Mahal na mahal ko siya. Oo lagi akong malapit sa kanya. Lagi ko siyang nakikita. Masaya man o malungkot. Kahit saan siya magpunta ay nandun din ako. Hindi niya ako anino, at lalong hindi ako multo! Unang beses ko pa lang siya makita pinangarap ko na siya, libre naman ang mangarap 'di ba?
Alam ko naman kasing hanggang doon na lang talaga. Hanggang pangarap ko lang siya. He's so near, yet so far. I can reach him and yet I can't. Magulo?
Pero paano ba naman kasi ako mapapansin ng isang prinsipe ng school? Isa lang akong simpleng babae at mamamayan. All I can do is stare at him from afar. I can't reach him, because he's a star, the brightest star for me. Pero siya? He doesn't know my very own existence.
But still, I'm always here. Following him. Because... I'M HIS STALKER.