Chereads / I Am His Stalker / Chapter 5 - Gian's Story(Part II)

Chapter 5 - Gian's Story(Part II)

Napangiti ako. Kelangan pa pala akong sabihan ng advice para matuto, oo nga tama, bakit ako susuko nang hindi ko man lang siya napapaglaban? Bakit ko siya i-lel-et go kung alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. I made up my mind, no matter what it takes. I'll tell her I love her, bahala na kung tatanggapin niya ako o hindi.

Nagpahatid ako sa kanila. Pero sa may park pa lang ay nakita ko na siya. Wait, is she crying? Ayoko man pero nasasaktan din ako. Nakayuko siya kaya hindi niya ako nakitang papalapit. Nakita kong nasa tabi niya 'yung teddy bear at scrap book, is she crying because of that?

Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Tama na pagiging torpe! Kumuha muna ako ng panyo at inabot iyon sa kaniya. "Here. Wipe your tears." Agad-agad siyang nagtaas ng mukha. Napatigil siya sa pag-iyak at natulala. Lumuhod ako at pinantay ko ang mukha ko sa kaniya. Then, I gently wipe her tears. Nakatingin lang siya sa akin. God! She's still beautiful even if she's crying! "You know what? I might melt so stop staring at me, I know I'm handsome, stop crying, I don't want to see you crying. You see puma-panget ka 'pag umiiyak." biro ko sa kaniya. Surprisingly, hindi ako nakakaramdam ng pagkailang kahit pa alam kong alam na niya ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin. Parang may kamay na humaplos sa puso ko. Hinawakan niya ang mukha ko na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako.

"I-ikaw ba talaga iyan?" parang naniniguro niyang tanong.

"Uhm, yeah? Unless my kakambal ako." biro ko sa kaniya. Kinurot niya ako bigla sa pisngi kaya naman napa-Aww ako.

"Totoo ka nga!" tuwang sabi niya sabay yakap sa akin.

Teka, n-niyakap niya ako? 'Di ako makagalaw. 'Di ako makapaniwalang niyakap niya ako. Ako yata ang nananaginip eh.

"Akala ko umalis ka na talaga! Akala ko iniwan mo na ako! Akala ko hindi na kita makikita!" sunod-sunod na sabi niya habang umiiyak pa din.

Lalo akong nagulat sa mga sinabi niya, nilayo ko siya at tinitigan. "Ayaw mo akong umalis?"

"Oo naman! Salbahe ka! Akala ko umalis ka na! Umalis nang hindi ko man lang nasabi sayo na..." napatigil siya at namula.

"Na?" tanong kong pinipigilang mangiti.

"Na ano na.. Stalker ka! Lagi mo pala akong sinusundan!"

Napangiti na ako nang tuluyan at pinisil ko siya sa ilong. "Bakit? Stalker din naman kita ah! Kelan ka pa nagkakandarapa sakin?" biro ko sa kaniya.

Pinalo niya ako pero mahina lang. "Tse! 'Di ako nagkakandarapa sayo 'no!" mataray niyang sabi at umirap pa.

"I love you." Napatigil siya at tumigin sakin. "Sorry kung ngayon ko lang nasabi na-torpe kasi ako. Tapos nalaman ko pang may mahal ka na palang-" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi... kasi...

Hinalikan niya ako at napatulala ako. God!

Humiwalay na siya sa akin pero ramdam ko pa rin ang malalambot niyang labi sa labi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang ginawa niya. "Sinong mahal ko? Baliw! Ikaw lang 'yun! Sino ba ang sinusundan ko?"

"Eh pero kasi, nakita ko kayong nag-kiss tapos ang sweet nyo pa." paliwanag ko. Para akong isang bata na nagda-dahilan sa magulang niya,

"Ahh, kaya pala. Si Renz 'yun! Bestfriend ko. Wala lang 'yun. Baliw kasi 'yun eh! May girlfriend na kaya siya kaya huwag mo na siyang pagselosan."

I smiled widely like a child having his icecream. Tama nga si kuya. Buti nakinig ako sa kaniya kun'di baka nawala na siya ngayon.

