Chereads / Until We Meet Again Book I: 1903 / Chapter 5 - KABANATA IV

Chapter 5 - KABANATA IV

Isang buwan ang lumipas, tatlong buwan na ang sinapupunan ni Esperanza, bagama't naging maayos naman ang daloy nang lahat nung nakaraang buwan, walang masyadong nangyari, sinubukan naming ihilom lahat ng nangyari saaming pamilya, masakit man para saamin wala kaming nagawa kung hindi magpatuloy, ipinagpatuloy naming lahat ng naiwan ni papa, pinag patuloy naming ang negosyo niya at ang sakahan na ipinundar nila ni mama, nahirapan man ay pinilit pa rin naming tumayo para sa aming pamilya. Pebrero ngayong mes (buwan), nalalapit na ang bagong taon ng mga tsino, tuwing ganitong bagong taon ng mga tsino ay lumuluwas kami paManila para mamili ng mga recados at kagamitan ng mga tsino, katulad ng porcelana at mga plato. Nandito kami ngayon sa daungan ng San Francisco naghihintay ng barko para ibenta ang mga kalakal papuntang Formosa, nakausap na namin ang Tsinong si Fai Lu para siya na ang bahala sa negosasyon sa Formosa, si Fai Lu ay matalik na kaibigan ng papa, matagal na naming siyang pinagkakatiwalaan sa mga kalakal na iniluluwas papuntang Formosa, sinagapur, acapulco at españa pero dahil bukas na ang kalakalan papuntang America ay nakakapagbenta na din kami ng kalakal papunta doon sa pamamagitan ng tulong ni Fai Lu.

"Ikaw, Señola Espelanza, ano iyong gusto para bili po kita kagamitan Formosa" nakangiting sabi ni Fai Lu

"Bilhan mo nalamang ako ng Porcelas, gracias" nginitian ko din si Fai Lu

"Walang anuman Señola Espelanza, kumusta po pala Señola Leonol?" lumaki ang ngiti ni Fai Lu nang binigkas niya ang pangalan ni Leonor, halos magkalapit lang ang edad nila ni Leonor, may itsura naman si Fai Lu pero at maganda naman si Leonor kaya di nalalayong magkagusto siya sa kapatid ko

"Ikaw Fai Lu ha, parang may gusto ka sa kapatid ko ha, liligawan mo ba siya?" Nakangiting tugon at kantsaw ko sakanya

"Ah eh, ano bayan, di ko alam sabi mo Señola, wala ako gusto Leonol" namumula ang mga pisngi ni Fai Lu at umiiwas ang tingin

"Naku, Fai, kahit hindi mo aminin halata na at kahit bulol ka sa letrang R halata pa din sa mga sinasabi at kilos mo" kantyaw ko sakanya habang nakangiti ng Malaki

"H-hindi nga po señola, naku, lagot ako sigulado kay doña teodola pagnalaman niya, naku" pulang pula na si Fai, halatang halata na hindi niya kinakaya ang pangaasar ko sakanya

"Wag kang magalala fai hindi ko naman sasabihin kay Ina, kailan mo balak ligawan ang aking kapatid? Tutulungan kita diyan Fai"

"Naku, señola kahit gustuhin ko po, Malabo señola, masyado mayaman pamilya niyo señola, sino ba ako señola wala naman señola" lumungkot ang mukha ni Fai habang sinasabi niya ang mga na hindi sila puede ni Leonor

"Fai, maniwala ka lang, kung talagang mahal mo ang aking kapatid hindi dahilan ang antas sa buhay para mahalin mo siya"

"Ate! Ate!"

"O Leonor ikaw pala" Nakangiting sabi ko sakanya, ngumisi naman ako kay Fai Lu at halatang pulang pula siya at nababalisa

"O, porque estas aqui?"

"Nada ate, ibibigay ko lang itong pinadala ni mama na comida (pagkain) at para sabihin sayo na paguwi mo daw ay sabay sabay na tayong pumunta ng Binondo"

"O, sige, gracias mi Hermana (thank you my sister) siya nga pala, kinakumusta ka ni Fai kanina" ngumisi ako at tumingin kay Fai, nagulat naman siya sa sinabi ko at mas lalong nabalisa at kinabahan

"Ah, eh, Oo ay Hindi, ay oo, kumusta Señola Leonol?" balisang balisa si Fai Lu, natawa naman ng bahagya si Leonor dahil hindi pa din nagbabago ang pagbigkas ni Fai Lu kahit ilang taon na siyang nakatira sa San Francisco

"Estoy Bien Fai Lu, Gracias, Tu como estas? (I'm okay Fai Lu, thank you, you how are you?) Tagal na nating di nagkita ha" nginitian niya si Fai Lu na nakapagpula lalo sa pisngi ni Fai Lu

