Chereads / I Am His Stalker / Chapter 3 - Jillian's Story(Part II)

Chapter 3 - Jillian's Story(Part II)

UWIAN ay dumiretso na ako sa labas ng gate para hintayin siyang lumabas. Kaya lang na-disappoint ako. May susundo sa kanya. 'Di ko siya masusundan. Madalas kasi naglalakad lang siya, nagtataka din ako kasi mayaman siya pero naglalakad siya, well, pabor din naman sa'kin 'yun. Kaya lang ngayon nga mukhang hindi ko siya masusundan. Badtrip naman! Maya-maya ay nakita ko na siyang lumabas at sumakay sa kotse at umalis na. Oh, well, ano pa ba? E 'di umuwi!

Bandang hapon nang mainip ako kaya pumunta ako sa may park malapit sa amin, ang tahimik, wala mas'yadong tao. Napapikit ako para samyuhin ang ihip ng hangin. Nangingiti din ako dahil biglang pumasok si Gian sa isip ko. 'Yung gwapo niyang mukha. Tae para akong baliw dito!

I sighed. 'Di kumpleto ang araw ko kapag 'di ko siya sinusundan eh. Naging habit ko na, bad habit. Napangiti ulit ako dahil next week ay Graduation na namin. Masaya ako s'yempre pero malungkot din kasi hindi ko na siya makikita, sa ibang bansa daw kasi siya mag-aaral eh. Wala kaya talagang pag-asa? Gayumahin ko kaya? Paksyet! Obsessed na nga ata talaga ako! Natigil ako sa pag-e-emote nang may lumapit sa'king bata at may inabot na teddy bear.

"Pinapabigay po sa inyo!" nakangiting sabi nung bata.

"Ha?nino?" taka kong tanong sa kaniya.

Nagkibit ng balikat ang bata. "''Di ko po alam pero sabi niya sabihin ko daw sa'yo kay Mr. S galing."

"Ha? Mr. S? Sino naman 'yun?" taka kong tanong.

Nagkibit lang ulit ng balikat 'yung bata at umalis na. Tinignan ko 'yung teddy bear, kulay brown ito ay may hawak na puso. Ang kyut! Niyakap ko 'yung teddy bear. Mr. S? Napansin kong merong nakalagay sa tiyan nung teddy bear na 'press here'. Pinindot ko iyon dahil wala naman akong nakitang masama.

Nagulat ako nang biglang may tumunog. HIndi ko alam kung coincidence pero itong kantang ito rin ang kanta ko para kay Gian. Photograph by Ed Sheeran.

Loving can hurt

Loving can hurt sometimes

But it's the only thing

That I know

And when it gets hard

You know it can get hard sometimes

It is the only thing that makes us feel alive

Hanggang matapos 'yung kanta ay nag-iisip pa din ako. Who is Mr. S?

DUMATING ang ng Graduation Day. 'Di ko makuhang maging masaya nang tuluyan. Si Gian? Ayun valedictorian, matalino siya eh. Masaya ako para sa kaniya. Habang umaakyat siya sa stage ay sinusundan ko lang siya ng tingin, this might be the last time na makikita ko siya. And it's making me feel so sad. Nang matapos kami ni Inay, ikinain niya ako sa isang simpleng restaurant kasi natutuwa daw siya at sa wakas ay nakatapos na ako.

Oo nga pala, may scholarship ako sa college, sobrang saya ko nga eh. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na din kami, pero nang mainip ako ay lumabas ulit ako at dumiretso sa park. Wala na ulit pinadala 'yung Mr. S, pero hanggang ngayon ay iniisip ko kung sino ang posibeng siya at ano ang meaning ng Mr. S?Mr. Sunget? Mr. Swanget? Or Mr. Superman?

Toinks! Para akong tanga! Haay, goodbye high school life! Welcome, college life! Be good to me! Pumikit ulit ako at pinilit isipin ang gwapong mukha ni Gian. 'Di man kita makita, lagi ka lang nasa isip ko. So, parang nakikita pa din kita, sabi nga sa kanta. You will never leave my mind. 'Di ako aware na naiiyak na pala ako kung hindi ko pa naramdaman na may pumatak na luha sa mata ko.

"Oi Ambi! Para kang tanga diyan!"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Renz nakangiti habang naglalakad palapit sa akin. "Che! Bakit ka ba nandito?" umirap ako sa kaniya at pinunasan ang luha ko.

"Bakit? Iyo to iyo?" nag-aasar niyang sabi sa akin at tumabi sa kinauupuan ko. Inakbayan niya ako at sinabing "So, ano'ng iniiyak ni Ambi? 'Yung star mo na naman 'no?"

Napabuntong-hininga na lang ako, kahit kailan talaga 'di ko na siya nalihiman. "Wah! Naman eh! Pinapaiyak mo pa ako lalo!" napahawak ako sa mata ko para pigilan ang sarili kong mapaiyak.

