Chereads / Crazy Inlove With You / Chapter 45 - The fiance? (6)

Chapter 45 - The fiance? (6)

At hindi lang kung sinong babae

Siya yung babae na kinaiinisan ko noon pa

Siya yung babae na sabi nila nagbago na pero para sakin hindi pa

Siya yung babae na una kong pinagselosan

At siya yung babae na gustong gusto kami paghiwalayin ni Daddy ko.

"Oh Grace ikaw pala yan"- sabi niya sakin sabay smile nang fake

Ai hindi picture ko lang to bwisit

"Oh Hi Nikky"- bati ko sa kaniya, at dahil mabait naman ako nagsmile ako sa kanya pabalik fake smile din

"I don't want to be rude pero alam mo bang kanina ka pa nakakaistorbo sa mga tao"- sabi ko sa kanya siyempre w/ a fake smile

"Oops, sorry i didn't notice it."- nang-aasar niyang sabi

Wow ang gandang dahilan naman niyan

"Ah ganun, so ngaun na notice mo na kaya if I were you sasakay na ko nang kotse at paandarin na to at pupunta na ko kung san hindi ako makakaistorbo nang mga tao"- sabi ko 

At naglakad na ko pabalik sa kotse ko

Pero hinarap ko ulit siya at sinabing...

"Kung may konsensya ka pa"- sabay ngisi ko sa kanya

"Eh ikaw kailan ka pa makokonsensya sa ginagawa mo?" 

"Ano?"

"Di ba di mo naman talaga mahal si Justine, umamin ka na kasi"

Di ba talaga siya makamove on

"Mahal ko siya"

"Talaga? eh bakit di ka sweet sa kanya?"- nakangisi niyang tanong sakin

Kuno hindi ako sweet, hindi ko na mahal? nag-iisip ba siya

Hindi ba pwedeng hindi lang ako showy na tao

"Oh ano di ka makasagot. Kasi di mo naman talaga siya mahal"

"Nikky...nikky...nikky kahit hindi ako sweet kay DADDY KO pinaparamdam ko naman na mahal ko siya sa ibang way, eh kesa naman sayo sweet nga kayo nung boyfriend mo hindi mo naman siya mahal at naghiwalay pa kau. Awww wawa ka naman"- ngayon ako naman ang nakangisi sa kanya, hindi maipinta yung mukha niya

Wala siyang karapatang sabihin na hindi ko mahal si Justine

"Pero tama ka rin naman hindi ko talaga mahal si Justine"

"Kita mo na niloloko mo lang siya, kaya hiwalayan mo na siya"- sigaw niya sakin

"Hindi ko siya mahal...Kasi mahal na mahal na mahal ko siya"- sabi ko sa kanya

"ayyiiieeeh kinikilig ako"

"ang sweet mo girl!!!"

"Wooooh yan ang proof na may forever"

"go girl !!!!"

Nagulat ako kasi kanina pa pala kami pinapanuod nung mga tao...nakakahiya 

Ngumiti na lang ako

Pagkatapos nang palabas na ginawa ko kanina, heto at nagbibiyahe na ulit kami papunta sa school

Bwisit kaya pala kanina pa ko bwisit na bwisit sa tao na yun kahit di ko pa siya nakikita.

Nakakasira talaga siya nang araw, pero teka...

Anong ginagawa niya dito? akala ko nasa Brazil siya.