"Pumunta na kayo sa mga ka-grupo niyo at pag-usapan na ang gagawin." Sambit ng guro namin.
Agad akong nagtungo sa mga ka-grupo ko at umupo. Mabuti nga at may kaibigan ako na kasama ko.
Napalingon ako ng may umupo sa tabi ko, si Karl!
Nakita ko naman yung tingin ng bestfriend ko, tinging nang-aasar. Grrrr.
"Ano na gagawin natin? May naisip na kayong strategy sa pagrereport?" Sabi ni Angela, bestfriend ko.
"Wala pa. Kayo ba?" Sagot ko naman.
"Ako, may naisip na!" Sabi nung isang ka-grupo namin.
"Sige, ano yun?"
Lalapit na rin sana ako sa kanila nang biglang may nangalabit sa'kin.
Paglingon ko, biglang nanlaki ang mata ko. Si Karl!
'Omg! Kalma Claire. Kalma.'
"U-uhh. Bakit?" Tanong ko.
"Can I borrow your phone?" Sabi niya. "Magse-search lang ako about sa report natin." Dugtong niya pa.
"Ahhh. Wait."
Iaabot ko na sana ang phone ko nang naalala ko na may mga picture niya nga pala ako!
'Magreresearch lang naman diba?'
'Ahhh! Kahit na. Okay na yung handa.'
"Wait lang. Hehe." Sabi ko sa kanya.
Dinelete ko yung album niya sa Gallery ko. Meron naman ako 'neto sa laptop ko eh. Tinanggal ko na rin yung wallpaper ko.
Inabot ko na sa kanya yung phone ko at bumaling na ulit sa mga ka-grupo ko.
"Claire! Ikaw nalang gumawa ng visual." Sabi nung isa. "Okay lang ba?" tanong niya pa.
"Oo naman. Sige ako na bahala." Tugon ko.
Muli nanaman akong kinalabit ni Karl.
"Bakit?"
Inabot niya sa'kin ang phone ko.
"Bakit mo dinelete?" Tanong niya.
'Put— Paano nalaman?!'
"H-huh? Ang alin?" Kinakabahang tanong ko.
"Pictures."
Nanlaki na ng tuluyan ang mga mata ko.
'Sheeeeeet!'
"Picture? W-wala kaya akong dinelete!" Angil ko pa.
"Recently deleted."
'Meron nga pala ako 'nun. Bwiseeeeet! Waaahhhh!'
Napayuko nalang ako dahil sa hiya.
Maya-maya lang ay nakita kong may inabot siya sa'kin. Phone niya.
"Open it."
Binuksan ko ang phone niya at 'di ako makapaniwala sa nakita ko.
'Ako ang wallpaper niya?'
"Gallery."
Sinunod ko ito at nakita kong meron din siyang album gaya ko.
'Omg…'
Pulang-pulang ang mukha ko sa nakita ko.
"Kung yung mga picture ay madali lang mabura, then ibahin mo pagmamahal ko sayo. You're my kind of drug, Claire. I can't get enough of you at mahirap pigilan 'yun. Now that I have the guts to confess, I'll court you."
'Ang sabi, pag-usapan ang irereport hindi maglandian. Mahaharot na nilalang!'
'Walang forever.'
'Sakit sa mataaaa!'
'Layas kayo pls.'
'Nang-iinggit kayo?!'
Bago pa ako magsalita ay, naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni karl sa'kin.
**
~~~~~One short story ever friday~~~~~