"Kaya nga señola, ngayon lang ulit tayo kita, pelo ganda ka pa din señola" nakayuko na si Fai Lu dahil ayaw niyang mahalata siya ni Leonor

"Salamat este Xie xie Fai Lu, hindi ka pa din nagbabago, bolero ka pa din hanggang ngayon"

"Nangulila ako sayo señola, matagal hindi tayo kita" lalong namula si Fai Lu at yumuko

"Salamat Fai Lu, di ka talaga nagbago, guapo ka pa din este bolero pala" namula bigla si Leonor ng mabigkas niya ang mga salitang iyon

"Nariyan na ang barko" pagsingit ko sakanilang dalawa

"Sige po, paalam Señola Leonol, sa muli natin pagkikita" hinarap ni Fai Lu si Leonor at nginitian

"Sige, Fai Lu, mag-iingat ka ha, Adios" nginitian niya din si Fai Lu

Naglakad papalayo si Fai Lu pati na din kami pero napalingon kami ng narinig naming ang pangalan ni Leonor

"Señola! Señola! MAHAL KITA Señola Leonol!" habang kumakaway si Fai Lu papalayo at sumabay na sa daloy ng mga tao, nagulat kami sa sinabi niya pero sumigaw din si Leonor na ikinagulat ko din

"MAHAL DIN KITA FAI LU, TE AMO! Mag-iingat ka"

"Leonor? Totoo? Mahal mo din si Fai Lu?

"Opo ate, matagal na ate pero di ko lang masabi dahil takot ako" nakayuko na si Leonor at kinakabahan sa gagawin ko

"Ayos lang Leonor, naiintindihan kita, at alam ko na may gusto talaga si Fai Lu saiyo, masaya ako sa nararamadam niyo sa isa't isa" nginitian ko siya para kahit papaano ay maibsan ang kaba niya

"Talaga ba ate? Gracias ate, gracias" nakayakap na siya ngayon saakin ng mahigpit niyakap ko na din siya

"O siya, vamos at baka hinihintay na tayo ni ina, sumakay na tayo ng kalesa pauwi" Paandar na an gaming kalesa nang bigla itong pinatigil ng mga hukbo ng sundalo sa labas

"Bakit tayo tumigil manong? Anong meron?" pagtatakang tanong ko sa kutsero

"Pasensya na po Señora pero pinahinto po tayo ng Heneral"

"Heneral? S-si—"dumungaw ako sa labas at hindi nga ako nagkakamali, siya nga! nginitian niya ako at pinapunta ang kabayo niya papalapit sa amin

"How are you my lady?" ito na naman siya, hindi ko na naman siya maintindihan paano naming makakausap ang isa't isa kung hindi kami nagkakaintindihan

"Uhm, ano kasi, hindi po kita maintindihan Señor, Lo siento"

"Don't worry I know you can't understand me, so I've decided to study your language and also some Spanish, it's a little bit hard but for you my lady I can do everything" nginitian niya ako, yung ngiting nakakatunaw pero hindi naman ako tinatablan, ang haba pa din ng sinabi niya kahit alam niyang hindi ko ito naiintindihan

"Ehem, Kumusta ka na Esperanza?" nakangisi siya ng binigkas niya ang mga katagang yan, nagulat ako kasi marunong siya magsalita ng lenguahe natin kahit iba ang acento niya ay naiintindihan ko ito

"Mabuti naman ako Señor, ikaw kumusta ka na po?" nginitian ko nalang siya para kunwari nagagalak akong Makita siya

"Ayos lang din ako, saan kayo tutungo? Sasamahan na kita, by the way, kailan ka libre? Gusto ko sana ano, uhm, ano, lumabas tayong dalawa"

"Señor wag na po, ayos lang po kami ng kapatid ko, kami nalang po uuwing dalawa, salamat nalang po"

"Hindi esperanza, para makasigurado ako na ligtas ka, sasama na ako dala ko ang aking mga tropa para kahit papaano ay may kasama tayo" hindi ko na napigilan si Ethan, nasa likuran namin ang kalahati ng hukbo at nasa gilid naming siya at nasa harap naming ang kalahati pang hukbo, nakarating kaagad kami sa bahay dahil lahat ng taong nakaharang ay agad tumatabi kapag dumadaan kami, binuksan ko na ang pinto ng kalesa, nagulat ako ng biglang ibinigay ni Ethan ang kanyang kamay saamin para alalayan kami pababa, tinanggap ko nalamang iyon dahil medyo nahihirapan na din ako sa aking tiyan na tatlong buwan na.

