng San Francisco ng walang hirap at mabilisan, siya nga pala ilang mes (buwan) ka nang nagdadalang tao?"

"Cinco meses na po Tia, nananabik na nga po akong makita ang magiging supling namin ni Carlos"

"Nakaisip ka na ba ng ipapangalan mo sakanila?"

"Opo tia, bago mawalan ng hininga si Carlos ay sinabihan niya ako na kapag lalaki daw ay Carlos na alinsunod sa kanyang ngalan at pag babae ay Sofia pangalan ng kaniyang Abuela (lola)"

"Ah, kay gandang ngalan para sa magiging anak ninyo ni Carlos"

"Señora paumanhin po kung sisingit po ako sandali sa inyong usapan ngunit nariyan na po ang mga panauhin niyo"

"Ah ganoon ba sige Amelia maraming salamat dito ka muna kay Esperanza, samahan mo muna siya" si Amelia ay ayudante o katulong sa bahay ni Tia Adela siya ang pinagkakatiwalaan sa pamimili ng pagkain at paglilinis ng casa, marami silang katulong sa bahay pero isa si Amelia sa pinagkakatiwalaan nila. Si Amelia ay may mahabang buhok, magandang mga mata at morena, Chavacano ang salita niya kagaya ng mga nasa Ermita at Ternate pero dahil sa tagal na din sa Maynila at San Pablo natuto na din siyang magTagalog. nginitian ko si Amelia nahihiya siya saakin pero nginitian niya din naman ako pabalik, kinausap ko siya para kahit papaano ay mawala ang hiya niya, siya pala ay tubong Zamboanga, ang tatay niya ay nagsasaka lamang sa Hacienda ng mga Gomez at ang kaniyang ina at ilan sa mga kapatid ay namamasukan sa Hacienda de Gomez bilang Ayudante dahil sa sobrang hirap nang pamumuhay ay napilitang pumunta sa Maynila si Amelia dahil inakala niya na maiiaangat niya ang pamumuhay ng kaniyang pamilya pag namalagi siya sa Maynila pero hindi niya lubos akalaing mas malala pa pala sa Manila kaysa sakanilang probinsya, nagtrabaho siya sa Tabacalera o Compaña General de Tabacos de Filipinas pero hindi naging maganda ang trato sakanya doon walang nagawa si Amelia kung hindi umalis sa pabrika, pagkatapos ay nakipagsapalaran siya sa Casa ng isa sa mayaman na pamilya sa maynila namasukan siya doon bilang katulong nung una ay naging maayos naman ang lahat pero kada malalasing ang asawa ng amo niyang lalaki ay ginagahasa siya nito, hindi niya nataim ang ginagawa sakanya, sinumbong niya iyon sakanyang amo pero hindi siya nito pinaniwalaan at sinabihang nababaliw na siya, sampal at sabunot ang inabot niya sa amo niya at itinapon sa labas ng kanilang bahay lahat ng kagamitan niya, hindi na binigay ang sueldo sakanya, naging palaboy siya ng ilang araw dahil walang gustong tumanggap sakanya, sa San Lorenzo Ruiz sa Binondo siya namalagi at saktong napadaan doon si Tia Adela upang magrosaryo, doon siya nakilala ni Tia, naging magaan ang loob ni Tia Adela sakanya at ganoon na din naman siya. Inalok siya ni Tia Adela na mamasukan nalang sakanilang Casa sa San Pablo para naman magkaroon ito ng trabaho at matitirhan, laking pasasalamat ni Amelia dahil dumating si Tia Adela sa buhay niya, nakakapagpadala na siya ng dagdag pera sa magulang niya sa Zamboanga, at ikinuwento niya ang naging takbo ng buhay niya sa Maynila. Matagal bago nakakarating ang sulat sa Zamboanga at matagal din bago siya nakakatanggap ng sulat mula Zamboanga. Bakas sa mukha ni Amelia habang nagkukwento ay nalulungkot siya dahil halos limang taon na niyang hindi nakikita ang kaniyang mga magulang at kapatid, ilang pasko at bagong taon na ding nangungulila si Amelia sa mga kapatid at magulang niya. Patuloy kaming nagusap pero natigil lamang iyon ng may isang lalaking tumabi saamin, ikinagulat ko naman ito dahil ang lalaking nasa tabi namin ay walang iba kung hindi si

Ethan

"Hello Esperanza, How are you"

"E-ethan? A-anong ginagawa mo dito?"

