Chereads / Weight of Love / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Slater's POV

Early this morning may na-receive akong mail from our Adviser na may na-late na istudyante at hindi nakasabay sa provided na shuttle bus. And this made me irritated. May inassigned na na oras para sa shuttle at hindi pa din naka sabay. Hindi kasi nasunod sa usapan. How irresponsible. Tapos ngayon, ako pa ang susundo sa taong yun? Nakakaasar! Naghanda na lang ako at kinuha ang file ng istudyanteng yon. Tinawagan ko na din yung driver namin para ihanda yung kotse.

Nang makarating kami sa school, natanaw ko kaagad ang isang gusgusing matabang babae. Naka upo siya, like asian squat. May pinupunasan o parang dinadampi-dampian niya yung magkabilang tuhod niya, tapos hinihipan. Tapos isinunod niya yung siko niya at saka nagpagpag siya ng damit niya. Binusinaan na siya ni Mang Ben at tumigil na kami sa harap niya. Bago ko ibaba yung bintana tinignan ko lang muna siya ng madalian. Napaka-dumi niya, idamay mo pa yung mga bakas ng dugo at mga gasgas niya. Dapat maawa ako pero nagingibabaw talaga yung inis ko sa kanya dahil dinagdagan niya pa lalo ang magiging trabaho ko. Sa sobrang inis ko hindi ko na nabasa yung file niya. And ngayon pa lang, naiinis na talaga ako sa pagmumukha niya. Binuksan ko na yung bintana at parang tulig na nakatulala sakin yung babae.

Hindi naman ako masamang tao, pero yung pagmumukha talaga niya ang di ko matantya. Nakakabwisit, at hindi ko na napigilan sabihin kung ano ba talaga ang nasa isip ko.

"Hey you Fugly. What's your name?"

hays. Di naman ako ganito pero masyadong bwisit lang ako sa babaeng pabaya na ito. hindi marunong maging on-time. Habang kinakausap ko siya, sumimangot mukha niya. Mas lalo lang siyang pumanget. I know, masama mang-husga at manlait pero panget talaga siya kapag nakasimangot.

"Um, my name's Holly Fatima Cruz. Um, ano ibig sabihin ng sinabi mo kanina? Yung Fugly. Ano yun?"

Hindi lang siya panget, mahina pa ang utak. Such a simple word and she didn't even know the meaning of it. Pero rarely nga naman siya ginagamit so wala rin akong magagawa.

"I don't need to explain it to stupid girls like you. Just get inside because you are coming with me."

Bumaba na si Mang Ban at pinagbuksan siya ng pinto. Halatang-halata na tuwang-tuwa siya sa ginawa ni Mang Ben. Konti na lang aat mapupunit na yung bibig niya sa sobrang lapad ng ngiti niya. Umupo na siya sa harap ko at hindi na ako nagatubili pa para tanungin siya.

"Why were you late?"

Yung mukha niyang sobrang saya kanina napalitan ng nakakainis na mukha.

"Hindi mo na kailangang mag english, sosyal mo naman masyado and napaka arte mo magsalita, nasa pilipinas tayo tsong!"

Sa babaeng ito talaga mararanasan ko ang pagpapasensya ng sobrang haba. Please help me God get through with this. At sana mapigilan ko po ang sarili kong mapatulan siya.

" Tinatanong kita kung bakit ka na late, at ang sinagot mo walang connection sa tinanong ko. Sa tingin ko sa sobrang BOBO MO di mo naintindihan sinabi ko kaya naman uulitin ko nang maintindihan mo. BAKIT KA LATE KANINA?"

Konting=konti na lang talaga at sasakalin ko na toh ih. Napakahirap kausapin at napakalayo ng sagot sa mga tanong ko. Mahirap ba sagutin kung bakit siya nalate kaya naiwan siya ng shuttle bus?

"Na late ako kasi po, na late ako ng gising. Keri na? Ok na? Are we good? Good!"

Napakadali naman pa lang sagutin pinapahirapan pa ko ng babaeng ito. At dahil sa di siya gumising nang maaga nadagdagan pa gawain ko imbis na matapos ko na yung mga pending proposals na nakatambak sa desk ko.

"At dahil sa mga katulad mo kaya nag kakaroon ako ng mas madaming trabaho."

"Anong paki ko sayo? Di naman tayo close. At deserve mo yan dahil sa pangit ng ugali mo."

Walang kwenta talag toh kausap. Kung hindi lang talaga ako tinuruan ng good manners sasakalin ko na talaga toh ih. Ang sarap niya katayin. Kung bakit ba naman kasi naglipat ang mga students galing sa branch school to main school? Are they expeting us to train those commoners to become a more efficient members of the society? Kung sa bagay kung katulad din nitong fugky na ito ang mga tao sa branch school its better to train them to save the face of our school.