"Gracias señor" yan nalamang ang sinabi ko sakanya

"Ano't busy ang isang buntis na kagaya mo sa daungan?" pagtataka ni Ethan

"B-busy? Ano po iyon?"

"Ah that's, uhm maraming ginagawa"

"Ah ganoon po ba, inayos ko po ang kalakal na ibebenta naming papuntang Formosa"

"Ah good, about my question, kailan ka libre?"

"H-hindi ko pa po alam señor"

"Bukas señor libre ang aking ate" singit ni Leonor, agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran

"O really? Yes! So can we go out? Uhm I mean, puede ba tayong lumabas?"

"Sige na ate pagbigyan mo na ang señor" pabulong ni Leonor saakin

"Pero Leonor, buntis ako nakakahiya naman at ayoko din" pabulong kong sabi sakanya habang nakangit ako kay ethan

"Sige na ate, kahit ngayon lang kawawa naman ang señor kung hindi mo siya pagbibigyan" pabulong niyang sagot

"Bahala na, Sige uhm sa bandang alas cuatro ng hapon bukas para hindi maaraw at makakapag ikot tayo sa plaza Francisco" nginitian ko siya

"O really? Yes! Yes! Thank you very much, see you tomorrow, I will go here at your house at exactly 4 o'clock, Thank you, I think I need to go now, goodbye madam, see you tomorrow"

"Paalam Señor" halatang halata ang saya sa mga mata at mukha ni Ethan habang papaalis, natatanaw kong kumakaway pa siya saamin habang naglalakad papalayo ang sinasakyan niyang kabayo, para siyang batang binigyan ng tsokolate na tuwang tuwa, pumasok kami sa bahay at sinalubong kami kaagad ng aming ina at niyakap

"Kumusta? Parang nakita ko na madaming sundalo kanina sa tapat n gating puertahan?"

"Opo Ina, dumating ang manliligaw ni ate, si Heneral Ethan po" nagulat ako sa sinabi ni Leonor kaya kinurot ko siya ulit pero nakatakbo siya

"Manliligaw? Esperanza?" halatang nagtataka si ina sa sinabi ni Leonor

"Naku po ina, hindi po, nakikipagkaibigan lamang po ang señor" nginitian ko si ina para hindi siya magtaka

"Ah ganun ba, sige sige, pumasok ka na sa loob at naghahanda na kami para sa pagpunta natin sa binondo mamaya" naghahanda ng mga susuotin namin ang mga ayudante, halatang tuwang tuwa si Leonor na makakapunta muli kami ng Maynila. Kaya nagaayos siya ng maigi para sa pagpunta naming ng Maynila, pagkatapos naming maghanda ay sumakay na kami ng kalesa apat na kalesa ang dala dala namin, ang una't huling kalesa ay may lamang guardia personal at mga ayudante ang gitnang kalesa ay kaming apat at sa likod naming na kalesa ay walang laman upang lalagyan naming ng mga bibilhin naming mamaya sa Binondo, halos isa't kalahating oras din ang biyahe papuntang Binondo Manila, nakakapagod na biyahe pero masaya naman kami sa mga tanawin na nakikita naming, napakaganda talaga ng Maynila, narito ang naglalakihang simbahan at mga magagandang tahanan, ang Ilog Pasig ay talagang nakakabighani ang ganda, sobrang linaw ng tubig sa ilog, kitang kita ang mga isdang naglalanguyan sa ilog pasig at makikita mo din ang mga pamilyang masayang naliligo at naglalaba sa ilog, napaka abala ng mga tao sa maynila, napakaraming taong hindi magkanda ugaga sa pagbebenta ng mga kalakal at makikita mo na marami rami na din ang mga amerikano sa paligid, kung dati ay puro karamihan ay español ang makikita mo ngayon ay iilan nalamang sila, nang makarating kami sa Binondo bago kami mamili ay nagdasal muna kami sa loob ng simbahan ng binondo pagkatapos ay humiwalay kami ni Leonor kay Ina, si Samuel din ay humiwalay gusto niya daw magikot-ikot para makita ang ganda ng Binondo, may kanya kanya kaming ayudante at guardia personal na dala, ang daming tsino sa paligid, nagbebenta ng mga porcelana, mga alahas at iba pang kagamitan at pagkain, marami ding taong abala pamimili, dumaan kami ni Leonor sa isang tindahan ng mga alahas, nakalagay sa cartola sa itaas ng tindahan ay Domingo Chang Tienda de Joyas. Napakaraming alahas sa loob, ang gaganda ng mga bato, diamante, rubi at iba pa, may nakapukaw sa atensyon koi sang ginto na may diamanteng porcelas, itinuro ko yon sa tinderong tsino pero biglang may umagaw nito saakin