"Madam Adela invited me to come to her birthday" nginitian niya ako at halatang tuwang tuwa siya na makita ako, masaya din naman akong nakita ko siya ulit dahil madalang nalang kaming magkita dahil abala siya sa pagiging gobernador ng bayan ng San Francisco

"Lo Siento (I'm Sorry) Señor Ethan pero hindi po kita maintindihan, kakaunti pa lamang po ang natuturo niyo saakin"

"Sorry I forgot, nandito ako dahil inimbitahan ako ni madam Adela na dumalo sakanyang kaarawan, sumakto naman na walang gaanong kailangang gawin sa Saint Francis kaya pumunta na din ako dito para kahit papaano malibot ko ang mga lugar sa bansa niyo"

"Ah ganoon po ba, ikinagagalak ko pong makita kang muli Señor nawa'y maging masaya ang pagdalaw mo dito sa San Pablo"

"Ganoon din ako, I miss you so much Esperanza" sumeryoso ang mukha ni Ethan habang binibigkas ang salitang I miss you

"A-ano po? I-I miss you? Ano po iyon Señor?" pagtatakang tanong ko sakanya dahil hindi ko naman talaga naiintindihan

"Oh, uhm nothing, ay wala hayaan mo nalang, kumain ka na ba? Let's eat together"

"Tapos na po Señor, salamat po saiyong paanyaya, naupo lamang po ako dito dahil mahirap sa isang buntis na kagaya ko ang tumayo ng matagal"

"Oh I see, I'm excited to see your child, sana ay maging malusog na bata ang iyong magiging anak Esperanza"

"Maraming salamat po Señor, at ipagdadasal ko din po ang kalusugan niyo at sana makita niyo na din ang babaeng magpapatibok ng puso niyo"

"Thank you but I think I've already found her" Hindi ko siya maintindihan pero nakatingin siya sa mga mata ko na parang may gustong iparating, nararamdaman ko iyon kahit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya

"Ethan my friend how are you?" singit ng isang amerikano, matangkad, matangos ang ilong, maputi ang balat at may pagka pula ang buhok at may hawak na baso na may vino (wine)

"Oh, Hi Patrick, I'm glad to see you again, its been a long time since our last meeting, how are you?"

"I'm glad to see you too Ethan, I'm okay and I already love this country, the weather is different but I love it, the food and the place and also the beaches, the best, and you Ethan how are you? How about the Saint Francis? I heard that you are the Governor there"

"Yes, you're right, I'm fine and also the San Francisc, Saint Francis rather, it is a beautiful place, if you have free time come to Saint Francis" inakbayan siya ni Patrick at isasama sa mga matataong lugar "Come with me Ethan you must meet the beautiful Filipinas there and I think you will love them" Natawa nalang si Ethan ng sinabi ni Patrick iyon, pinilit siya ni Patrick at wala na siyang nagawa kahit ilang beses siyang tinanggihan nito, "I will be back, I mean babalik ako Esperanza, sasabayan ko lang itong kalokohan ni Patrick" nginitian ako ni Ethan sabay kindat saakin, hindi ko namalayan na napatulala pala ako sa ginawa niya saakin, kinalabit ako ni Amelia at binulungan na baka pasukan daw ng langaw ang bibig ko dahil nakabukas iyon,bumalik naman ang aking ulirat ng kinalabit ako ni Amelia, natawa nalang ako sa sarili ko at sa nagawa ko. Masaya ang tugtugin at ang mga tao sa paligid, nang matapos ang paguusap namin ni Amelia ay tumayo ako at pumunta sa may azotea (roof top) ng Casa nila Tia Adela para damhin ang preskong hangin ng San Pablo, masyadong maraming tao sa baba kaya nahihirapan akong makahinga ng bahagya. Kung pagmamasdan mula dito ang San Pablo ay napakaganda, hindi masyadong tirik ang araw dahil natatabunan ito ng ulap, ang mga tao ay abala sa mga kaniya kaniya nilang gawain, may mga magsasaka na nakasakay sakanilang kalabaw, mga kutserong namamasada gamit ang kalesa, mga tsinong nagbebenta ng mga kakanin, mga batang naglalaro, mga nanay na naguusap, may mga nagSiSiesta at iba pa. Ramdam mo na lahat sila ay abala at may kaniya kaniyang pamumuhay pero makikita mo pa din ang mga ngiti sakanilang labi. Habang dinadama ko ang hangin at pagtingin sa mga paligid ay may biglang tumakip sa mga mata ko

