Chereads / Unpredicted Stories / Chapter 10 - -M A H A L K I T A , J O K S L A N G-

Chapter 10 - -M A H A L K I T A , J O K S L A N G-

Habang nagffacebook ako ay may nag pop na message sa taas ng screen ko

"Psst Febbie"

Napangiti nalang ako ng makita ko kung kanino galing ito

"Ivan dela Cruz"

Awieee si Crushhh nag chat

"Bakit?" Reply ko dito at nagreply din sya

"Ano assignment?" Laman ng reply n'ya

Makatanong ng assignment akala mo hindi pumapasok araw araw -,-

"Yung sa Marketing,page 64-65 sa yellow pad daw ilalagay,yun lang naman" Sagot ko sa tanong n'ya

Akala ko ay di na ito magrereply pero nagulat nalang ako ng makita ang reply nito

"Ah okay,Thanks Mahal"

KYAHHHHHHHHH!!!!

"Luh Mahal mo ako?" Nanginginig pa yung kamay ko sa may type ng mga yan bago isend at napatulala ako sa reply nya

"Mahal kita"

UWAAHHHHHHHHHH!!HUMAYGADDD MAHAL N'YA AKO MAINGGET KAYO😜🙄

Maya maya ay may lumabas na naman na message galing sa kanya

"Joks lang"

-,-

-,-

Potaena mo!!!!

Dahil sa inis ay hinagis ko yung cellphone ko kung saan at isinubsob yung mukha ko sa unan

PESTEEEE KAAAAAAAA

Kinabukasan ay nakaupo ako sa chair ko at nagbabasa ng libro ng may kumalabit sakin mula sa likuran

Si Crush na naman -,-

"Bakit?Ha?Inaano kita?Ano kailangan mo?" Dirediretsong tanong ko

"Mahal kita Febbie" Sabi nito at namilog ang mga mata ko

"Joks lang" dugtong nya sa sinabi nya kaya nahampas ko sa ulo nya yung libro na hawak ko sa sobrang inis at lumabas

HANU BA YAN!INULIT NYA LANG YUNG KAGABI EH !!!

Nang narinig ko ang bell ay pumasok na ulit ako sa room dahil mahigpit yung teacher namin sa philosophy,pag nalate ka kahit isang minuto tatayo kalang sa labas -,-

"Okay class kung nung nakaraan ay nagpalipad tayo ng eroplano ngayon naman ay Two truths and One Lie ,kung sino yung nasa harap/ likuran nyo sya yung partner nyo,magsasabi sila ng tatlong bagay tungkol sa kanila tapos huhulaan nyo kung ano doon ang totoo at hindi" Paliwanag ni Ma'am

Lumingon naman ako sa nasa likod ko at napairap

Si Crush partner ko kase nasa unahan ako kaya imposibleng makapartner ko yung nasa harapan ko dahil nga ako nga ang nasa harapan

Tumayo na ang katabi ko at ang katabi ko at ang partner nya at nagsimula na sila

Yung lalaki muna yung nauna

"Una,Mahilig ako sumayaw,pangalawa,mahilig ako magdrawing at pangatlo sporty ako"

"Yung two truths doon ay yung 1 and 3 at yung lie ay number two" Sagot ng kaklase ko

"Tama ba yun?" Tanong ni Ma'am sa kaklase kong lalaki at tumango ito

Pagkatapos ay yung katabi kong babae naman ang nagsabi ng tungkol sa kanya at tumama naman din yung lalaki at pagkatapos ay umupo na sila

Tumayo naman kami ni Ivan dahil kami na ang sunod

Ako ang mauunang magsasabi at s'ya ang manghuhula

"Favorite singer ko si Arianna Grande,mahilig ako magluto at Mahilig ako mahilig ako makinig ng music" Sabi ko at ngumiti naman s'ya

"Totoo yung 2 and 3 pero yung 1 hindi dahil ay favorite mo ay si Taylor Swift" Confident na sagot nya

"Wow alam ahhh!" Dinig kong sigaw ng isang kaklase namin pero di namin ito pinansin

"Tama ba yon Ms.Exiomo?" Tanong ni Ma'am sakin at tumango ako

Ngayon ako naman ang sasagot

"Ayoko sa maanghang,Matatakutin ako at..." Putol nitong sabi kaya napataas ang kilay ko

"Mahal kita" Sabi nito

Obvious na agad kung ano ang lie eh

"Tama yung una at pangalawa pero yung pangatlo hindi,kase alam ko naman na hindi mo ako mamahalin" Sagot ko

"Awwwwwwwww" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko

"Tama ba s'ya Mr. dela Cruz?" Tanong ni Ma'am sa kanya at umiling ito

"Mali s'ya, ang mali doon ay yung una, mahilig ako sa maanghang kase minsan kahit maanghang yung ugali nya sa akin ay gusto ko parin sya at tama naman yung pangalawa,Matatakutin ako dahil takot akong mawala s'ya at takot akong mapunta s'ya sa iba kaya ngayon sasabihin ko ang isa pang tama..." Sabi nito at humarap sakin

"Mahal kita" Sabi nito at dinugtungan ko ito

"Joks lang?" Sabi ko at ngumiti ito

"Mahal kita walang halong biro,Totoo yung sinasabi ko na mahal kita,dinadagdagan ko lang ng "joks lang" kase natutuwa ako sa ekspresyon ng mukha mo tuwing sasabihin ko iyon kaya uulitin ko,Mahal kita,walang halong biro" Dirediretsong sabi niya

"Syur ka jan?" Tanong ko ket kinilikig na ako

"Oo naman" sagot niya.

"Syur na syur?" Tanong ko ulit

"Oo nga" sagot nya na naman

"Syur na syur na syu-" Hindi na tuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Ma'am

"ANO TINGIN NYO SA ORAS KO?CONFESSION TIME?PANGALAWANG BESES NA ITO AH?BUMALIK NA KAYO SA UPUAN N'YO AT MAY SUSUNOD PA! 'tong mga batang 'to...NEXT!

Ay ang bitter ni Ma'am -,-

**

update every friday

FEEDBACK GUYSSS