*the number you have dialed is now unattended or out of coverage area please try again later*
haysst nakakainis nakailang missed calls at texts na ko sa kaniya pero ni isang reply wala akong nakuha.
"Grace walang kasalanan yung spaghetti sayo ha"
"Ha?" - tanong ko kay john at tinuro naman niya yung kinakain ko.
Oh my gosh parang na massacre na yung spaghetti.
"Wag mo nga muna problemahin yun, hayaan mo siya. Anong klaseng boyfriend siya at di man lang siya nakapagsabi sayo."- inis na sabi ash saka uminom nang iced tea
"Wag problemahin pala ash ha, makapagsabi ka diyan wagas"- sabi ni anne
"Pero seryoso guys, bakit kaya di nagsabi si Justine"- sabi ni john saka niya kami tingnan isa isa
Ou nga bakit nga kaya, kahit sakin man lang sana na girlfriend niya.
"Oh grace namumula ka na naman"- sabi ni ash sakin kaya tiningnan ako nila anne
"Hala ou nga"-anne
"Eh sa nakakainis siya eh"- inis na sabi ko saka ko inis na binaba yung tinidor.
" Woah kalma lang be, sobrang pula mo na alam mo namang bawal sayo mamula. Sige ka baka mapano ka niyan"- sabi ni anne sakin, tama nga naman siya
Pinakalma ko naman yung sarili ko, saka ako tumingin sa labas nang Jollibe at...
"Grace san ka pupunta?"- tanong ni ash sakin pagtayo ko
pero di ko siya sinagot, lumabas ako nang jollibee at hinanap yung nakita ko kanina.
Pero di ko na siya makita, namalikmata lang ba ko o siya talaga yun.
" Grace bakit ba basta basta ka na lang lumalabas ha"- sabi ni anne
"Sorry be, parang nakita ko kasi si Justine kanina kaya lang di ko naabutan"- sabi ko sabay pasok ulit sa loob at nangalumbaba
"Sure ka bang si Justine yun?"-tanong ni ash
" I'm not sure, at tsaka impossible atang siya yun kasi may kaholding hands siya eh. Kaya impossible, di niya magagawa sakin yun"
Di talaga niya magagawa yun, di niya gagawin sakin yun. Mahal niya ko di ba? Di ba? Impossibleng mangyari yun, impossible.
Nagulat ako nang biglang may yumakap sakin, niyakap ako nila anne at john
"Wag ka nang umiyak be, di naman niya magagawa sayo yun. Mahal na mahal ka ni Justine"- sabi ni anne habang yakap yakap ako saka hinahagod yung likod ko
Di ko namalayang kanina pa pala ako umiiyak, sino ba naman kasi hindi masasaktan dun. Di man lang siya nagpaalam na aalis siya, wala man lang siya nasabi saking magtratransfer siya. Yung totoo girlfriend pa rin ba turing niya sakin? wala pa kaming 1 month pero ganito na nangyayari.
Di man lang ba niya naiisip na may girlfriend siyang nag-aalala sa kanya, na may girlfriend siyang naghahanap sa kanya, o baka naman nakalimutan niyang may girlfriend siya.
" Lika na umuwi na tayo, para makapagpahinga ka na pagod ka pa sa biyahe niyan."- sabi ni anne pagkakalas niya sa pagkakayakap sakin.
Yung plano kong pagsorpresa sa kanya, mas malala pa yung naging sorpresa niya sakin.
Buong biyahe nakatingin lang ako sa labas nang kotse, bakit ba nangyayari to ngayon akala ko ok na lahat.
"Grace umiiyak ka na naman"- sabi ni john saka niya ko niyakap, siya kasi yung katabi ko sa left side ko, katabi ko naman yung bintana sa right side.
" Grace"
Bakit parang may tumatawag sakin
"Grace"
Oh ayun na naman.
"Grace gising na, nandito na tayo"
Pagdilat ko, nakita kong nandito pa pala kami sa kotse at kanina pa ata nila ako ginigising. Tumingin naman ako sa labas at nakitang nandito kami sa bahay naming magbabarkada.
Nagpagawa kami nang bahay namin, para pag gusto namin mag outing or sleep over dito kami pupunta. Maganda kasi yung view dito at malapit lang sa dagat, at tsaka maraming pwedeng gawin dito hindi ka magsasawang pumunta dito.
Kaya this is the perfect place for us, pero nakakalungkot lang kasi ngayong nandito na ko, siya naman ang wala. Nandito lagi yung barkada eh ako lang yung kulang, ngayon siya naman ang wala.
*bzzzzt* *bzzzzt*
Nagvibrate yung cp ko, kaya tiningnan kung sino nagtext.
From: Daddy <3
I have something to say to you, You know where, lets meet now.
Ano daw? teka bakit bigla akong kinabahan, no no no grace di naman siguro yun. Mali ka nang iniisip grace, kumalma ka.
"Guys may pupuntahan lang ako ha, bye"- sabi ko sa kanila na may kani kaniyang ginagawa
" Gusto mo bang samahan ka namin?"-tanong ni ash
"Hindi na be, ok lang naman ako"- pagkasabi ko nun tumakbo na agad ako palabas baka di pa ko makaalis niyan, tatanungin lang ako nang tatanungin nang mga yun.
Nandito na ko sa favorite place namin ni Justine, nakita ko siyang nakaupo sa may bench kaya pinuntahan ko siya.
" Hai Daddy, happy birthday"- bati ko sa kanya habang ngiting ngiti, kaya lang nawala yung ngiti ko nung tiningnan niya ko.
"Daddy bat ganyan ka makatingin, may nagawa ba ko?"- tanong ko sa kanya, tumingala ako para di ako tuluyang maiyak.
Pero di ko akalaing dahil sa sinabi niyang yun, di ko na napigilang umiyak. Bakit niya nagawa sakin to, nagsisinungaling lang siya di ba? joke lang yun di ba?
May nagawa ba kong mali? di na ba niya ko agad mahal? Para sabihing...
" Let's break up"