GIAN'S POV
There's a girl, when I first saw her being bullied by a man, I didn't think twice, I helped her. And as I look into her innocent face. I knew that I'll never forget this girl's face. And so as I promised to them, I asked my mom to give them their house back. Simula noon, sinimulan ko na siyang sundan kahit san man siya magpunta. I even asked my mother to give her a scholarship in our school, I said she's my crush. Mom's very supportive so she did as I asked. Napakasaya ko dahil makikita ko na siya araw-araw. Pero may nalaman ako na labis kong kinatuwa. She's following me too! Medyo natawa pa nga ako kasi para akong tanga, sinusundan ko 'yung taong sumusunod din pala sa akin. Mahirap 'di ba? Kaya hinayaan ko na lang siyang sundan ako, kunwari hindi ko alam. Pero sa tuwing may pagkakataon ako ay siya naman ang tinitignan ko. And I can't help but take some pictures of her. Ang ganda niya talaga kahit simple lang siya.
Iniipon ko lahat ng mga iyon, pinapa-develop ko at saka ko dinidikit sa k'warto ko. Alam kong para akong tanga sa ginagawa ko, pero wala eh, tinamaan talaga ako. And yes, tumagal ng two years ang pagsunod namin sa isa't-isa. Hindi niya alam kung saan ang bahay namin, pero ako alam ko ang bahay niya. Kapag may pagkakataon ay dumadaan ako doon at tinitignan ko siya mula sa malayo. Naglalakad na nga lang din ako madalas para mas madali niya akong masundan at may favorite place ako, sa coffee shop. 'Di niya alam pero alam ko ang paborito niyang kape. Marami na din akong alam tungkol sa kaniya. Pero isang araw, naisip ko. Hanggang dito na lang ba?
Tutal alam kong pareho lang kami ng nararamdaman. Pero naalala ko kasi si Misty, yes, she's my girlfriend. Pero naawa lang naman ako sa kanya eh, umiyak siya sa harap ko at sinabing mahal na mahal niya ako at nagmakaawang maging kami kaya pumayag na din ako. I hate to see a girl crying lalo na kung dahil sa akin. Pero ngayon, dapat na siguro akong makipaghiwalay. Hindi na tama. Sapat na ang dalawang taon na pinagbigyan ko siya. Ayoko na siyang masaktan pa. So, I've decided na makipag-break na ako sa kanya, pupunta na sana ako sa tagpuan namin ng matigilan ako.
Parang gumuho ang mundo ko sa nakita ko. Si jillian, she's... she's kissing someone. Para pinipiga ang puso ko sa nakita ko. Akala ko ba ako ang gusto niya?
Tumalikod na ako kaagad kasi pakiramdam ko, anumang oras ay maiiyak na ako. Naiinis din ako sa sarili ko para akong tanga! Kalalaki kong tao eh! Dumiretso na ako sa tagpuan namin ni Misty, bubuksan ko pa lang sana ang topic pero nagulat ako kasi siya na ang nauna, nakipag-break na siya, kasi ay may mahal na daw siyang iba. Tinanggap ko naman 'yun. Masaya ako para sa kanya. Pero ako naman ang nasasaktan.
I sighed. Dumiretso ako sa walang taong lugar at hinayaan kong bumagsak ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Umiyak na lang ako ng tahimik. Ang sakit-sakit pala. Two years, for two years I've been stalking and loving her from a distance, and I thought mahal din niya ako. Pero may mahal na pala siyang iba. Am I too late?
Tama nga ang kasabihang, habang may pag-asa ka pa ay 'wag mo itong sayangin. Mas'yado kasi akong torpe! Siya lang, siya lang ang babaeng nagustuhan at minahal ko. Pero paano na ngayon? First love. First heartbreak. Nang mahimasmasan ako ay napag-desisyunan kong dumiretso sa coffee shop. Nakita ko siya sa dati niyang upuan at medyo nainis ako, bakit pa niya ako sinusundan eh may iba na pala siya? Grabe pala ang sakit na malaman mong may mahal ng iba 'yung taong mahal mo. Tumayo na ako para lumabas, wala ako sa sarili ko. Wala akong pakialam kung may mga nakakabangga na ako. All I feel now is... Pain. 'Di ko alam kung saan na ba ako pupunta, 'di ko na rin naririnig ang paligid ko. Ganto pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Ang sakit sobra!
