Chereads / The Baklush Has Fallen / Chapter 52 - Chapter 51 : Revelation (Part 3)

Chapter 52 - Chapter 51 : Revelation (Part 3)

"Are you ready, Mon? We'll go to the airport now," paalala sa'kin ni Tito Liu. Hindi ko na lang 'yon pinansin. Wala na rin naman akong choice, eh. Muli ko na lang tinawagan si Chal Raed, pero ayaw talagang sumagot, pati na rin si Spade at Third, wala talaga!

"Still can't be reached?" tanong naman ni Jazz at tumango lang ako. "I called his Dad and even Miss TS, but they're all unattended, maybe they're busy on Miss Chary's case," dagdag pa niya.

"Hindi ba babalik tayo a week after my surgery?" tumango naman si Jazz, "sige, sasabihin ko na lang sa kanya 'to, at ipapangako kong babalik ako agad matapos ang isang linggo," dagdag ko at ngumiti lang siya sa'kin.

Nag message ako kay Chal Raed, pati na rin sa gmail, facebook, and nag direct message ako sa kanya sa twitter at instagram, nag send na rin ako ng voice mail para sigurado talagang alam niya. Haay. Mamimiss ko siya sobra!

***

Pagdating namin ng Canada ay agad kaming nagtungo sa bahay ng mga Powers. Habang nag-uusap sila ay binuksan ko agad ang social media accounts ko, pero wala man lang siyang reply.

Sige, alam kong busy ka, pero sana man lang sumagi ako sa isip mo kahit isang minuto.

Pero, syempre hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong nangyari bago ako nahimatay—hindi man lang niya ako nilapitan at tinulungan. Pero, okay lang, naiintindihan ko siya. Gulong-gulo rin siguro siya. Haay.

***

Pinakilala nila ako sa mga Powers dito at sobrang tuwa nila, lalo na si Lola Gem, kung saan siya ang nagpangalan sa'kin-Gemini Fria Powers, iyan ang totoo kong pangalan. Sobrang ganda, pero mas gusto ko pa rin itong Maundy.

"Come here, Mon, andito na 'yong mag-aayos ng buhok mo," sinamahan ako ni Jazz papunta sa mini salon ng bahay nila. Kailangan kong ibalik sa dating natural color ang buhok ko. Ang pagkululay kasi ng buhok ay isang dahilan kung bakit na trigger ang leukemia ko.

"Nag-iba 'yong itsura ko," natatawa kong sabi matapos tuluyang matanggal ang purple na kulay ng buhok ko. Huhuhu, mamimiss ko si Maundy na purpled hair!

"You're still gorgeous," nakangiting sabi ni Jazz.

"Jazz," napatingin siya sa'kin, "kaya pala kamukha ako ng Tita mo, nanay ko pala siya," nakangiti kong sabi.

"You're right," aniya. "Who would have thought na we're cousins? Hahaha! Muntik pa akong mahulog sa'yo." Sinabi niya na kasi 'yong dahilan ba't siya umalis. Tsk, alam ko na naman.

"Iw, Jazz," diring-diri ko kunyaring sabi at ginulo niya naman ang buhok ko.

"Just kidding. Kaya pala gustong-gusto kong alagaan ka, kaya pala kahit umpisa pa lang ay sobrang malapit na ako sa'yo."

"Blood is indeed thicker than water," nakangiti kong sabi at napangiti rin siya.

"Pero, siguro hindi mo na 'to natatandaan, crush na crush ka na ni Spade noon pa. You were his first crush, kaya no'ng nalaman niyang w-wala ka na, he cried for the whole day," natatawa pang sabi niya. So, matagal na pala kaming nagkakilala ni Spade.

"S-Si Chal Raed? Magkakilala na ba kami?" tanong ko.

"No, nasa abroad pa siya no'n, si Spade lang 'yong andito dahil sama siya nang sama kay Miss TS kahit sa'n magpunta," sagot niya.

"A-Ahh," ang tanging nasabi ko.

"Miss him?" tanong niya at sobrang laki talaga ng pagtango ko. "Intinidihin mo muna siya, marami 'yong iniisip, but trust me, miss na miss ka na rin no'n," dagdag pa niya.