"Sino ka?" may pagtataka at kabang tanong ko

"Guess who, I mean hulaan mo" sagot ng lalaking tumakip sa mata ko, alam kong lalaki siya dahil malalim ang boses niya

"Señor E-ethan? Ikaw po ba yan?" sagot ko sa lalaking nagtakip ng mata ko, tinanggal niya ang pagkatakip sa mata ko at hinawakan ang balikat ko at hinarap ako sakanya "Yes, I'am" nakangiti niyang sagot sa akin "But paano mo nahulaan?" pagtataka niya "Nahulaan ko po dahil ikaw lamang ang kilala ko pong lalaking maliban kay Samuel na nasa Ilo ilo ay nagsasalita ng Ingles na malapit po saakin kahit papaano" napakamot nalamang ng ulo si Ethan dahil sa sinabi ko at napagtanto niya na tama nga ako medyo natahimik ng bahagya ang paligid dahil kaming dalawa lang dito sa Azotea, hawak niya pa din ang balikat ko at nakatingin pa din siya sa mga mata ko, kaya mas lalong nadagdagan ang katahimakan sa paligid, "ehem" singit ko at agad namang binitawan ni Ethan ang mga balikat ko at tumingin siya sa ibang direksyon, halatang namula si Ethan at bahagyang nahiya saakin pero ilang saglit pa lamang ay binasag na niya ang katahimikan "Uhm do you I mean gusto mo bang lumabas? Binabalak ko kasing mag ikot ikot dito sa San Pablo, sabi kasi nila maganda daw dito sa San Pablo lalo na ang pitong lawa na dito daw ay matatagpuan" ang talino at ang galing talaga ni Ethan at halatang interesado talaga siya sa bansa na kinalakihan ko "Yes, sabi nga nila merong pitong lawa dito", hindi ako gaanong pamilyar sa pitong lawa dahil hindi ko pa nakikita lahat tanging ang lawa ng Sampaloc lamang ang napuntahan ko, na talagang nakakabighani ang ganda. Nakasakay ako sa kalesa noong bata pa lamang ako ng dumaan kami saglit sa lawa ng Sampaloc dahil malapit lamang ito sa Casa nila Tia Adela. "So, do you want I mean gusto mo bang sumama saakin?" nakangiti si Ethan habang hinihintay ang isasagot ko, hindi naman siguro masamang sumama sandali kay Ethan, gusto ko din namang makita ang pitong lawa ng San Pablo na sigurado akong kahit sino makakakita ay talagang mabibighani. Pumayag ako sa alok ni Ethan, natuwa naman siya ng sobra at nagpasalamat saakin, ipinaalam niya ako kina ina at kay Tia Adela. Narito kami ngayon sa loob ng kalesa kami lang dalawa ang magkasama, maaga pa naman kaya sakto lang na makikita namin ang mga lawa, ang kutsero at mga guardia na nasa kabilang kalesa ang kasama namin, ang una naming pinuntahan ay ang lawa ng Sampaloc na malapit lang sa Casa ni Tia Adela. Hindi pa din nagbabago ang ganda ng lawa ng Sampaloc kagaya pa din ng dati noong bata pa lamang ako ay ganoon pa din ang ganda nito, nakikita mo mula sa malayo ang isang bundok na nakadagdag sa ganda ng lawa ng Sampaloc

"Ethan alam mo ba merong alamat sa lawang ito"

"Alamat? Legend? Ikwento mo saakin gustong gusto ko makarinig ng mga legends" halatang natutuwa si Ethan na magkukwento ako sakanya ng alamat