Pero maya-maya narinig ko ang malakas na busina kasabay ng biglang paghila sa akin. Sa sobrang lakas ng hila niya ay nawalan kami ng balanse. Pero lalo akong nagulat sa nakita ko. Nasa harap ko siya ngayon. katitigan at halos magkayakap. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mas maganda pala siya sa malapitan. Tumayo na siya agad at inalalayan ako. 'Di ako nagsasalita, mas'yado akong nagulat. Basta nakatitig lang ako sa mukha niya. Nainis siya sa akin at nagtaka ako kung paano niya nalaman ang nangyari pero nagkunwari akong inis. Hanggang sa makauwi ako nang araw na iyon ay siya pa rin ang nasa isip ko.
KINABUKASAN sa school ay dumiretso ako sa labas ng oras na ng lunch, sa favorite spot ko. Sa may damuhan kung saan walang tahimik habang nakikinig ng music. Napapikit ako habang nakikinig. Para akong tanga, broken hearted na nga pero senti songs pa pinakikinggan, so gay.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikisabay sa kanta. "I'm falling to pieces yeah, I'm falling to pieces."
Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin para tumingin sa direksyon kung saan alam kong nakatanaw siya lagi pero parang gusto kong magsisi. I saw her with the guy who kissed her, they seemed happy. Doble pa ang sakit kapag nakikita mo ang dahilan ng kalungkutan mo ay masaya kasama ng iba. Bakit ba panama lagi 'yung kanta? What am I supposed to say when I'm all choked up that you're okay? Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo na at naglakad palayo. Ayoko na silang titigan pa. It's like torturing myself. Nang uwian, nagpasundo na ako, there's no need for me to walk. Wala na naman atang sumusunod sakin.
Pero nang nasa bahay na ako, lalo akong na-depress 'coz I saw her pictures. Oo, 'di ko pa tinatanggal. Hindi ko kaya eh. Natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa park kung saan siya madalas na tumambay. Dala ko 'yung teddy bear na matagal ko nang gustong ibigay sa kaniya. Tama nga ako pagdating doon dahil nandoon siya. Nakapikit habang malayang tinatangay ng hangin ang buhok niya, maya-maya ay napangiti siya. I just can't overlook that kind of beauty, kinuha ko 'yung phone ko at pinicturan ko siya. Tinignan ko ang picture niyang nakangiti, at sumilay ang isang ngiti sa labi ko. Kung masaya siya ay magiging masaya na rin ako para sa kaniya.
May nakita akong batang dumaan at may ideyang pumasok sa isip ko. "Bata sandali!" pinigilan ko siya sa braso. Taka naman siyang tumingin sa akin. "Nakikita mo ba 'yung babaeng 'yun?" tinuro ko si Jillian at tumango naman 'yung bata "Ibigay mo itong stuffed toy, 'pag tinanong niya kung kanino galing sabihin mo kay Mr. S, o ito pangmeryenda mo. ha? Salamat." kumuha ako ng five hundred pesos at binigay sa kaniya. Nakangiting sumunod naman 'yung bata, nakita kong ibinigay niya kay Jillian ang teddy bear at lumarawan ang pagtataka sa mukha niya pero tinanggap naman niya, nang makaalis na 'yung bata ay niyakap niya 'yung teddy bear, pinicturan ko siya ulit. Buti naman napasaya kita.
I sighed and looked at her for the last time bago tuluyang tumalikod. How can I possibly forget her if she's always on my mind? If she's the only one I want to see everyday? If she's the only girl that I love?
DUMATING ang araw ng Graduation, Valedictorian ako pero hindi ko magawang tuluyang maging masaya. Nakikita ko siya, sinusundan ko siya ng tingin mula pag-akyat hanggang pagbaba. Baka kasi iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Napagdesisyunan ko kasi na sa London mag-college. Para mas madali din akong makalimot. Pagkatapos ng Graduation, nasa bahay lang ako, sa kuwarto ko. Ilang araw na lang at aalis na ako. I will miss her, so much.