"Bakit kaya kung saan okay na okay na ang lahat, biglang nagkagan'to? Mapaglaro talaga ang tadhana, 'no?"

"Life is indeed interesting, Mon. There are lots of challenges, pero I know you, guys, can overcome this."

Ilang sandali lang ay may kumatok at pumasok ang isang katulong, "a phone call for you, Miss Maundy," nakangiting sabi niya.

Tinanggap ko 'yon agad, "hello?" pagbati ko.

"M-Maundy?"

"K-Kuya? Kuya Mico!"nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Huhuhu, miss ko na siya! Natinag ako nang sumenyas si Jazz na lalabas muna at hinayaan ko lang siya. "Kuya," muling usal ko.

"H-How...are you?" his voice is cracking. Damn! Gustong-gusto ko siyang makita at mayakap.

"Hindi ako okay, Kuya, dahil alam kong hindi ka okay," umiiyak kong sabi.

"Shhh, don't be like that, Love, pinag-aalala mo 'ko," aniya.

"Kuya, asan ka? Sina Kuya Mayvee, Kuya Messle, si Miracle, asan sila?"

"Nasa trabaho si Messle at Mayvee, si Miracle nasa eskwelahan, ako n-nasa bahay."

"Kuya, stop lying, I heard whistles there and other voices."

"Alright. Nasa police station ako."

This time, mas lalo akong humagulgol, "K-Kuya, s-sabihin mong 'di ka nahihirapan diyan," pakiusap ko.

"Mahihirapan talaga ako kapag iyak ka nang iyak," aniya at pinilit ko na lang 'yong sarili kong tumahan. "Don't worry too much about me, Love, I can handle this, and thank to the Powers tinutulungan talaga nila ako despite of what I've done, despite of keeping you, instead of telling them who you really are. Kaya please, Maundy, magpagaling ka agad at sana, sana makita ka pa rin namin."

"Kahit na nalaman kong isa akong Powers hindi pa rin magbabago na kapatid ko kayo, babalik ako sa inyo, Kuya, promise."

"Thank you for growing such a good person, Maundy."

Napangiti ako. Lumaki akong gan'to dahil sa galing nilang dumisiplina. "K-Kuya, alam kong 'di totoo 'yong inaakusa sa'yo ng Mommy ni Chal Raed, 'di ba?" tanong ko. Iyan talaga ang gustong-gusto kong malaman.

"It wasn't a rape, I didn't do it on purpose, pero mukhang gano'n na rin," natahimik ako, ramdam na ramdam ko sa boses ni Kuya ang pagsisisi, "I was first year high school that time nang maging teacher ko si Chary. At the middle of the school year, unexpectedly naging close kami. Lagi kaming nagkikwentuhan na parang magkaibigan lang, minsan nakakalimutan kong she's my teacher. As days passed by, I know I developed feelings for her, but I kept it, kasi sobrang bawal, lalo na't may anak siya kahit na divorce na sila ni Mr. Alonzo. After our High School graduation, nagkayayaan 'yong buong section na mag outing, lahat sumama as well as si Chary dahil siya 'yong adviser namin no'ng Fourth year. At the middle of the night, nagkayayaan nang uminom, nagkasiyahan at kung anu-ano nang pinaggagawa. I was a bit tipsy na rin at lasing na lasing na talaga si Chary."

Tahimik lang akong nakikinig kay Kuya habang nagkikwento siya. Gusto kong magbigay ng reaction paper, like, ba't niya nagustuhan si Miss Chary, eh hindi naman maganda ang ugali niya! Haay!

"Napagdesisyonan kong ihatid na siya sa kwarto niya. After I lay her in bed, I was about to go out, but she called me, saying it's so hot and she requested me to turn on the air-condition. She then started undressing herself. I admit, it was very tempting, but I controlled myself. When only her undergarments were left, kinumutan ko siya agad, but she held my hand, and after that, hindi ko na napigilan."

Damn it! Mapanlilang din pala siya! Inakit niya lang si Kuya! Huhuhu.

"That was the biggest mistake I've made 10 years ago na lagi kong pinagsisisihan," hindi mo kasalanan ang lahat, Kuya, "After that day, she was gone, walang miski isa ang nakakaalam kung asan siya. I shared what happened to Ion at narinig pa nga 'yon ni Lola Mona, dahilan para layuan niya ako and I still don't know if she has forgiven me already."