Bigla niya akong niyakap. "Ssh! Okay lang 'yan, iiyak mo lang para sa'n pa 'tong macho kong dibdib 'di ba?" mayabang na sabi niya.

Pinalo ko siya sa dibdib. "Tse! Maya ka talaga!" nakairap kong sabi sa kaniya.

"Ayos lang 'yan, Ambi, may makikita ka pang iba! Tignan mo ako, oh!"

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin sa kanya, "Oo nga pa 'no? Teka kayo na?" Ang alam ko kasi ay may nililigawan siya.

Napakamot siya sa ulo "Ah, eh, oo, kahapon lang."

"Talaga? Happy ako para sa'yo! Naks! Akalain mo may nabingwit si Maya! Haha!" biro ko sa kaniya pero totoong masaya ako para sa kaniya.

"Salamat Ambi!" nakangiting sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Ngumiti lang ako, buti pa siya masaya na, ako eto sugatan ang puso. Hay buhay.

DUMAAN ang mga araw, excited na akong magpasukan! Isang araw ay naisipan kong pumunta ng coffee shop kung saan madalas ko siyang sundan. Grabe, para kong tanga! Tino-torture ko ang sarili ko eh!

Oorder pa lang sana ako kaso may nagbigay na sa akin ng favorite kong Mocha. "Wait, 'di pa ako umo-order ha?" takang tanong ko sa nagbigay.

"Ahm, may nagpabigay eh, 'yung lalaking kakaalis lang."

"Ha? Sino daw?" gulat kong tanong.

"Mr. S daw eh."

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong lumabas para habulin siya pero wala na akong nakita, 'di ko na siya naabutan. Laglag ang mga balikat akong bumalik ako sa loob at naupo sa table ko and I'm very surprised to see a teddy bear again together with a scrap book. Akin ba 'to? Umupo ako at tinignan ko 'yung bear, nakita ko sa teddy bear ang mga salitang 'To:jillian'. Kinuha ko ito at pinindot.

I can still remember yesterday

We were so in love in a special way

And knowing that your love

Made me feel... Oh... So right

Eh? Bakit ganto yung kanta?

I wish that it could be

Just like before

I know I could've given you

So much more

Even though you know

I've given you all my love

Binuksan ko 'yung scrapbook at nagulat ako sa nakita kong laman nito. Puro mga litrato ko! May nakangiti ako, nakapikit, malungkot, at t-teka? Parang alam ko itong mga lugar na 'to ah. Meron pang 'yung nasa park ako habang nakapikit at sinasamyo ang hangin at meron din nung yakap ko 'yung bear, ano ang ibig sabihin nito? Ito 'yung mga lugar kung saan-

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may magsalita bigla sa bear. "Hey, ahm, I don't know how to say this but ahm, ano, sorry kung 'di ako nakapagpakilala man lang sa'yo. Alam kong nagugulat ka, and yes, I took those pictures of yours. Yes, you can say that I'm a stalker pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na, simula pa lang noong araw na makita kita, two years ago, minahal na kita, and yes, I've been stalking you for two years. Tinitignan kita mula sa malayo, pero sa tingin ko ay 'di na kailangan na i-stalk kita kasi parang ganun ka din. Funny, right? I'm stalking you, and you're stlaking me too. Natatawa nga ako, I'm happy to know that you might feel the same way too. Pero parang mali pala ako. May mahal ka nang iba. I'm sorry kung ngayon ko lang ito sinasabi, ngayon lang ako nagkagusto pero parang mawawala pa. But Jillian Perez.. bago kita tuluyang pakawalan ay gusto kong sabihin sa'yo na... mahal kita."

'Di ko alam pero tumulo na ang luha ko. Wala akong masabi, masaya ba ako kasi ganun din pala siya sa'kin? Na mahal niya din ako? Nananaginip lang ba ako? Oo, alam kong boses niya 'yun. Alam ko ang boses niya kasi naririnig ko siya mula sa malayo at siya pala si Mr. S? Pero paano? At ano 'yun? May mahal akong iba? Wala! Siya lang! H-he's letttng me go? Pero bakit?

'Di ko alam kung paano ako nakauwi, basta nakatulala lang ako habang nakatingin sa bear at scrapbook. Hindi ko magawang magsaya nang tuluyan dahil sa sinabi niyang he's letting me go. Kung panaginip ito sana 'di na ako magising.

KINABUKASAN ay bumalik ako sa school para kunin ang mga requirements ko, parang gumuho pa ang mundo ko sa mga narinig ko. Si Gian. Aalis na daw siya. Baka nga umalis na daw eh. Pa'no na 'ko?

Paksyet na letting go 'yan! Ano ba ibig niyang sabihin? Sino ba kasing paksyet na mahal ko daw yun?Eh siya lang naman? Nilet-go niya ako nang hindi man lang kami nagkausap? Nag-kaunawaan? Naiyak na naman ako. He left me, in pain.