Hanggang ngayon ay bumabagabag pa din ang tulang binigay saakin ni Ethan, kahit sino naman siguro ay may pagtataka na nararamdaman kung ano ang ibig sabihin ng tulang hindi mo naiintindihan, kakaunti pa lamang ang alam ko sa lenguaheng ingles, di ko alam bakit ako binigyan ni Ethan ng tulang alam naman niya na hindi ko maiintindihan, gusto ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng tula na ginawa niya para matugunan ko ito.
"Rosalinda!" pagtawag ko saaming ayudante, nagmadali siyang umakyat ng hagdan papunta sa cuarto ko
"Ano po maipaglilingkod ko sainyo Señora?"
"Uhm kaya mo bang isalin ang mga salitang nakapaloob sa tulang ito" sabay abot sakanya ng tulang ginawa ni Ethan, tinignan ito ni Rosalinda at nablanko ang kaniyang mukha, tinignan niya muli ako na parang walang alam sa mga nangyayari.
"Pa-pasensya na po Señore pero hindi ko po maintindihan ang tula, hindi ko po kayang isalin ang tulang ito, salat po ang aking kaalaman sa mga ibang lenguahe, kahit ang wikang Español ay hirap pa din ako, kakaunti lang ang alam ko, kaya pasensya na po talaga Señora"
"Ah ganoon ba, ayos lang, maraming salamat Rosalinda, sige na maaari mo nang ituloy ang mga ginagawa mo, pasensya na din" wala talagang marunong magsalit ng ingles saamin, kung narito lang sana si Samuel maaari ko sana siyang pakiusapan na isalin ang tulang ito para saakin pero dahil wala naman siya, hihintayin ko nalamang ang pagbabalik ni Ethan mula sa pagpupulong sa Maynila. Isang buwan ang itatagal ng pagpupulong na dinaluhan ng lahat ng heneral sa lahat ng bayan at probinsya. Kaya ito matatagalan bago ko masalin at maintindihan ang nakapaloob sa tula na ito.
"Señora paumanhin po kung aabalahin kita, pero mayroon ka pong bisita sa labas"
"Bi-bisita? Sino daw?" sino naman kaya ang bibisita saakin ng ganitong araw, lalo na't abala ang lahat dahil pista ng San Juan Bautista bukas, kaya ang laki ng pagtataka ko ngayon na may bibisita saakin
"Hindi ko po alam ang kaniyang ngalan pero pumunta na din po siya dito noon Señora" Inalalayan ako pababa ng hagdan ni Rosalinda, nagulat ako sa akinng panauhin dahil hindi ko inaasahang nandito siya at pupunta siya dito
"Good morning Esperanza" bati niya saakin, ngintian ko nalamang siya, alam ko naman ang ibig sabihin ng sinabi niya
"Ano ang iyong sadya dito ginoong Patrick?" tama si Patrick nga ang bumisita dito
"Wala naman binibini, gusto ko lamang makita ka at dalhan ka ng mga alahas na galing pang Europa" iniabot niya nag bulaklak at ang mga ginto at diamanteng alahas na dala dala niya
"Pasensya na po ginoo pero hindi ko po matatanggap ang mga mamahaling regalo ito"
"Para saiyo talaga iyan Esperanza kaya tanggapin mo na"
"Pero ginoo pasensya na" pilit kong binabalik sakanya ang mga binigay niya saakin
"Kung hindi mo tatanggapin ang mga bigay ko ay malulungkot ako at masasaktan ng lubos" wala akong nagawa kung hindi tanggapin na lamang ang binibigay niya saakin, naupo kami sa salas
"How are you Esperanza? I miss you so much"
"Ayos lamang po ako Señor, kayo po ba?"
"Ayos lamang din ako"
"Bakit hindi po kayo kasama sa pagpupulong sa Maynila?"
"Ah, hindi ako kasama because I'm not a general, I'm just a businessman here" nginitian ko nalamang siya at nagkukunwaring naiintindihan ko ang mga sinabi niya, natahamik kami saglit at bigla kong naalala ang tula na binigay saakin ni Ethan, kayang isalin ni Patrick iyon dahil Amerikano siya at Ingles ang salita nila, hindi naman siguro masamang pakiusapan ko siya
"Siya nga po pala ginoo, uhm, mayroon po sana akong pakikiusap saiyo"
"What is it?"
"Mayroon po akong tula na nakasulat sa wikang Ingles, hindi ko po iyon maintindihan at nais ko pong malaman kung ano ang nilalaman ng tula na iyon at ibig sabihin ng tulang iyon, kung inyo pong mamarapatin ay hihingi po sana ako pabor na isalin ninyo ang tula sa tagalog para po sana ay maintindihan ko" tinignan niya muna ako na parang iniisip niya kung tatanggi ba siya o hindi sa pabor na hinihingi ko
"Okay, nasaan ba? Pabasa nga ako" pinakuha ko kay Rosalinda ang tula dahil mahirap nang umakyat baba ng hagdan, nakuha niya ito iniabot saakin, ibinigay koi to kay Patrick, tinitigan niya muna ang tula bago binasa
"Maganda ang tulang ito, sino ang nagsulat?"
"Si Señor Ethan po ginoo" biglang natahimik si Patrick at bakas sakanyang mukha na nalungkot siya sa narinig niya pero ngumiti siya ulit saakin
"I will going to translate this, I mean isasalin ko ang tulang ito sa isang kondisyon" habang nakangiti saakin ng Malaki
"Ano pong kondisyon iyon Señor?"