Kaya pala gano'n na lang ang sinabi ni Kuya Ion, may alam pala siya, at kaya pala ang weird ni Lola nang malaman na Alonzo ang boyfriend ko and she even says good luck sa amin ni Chal Raed no'ng bumalik kaming Maynila. Kaya pala.

"After a year, nabalitaan namin na nagkaanak si Chary and the last time na nakita siya ay sa mental hospital. Halos pinuntahan ko lahat ng mental hospital makita lang siya, pero nang matagpuan ko kung saan ang sabi ng mga nurse may kumuha sa kanyang foreigner at dinala ito sa ibang bansa. I asked if ilang taon na 'yong bitbit niyang anak and they say, isang taon pa lang. T-That time, I was certain, it was mine lalo na no'ng makita ko 'yong istura ng anak ni Chary, he really resembles me."

God! Nagkaanak sila ni Kuya? Kung sakaling totoo kaming magkapatid parang ang complicated ng lahat. 'Yong anak ni Kuya kapatid ni Chal Raed, tapos pamangkin ko siya. Huta! Ang hirap intindihin.

"Kaya umpisa pa lang tutol akong magtrabaho ka sa mga Alonzo, pero ang tigas ng ulo mo, eh, at gustong-gusto mo talagang magtrabaho ro'n at dahil mahal kita hinyaan ko na lang. Pero nang malaman kung liligawan ka ni Chal Raed mas lalo akong nabaliw no'n, Mon, I was damn scared, kaya inayawan ko agad na ligawan ka niya, pero after seeing your smile when you're with him, naisip ko na hindi ko dapat kayo sinasali sa kasalanan ko sa mga Alonzo, ako ang gumawa no'n kaya hindi dapat kayo madamay, kaya pinayagan ko siyang ligawan ka. But, Mon, sorry for this, alam kong you hardly can talk to him at hindi mo siya kasama ngayon diyan, it's all because of me. I'm sorry, I'm really sorry."

"S-Stop saying sorry, Kuya. Siguro nakatakdang mangyari 'to, labanan na lang natin," pinahiran ko 'yong mga mata ko. Sobrang hapdi na nito, pero ayaw pa rin talagang tumigil ng mga luhako kaka-agos. Tsk! "K-Kuya, I know you were just blinded by love kaya nagawa mo 'yon kay Miss Chary, sana, sana dumating 'yong panahon na mapatawad ka niya at bigyan ka niya ng karapatan na makilala ang anak niyo."

"You're not mad at me?"

"Why would I? Imbis na magalit ako sa'yo, Kuya, iintindihin kita. Besides, it's already part of the past, ang ngayon na lang 'yong iisipin natin. Gan'to ang tunay na magkapatid, it may not be by blood, but by heart. I miss you, Kuya, lumaban ka lang ha, lalaban din ako rito."

"I miss you more, Love. Don't worry we'll overcome this. Pagbalik mo rito dapat okay ka na, ha. And, I'm sorry for keeping you your illness, natakot lang akong sabihin sa'yo at baka mag hysterical ka, 'di ko kakayanin."

"It's okay, Kuya, huwag ka nang mag-aalala, naiintidihan kita."

"I need to end this, Love, may limit kasi rito, eh. I'll call you again later, pagdating ni Mayvee."

"Kuya, h-hindi na kita makakausap mamaya dahil o-operahan na ako. Sabihin mo na kina Kuya Mayvee, Messle, at Miracle na miss na miss ko na sila."

"I will, Maundy."

"I love you, Kuya, fighting!"

"I love you more," then, the line went down.

Pinunasan ko ulit 'yong luha ko at lumabas na rito sa mini salon ng mga Powers. Sinalubong naman ako agad ni Daddy, "you okay?" tanong niya.

"Opo," nakangiting sagot ko.

"Let's go to the hospital?" tanong niya at tumango ako agad.

I'll do this for you, Kuya Mico, Mayvee, Messle, at Miracle, syempre sa mga Powers, and of course para sa'yo, Chal Raed. Nakakainis ka! Miss na miss na kita!