sob*sob*sob*sob*sob*
"GRACE"
*tok*tok*tok*
"GRACE"
*tok*tok*tok*
"Grace naman buksan mo na tong pinto, tatlong araw ka nang umiiyak lang. Kumain ka naman kahit konti lang"- sabi ni anne, habang kumakatok.
Di ko pinansin yung sinabi niya, at niyakap si jurry saka umiyak ulit. Di ko akalain na totoo yung sinasabi nila na masakit kapag hiniwalayan ka nang pinakamamahal mo. Akala ko noon masyado lang silang oa, pero ngaun alam ko na kung gano kasakit.
Ang mas masakit pa, wala akong maisip na maling ginawa ko para makipagbreak siya sakin. Wala akong maisip na dahilan kaya niya nagawa to sakin. Mababaliw na ko sa kaiisip nang dahilan na di ko alam kung meron bang dahilan kung bakit siya nakipagbreak. Hindi naman cguro siya makikipagbreak nang wala siyang dahilan, pero anong dahilan naman yun.
*tok*tok*tok*
" Eun Kyung c vince to, buksan mo naman tong pinto."
C vince? dali dali kong binuksan yung pinto saka ko siya niyakap. Niyakap naman niya ko pabalik saka hinagod yung likod ko.
*sigh*
"Umiiyak ka na naman" - sabi niya sakin pagkabitaw niya sa yakap. Pinunasan niya yung luha ko, saka ako inalalayang umupo sa kama ko. Saka siya pumunta sa may pinto at kinuha yung pagkain kay anne na nakatingin sakin na parang gusto niya kong damayan. Pero agad akong nag-iwas nang tingin sa kaniya, hindi ko alam pero gusto ko munang umiyak nang umiyak mag-isa. At sa tingin ko naiintindihan naman nila ako.
"Sabi nang mga barkada mo tatlong araw ka na daw umiiyak lang at di kumakain. Makakasama sayo yan, kung gusto mo umiyak nang umiyak di kita pipigilan."- sabi niya saka inipitan yung magulo kong buhok.
" Pero sana kumain ka man lang kahit konti para may maiiyak ka pa. Pano ka iiyak nang iiyak kung di ka umiinom nang tubig"- dagdag pa niya, napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Oh totoo naman ah, cge nga san ka kukuha nang iiiyak mo? Kung di ka man lang umiinom nang tubig ha?"- tanong niya sakin
Ou nga naman, tama siya baka madehydrate na ko nito.
Ngumiti siya sakin saka ginulo yung buhok ko, naalala ko naman c Justine. Trip niyang guluhin yung buhok ko.
"Ano ba yan, umiiyak ka na naman"- sabi niya sabay punas nang luha ko
" Naalala ko lang siya"- sabi ko sa kaniya, sabay yakap nang mahigpit kay jurry.
*sigh*
Narinig kong napabuntong hininga siya.
"Ano ba kasing nangyari ang sabi lang nang mga kaibigan mo umuwi ka nang umiiyak at dumiretso ka dito sa kwarto mo at hanggang ngayon di ka pa lumalabas"
"You can tell me anything Eun Kyung, you know that I'll always be here for you"- mahaba niyang sabi
Napatingin naman ako sa kaniya at nag-umpisa na namang umiyak. Niyakap naman niya ko at hinahaplos naman niya yung likod ko.
"He broke up with me Vince, were over"- pagkasabi ko nun mas lalo akong naiyak dahil naramdaman ko na naman yung sakit nung araw na ginawa niya sakin yun.
"Sshhhh look at me... hey look at me"- sabi niya sakin
"Mahal na mahal mo talaga siya noh?"- tanong niya sakin
" Yeah, di naman siguro ako iiyak nang ganito kung hindi"- pag-amin ko sa kanya.
"Ang tanong mahal ka pa rin ba niya?"- napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya.
" Ano bang klaseng tanong yan Vince "- inis kong sabi sa kaniya.
" Seryosong tanong yun Eun Kyung"- sabi niya, tiningnan ko siya at seryoso nga siya sa tanong niya
"Kasi kung mahal ka niya, di ka niya hahayaang umiyak nang ganyan, hindi siya makikipagbreak sau nang ganun ganun lang. "- direretso niyang sabi.
" Maybe he has a reason Vince, i know he loves me."- sabi ko sa kaniya
Tiningnan naman niya ko nang masama dahil sa sinabi ko
Napayuko na lang ako
"Reason? f*** that reason Eun Kyung!!!!"- sigaw niya saka niya kinuha si jurry at binato sa may pinto.