Isang araw bago ako umalis papunta sa London ay pumunta ako sa coffee shop. Dala ko 'yung teddy bear at scrap book, I'm planning to give this to her before I leave. Pero pagkakataon na ata ang gumawa ng paraan dahil nakita ko siya na nakaupo siya sa dulo pero patalikod sakin. How can I give this to her? Bago pa siya maka-order ay ako na ang gumawa noon pagkatapos ay tumayo ako, pero hindi para umalis kun'di para magtago. Alam kong hahanapin niya ako dahil sinabi ko sa waitress na magbibigay sa kaniya ng kape na sabihing kay Mr. S iyon galing. At tama nga ako, tumayo siya at lumabas, ako naman ay dumiretso sa table niya at iniwan ko 'yung teddy bear at scrap book doon at umalis na ako. Goodbye Jillian. goodbye my love. Pagbalik ko sa bahay, isa-isa kong inalis ang mga pictures niya, ilalagay ko nang lahat-lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kaniya at itatago ko na. Gusto ko 'pag umalis ako dito, wala nang maiiwan, it's like I'm leaving my heart here in my room.
Pagkatapos kong matanggal lahat ng pictures niya ay tinignan ko ang mga ito. "Sana makalimutan kita. 'Di man nabigyan ng chance na mahalin mo din ako, still, I'm thankful that I loved someone like you. Sa totoo lang, kung mabubuhay ulit ako, ikaw pa rin ang gusto kong mahalin, kahit 'di mo ko mahal. Because loving you is the reason why I'm still alive.".
'Di ko na namalayan na pumatak na pala ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na namalayan na pumasok na pala si Kuya sa kwarto ko at naabutan niya akong umiiyak.
"Tsk, tsk, emo na naman ang baby bro ko!" biro ni Kuya sabay tabi sakin. Tumingin siya sa kwarto ko. Napansin niya sigurong wala na ang mga pictures.
Kilala kasi niya si Jillian, lagi ko siyang kwini-kwento sa pamilya ko, 'pag pumapasok siya dito, all he can see is her. At alam niya din na mahal ko siya, pero may mahal na pala siyang iba. Hindi ako sumagot at tinabi ko yung kahon at pinunasan ko ang luha ko.
"Are you sure about this? There's still time for you to back out."
Marahan ang ginawa kong pagtango."I'm sure about this and there's no turning back."
He sighed."Bro, you know what? You remind me of myself when I was at your age, may minahal ako, akala ko din dati 'di niya ako mahal, but it turned out na mali pala ako, you see now, I'm happy with her, we're married, and we have a beautiful daughter."
Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Alam ko ang tungkol sa kanila ng Ate Shiela ko at masaya ako nang nagkatuluyan sila. "Iba naman kasi 'yung sayo kuya eh. Sa'kin may mahal na siyang iba."
"Aray naman kuya!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa ginawa niyang pagbatok sa akin.
"Sigurado ka bang sila? Tinanong mo? Narinig mo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi. But I saw them kissing each other." pagpapaliwanag ko.
"Well, kiss lang 'yun! Malay mo 'yung lalaki lang pala ang gumawa noon at ayaw niya?"
Oo nga 'no? Pero hindi sweet sila eh! "No! They're sweet , just like a... Couple." I muttered silently.
"Alam mo bro, maraming namamatay sa maling akala, mamaya wala lang pala talaga iyon, ikaw pala talaga ang mahal niya, pa'no na lang? Sabi mo din, she's been stalking you for two years? What does that mean then? Trip niya lang iyon? I don't think so. Aalis ka na bukas, matagal ka doon, paano kung mahal ka niya? Tapos pagbalik mo meron na siyang iba, eh 'di laking pagsisisi mo."
That made me stop and think. Yeah, paano kung ganoon nga? Paano kung ako talaga at wala lang iyong lalaki?
"Kelan ka pa naging love guru, Bro?" biro ko sa kaniya.
"Mula noong makilala ko ang Ate mo at mula nang matutunan kong magmahal ng tunay."
"Ang chessy mo bro! Sige, may pupuntahan lang ako! Thanks kuya!" I gave him a brotherly hug pagkatapos ay mabilis na akong tumakbo palabas ng kwarto ko.
"Okay! Goodluck bro!" habol nito paglabas ko. Kumaway na lang ako habang tumatakbo.