"Ikinwento lamang ito saakin ni papa noong napadaan kami dito ng bata pa lamang kami. Mayroon daw isang matandang babae na may malaking puno ng Sampalok, siya ay makasarili at masama ang paguugali. Isang araw may isang matandang lalaki na nanghingi sa matandang babae ng sampalok para sana ay panggagamot niya sa kanyang apo, imbis na tulungan ay pinakawalan niya ang kaniyang alagang aso para mapaalis ang matandang lalaki. Nasaktan ang matandang lalaki, ang hindi alam ng matandang babae na ang matandang lalaki na pinaalis at hindi niya tinulungan ay isa palang diwata, matapos mawala ng diwata, ay bumuhos ang malakas na ulan at kidlat, nahati ang lupa at ang buong taniman ng matandang babae ay lumubog. Simula noon ipinangalan ang lawang ito alinsunod sa malaking Sampalok na tanim ng makasarili at masamang paguugaling matandang babae." Natuwa si Ethan sa alamat na sinabi ko sakanya at halatang gusto niya pa makarinig ng mga alamat. Nag umpisa nang patakbuhin ang kabayo at sa sunod na lawa naman kami pumunta ang lawa ng Bunot, halatang namangha si Ethan sa ganda ng lawa, ganoon din naman ako kahit na mas maliit ang Lawa ng Bunot kaysa sa Lawa ng Sampalok ay bakas pa din ang ganda ng lawa nito alinsunod ang pangalan ng Lawa ng Bunot sa Bunot ng niyog dahil inakala noon daw ng mga español na pumunta dito na bunot ang pangalan ng lawa dahil hindi sila nagkaintindihan ng mga tao dito ayon sa mga sabi sabi,

(BUNOT LAKE)

Pagkatapos ng lawa ng bunot ay sa Lawa ng Palakpakin, sikat ang Lawa ng Palakpakin dahil sa Hipong Palakpakin, na pinaniniwalan nilang nanggaling daw sa babaeng pula ang buhok na lumalabas tuwing kabilugan ng buwan, bumili kami ng ilang Hipon at pinadala iyon sa isa sa mga Guardia para iuwi sa Casa at mailuto panghapunan.

(PALAKPAKIN LAKE)

Sunod ay ang Lawa ng Muhikap na nasa Santa Catalina na pinagkukuhanan ng tubig sa lugar, meron ding kambal na burol na makikita dito at dahil sa sinag ng araw ay nakikta ang repleksyon nito sa lawa na nakadagdag sa ganda ng lawa,

(MUHIKAP (MOJICAP) LAKE)

Ang sunod naming pinuntahan ay ang Lawa ng Calibato na talagang kay ganda, maraming balsa at mga taong abala sa pangingisda sa lawa, Malaki ang naitutulong ng lawa sa komunidad dito sa Santo Anghel dahil sa mga isdang nakukuha mula sa lawa, hindi natigil ang ngiti ni Ethan dahil sa mga nakikita niyang lawa na kahit ako ay namamangha.

(CALIBATO LAKE)

Ang huli naming pinuntahan ay ang kambal na Lawa ng Yambo at Pandin sa Barangay San Lorenzo, sobrang namahanga kami sa kagandahan ng Lawa, sa lahat ng pitong lawa, sa kambal na lawa sobrang namahanga kami ni Ethan papalubog na ang araw at ito na ang tinatawag nilang gintong oras, nakadagdag ang kulay kahel at ginto ng ulap at paligid sa ganda ng lawa, kahit ang tubig ng kambal na lawa ay kulay gitno na din, sobrang ganda ng paligid walang tula o ano mang salita ang makakapaglarawan sa ganda ng lawa ng pandin at yambo.

(PANDIN LAKE)

(YAMBO LAKE)

"Sobrang ganda naman dito sa lugar na ito, ngayon ko pa lamang nakita ito at talagang hindi nakakasawa ang ganda ng lawa na ito" sabi ko at bakas din kay ethan ang pagkamangha