Hindi ko na inimik yung babae na iyon na ang pangalan pala is Holly Fatima Cruz. Ang gandang pangalan na di nababagay sa kanya. Iniopen ko na din ang cellphone ko to check for messages and emails. At katulad ng inaasahan ko sumasabog na inbox ko dahil sa dami ng emails galing sa iba't ibang importanteng tao. Yung babae talag tong salot, nakakabwisit talaga siya. Habang sinasagot ko ang mga emails ko hindi ko maiwasang mapatingin kay Holly, dahil mukha siyang tanga. Bakit? Nakarating na kasi kami sa Lost Garden (pangalan ng highway), pero sa totoo lang talaga bridge siya na nagcoconnect sa main highway to our school. Lost Garden dahil yung school mismo kapag dumating ka para kang nasa isang mahiwagang hardin. Hindi ko maiwasang madistract sa itsura ni Holly dahil nakanganga siya tapos sinusundan lahat ng madaanan namin. At bago pa man kami makapasok sa gate nilabas na ni Mang Ben yung Id niya. Ang ID na nirerelease ng school ay may iba't ibang beneits depende sa position or roles nila sa school. In total, there are seven types of crystal IDs. Crystal IDs, dahil bawat ID ay may indicated crystal sa upper right corner, and it is in landscape. Those Crystals indicate what benefits they could get whenever they use it within the school premise. And I currently have Aquamarine. Hindi lang sa crystal natatapos ang benefits ng IDs, dahil mas mataas na rank mo within your peers the more benefits you could get. For example, I currently have Aquamarine Rank III which is the highest rank and Holly would have Turquoise without any ranking. Mas malaking benefits makukuha ko sa kanya katulad ng kapag nasa cafeteria ako, I could get discounts on special menus while she don't get any. Dumiretcho na si Mang Ben sa tapat ng main building at pinagbuksan kami ng pinto. Chineck ko saglit ang schedule ko at napagdesisyonang dumiretcho na lang sa registrar para kunin schedule ni Holly. Tinignan ko si Holly at hindi siya mapakali sa kakatingin sa paligid niya.

"Follow me."

Natpos na namin kumuha ng schedule niya. At nakakainis dahil papunta pa lang kaming office namin nakikipagtalo pa siya. At pagdating namin sa office ayaw niya pa sa akin makinig at talagang nakikipagtalo pa. Hinayaan ko na siyang mag-walk out dahil walang patutunguhan ang usapan namin. Pero nakalimutan kong ibigay sa kaniya ang schedule niya at ID. Dahil madali lang na process yung ID. Before the orientation, students are required to get their picture taken as their attendance. At ipinasa yun ng kaniya-kaniya nilang mga adviser para mairelease agad ang ID nila. Dahil kapag wala kang Id hindi ka tatagal dito sa school. Lahat ng ginagamit ng school ay kailangan ng ID. It's not my fault na hindi niya nakuha yung ID nya. Let's just wonder how long she will last.

Ψ(☆w☆)Ψ

Bumalik na ako sa mga papers na kailangan ko pang tapusin. Mga ilang oras na rin ang nakakalipas. At mukhang bukas na ako makakaattend ng klase. Buti na lang at first day, introduction at well first lesson pa lang naman. Kaya ko pang habulin. Buti na lang at yung mga ibang members ng council ay tumutulong na para mas mapabilis ang mga gawain. Shit! naaalala ko na naman kung bakit nahuli ang mga gawain ko. If only could beat that girl up.

(╬ಠ益ಠ)

Kung pwede lang talaga. Hay! Kung wala lang akong reputasyong pinagkakaingatan. Bumalik na ako sa paggawa at pag-approve ng kung anu-ano. At habang nagbobrowse ako ng mag papers dumating yung kapatid ko.

"Slate! May nagsabi na i-report ko daw sayo yung classmate kong walang ID. Pumunta na kasi siya sa registrar pero sabi ni Mam binigay niya na daw sayo."

Siya si Tiannarose, but we like to call her Tia. Siya ang aking twin. We are fraternal twins to be exact. Magkaiba kami ng class dahil ayaw niya daw ako kasama. Kidding. Gusto niya daw kasing maranasan ang mapunta sa lower class. Kahit man lang daw ngayong school year lang. Kaya pinayagan na namin siya kahit matataas ang grades niya.

"Well, kasalanan naman kasi niya dahil ayaw niyang makisama at makinig sa akin."

"Sows! Sabihin mo nakalimutan mo lang. At dahil ayaw mo sa kanya dahil pinadami niya trabaho mo, hinayaan mo na lang na wala siyang ID."

(ーー;)

"Don't give that look. Kilala kita bro. Kapag ayaw mo sa isang tao hinahayaan mo sila. To meet their demise. You're so evil to the core I don't even why did I become your twin."

"Shut up. Mas matindi pa ang ugali mo kaysa sa akin."

"Keep telling that to yourself. Ewan ko din ba kung bakit humahanga sayo ang tao ih."

"Tia. Enough. At yun lang ba ang ipinunta mo dito?"

"Nope. It is already lunch time. Sinusundo lang kita dahil baka malipasan ka na naman ng gutom sa sobrang busy mo."

Tumingin ako sa orasan at lunch time na nga. Hindi ko man lang namanlayan. Iniayos ko lang yung mga gamit ko at naghanda na ako. Kinuha ko na rin yung schedule ni Holly at yung ID niya para di na ako bumalik at didiretcho na lang ako sa afternoon class namin.

"So what do you want to eat Tia?"

"I have no clue what I want to eat."

"Gusto mo bang pumunta tayo sa Central? Dun na lang tayo kumain kaysa sa cafeteria. Tatawagan ko na din yung iba para dun na kami magkita-kita."

"Call."

Lumabas na kami sa officce. Nag message na lang ako sa gc naming mga officers para sabihing magkita kami sa central. Sakto naman daw na nasa central na sila. Kaya naman umalis na kami para maabutan pa namin yung service papunta doon.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag