Enero 1, 1903
Dahan dahang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan ng santo domingo sa intramuros, dahan dahan ding naglalakad si Esperanza papunta sa altar, masaya ang lahat ng Makita siyang naglalakad sa gitna at ang lahat ay natutuwa at magiisang dibdib na si esperanza at carlos, matagal tagal din bago naging matagumpay ang kasalan nila Carlos at ni Esperanza, si Carlos Del Olmo ay ang panganay na anak nang hacienderong si Don Rafael Del Olmo, isang purong español na nakapangasawa ng pilipina, si Don Rafael Del Olmo ang may hawak ng buong San Francisco, siya din ang gobernador ng San Francisco, sakanya halos umiikot ang lahat ng kinakailangan, pati na ang mga kalakal na niluluwas papuntang Manila. Samantalang si Esperanza Gonzales ay panganay na anak ni Don Miguel Gonzales, isang mestizo español, na matinding kaaway ni Don Rafael, dati silang matalik na magkaibigan ngunit dahil sa agawan sa puesto sa pagiging gobernador ng bayan ng San fransisco, di lamang sa posisyon pati na din sa mga kalakal na pinapadala sa manila ay pinagtatalunan din nilang dalawa kung sino dapat ang mangangasiwa dito, ngunit dahil purong kastila si Don Rafael at malapit siya sa Gobernador Heneral, siya ang pinaburan ng hukuman at ng Gobernador heneral upang mangasiwa sa mga kalakal at maging Gobernador ng bayan ng San Francisco, laking pagka dismaya ni Don Miguel sa naging desisyon ng Korte at ng Gobernador Heneral pero dahil ito nga ang naging pasya wala siyang nagawa kung hindi sundin nalamang ito, kaya lahat ng mga kalakal na inililikom niya ay pinapadaan muna ito kay Don Rafael, at sa kasamaang palad malaki ang buwis na ipinapataw ni Don Rafael sakanya at dahil doon nalugi ang ilang negosyo ni Don Miguel at ito'y nagsara, hindi naman nawala sa antas ng pagiging isa sa mga mayayaman at maimpluwensyang tao si Don Miguel ngunit nabawasan ang yaman nila ng kanyang pamilya dahil kay Don Rafael.
"estás bien? (Are you okay?)" pabulong na sabi ni Don Miguel habang nakahawak sa braso niya si Esperanza
"Si, papa (Yes, papa)" at nginitian siya ni Esperanza
"Muy bien, Felicitationes mi amor (Very good, congratulations my love)" Pabulong na sabi ni Don Miguel habang papalapit sila kila Carlos
"Gracias papa, gracias (Thank you papa, thank you)" ngumiti ulit si Esperanza habang mahigpit na hinawakan ang braso ng kanyang ama
Ibinigay na ni Don Miguel ang kamay ni Esperanza kay Carlos at ngumiti si Carlos at tumingin sa mga mata ni Esperanza. Nagumpisa ang kasal sa dasal ng pari, pagkatapos ay nagbasa si Leonor kapatid ni Esperanza ng pahina sa biblia, sunod naman ay nagsermon na ang pari patungkol sa binasa ni Leonor at sa kanilang dalawa, pagkatapos ay tumayo na ang lahat para sa pagiisang dibdib ng dalawa.
Yo, Carlos Del Olmo y Rivera, te tomo a ti Maria Esperanza Gonzales y Patrimonio, como mi esposa.
Prometo serte fiel en lo próspero y en lo adverso,
en la salud y en la enfermedad.
Amarte y respetarte todos los días de mi vida.
(I, Carlos Rivera Del Olmo, take you Maria Esperanza Patrimonio Gonzales, to be my wife. I promise to be faithful to you in prosperous times and adverse times, in healthy times and times of sickness. To love and respect every day of my life.)
Yo, Maria Esperanza Gonzales y Patrimonio, te tomo a ti, Carlos Del Olmo y Gracia, como mi esposo.
Prometo serte fiel en lo próspero y en lo adverso,
en la salud y en la enfermedad.
Amarte y respetarte todos los días de mi vida.
(I, Maria Esperanza Patrimonio Gonzales, take you Carlos Gracia Del Olmo, to be my husband. I promise to be faithful to you in prosperous times and adverse times, in healthy times and times of sickness. To love and respect every day of my life.)
Hinawakan ng sacerdote ang kamay ng dalawa at tinanong
Carlos Del Olmo y Gracia tomas tu a Maria Esperanza Gonzales y Patrimonio como tu esposa,
prometes amarla, respetarla,
protejerla abandonando a todo y dedicandote solo a ella?
(Carlos Del Olmo y Gracia, do you take Bride Maria Esperanza y Patrimonio to be your wife,
to love her, to respect her,
and to protect her, abandoning all others and dedicating yourself only to her?)
"Si! Padre" Tugon ni Carlos at sinuot niya ang gintong singsing na may mga diamante at ruby
Maria Esperanza y Patrimonio, tomas tu a Carlos Del Olmo y Gracia como to esposo,
prometes amarlo, respetarlo,
protejerlo abandonando a todo y dedicandote solo a el?
(Maria Esperanza y Patrimonio, do you take Carlos Del Olmo y Gracia to be your husband,
to love him, to respect him,
and to protect him, abandoning all others and dedicating yourself only to him?)
"Si! Padre" tugon naman ni Esperanza, sinuot siya din ang singsing kay carlos
"Ahora puedes besar a la esposa (You may now kiss the bride)" sabi ng pari
Hinalikan ni Carlos si esperanza at nagpalakpalakan ang lahat, dama ang saya sa lahat ng tao sa paligid ng makita nila ang magasawang Del Olmo na naging isa, pagkatapos ng kasal ay isang magarbong handaan ang sumalubong sa lahat,may lechon, paella, kaldereta at iba pang klase ng mga putahe, sa Casa Del Olmo ginanap ang handaan, dinaluhan ito ng mga mayayaman at maiimpluwensyang tao di lamang sa San Francisco pati na din ang mga kilalang tao sa karatig lugar, dumalo pati na rin ang kuraparoko ng San Francisco na si Padre Azul, dumalo din pati na ang arso bispo at mga obispo, at dumalo din sa handaan pati na ang Gobernador heneral na may daldalang hukbo ng guardia civil, ang mga di gaanong mayayaman ay nasa labas ng casa. Masayang tugtugin ang maririnig at mga halakhak ang maririnig sa salo salo, "Viva del olmo! Viva! Viva Gonzales, Viva!" sigaw ng mga kalalakihan na may hawak na vino (wine), nakaupo sa may gitnang lamesa ang magasawang Del Olmo.
"Mi amor, te amo (My love, I love you)" sabi ni carlos kay esperanza, tinugon naman ito ni esperanza, "Mahal din kita, Mi amor" sabay halik kay carlos
"Masaya ako mahal ko at tapos na ang sigalot sa pamilya nating dalawa, masaya ako at tayo ang nagkatuluyan at nalagpasan natin lahat ng pagsubok na hinarap natin" sabi ni Carlos habang bakas sakanyang mga ngiti ang may kaunting pagaalala
"Kaya nga mahal ko, pangako ko saiyo mahal ko na hinding hindi kita iiwan" Tugon ni esperanza habang nakasandal sa balikat ni Carlos
Habang naguusap silang dalawa ay lumapit si Leonor sakanilang dalawa dala dala ang hawak nitong regalo para sa magasawa
"Buksan niyo na dali, masaya ako para sainyong dalawa, noon palang ay suportado na ako sa pagiibigan ninyo ate at kuya, ngayon kasal na kayo wala nang hahadl—"
Isang putok ng baril ang umalingawngaw, agad itong nagdulot ng pangamba sa lahat, ang mga bisita ay agad napatayo sa kanikanilang mga kinauupuan, ang mga kalalakihan ay agad naghanda, samantalang ang mga kababaihan naman ay tumayo at nagsama sama sa isang silid ng mga del olmo, ang mga guardia personal na nasa loob ng hacienda ay agad in-escortahan ang magasawang del olmo, pati na din ang pamilya nila, ang mga mahahalagang panauhin at agad pinapasok sa isang cuarto. Isang putok muli ng baril ang umalingawngaw at mas lalong nataranta ang mga taong nasa loob ng casa, ang mga taong nasa labas ng casa ay agad nagkalasan at nagtakbuhan ang iba naman ay sumakay ng kalesa at umalis papalayo sa casa del olmo, ang gobernador heneral at ilang kaparian ay idinaan sa likuran ng casa upang maitakas, naghigpit ng seguridad ang mga guardia civil upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat, dumami ang alingawngaw ng putok ng baril, nagpalitan ng putok ng baril ang mga guardia civil at hindi pa mga kilalang kalaban, mas lalong naging madugo ang labanan sa pagitan ng dalawang panig, minabuti nang itakas ang ilan pang personalidad na nakatago sa mga silid o cuarto, binilisan nila ang pagkilos upang sa gayon ay walang mangyayaring masama sakanila, naiwan ang mga Del Olmo at Gonzales sa loob, kaya't nagdesisyon na din ang padre de pamilya ng bawat pamilya na paalisin na din ang kani kanilang mga anak, kinuha ng guardia civil ang mga anak at asawa ng Del Olmo at Gonzales, idinaan din ito sa likurang bahagi ng casa kung saan hawak pa ng mga guardia civil, ang mag asawang del olmo naman ay sunod na pinatakas ngunit bago sila umalis niyakap ni esperanza ng mahigpit ang kanyang ama.
