Jillian's POV
Nandito ako ngayon sa may coffee shop, humihigop ng kape habang nakatingin sa isang maliwanag na bituin. His name is Gian alcantara. Me? I'm jillian perez, a commoner, a simple and ordinary girl, while Gian is a prince, school prince. Yes, I'm here because I'm stalking him. At habang tinitignan ko siya, nakikita ko ang malungkot niyang mukha. Of course I know the reason why he's sad.
Are you wondering if I'm still studying? Well, yeah, but I always find time to follow him. Yes, I know this is stupid. Maybe I'm obsessed? Well, I don't care. I love him. I can still remember the day, the day that I met him. And from that day on. I just found myself falling for him.
"Inay! Pa'no na tayo? Huhu!" napayakap na lang ako kay Mama habang umiiyak, tinitignan lang namin 'yung mga gamit namin na unti-unting nilalabas. 'Yung iba ibebenta pa, pambayad utang daw. Wala na kaming magawa, nabaon kami sa utang simula nang mamatay ang itay.
At isa pa daw, may nakabili na ng lupang ito. Biglang tumayo si Nanay nang makitang nilalabas 'yung cabinet na tanging alaala na lang ng itay sa amin. Pinigilan niya 'yung mga lalaking may buhat noon. "'Wag ito pakiusap! Ito na lang ang natitirang alaala ng nasira kong asawa!" pagmamakaawa ni Inay.
"'Wag ka nga makulit diyan tanda! Nakakaabala ka!" sabi nung isang lalaki sabay tulak kay inay kaya naman napaupo siya.
"Inay!" napatakbo ako para alalayan siyang tumayo. "Ayos ka lang ba?"
Tinignan ko ng masama 'yung lalaking nagtulak kay inay. Ayokong may nananakit sa inay ko! "Hoy mama! Sino ka para manakit ng babae ha?! Wala kang galang sa mas matanda sayo ha!" buong-lakas ng loob kong sigaw sa kaniya.
Lumaki ang butas ng ilong nito. "Aba't hoy bata! Lakas ng loob mo, ha? Gusto mo 'ata talagang masaktan eh!" sabi niya sabay ambang papaluin ako ng kahoy na hawak niya, napapikit na lang ako. Hinintay kong may papalo sa akin pero wala, dumilat ako at may nakita akong isang g'wapong lalaki na pinipigilan 'yung lalaki sa kamay.
"Hindi mo ba alam na hindi tama ang manakit ng babae?" kalmadong sabi nito. 'Di ko alam pero parang huminto ang mundo ko habang tinitignan ko lang siya.
"At sino ka namang pakialamero ka ha?!" sigaw nito sa lalaking nagligtas sa akin at akmang susuntukin pero may mga lalaking lumapit sa kanya at hinarangan siya sabay tutok ng baril, base sa suot ng mga ito ay nahinuha kong mga boyguard sila.
"Get him out of here!" utos nung lalaking nagligtas sa akin, sumunod naman 'yung mga bodyguards niya. Lumapit siya kay inay at inalalayan ito. "Ayos ka lang po ba manang?" magalng nitong tanog.
"Oo hijo! Maraming salamat sa tulong mo." sabi naman ni inay. Hindi ako makapagsalita at nakatingin lamang sa kanila.
"Ahm, diyan po ba kayo nakatira?" sabi ng lalaki sabay turo sa bahay namin.
Malungkot na tumango si Inay. "Oo hijo, pero hindi na ngayon, pinalayas na kami ng bagong may ari."
"Ganun po ba? Ahm, gan'to na lang po, kakausapin ko ang mama ko na 'wag na kayong paalisin dito, ayos po ba iyon sa inyo?"
Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Inay dahil sa sinabi ng binata. Maging ako a natuwa sa narinig. "Ha? Talaga? Ibig mong sabihin hijo, anak ka ng nakabili nitong lupa?"
Nakangiting tumango ang lalaki. "Opo."
"Naku! Salamat hijo! Maraming salamat talaga! Pagpalain ka sana!" tuwang-tuwang sabi ng Inay.
"Wala pong anuman, sige po, mauna na ako." paalam nito kay inay pero bago siya umalis ay tumingin siya sa'kin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay lalabas na ito dahil sa lakas ng pagtibok. Pinagmasdan ko ang gwapo at maamo niyang mukha. Ang nangungusap niyang mga mata, matangos na ilong at maninipis na labi.
Teka, tumingin lang naman siya, ah? Bakit bumilis tibok ng puso ko?
After that incident, ibinalik nga samin ang bahay namin 'tapos binigyan pa nila ako ng scholarship sa school ng mga Alcantara! Sobrang saya ko! Nalaman ko na rin ang pangalan niya, sikat pala siya sa school. Hindi ko kasi hilig ang maki-chismis kaya hindi ko siya kilala. Tapos sobrang saya ko kasi nakita ko siya ulit! At 'di ko na namalayan na ang simpleng paghanga ko ay nauwi na pala sa love, but I know that it's very impossible for him to like me too. And then one day, I just find myself following him wherever he go, and everytime na may free time ako. Ayos na sa'kin makita ko lang siya sa malayo. Masaya na ako doon.