"Isasalin koi to kung papayag kang lumabas muna tayo"
"Pe-pero po Señor"
"Kung gayon ay hindi ko ito isasalin" nakangiti pa rin siya saakin ng pagkalaki laki, hindi naman siguro masamang pumayag sa kondisyon niya, panandalian lang naman at isa pa kaibigan na din naman anng turing ko kay Patrick, wala namang masama kung pagbibigyan ko siya at para masalin na din ang tulang gustong gusto ko malaman ang kahulugan
"Si-sige po Señor pero ipangako niyo po saakin na isasalin niyo ang tula" bakas sa mukha ni Patrick ang saya dahil sa pumayag ako pero hindi siya nangako na isaasalin niya ang tula, siguro dala na din ng tuwang nadarama niya ngayon, nagayos ako bago sumama kay Patrick, sumakay kami sa kalesa at nagumpisa na itong patakbuhin ng kutsero.
"Maaari ko po bang malaman kung saan tayo tutungo Señor?"
"To my favourite place" Hindi ko naintindihan ang sagot niya saakin kaya hinayaan ko na lamang siya kahit na wala akong kasiguraduhan kung saang lugar kami tutungo. Ilang oras din ang tinagal ng biyahe namin bago marating ang lugar na sinasabi niya.
"Narito na tayo" Namangha ako sa ganda ng lugar, narito kami ngayon sa dulo ng San Francisco, mayroong parola at nakatayong malaking krus, matatanaw mo ang dagat na kulay asul, ngayon ko lamang napuntahan ang lugar na ito kahit matagal na akong naninirahan sa San Francisco, hindi kasi kami gaanong pinapalabas ni papakaya iilang lugar pa lamang ang napupuntahan ko dito, at mga sundalo lamang ang halos pumupunta dito sa dulo ng San Francisco, di ko lubos akalain na ganito pala kaganda dito. Lumabas kami sa kalesa at dinama ang buong paligid, ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ko ang musika ng paligid, dinama ko ang bawat sandal na nandito kami ni Patrick
"Esperanza, bakit ka nakapikit?" napamulat ako ng bigla akong tinanong ni Patrick
"Uhm, kasi po mayroong nakapagsabi saakin na malalaman ang tunay na kagandahan ng paligid kapag pumikit ka at dinama mo ang musika nito" napangiti naman si Patrick sa sinabi ko
"Sino naman ang nagsabi saiyo niyan?"
"Isang mabuting kaibigan" nginitian ko na lamang siya at pumikit muli
"Napakaganda sa lugar na ito diba?" Napamulat ulit ako ng nagsalita ulit si Patrick
"Oo nga po ginoo, maraming salamat at dinala mo po ako sa lugar na ito" nginitian ko siya ng pagkalaki laki, pinapakita ko sakanya na masaya talaga ako "Siya nga po pala bakit po tayo nandito sa lugar na ito?" Nginitian ako ni Patrick at tumingin siya sa dagat
"This place is my favourite place here in Saint Francis, O, I mean that itong lugar na ito ang pinakapaborito kong lugar dito dahil hindi lamang sa maganda nitong tanawin kung hindi mula dito sa kinatatayuan natin ay nakikita natin ang kalawakan ng karagatan kung saan sa tuwing nakikita koi to nararamdaman kong malapit lamang ang aming tahanan at bansa mula sainyo, tanging ang karagatan lamang ang namamagitan sa bansa natin kaya pag nandito ako nararamdaman ko ang pagkakuntento, nawawala ang lungkot at pagkaulila ko sa bansa ko at sa mga magulang at kapatid ko na nasa amerika" tumingin siya saakin at nginitian ako, dama ko ang bawat salita na binabanggit niya, tumatagos ito saaking puso, nararamdaman ko ang pagkangulila niya sakanyang pamilya at bansa, sigurado ako na iniisip din nila ang kalagayan ni Patrick sa mga oras na ito, kung sabagay tama naman siya nakakapagpakalma talaga ang karagatan, ang karagatan na humihiwalay sa bawat kontinente at isla at pati na din sa mga pamilyang nalulumbay, ang karagatan na simula at katapusan ng lahat ng bagay sa mundo, namangha ako kay Patrick dahil kahit na may pagka mapusok siya ay mayroon pa din siyang tinatagong lambot at buti sa loob ng kanyang puso, na kahit na sinong makakaalam ay siyang tunay na mamamangha dahil iba ang Patrick na mahangin, pilosopo, hindi seryoso, mapusok, at palabiro, si Patrick na katabi ko ngayon ay ibang iba sa Patrick na kilala ng lahat sa pang araw araw. Inihatid ako ni Patrick pauwi ng casa, pagdating naming sa may puerta (Gate) ng casa ay magpapaalam n asana ako kaso nabigla ako ng pilit akong hahalikan ni patrick, naitulak ko siya dahil sa pagkabigla
"Gi-ginoo, pa-pasensya na pero masyado po kayong mapusok at mabilis" ngunit nagmatigas pa siya, hinawakan niya ang mga braso ko at pinilit niya ulit akong halikan sa pangalawang pagkakataon, kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili, naitulok ko siya ng malakas at kumalas sa pagkakakapit niya saakin, binuksan ko ang pintuan ng kalesa at nagmamadaling lumabas, hinabol niya ako at hinawakan sa may bandang pulso, napatigil ako at humarap sakanya, hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko.
"I'm sorry Esperanza, I'm really sorry, patawarin mo sana ang aking ginawa, hindi ko sinasadya, nadala lamang ako ng aking damdamin, hindi ko na uulitin, pasesnya na ang pagiging mapusok ko, patawad" patuloy ang aking pag iyak, tinanggal ko ang pagkakakapit ng kamay niya saakin at tuluyan ko siyang tinalikuran at tumakbo papasok ng casa, hindi ko lubos maisip na magagawa saakin ni Patrick iyon pero walang galit na tumanim saaking puso, tanging takot at awa lamang ang nadama ko para sakanya.