"Papa, sumama na kayo ni Don Rafael, ayaw kong may mangyari sainyong masama papa" nakayap si esperanza habang umiiyak
"Sige na anak, mauna na kayo, mag-iingat kayo, kaya ko ito anak, kailangan kong tulungan si Don Rafael, kailangan ko siyang tulungan upang maprotektahan ang kanilang tahanan"
"Pero papa"
"Sige na anak umalis na kayo, Carlos kunin mo na ang aking anak, ipangako mo saakin Carlos na aalagaan at iingatan mo ang pinakamamahal kong anak, maging tapat kang asawa sakanya at gayon ka din esperanza maging tapat na may bahay ka sa iyong asawa, aalagan at mamahalin ang isa't isa, mahal na mahal ko kayo, sige na umalis na kayo, bilisan niyo!"
Tumakbo papalabas ng casa ang magasawang Del Olmo, sumakay sila ng kalesa kasabay ang mga guardia civil, kasama nila sa loob si Leonor at si Samuel na kapatid ni Esperanza, nagmamadali ang kutsero sa pagpapatakbo ng kabayo nang biglang isang putok ng baril ang tumagos sa kanilang kalesa.
"Mamang Kutsero, Dalian mo!" sigaw ni Samuel, umiiyak na si Leonor sa mga nangyayari
"Opo, señor"
"Ca-carlos!!!" sigaw ni Esperanza habang tarantang taranta
"CARLOS!!!! HINDI!!"
"Ano nangyari ate? H-hindi"
"L-leonor, pakisabi sa kutsero idaan kay doctor felipe ang kalesa, bilis!" tarantang taranta si Esperanza.
"M-mamang kutsero, magiba ka ng daan, kumanan ka sa may fiat, pupunta tayo sa bahay ni Doctor felipe! Bilis!"
"E-esperanza"
"Carlos lumaban ka carlos, lumaban ka"
"Mahal na mahal kita esperanza, te quiero mucho, wag mong papabayaan ang sarili mo ha, pati na din ang magiging anak natin, kung hombre, ipangalan mo ay Carlos pero kung mujer Sofia"
"Carlos wag kang magsasabi nang parang iiwan mo na ako, lumaban ka Carlos"
Sa tahanan ni Doctor Felipe
"D-doctor felipe, k-kumusta na po ang aking asawa?"
"Malubha ang pagkakatama ng bala sa kanyang likuran, natanggal ko na ang bala pero hindi pa rin gising si Don Carlos, sa mga ganitong oras kailangan nating hingin ang pagpapala ng dios, dahil malubha ang kalagayan niya"
Napaluhod si Esperanza, di niya napigilang umiyak ng umiyak, hindi kinaya ni Esperanza ang narinig niya lumapit sakanya si Leonor at itinayo siya ng dahan dahan
"Doctor, maawa ka, kakakasal lang naming ng aking asawa, at dos mes na akong nagdadalang tao"
"B-buntis k-ka ate?"
"Tama ang iyong narinig Leonor, buntis nga ako, kaya doctor Felipe, gawin mo lahat ng makakaya mong gawin, kahit magkano ay handa akong magbayad mapagaling mo lamang ang aking asawa doctor felipe" Umiyak ng umiyak si Esperanza habang hawak ng kanyang dalawang kamay ang kamay ng doctor. Sinubukan gawin ng doctor ang lahat ng makakaya niya pero huli na ang lahat, walang nagawa ang doctor dahil malubha ang naging tama ng bala kay Carlos.
"P-patawad señora pero wala akong nagawa, patawad"
"H-hindi, h-hindi y-yan totoo, hindi, Carlos, Carlos, gumising ka Carlos, hindi, Carlos wag mo kong iwan Carlos, hindi totoo to, Carlos, Carlos! HINDI!"
MULA SA AKING HARDIN
(De Mi Jardin)
ni José Palma
Humingi ka ng mga sampaguita, 'di kita bibigyan,
Me pide sampaguitas, no te envio
Dahil nang puputulin ko na sa mga sanga'y
Porque al ir a cortarlas de la rama,
Nanginig ang aking kamay at ang dibdib ko'y
Senti temblar mis manos y mi pecho
Nanikip dahil sa awa.
Prensado por la lastima.
Ayokong magdusa ang mga bulaklak na iyon,
No quiero que padezcan esas flores,
Gaya ng pagdurusa ng puso kong malayo sa iyo;
Como padece, lejos de ti, mi alma;
Ayokong sa sandaling hawakan ng aking kamay,
No quiero que al contacto de mis manos,
Iya'y malanta at mamatay.
perezcan marachitadas.
A/N
So hola haha kumusta? Ang haba ba? Congrats Hahaha pasensya na, salamat ulit sa bumasa at siempre sa tutuloy na babasa