Hulyo 1903
Walong buwan nang nagdadalang tao si Esperanza, nakaalis na si Lago papuntang Hawaii, patuloy na bumabagabag kay Esperanza ang nararamdaman niya para kay Gen. Ethan, bagama't hindi sila ulit gaanong nagkikita dahil abala si Gen. Ethan sa trabaho niya bilang heneral ng San Francisco ay hindi pa din nalilimutan ni Esperanza ang gabing umamin sakanya si Ethan, hindi niya pa din tinutugunan ito kahit sa mga liham na pinapadala ni Ethan sakanya ay hindi niya pa din ito tinutugunan dahil hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para kay Ethan, ayaw niyang paasahin si Ethan kaya mas minabuti na lamang niya na bigyan ng oras ang kanyang sarili para makapagisip ng mabuti. Papunta kaming maynila ngayon upang puntahan ang doktor na kukunsulta saakin at sa lagay ni mama. Pagkarating sa Maynila ay dumaan kami sa Nuestra Señora de Lourdes ang simbahang itinayo ng mga misyonaryong capuchin, napakaganda ng simbahan, lalo na ang loob nito, sikat ang simbahan na ito para sa mga gustong magpakasal lalo na sa mga mayayaman o kilalang personalidad. Pagkatapos naming magdasal ay dumiretso kami sa casa ni Don Camino ang doktor na titingin saamin, tinanong ko na si mama kung bakit dumayo kami ng Maynila para lamang magpatingin kahit na mayroon namang doktor sa San Francisco, gusto niya din daw kasi madalaw ang pinsan niya na narito sa maynila na matagal na niyang hindi nakakausap at nakikita kaya ginusto niyang dito na magpatingin sa intramuros, dumaan kami sa tahanan ni Don Camino, una niyang tinignan ang kalagayan ko sunod naman ay si mama, hindi niya daw maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang lagay ni mama, lumalabo kasi ang paningin nito, nahihilo at kung minsan ay nagsusuka, kaya binigyan siya ng gamot ni Don Camino para sa mabilis niyang paggaling. Pagkatapos naming dumaan kay Don Camino dumiretso kami sa bahay ng pinsan ni mama, nakapagasawa siya ng Amerikano kaya ang laki ng pinagbago ng casa nila at pati na din ang kultura nila pero hindi nawala ang kulturang Pilipino ng pinsan ni mama. Naging maganda at masaya ang paglalagi namin ni Ina sa casa di rin kami gaanong nagtagal dahil kailangan naming bumalik ng Casa. Naglakbay kami ulit pabalik ng Casa Gonzales matagal tagal din ang binyahe namin ni ina, nakakapagod pero kahit papaano ay nakabisita kami sa kamag anak namin at sa Maynila kahit panandalian lamang. Pagdating sa casa ay agad akong bumaba at dumiretso sa loob ng casa, nagulat ako dahil si Ethan ay nasa loob ng casa.
"Good evening my lady" nakangiting pagbati niya saakin, ibinigay niya saakin ang palumpon ng bulaklak ng baino (lotus), tinanggap ko iyon at nginitian siya pabalik, masaya akong makatanggap muli ng bulaklak ng baino (lotus).
"Buenas noches Señor" ngiting tugon ko sakanya, umupo kami sa salas at iniwan kami ni mama at dumiretso siya sa cuarto niya dahil nahihilo daw siya, pinaghandaan kami nila Rosalinda ng mainit na tsaa at ensaymada na sila mismo ang nagHurno (bake), mayroong krema, mantikilya, kaunting hamon, maalat na itlog at quezo.
"It's delicious, I only try this sa Panaderia y Pasteleria la isla de Mallorca in Intramuros, it taste different but parehas na masarap" sabay taas ng hinlalaki niya saakin, hindi ko iyon naintindihan kaya nginitian ko nalamang siya
"Nagmula po sa Mallorca España ang ensaymada na itinuro po ng mga Español sa mga Pilipino, hindi naman po siya ganoon kahirap gawin kaya madali itong natutunan ng mga pilipino"
"Malaki talaga ang impluwensya nila sainyo, nakakatuwang isipin na you adopted their culture"
"Pero po Señor bakit nga po pala kayo napabisita dito saaming casa?"