AT NGAYON nga tinitignan ko siya mula sa malayo, mag-isa lang siya at malungkot. Two years. Yes, it's been two years now. I was second year that time. Now, I'm fourth year and graduating na din. I know the reason why he's sad. His girlfrriend broke up with him, and I saw him crying in silence. Nang patago. Nasasaktan din ako, masakit pala makita 'yung mahal mong umiyak nang dahil sa iba 'no?
And I can't do anything about it! To comfort him! Sino ba naman ako 'di ba? I'm just a commoner! And a creepy stalker!
He stood up so tumayo na din ako at palihim siyang sinundan. Parang wala siya sa sarili, basta naglalakad lang siya, wala siyang pakialam kung may nakakabunggo na siya. Pero nagulat ako ng tumawid siya na hindi man lang lumilingon sa daan! May nakita akong humaharurot na kotse kaya agad ko siyang hinila para matabi pero nawalan kami ng balanse kaya natumba kami. And for the first time, nakatitigan ko siya nang malapitan, he's so close to me, at wait! Nakadagan ako sa kanya! Omg! Kinikilig ako! Pero dapat ay inis ako, okay? Tumayo ako at inalalayan siya. "Hoy kuya! Titingin ka nga sa daan!" muntik ka nang mawala sakin!
Natigilan siya saglit pero lumarawan na rin sa mukha niya ang inis. "Eh, sino ba may sabi sa'yong iligtas mo 'ko? Sana hinayaan mo na lang akong masagasaan!"
'Yoko nga ! E 'di nawala ang mahal ko!
"At kasalanan ko pa! Ako na nga itong nagmagandang loob! At isa pa, don't tell me papakamatay ka dahil lang sa iniwan ka niya?" huli na nang ma-realize ko na nadulas pala ako.
Nagulat siya dahil sa sinabi ko. "H-how did you know about that?" bulalas niya.
Palusot Jillian, palusot. "K-kasi mukha kang broken hearted! Wala ka sa sarili mo! Muntik ka na ngang masagasaan eh!" www.palusot.com, you should try it too.
'Di siya sumagot at biglang tumalikod, ay bastusing bata! Sinundan ko siya at hinawakan sa braso, wow! 'Di nga makapaghugas ng kamay, joke lang. "So, ganun na lang y'un? I saved you and you just turned your back? Wala man lang thank you?"
Tumingin siya sakin at walang ekspresyon ang mukha niya. "Thanks." sabay lakad nang mabilis. 'Di ko na siya nasundan sa dami ng tao. Paksyet lang kinikilig ako! Ah! Paksyet paksyet! Tae lang para kong tanga ditong nakatayo.
KINABUKASAN SA SCHOOL. S'yempre nung lunch time na, dumiretso ako sa favorite place ko, sa'n pa ba? Edi kung saan tanaw ko siya. At ayun emo-emohan habang nakahiga sa damuhan at naka-headset. Haay, ang lungkot naman niya. Sa'kin ka na lang kasi. Aish! Asa pa ako.
"Tsk, tsk, nakatingin na naman sa star niya."
"Ay palaka ka!" gulat kong bulalas at napatingin ako sa nagsalita, nakita ko si Renz, bestfriend ko. "Wengya ka! 'Wag kang lalapit sa'kin! Manyak ka! Bastos! Pervert! Wah! Ninakaw mo ang first kiss ko!" parang gusto ko na namang maiyak nang maalala ko ang ginawa niya kahapon.
"Sorry na best! Nagulat din ako! Ikaw kasi eh! Ang ingay-ingay mo!"
"Heh! Ay heytchu! Layo! Shoo! Chupi!" pagtataboy ko sa kaniya.
"Aso lang aso? Best bati na tayo! Sige na! Love mo naman ako eh!" nag-puppy eyes pa siya.
Natawa na lang ako, matitiis ko ba ang bestfriend ko? 'Di naman niya talaga sinasadya eh, nainis lang ako kasi plano ko lang ibigay kay Gian ang first kiss ko, okay sige, ako na ang ambisyosa! Binatukan ko muna siya bago tumango. "Sige!"
"Aray naman! Tae, ba't kailangan may batok pa?" naka-pout na sabi niya.
Napaikot na lang ako ng mata dahil sa kaartehan niya. "Bagay lang sa'yo 'yan, hmp!" umupo ulit ako para mag-star gazing pero pagtingin ko ay nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko na nakita si Gian. Saan napunta? Wah! Nilamon ng lupa? Si Maya kasi eh! "Wah! I hate you, Maya nawala siya! Wah!"
"Oh! Ano'ng kasalanan ko? 'Di ko naman siya minagic para mawala, 'no Ambi!" depensiba niya sabay taas ng dalawang kamay.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang tawag niya sa akin ay Ambi as in Ambisyosa, at ang tawag ko naman sa kaniya ay Maya as in Mayabang!
"Ui, Ambi! 'Kala ko bati na tayo?" pangungulit niya.
"Che! Bati mo mukha mo! Diyan ka na nga! May klase pa ako!" tumayo na ako at naglakad pabalik sa klase ko. Paksyet kasi si Maya, nawala tuloy si Gian loves ko sa paningin ko. 'Di bale baka makita ko siya mamayang uwian.