Galit na galit yung itsura niya ngaun
"Eun Kyung don't be so stupid, you're so smart. So why can't you figure out that he doesn't love you anymore or he doesn't really love you in the first place that's why it's so easy for him to break up with you!!!"- galit na galit niyang sabi saka siya lumabas at sinarado nang pagkalakas lakas yung pinto
Napaisip naman ako sa sinabi ni vince
Haysst ano ba yan umiiyak na naman ako.
Hindi ba niya talaga ko minahal kaya ganun ganun na lang niya ko kadaling hiwalayan? Naramdaman ko namang may kunirot sa may dibdib ko, ang sakit sakit lang kung ganun.
Ang saya saya lang namin bago sila bumalik dito sa Pilipinas tapos ngaun, ganito mangyayari. Bakit nga ba Justine, bakit mo to nagawa sakin, minahal mo ba talaga ko? o hindi?
*after 6 months*
Grace POV
"Oh grace na late ka na naman"- sabi ni Jeff pagkaupo ko pa lang
Tiningnan ko lang siya saka nakinig na sa instructor.
Napabuntong hininga naman siya dahil sa inasal ko ulit
"Sana bumalik na yung Grace na kaasaran ko, yung Grace na masungit, yung Grace na makulit, yung Grace na nakangiti. Hindi yung Grace na sobrang tahimik na halos hindi lalagpas sa sampung salita yung nasabi niya sa isang araw, hindi yung laging walang emosyon, hindi yung laging walang gana."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang yun, at di ko akalaing nakatingin pala siya sakin. Kita ko yung lungkot sa mga mata niya, parang sinasabi niya na bumalik na ko sa dati.
Umiwas agad ako nang tingin sa kanya, kung pwede nga lang sanang ibalik yung dating ako.
Pero mahirap eh, di ko alam kung pano lalo na't masakit pa rin para sakin yung nangyari. Parang ngayon lang nangyari yun, masakit na masakit pa rin.
Hindi ko pa rin maisip kung bakit niya nagawa sakin to, wala naman akong naiisip na nagawa kong mali o kasalanan. Wala rin naman siyang nababanggit na problema sakin noon, so ano bang rason niya at ginanito niya ko.
Nagulat ako nung biglang may yumakap sakin.
"Umiiyak ka na naman"- sabi ni jeff habang hinahaplos yung buhok ko. Naiiyak ako lalo sa ginagawa niya eh, ginagawa kc ni Justine sakin lagi yun pag umiiyak ako.
"Grace naman maawa ka naman sa sarili mo, ilang months ka nang ganyan."- sabi niya saka niya ko tinignan, bumuntong hininga muna siya bago siya magsalita ulit
" Ito lang ha payong kaibigan lang, kung talagang mahal ka niya hindi siya makikipagbreak sayo nang ganun ganun lang. Lalaki rin ako Grace, kung ako may gf na mahal na mahal ko hindi ako makikipagbreak sa kaniya hindi katulad nang ginawa niya sayo. Kung mahal ka talaga niya di ka niya hahayaang magkaganyan, hindi ka niya hahayaang masaktan nang ganiyan and lastly kung mahal ka talaga niya hindi siya maghahanap nang iba."
Hanggang sa matapos siya magsalita nakatitig lang siya sakin at ganun rin ako. Hindi ko alam pero parang may tumutusok sa dibdib ko, parang natatamaan ako sa mga sinabi niya. Hindi lang siya ang nagsabi sakin niyan, ilang beses ko na narinig kila anne yung mga sinabi niya pero kahit na alam kong ganun , parang ayaw kong maniwala.
"Tama na to please lang, you don't deserve this. Hindi mo kailangang maging ganito, wala kang mapapala sa ginagawa mo sa sarili mo. Sa tingin mo ba may magbabago sa ginagawa mo? Matalino ka Grace kaya sana gamitin mo yang talino mo ngayon para isipin kung tama ba yang ginagawa mo."- sabi niya at tumayo na, tapos na pala yung first subject.
"What the..." - nasabi ko na lang kasi may humila sakin, may mga pala dahil dalawa silang humila sakin. Si jeff at c vince
"Nalate ka na sa first subject wag mo sabihing gusto mo ring malate sa second subject" - sabi ni vince
"May magagawa pa ba ko eh hila hila niyo na ko"- pagmamaktol ko sa kanila
Binitawan naman nila ako kaagad kaya lang inakbayan naman nila kong dalawa, pambihira talaga tong dalawa.