Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 16 - KABANATA XV

Chapter 16 - KABANATA XV

Ilang araw ding hindi nagpakita saakin si Heneral Ethan, nakadungaw ako ngayon dito sa bintana iniisip kung tama ba ang ginawa ko, kung tama ba ang mga sinabi ko sakanya. Ayaw ko siyang saktan pero wala akong maisip na mas magandang paraan para lumayo na siya saakin, ayaw kong paasahin pa siya kahit na may gusto at mahal ko na din talaga siya. Kumusta na kaya siya? Puntahan ko kaya siya ngayon sa munisipyo, huwag na nga lang baka ayaw niya akong makita ngayon pero paano ko siya makakausap? Kung sulatan ko nalang kaya siya? Tama! Susulatan ko nalang siya kahit papaano ay hindi niya ako makikita pero makakausap ko siya, tama, tama. Agad tumayo si Esperanza mula sa kinauupuan niya sa may bintana lumapit siya sa may mesa para umpisahang magsulat. Ano naman kaya sasabihin ko? Kumusta ka na? parang mali, ito kaya uhm Señor Ethan pasensya na sa nangyari, natakot lang po talaga ako pero sa totoo lang po ay mahal po talaga kita. Mali hindi puede ayaw kong malaman niya na mahal ko siya dahil baka isipin niyang pinapaasa ko siya, kailangan kong magisip ng puedeng sabihin sakanya, paano kaya kung kumusulta ako kay Rosalinda ngayon? Ang galing niya kasi sa mga ganito kahit na hindi pa talaga siya nagkakaroon ng nobyo. Tama si Rosalinda matutulungan niya na ako sa ganitong sitwasyon, bumaba ako sa hagdan para tawagin si Rosalinda, pumunta muna ako sa kusina ngunit wala siya roon, sunod ay sa may salas pero wala siya sa comedador, sa may kapilya, sa may hardin, hinanap ko siya kahit saan pero wala talaga siya, Donde estas Rosalinda? (Where are you Rosalinda?) kailangan na kailangan kita ngayon, narito ang ibang ayudante pero wala si Rosalinda, hinanap ko pa din siya, pinuntahan ko si mama at tinanong kung nasaan si Rosalinda.

"Mama donde estas Rosalinda?"

"Si Rosalinda? Umuwi muna sakanila, sa may Ternate Cavite upang puntahan ang ama niyang may sakit"

'Ah ganoon po ba, salamat po mama, hintayin ko nalamang po ang pagbabalik niya, kumusta na po ang inyong lagay mama?"

"Ganoon pa din aking anak, hindi ko mawari bakit ganito ang aking nararamdaman ngayon"

"Ganoon po ba? Sige po mama dito na lamang po ako sainyong tabi para masamahan kita" pinunasan ko ng bimpo na may maligamgam na tubig ang kamay, braso at paa ni mama, binigyan ko siya ng gamot at ng Arroz caldo. Kumatok sa pintuan ni ina ang isa naming ayudante

"Señora pasensya na po sa abala ngunit nasa ibaba po sila Doña Victoria"

"Ah ganoon ba, sige bababa na ako, ikaw muna bahala kay ina ha" dahan dahan akong bumaba ng hagdan, nasa ibaba nga sila Doña Victoria ngunit bakit kaya? Nginitian ko sila at ganoon din naman sila naglakad ako papunta sakanilang dalawa

"Buenos dias Esperanza" nakangiting pagbati saakin ni Doña Victoria

"Buenos dias Doña Victoria y Dolores, ano po ang inyong sadya?"

"Narito kami upang kausapin ang iyong ina, nasaan nga pala siya?"

"Uhm malubha po ang sakit ng mama hindi niya po kayo mahaharap ngayon, Lo siento"

"Ah ganoon ba" sagot saakin ni Doña Victoria at sabay tingin kay Dolores na nasa tabi niya lamang

"Kung gayon hindi na namin siya gagambalain, ito pakibigay na lamang saiyong ina mainam ito para sa sakit na nararamdaman niya, pakisabi na lamang na napadaan kami rito at ipagdadasal naming ang agaran niyang paggaling" iniabot niya saakin ang ilang halamang gamot at pagkain na dala nila

"Muchas gracias Doña Victoria, sasabihin ko po kay mama"

"Kumusta ka na nga pala Esperanza?" pagsingit ni Dolores

"Maayos naman ang aking kalagayan, mahirap pero kinakaya"

"Pang ilang meses na ang pagdadalang tao mo?"

