Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 17 - KABANATA XVI

Chapter 17 - KABANATA XVI

Kinabukasan ay napagpasiyahan kong pumunta ng bahay nila Doktor Gustavo upang ipamalita sakanya ang lagay ni Ina pero bago ako tumungo sakanila ay dumaan muna ako sa simbahan ng San Francisco, kasama ko ang isa naming ayudante dahil wala pa si Rosalinda na malapit saakin ng sobra ay iba muna ang sumama saakin ngayon para alalayan ako sa aking lakad, naiwan naman si Leonor sa casa para bantayan si mama at tugunan ang mga pangangailangan niya, nagsuhestiyon si Leonor na siya na lamang daw ang pupunta sa bahay ni Doktor Gustavo dahil nagaalala siya saaking kalagayan dahil isang buwan na lang malapit ko nang isilang ang anak namin ni Carlos pero nagpumilit ako at sinabi kong gusto kong makapaglakadlakad muna para kahit papaano ay hindi ako nakaburo sa casa. Abalang abala ang mga tao dito ngayon sa aming nadadaan papunta sa simbahan, pagkarating namin sa simbahan ay sinamahan ako ng ayudante namin na magdasal sa loob, nagrosaryo kami at ipinalangin ang kalusugan ni ina, maya maya ay may tumabi saamin naramdaman ko iyon kaya idinilat ko ang aking mga mata, si Padre Azul pala ang nasa aming tabi, laking gulat ko dahil narito siya ngayon kaya binati ko siya at nagmano, si Padre Azul ay matangkad, maputi, mestizo español, kaya matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at hindi kagaya ng ilang pari o sacerdote si padre azul ay medyo bata bata pa ang itsura, malago pa ang kaniyang buhok, at dating nagaaral ng medisina, natapos niya ang kurso pero dahil sa isang dahilan hindi malamang dahilan ay nagsacerdote siya pero ang sabi niya ay tinatawag siya ng dios kaya pagpapari o sa seminaryo siya tumuloy at bakas naman na masayang masaya siya sa landas na kaniyang tinahak.

"Kumusta Leonor?" nakangiting sabi ni padre

"Ayos lamang po padre, kayo po kumusta?"

"Maayos lamang din ang aking lagay, masaya ako at napadalaw kayo ngayong araw, nabalitaan ko ang nangyari saiyong ina mula sa isa niyong ayudante na nagtungo dito upang magdasal, nakilala ko siya dahil siya ang lagi mong kasama"

"Si-si Rosalinda po?"

"Oo, tama Rosalinda ang kaniyang ngalan"

"Pero padre di pa po siya nakakauwi, nasa ternate pa po siya"

"Narito siya kani kanina lang, baka nagkasalisi lamang kayong dalawa, ang sabi niya saakin ay papunta na siya sainyong casa napadaan lamang siya dito upang magdasal, nagmadali daw siyang umuwi nang mabalitaan niya ang nangyari saiyong, siya nga pala kumusta na ang kaniyang lagay? Maayos na ba ang kaniyang lagay? lubos akong nagulat ng marinig ko ang balita mula kay Rosalinda" bakas naman sa mukha ni Padre Azul ang pagkaalala saaking ina

"Maayos na po ang mama, may kaunting pagbabago lamang po siguro dahil sa epekto ng lason sakaniyang katawan kaya ganoon nalamang po ang nangyari"

"Mabuti naman kung gayon, ipagdadasal ko ang agarang paggaling ng iyong ina upang sa gayon ay di na kayo magaalala ng lubos, dadalaw ako sainyo sa makalawa pag hindi na ako gaanong abala para makita ko ang iyong ina at ang lagay ng iyong ina, ano ang kaniyang nakain o nainom bakit siya nalason?"

"Hindi pa din po namin alam padre medyo nahihirapan pa pong sumagot si mama kaya hanggang ngayon ay hindi pa naming alam kung ano ang nakain o nainom niya pero sinusubukan na pong alamin ni Doktor Gustavo kung anong sanhi ng pagkalason ni mama kaya pupunta po ako sakanya mamaya para kahit papaano ay malaman ko na din ang naging sanhi ng pagkakalason ni mama"

"Si Gustavo ang doktor na tumingin saiyong mama?"