"Bakit ka nandito? Akala ko umalis ka na? Akala ko ni-le-let go mo na ako?" malungkot niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Oo, aalis na sana ako, pero 'di pala kita kayang iwan. At binabawi ko na, hindi na kita ni-le-let go." mabilis kong paliwanag para hindi na siya malungkot pa.

Namula siya bigla, I kissed her forehead at dinikit ko ang ilong ko sa ilong niya. "Do you love me too?" I asked with a nervous smile. Please say yes.

"Palagay mo?" ganting tanong niya.

"I wanna her you say it.."

She smiled and said "I love you too."

I smiled too and kissed her lips pero saglit lang. "Hindi pa pwedeng maging tayo."

"Ha? Bakit? May iba ka? Aalis ka pa rin? Kayo na ulit ni misty?" sunod-sunod niyang tanong.

Natawa na lang ako dahil sa reaksyon niya at may naalala.. "Nakita mo na nakipag-break siya sa akin?" taka kong tanong sa kaniya.

Tumango siya. "Umiyak ka pa nga eh."

N-nakita niya ako? Paksyet nakakahiya! That's so gay! "'Di naman siya dahilan nun eh, ikaw." mahinang sabi ko sabay kamot sa batok.

"Huh? Ako? Anong ginawa ko?" takang-takang tanong niya.

"Kasinakitakitangmaykahalikangiba." mabilis kong sabi sabay iwas ng tingin.

"Ah, toinks! Umiyak ka dahil dun? Haha!" tumawa siya ng tumawa. Pinagtawanan pa ako, siya na nga dahilan. "Sorry, sorry! Natawa lang ako! Ganun mo pala ako kamahal?" sabi niya na pilit pinipigilang tumawa.

"Oo na!oo na! Ikaw din naman baliw na baliw sa akin!"

Umirap lang siya. Cute. "So, bakit 'di pa pwedeng maging tayo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Bakit atat ka nang maging boyfriend ako?" I said teasing her. Ako din naman eh, I want her to be my girl, kaso kasi gusto ko lang magkakilala muna kaming mabuti. Kahit pa kilala na namin ang isa't-isa/

"Tse!" mataray niyang sabi.

I chuckled. "Eh, kasi I want us to know each other first, 'di naman porke't nagkaaminan na tayo, pwede na. Ang pangmatagalang relasyon ay hindi dapat na minamadali at iyon ang gusto ko, gusto kong ikaw lang ang maging ka-relasyon ko hanggang sa dulo."

Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa sinabi ko at niyakap niya ako ng mahigpit. "Naiintindihan ko at ako rin, gusto kong ikaw na ang makasama ko hanggang sa tumanda tayo."

"Gusto ko na habang nililigawan kita ay lalo nating makilala ang isa't-isa."

"Okay! Ay, wait, ano nga pala ang ibig sabihin ng MR. S?"

Napakamot ako sa ulo. "Mr. Stalker."

"Sus! May nalalaman ka pang ganun! So, ano, sa london ka pa din mag-aaral?"

I shook my head. "Hindi na, dito na lang, nandito ang mahal ko eh."

Namula siya ulit dahil sa sinabi ko. "Ang cheesy mo!" sabay mahinang hampas sa braso ko.

"Ganun talaga 'pag in-love! Kiss mo ako!" paglalambing ko sa kaniya.

"Asa ka! Hindi pa tayo 'no!"

Kainis naman! Pero sige na nga! Bawi na lang ako! Noon ding oras na 'yun, sinimulan ko na siyang ligawan. I told my mom to cancel my flight at sabi ko din na dito na lang ako mag-aaral. At sinabi ko din na nililigwan ko na si Jillian. Tuwang-tuwa siya para sa akin, sila ni Kuya. Sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. Dahil sa kaniya, natauhan ako at naging masaya.

I will do anything for her. I will make her happy everyday. I will make her love me even more. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay at sa totoo lang, siya na lang nakikita kong makakasama ko sa habang buhay.

WHEN she turned eighteen ay ginawa na naming official ang relasyon naming dalawa. Masaya kami at lalong tumibay ang relasyon namin. Ipinangako namin sa isa't-isa na kahit ano'ng mangyari ay kami pa rin hanggang sa dulo. HIndi namin kinakalimutan ang mga nangyari noon dahil iyon ang nagsilbing daan para maging kami.