"Uhm, nothing" sabay kagat sa ensaymada na hawak niya, nginitian ko siya ng ngiting nagtataka
"Hindi, seriously, I'm here because I want to see you, gusto kong makita ka muli, ako'y lubos na nangungulila pag hindi kita nakikita" napayuko na lamang ako sa mga sinabi ni Ethan saakin, natahimik ng sandali ang buong paligid dahil wala na akong masabi kay Ethan patuloy sa pagkain ng ensaymada si Ethan, halatang gustong gusto niya ang lasa nito kaya nakaisip ako ng masasabi kay
"Uhm Señor" nakangiting sabi ko sakanya upang mawala ang katahimikan sa paligid
"Why my lady?" nakangiti niyang tugon saakin
"Mayroon pa po kayong asukal at krema sa may labi" napayuko si Ethan "Oh Sorry" at nagmadaling kinuha ang panyo niya at nagpunas
"Señor kung gusto niyo po ay papadalhan kita ng ensaymada saiyong opisina at ako po mismo ang maghuHurno para po sainyo" napangiti naman si Ethan at natuwa dahil papadalhan siya ni Esperanza ng Ensaymada na halatang gustong gusto na niya, pagkatapos ay muli ulit natahimik ang paligid pero binasag ni Ethan ang katahimikan
"Esperanza can we talk? I mean puede ba tayong mag usap?" seryoso niyang tanong saakin, hindi ako gaanong mapalagay dahil bigla siyang sumeryoso parang kani kanina lang ay para siyang batang tuwang tuwa sa pagkain ng ensaymada ngayon naman ay para siyang tigre na bigla akong lalamunin ng buhay kapag hindi ko siya pinakain
"Señor huwag po kayong magalala libre po iyon, bigay ko po para sainyo iyon at hin-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mas lalong sumeryoso ang mukha ni Ethan kahit pala seryoso siya ay bakas pa rin ang papagiging guapo niya
"Hindi patungkol sa ensaymada ang nais kong pagusapan" seryoso niyang sabi saakin
"A-ano po Señor?" nauutal kong tugon sakanya
"Ang patungkol sa nararamdaman natin sa isa't isa" wala akong naisagot kay Ethan dahil nagulat ako sa sinabi niya saakin
"Mahal kita Esperanza" mas lalo akong natahimik dahil biglaan siya kung magsabi
"Mahal na mahal kita, gusto ko lamang malaman ay kung mahal mo rin ba ako? O may nararamdaman ka rin ba para saakin kahit kakaunti?" napayuko ako at hindi alam ang sasabihin sakanya, ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon na para bang gusto nitong kumawala mula saaking dibdib, nararamdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko kaya yumuko ako para hindi niya mapansin ang pagpula ko
"Pero Señor" iniangat ko ang ulo ko at seryoso akong tumingin sa mga mata niya, tinignan niya rin ako sa mga mata ko na lalong nagpalakas ng tibok ng aking puso
"Hi-hindi po kita mahal" iyan ang mga linyang sinabi ko sakanya, hindi ko alam bakit nasabi koi yon kahit na iba ang gustong sabihin ng puso ko, na kahit na gusto nang isigaw ng puso ko na mahal na mahal na mahal ko din siya pero iba ang lumabas sa bibig ko, napasimangot si Ethan at naalis ang tingin mula sa mga mata ko, pagkatapos ay muli niya akong tinignan
"Kahit kaunti lang? kahit sangkaapat lang?" bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at ojos ilorosos (teary eyed) na siya ngayon, masakit ang makita kong nasasaktan siya pero ito lang ang tanging alam ko para tigilan na niya ako at ang nararamdaman niya para saakin
"Kahit ni katiting Señor Ethan wala akong nararamdaman para saiyo" hindi ko namalayang pati ako ay naluha na, tumulo ang luha sa mga mata ko at ganoon din siya, bakas sa mga mukha niya ang sakit na nadarama
'Ku-kung gayon, sorry, I'm sorry kung inibig kita, kasalanan ito ng puso't isip ko dahil ikaw ang tinitibok nito ng puso ko at iniisip ng utak ko, sorry Esperanza" patuloy na tumulo ang luha sa mga mata niya, tumayo siya sakanyang kinatatayuan at napatayo din ako, niyakap niya ako
"Kahit ito na lang Esperanza, kahit hindi mo ako kayang ibigin, kahit sana pagbigyan mo akong mayakap man lamang kita sa huling sandali, ngayong alam ko na ang katotohanan. Huwag kang mag alala mananatili ang pag ibig ko para saiyo, mananatiling ikaw lamang ang aking iibigin kahit hindi mo ako mahal kahit hanggang kaibigan lang ang tingin mo saakin, mamahalin pa rin kita Esperanza, masakit dahil ako lang ang nagmamahal walang ikaw pero dadamhin ko ang sakit na ito dahil sa sakit na ito ay ang pagibig ko saiyong hindi kukupas o lilipas, mahal na mahal kita Esperanza, I Love You" nakayap siya saakin habang sinasabi ang mga katagang iyan mas lalo akong naiyak dahil kasalanan ko lahat ng ito, dahil natatakot ako, dahil naduduwag ako, mahal ko si Ethan pero hindi ko kayang sabihin, mahal ko na din siya. Pasensya na Ethan, niyakap ko nalamang siya at patuloy pa din kami sa pagiyak, tanging ang salitang "Lo Siento Ethan (I'm Sorry Ethan)" lamang ang nasabi ko sakanya kahit na gusto ko talagang sabihin na mahal ko din siya.