"Bibilhin ko na ito, Cuanto ese?" dahan dahan kong nilingon ang umagaw saakin ng porcelas, nagulat ako dahil si Dolores, si Dolores na anak ni Don Rafael ang umagaw sa Porcelas na dapat ay bibilhin ko

"Lo siento Dolores pero saakin yata ang hawak mong porcelas, nauna akong makakita at makakuha ng porcelas na iyan"

"Kanina lang iyon Esperanza pero ngayon hawak ko na, ibig sabihin saakin na" pagsusungit saakin ni Dolores na ikinagulat ko dahil kalmado kong sinabi sakanya ang mga gusto kong sabihin

"Marami pang iba diyan Dolores, nauna ako diyaan, at bibilhin ko yan"

"No Esperanza esto es mia" nginitian niya ako na parang iniinis

"Sige, kung iyan ang gusto mo, pero sana naman naghanap ka nalang ng iba hindi yung hawak ko na kanina, inagaw mo pa" kalmado kong sabi sakanya, akmang sasampalin na sana ako ni Dolores pero nahawakan siya ni Leonor

"Que demonio! Que estas haciendo Dolores? Estas loca? (What the hell! What are you doing Dolores, are you insane/crazy?)" pagsusungit ni Leonor kay Dolores habang hawak niya ang kamay ni Dolores

"Ano ang balak mong gawin señora? Pagbubuhatan mo ng kamay ang aking kapatid?" nagsimula nang magtinginan ang mga tao sa aming paligid, nagsimula na silang magusap usap patungkol sa nangyayari saamin

"Yan ba yung anak ni Del Olmo at ni Gonzales?"

"Bakit sila nagaaway?"

"Mga escandalosa pala iyang mga yan, parang walang pinagaralan"

"Que lastima! (what a pity) nakakahiya sila, mga anak mayaman pa naman tapos ganyan"

"Que babaeng tao tapos ganyan, nakakahiya"

"Kahihiyan ito sa lahi nila, lalo na't dala dala nila ang apilyido ng mga ama nila"

Iyan ang mga naririnig ko saaking paligid kaya hindi ko na napigilang hindi magsalit at pigilan na si Leonor para makaiwas na sa mga tsismosa

"Leonor, tama na, kung ayaw niya ibigay saakin, sakanya na yang porcelas na yan, vamos Leonor" binitawan na ni Leonor ang kamay ni Dolores at sinungitan niya si Dolores at sumama na saakin papalabas ng tindahan ng mga alahas

"Ate, pinapabayaan mong apihin ka ng estupidang demoniong iyon"

"Maghunos dili ka sa mga sinasabi mo Leonor"

"Pero ate, hindi tama yung ginagawa niya"

"Alam ko Leonor pero hindi din tama na awayin at sabihan mo siya ng mga faltang salita"

"Pasensya na ate pero sa susunod na gawin niya ulit iyon ate, makikita niya hinahanap niya"

"Naku Leonor huwag, tandaan mo hindi maganda sa isang babae ang nakikipag away"

"Wala sa kasarian o genero ang pakikipag pagtalo lalo na kapag inaapi ka na ate"

"Pero salamat pa din Leonor, kung wala ka baka bumakas na sa mukha ko ang palad ni Dolores"

"De nada ate" niyakap niya ako at ganun din naman ako "Hindi ako makakapayag na inaapi api lang tayo ate kaya handa kong ibuwis ang buhay ko maipagtanggol lamang ang ating pamilya"

Nagpatuloy kami sa pamimili at paglalakad sa buong binondo, sinubukan din naming sumakay ng Bangka para makita namin estero de Binondo na sikat na sikat sa bayan naming dahil sa angking ganda daw nito, di nga sila nagkakamali, maganda nga ang Estero de Binondo, matatanaw ang naggagandahang casa sa gilid ng Estero at ang linaw din ng tubig kitang kita ang isdang mga lumalangoy sa tubig ng estero. Medyo lumaya kaming gumalaw ng kakaunti dahil simula ng dumating ang amerikano may pagkamaluwag ang pinapairal nila. Pinayagan na ding magaral ang mga kababaihan at mahihirap sa tulong ng tinatawag nilang Thomasite ay natututo nang mag-Ingles ang mga Pilipino. Natalo ang mga Pilipino kontra Amerikano nung nakaraang taon, unti unting humina ang kapangyarihan ng simbahan, binili ng amerikano ang ibang lupa ng mga prayle at binigay sa mga walang lupang magsasaka, maraming mga bagay ang nabago mula nang nagkaroon ng transisyon mula rehimeng español papuntang rehimeng amerikano, mahirap kung iisipin pero wala na kaming nagawa kung hindi sundin ang daloy ng panahon.