"Pang walong meses na at isang mes na lamang ay makikita ko na ang anak naming ni Carlos"

"Nasasabik na din kami makita ang anak ng aming kuya, lalo na si mama at papa na nasasabik na mahawakan ang kanilang apo"

"Ito nalang ang naiwang ala ala saakin ni Carlos kaya't ako'y labis na nagagalak"

"Narito kami ni mama, Esperanza, susuportahan namin ang magiging anak niyo ni kuya Carlos" hinawakan ni Dolores ang kamay ko at nginitian ako

"Maraming salamat sainyo sigurado akong matutuwa si Carlos dahil narito ang kaniyang ina at kapatid" hinawakan ko din ang kaniyang kamay at nginitian, hindi rin nagtagal sila Doña Victoria dito sa casa, nararamdaman ko naman na mabuti ang intension nila at masaya ako para doon dahil iyon ang gusto ni Carlos noon pa man, muli akong umakyat papunta sa cuarto ni mama para makita ang kaniyang kalagayan pero hindi ko inaasahan ang aking nakita

"Ma-mama? ano nangyari sakanya?" tarantang tanong ko sa aming ayudante

"Bigla po siyang nagkaganyan Señora, hindi ko din po alam ang nangyari sakanya" may iniinda si mama na sobrang sakit daw ng kaniyang ulo, nahihilo, mas lumalabo ang kaniyang mata, sumasakit ang kaniyang tiyan, at nahihirapan siyang huminga, naawa at sobrang nagaalala ako sakanya dahil sumisigaw siya ngayon sa sobrang sakit at hindi siya mapakali

"MAGMADALI KA AT TAWAGIN MO SI DOKTOR GUSTAVO" pilit kong pinapakalma si ina ngunit hindi ito gumagana kaya mas lalo akong kinakabahan at nagaalala sa nangyayari sakanya, hindi ko na napigilang maluha, ilang minuto lang ay dumating si Doktor Gustavo, sinubukan niyang pakalmahin si ina, pinainom niya si ina ng gamot at mga ilang oras lang ay napakalma na si ina.

"Kumusta po ang aking ina doktor? Ano po ba ang nangyari sakanya?"

"Nalason ang iyong ina ano ba ang nakain o nainom niya?" tanong saakin ni Doktor Gustavo

"Hindi ko rin po alam ginoo pe-pero maayos na po ba ang kalagayan ng aking ina?"

"Sa ngayon ay maayos na ang kaniyang lagay pero dahil sa epekto ng pagkakalason sakanya ay magkakaroon ng mga matinding pagbabago sa kalusugan at sa iyong ina, itong gamot na ito ay mainam para sakanya ipainom mo sakanya ito ha, gagaling din ang iyong ina maniwala ka lang"

"Maraming salamat Doktor Gustavo kung wala ka hindi ko alam ang gagawin ko, kaya lubos po akong nagpapasalamat saiyo, tanggapin niyo po ito bilang pasasalamat kop o sainyo"

"Hindi ayos lamang para na din ko kayong pamilya"

"Kahit ngayon lamang po Doktor" tinanggap ni Doktor Gustavo ang binibigay ni Esperanza. Natutulog pa din ang kaniyang mama, dumating sila Leonor at Fai Lu sa casa na nagaalala, niyakap niya ako at tinanong

"Ate kumusta si mama? Ano nangyari sakanya? Bakit nagkaganoon si ina?"

"Maayos na ang kalagayan ni ina, nalason daw siya, kaya hihintayin ko ang paggising niya para malaman ko kung ano ang nakain o nainom niya" napa buntong hininga kaming dalawa ni Leonor, namalagi muna sa casa si Leonor kasama si Fai Lu

"Ikaw kumusta ka na Leonor? Ang tagal na din nating hindi nagkita"

"Nangulila ako ng lubos saiyo, sainyo ni mama, maayos naman ang aking kalagayan, minamahal naman ako ni Fai Lu, nagpapasalamat ako at siya ang nakilala ko at napangasawa ko"

"Mabuti naman kung gayon, masaya ako na masaya ang aking mahal na kapatid sayang nga lang wala dito si Samuel ngayon pero nagpadala na akong liham sakanya, sana ay natanggap na niya"

"Sana nga ate, malapit ka nang manganak ate ako'y lubos na nagagalak at malapit na natin makasama ang supling ninyo ni Kuya Carlos"

"Ako din Leonor, lubos ding nagagalak at nasasabik" naging maayos naman ang gabi namin, nagising na si ina ngunit mayroon pa din siyang iniindang sakit epekto ng lason sakanyang katawan, hindi siya gaanong makapagsalita kaya hindi na namin siya tinanong pa para naman kahit papaano ay makapagpahinga siya at hindi na mahirapan pa kung tatanungin namin siya, sana ay tuluyan na siyang gumaling, sana ay maging maayos na ang lahat. Sana.