"You're right Esperanza, this place is very beautiful, beautiful like you" sabay tingin si Ethan saakin, at napatingin din ako sakanya na may pagtataka sa mukha dahil hindi ko siya naiintindihan. "You're beautiful like this place kahit ang salitang beautiful ay kulang pa para ilarawan ka at ang lugar na ito" nakatingin pa din siya sa akin at parang inaakit niya ako sa tingin niya, medyo naiintindihan ko na ang nais niyang sabihin, at namula naman ako, nginitian ko nalamang siya at tumingin muli sa ganda ng paligid, ganoon din siya pagkatapos niya sabihin ang mga salitang iyon ay tumingin muli siya sa paligid at pumikit. "Ipikit mo ang iyong mga mata" sabi ni Ethan saakin, sinunod ko nalamang siya. "Nararamdaman mo ba ang paligid? Ang simoy ng hangin, naririnig mo ba ang huni ng mga ibon at tunog ng mga halamang sumasabay sa ihip ng hangin?" medyo nagulat ako dahil may pagkamakata din pala itong si Ethan, "Nadarama at naririnig ko ang lahat" sagot ko sakanya, "Kay sarap damhin ang paligid diba? Sabi saakin ng aking ama, kung gusto mo daw talaga makita ang ganda ng paligid ay pumikit ka daw, damhin mo daw ang musika ng paligid, dahil di lamang daw sa mga mata nakikita ang ganda ng isang bagay, kung dadamhin mo lang ito kahit wala kang nakikita ay makikita mo pa din ang gandang nakatago dito na tanging ikaw lang ang makakaalam kung yayakapin at dadamhin mo" sabi ni Ethan saakin habang nakapikit kaming dalawa, natuwa ako sa mga sinabi ni Ethan, di ko akalain na may mga ganoong bagay pala siyang nalalaman, dahil minsan ko lamang siya makasama hindi ko gaanong alam ang lahat patungkol sakanya, ngayon ay masaya ako dahil nakikilala ko na siya ng paunti unti.

"Alam niyo po ba bakit ko kayo dito huling ipinunta?" singit ng kutsero habang nakapikit kami, kaya minulat namin ang aming mga mata, nasa labas kami ng kalesa ni Ethan kanina pa pagkarating palang dito dahil sa pagkamangha sa ganda ng paligid pero hindi na kami lumayo nasa likod lang namin ang kalesa dahil maya maya din ay aalis na kami dahil malpit nang gumabi

"Bakit po?" Sabay na tanong namin ni Ethan sa kutsero, nagulat kami dahil nagkasabay kami pero hindi na namin iyon pinansin dahil nasasabik kami sa ikukwento ng kutsero na si Mang Gregorio

"Ayon sa alamat, ang dalawang lawa ay ipinangalan alinsunod sa pangalan ng dalawang magirog, isang magandang babae na pangalan ay Pandin ang sinumpa na hindi siya maaaring tumapak sa lupa dahil pagsinubukan niya ay matinding kalamidad ang magaganap. Si Yambo ang masugid niyang kasintahan ay hindi alam ang patungkol sa sumpa, napaapak niya sa lupa si Pandin, huli na ang lahat ng mapagtanto ni Pandin na nakatapak na siya sa lupa, kakilakilabot na ingay ang umalingawngaw sa buong bayan, nagumpisang nahati ang lupa, malakas na ulan ang sumunod at nilamon sila ng lupa, naging lawa ang lugar at magkahiwalay ang dalawang lawa dahil sa lupang sa gitna nilang dalawa."

"Nakakalungkot naman po ang nangyari sa dalawa, ipinaghiwalay sila ng kakaunting lupa at dahil lamang sa sumpa ay hindi na natuloy ang pag iibigan nila" sabi ni Ethan na bahagyang nalungkot sa istorya ng Pandin at Yambo, napatingin si Mang Gregorio kay Ethan at sinabing "Hindi lahat ng bagay na gusto natin mangyari ay mangyayari Señor, hindi lahat ay maaaring magkatuluyan, kagaya nila Yambo at Pandin na nauwi sa trahedya ang pagmamahalan. At kahit ang tadhana po ay paghihiwalayin ang dalawang magkasintahan" nablanko kami sa sinabi ni Mang Gregorio. Pagkatapos naming damhin ang pagmasdan ang buong paligid ay sumakay na kami ng kalesa pabalik ng Casa nila Tia Adela dahil malapit na kumagat ang dilim nagmadali na si Mang Gregorio sa pagpapatakbo ng Kalesa. Naging masaya at may aral ang araw na ito, masaya ako na nakasama ko si Ethan kahit papaano ay nagkaroon kami ng oras sa isa't isa, natutuwa ako na nanamamangha siya sa ganda ng ating bansa sana pati din ang kapwa ko Pilipino ay kagaya niya na kuntento at nagagandahan din sa biyayang bigay ng dios satin. Nakauwi kami ng Casa at naghapunan habang masayang nagkwekwentuhan. Sana ganito nalang palagi, sana palagi nalang masaya kung maaari lang sana. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito kasama si Ethan at ang pitong lawa, habang buhay ko itong ilalagay sa puso ko ang ala alang naganap ngayong araw na ito.