"Opo padre"

"Bueno, matalik na kaibigan ko si Gustavo magaling na doktor iyon, simula elementarya hanggang sa medisina magkaklase kami, lagi kaming nagtatalo pero sa huli magkaibigang tunay pa din kami, nagulat nga siya na mapagpasiyahan kong maging pari, alam naman niya na matagal ko na din itong pangarap bago pa ang medisina pero dahil gusto ng aking ama na magmedisina ako sinunod ko na din, gusto ko din namang magmedisina dahil pangalawang pangarap ko ito pero kung titimbangin mas lamang ang kagustuhan kong maging pari" ngumiti si padre saakin na parang may iba pang gustong sabihin, nararamdaman kong parang may nakatagong lungkot sakaniyang mga ngiti

"Ganoon po ba, napakagaling niyo nga po dahil nakapagaral ka na po ng medisina at naging pari ka pa po"

"Wala iyon, tiyaga tiyaga lang hahaha" natawa ako kay padre dahil lumalabas talaga ang pagkapilyo niya

"O siya maiwan ko na kayo dito at may gagawin pa ako, nagagalak ako at nagkita tayong muli, siya nga pala ibigay mo itong rosaryo na ito saiyong ina para sakaniya iyan, pakisabi na lamang na magpagaling siya" iniabot niya saakin ang isang pulang rosary na gawa sa rubi ng may ngiti sa mga labi. Napakagandang rosaryo. Nagpaalam na ako kay Padre Azul at umalis na, napakabuting tao talaga ni padre azul. Ipinatakbo nan g Kutsero ang kalesa papunta sa bahay ni Doktor Gustavo, pagkadating sakanilang bahay ay agad niya kaming sinalubong, malaki ang bahay ni Doktor Gustavo mayroon na din siyang asawa't isang anak na lalaki na nasa edad sampu pataaas, may hardin siya sa harap na may tanim na mga gulay at prutas at mayroon din siyang karwahe at dalawang kabayo sa may gilid ng bahay, pinapasok niya kami sa loob ng kaniyang tahanan binigyan kami ng kaniyang asawa ng mainit na tsokolate o tinunaw na tablea, naglalaro naman ang kaniyang anak ng datnan namin pinaakyat niya muna ito sa cuarto niya para doon muna maglaro, may hawak na papel si doktor Gustavo at binabasa niya iyon, nakaupo kami sa may salas nila habang hinihintay ang mga sasabihin niya

"Kumusta na ang lagay ng iyong ina?" tanong ni Doktor Gustavo saakin, ibinaba ko muna ang iniinom kong tsokolate

"Maayos na po si mama, sa katunayan po ay gising na siya ngunit nahihirapan nga lamang pong magsalita, ano po bang naging sanhi ng pagkakalason ni mama?"

"Mayroong nakaing halamang nakakalason ang iyong ina"

"Ha-halamang nakakalason? Dios mio! Papaano pong nalason ang aking ina ng halaman na iyon?"

"Maaaring nakahalo ito sa pagkain na nakain niya kaya hindi niya napansin, mabuti na lamang ay kakaunti ang lamang ang nakain niya kaya kahit papaano ay naagapan pa dahil ang halamang iyon ay puedeng makapatay pagnakakain siya ng marami"

"Salamat sa dios, maraming salamat po Doktor at kahit papaano ay nagkaroon na ng linaw ang pagkakalason ni mama"

"Ito ipainom mo sakaniya ito mainam ito para maibsan ang pagkakalason sakaniya, paaalala ko lamang ulit na mayroong magbabago sainyong ina dahil sa epekto ng lason ng halamang iyon"

"Ano pong magbabago sakaniya?" pagtatakang tanong ko kay doktor Gustavo

"Sa ngayon hindi ko pa sigurado pero maaring kalahati ng kaniyang katawan hindi na gumana o kaya tuluyan nang lumabo ang kaniyang mga mata, maraming puedeng mangyari pero sa ngayon hindi ko pa sigurado malalaman na lamang natin kung ano ang magiging epekto ng lason pagdating ng mga ilang araw"

"Ah ganoon po ba, kung ganoon po ayos lamang po, ang mahalaga para po saamin ay buhay at ligtas po ang mama, maraming salamat po" nakakalungkot isipin pero kailangang tanggapin dahil iyon na ang epekto ng lason hindi ko na mababago iyon, mga ilang oras lang ang tinagal namin sa bahay nila Doktor Gustavo, nagpaalam kami sakaniya at nangako siyang babalik siya sa casa upang tignan muli ang lagay ni mama, napagpasiyahan ko nang umuwi ng casa dahil nalaman ko na ang nangyari kay mama, nalaman ko na ang naging sanhi ng pagkakalason niya, ang hindi ko lang lubos maisip sino ang gumawa noon sakanta at ang patuloy na bumabagabag saaking isip ay anong pagkain ang nakain ni ina at saan niya ito nakain o nakuha at bakit mayroong nakakalason na halaman doon? Sinadya ba ito o hindi?